You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ___________
DIVISION OF __________
___________ District
___________SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Pangalan: __________________________________________________ Petsa: __________________
Baitang/Pangkat: ____________________________________________ Iskor: __________________

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa patlang bago ang
bilang ang letra ng iyong napiling sagot.

1. May bagong lipat na pamilya malapit sa inyong bahay. Nakita mo na abalang abala sila
sa paghahakot ng kagamitan sa loob ng bago nilang bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin sila. C. Hindi na lang papansinin.
B. Sasabihin sa nanay at tatay. D. Tutulungan at bibigyan ng maiinom.

2. Luma at kupas ang ginagamit na bag ng is among kapitbahay, mayroon kang


pinaglumaan na mas maayos pa kaysa dito. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ibibigay ito sa kanya. C. Ipagbibili ito sa kanya.
B. Itatago na lamang ito. D. Ipakikita lamang ito sa kanya.

3. Walang tao sa inyong kapitbahay at narinig mo ang malakas at madalas na pagtahol ng


aso nila. Paano mo ipakikita ang malasakit sa kanila bilang isang mabuting bata?
A. Babatuhin ang aso. C. Lalaruin ang aso..
B. Bibigyan ng inumin at pagkain. D. Papupuntahin ang ate at kuya.

4. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili sa tindahan. Madilim ang daan patungo sa


tindahan. Susunod ka ba?
A. Opo. B. Hindi po. C. Hindi papansinin D. Maari din naman

5. Dumating ang kapatid na babae ng iyong tatay mula sa probinsya upang magbakasyon sa
inyo. Paano mo siya tatawagin ng may paggalang?
A. Tiya B. Tiyo C. Manang D. Manong

6. Mayroon kangbagong kaklase buhat sa ibang lugar . Ano ang iyong gagawin upang siya
ay maging kaibigan?
A. Pagtatawanan siya C. Hindi siya papansinin
B. Magppakilala sa kanya D. Tutuksuhin agad siya

7. Naubusan ng papel ang iyong kamag-aral. Ano ang dapat mong gawin?
A. Bibigyan siya ng papel C. Hindi mo na papansinin
B. Pagtatawanan mo siya D. Pagbibilhan siya ng papel.
8. Napansin mong nakaupo lamang sa isang tabi ang is among kaklase tuwing oras ng rises
dahil wala siyang baon. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi mo siya papansinin. C. Pagtatawanan mo lang siya.
B. Pagmamasdan mo lang siya. D. Bibigyan mo siya ng pagkain.

9. Lumabas sandal ng silid ang iyong guro upang dumalo ng biglang meeting. Ano ang
dapat gawin ng mga batang naiwan sa loob ng silid-aralan?
A. Magbasa ng tahimik.. C. Maglaro at maghabulan
B. Magkuwentuhan agad D. Matulog na lamang muna

10. Hindi makalakad nang maayos ang is among kaibigan dahil namamaga pa ang paa niya
sanhi ng akssidente. Paano mo siya tutulungan?
A. Aakayin at ipagdadala ng gamit. C. Hindi na lang siya papansinin.
B. Ikakahiya na siya ay pilay. D. Pasasabayin sa ibang kaklase.
Panuto: Kilalanin ang tinutukoy na katangian ng sumusunod. Piliin at isulat ang tamang
sagot sa patlang.

11. Si Ana ay laging nakangiti. Marami siyang kaibigan at kakilala sa loob at labas ng paaralan.
Siya ay isang batang _________________________.
A. matalino B. palakaibigan C. maaasahan D. matapat

12. Pinatuloy, pinaupo at binigyan ng malamig na maiiinom ng batang si Carlo ang kanilang
panauhin. Ipinakikita niya ang pagiging _________________________________.
A. magiliw B. mapagmahal C. mapagkakatiwalan D. maagap

13. Binibigyan ni Marie ng pagkain ang mga pulubi, inaakay niya ang batang may kapansanan
na nakikita, sinusunod niya ng kusang loob ang mg autos ng magulang at guro. Amga katangian
ni Marie ay patunay na siya ay ___________________________.
A. pagmamalaki B. masipag C. pakikipagkapwa-tao D. mahiyain

14. Kilala siya sa pagiging magiliw, palakaibigan at mahusay sa pagtanggap ng panauhin ang
mga _________.
A. Amerikano B. Intsik C. Hapon D. Pilipino

15. Tinutulungan ni Allan ang kamag-aral na nadapa dahil sa malaking batong nakaharan sa
daanan. Siya’y batang ______________________________________.
A. magalang B. matulungin C. masunurin D. matipid

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung
wasto ang kaisipan at Mali kung di wasto.

16. Bigyan ng maiinom ang bagong lipat na kapitbahay na wala pang linya ng tubig.

17. Patuluyin at paupuin ang kapitbahay na nakikipagpakilala.

18. Gumamit ng magagalang na pantawag sa mga kasapi ng mag-anak.

19. Magtira ng pagkain sa ate at kuya na hindi pa kumakain.

20. Isali sa laro ang lipat na kamag-aral.


21. Tulungan ang kaklaseng hanapin ang nawawalang krayola.

22. Tawagin sa tunay na pangalan ang guro kapag wala pa sa loob ng silid at hindi nito
naririnig.

23. Gumawa ng kusang loob ng mga gawain sa loob ng paaralan.

24. Pagtawanan ang batang bulag na nakasuot ng salaaming may kulay kapag pumapasok sa
loob ng silid aralan.

25. Isumbong sa guro ang kaklase na laging nanunukso sa isang kaklase na may kapansanan.

Panuto: Gumawa ng usapan/ komik strip na nagpapakita ng pagtulong sa kapwa bata na may
kapansanan.
26-30.

You might also like