You are on page 1of 4

Southern Luzon Christian Mission Inc.

BARNABAS CHRISTIAN SCHOOL INC.


Brgy. Maravilla, Nagcarlan Laguna
School ID: 407813

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Pangalan: __________________________________________________
Petsa: _____________________________________________________
Baitang/Pangkat: ____________________________________________
Iskor: __________________

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa patlang


bago ang bilang ang letra ng iyong napiling sagot.

1.May bagong lipat na pamilya malapit sa inyong bahay. Nakita mo na


abalang abala sila sa paghahakot ng kagamitan sa loob ng bago nilang
bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin sila. C. Hindi na lang
papansinin.
B. Sasabihin sa nanay at tatay. D. Tutulungan at bibigyan
ng maiinom.

2. Luma at kupas ang ginagamit na bag ng aming kapitbahay, mayroon kang


pinaglumaan na mas maayos pa kaysa dito. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ibibigay ito sa kanya. C. Ipagbibili ito sa
kanya.
B. Itatago na lamang ito. D. Ipakikita lamang ito
sa kanya.

3. Walang tao sa inyong kapitbahay at narinig mo ang malakas at madalas na


pagtahol ng aso nila. Paano mo ipakikita ang malasakit sa kanila bilang
isang mabuting bata?
A. Babatuhin ang aso. C. Lalaruin ang aso..
B. Bibigyan ng inumin at pagkain. D. Papupuntahin ang
ate at kuya.

4. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili sa tindahan. Madilim ang daan


patungo sa tindahan. Susunod ka ba?
Southern Luzon Christian Mission Inc.
BARNABAS CHRISTIAN SCHOOL INC.
Brgy. Maravilla, Nagcarlan Laguna
School ID: 407813

A. Opo. B. Hindi po. C. Hindi papansinin


D. Maari din naman

5. Dumating ang kapatid na babae ng iyong tatay mula sa probinsya upang


magbakasyon sa inyo. Paano mo siya tatawagin ng may paggalang?
A. Tiya B. Tiyo C. Manang
D. Manong

6. Mayroon kangbagong kaklase buhat sa ibang lugar . Ano ang iyong gagawin
upang siya ay maging kaibigan?
A. Pagtatawanan siya C. Hindi siya
papansinin
B. Magppakilala sa kanya D. Tutuksuhin agad
siya

7. Naubusan ng papel ang iyong kamag-aral. Ano ang dapat mong gawin?
A. Bibigyan siya ng papel C. Hindi mo na
papansinin
B. Pagtatawanan mo siya D. Pagbibilhan siya ng
papel

8. Napansin mong nakaupo lamang sa isang tabi ang is among kaklase tuwing
oras ng rises dahil wala siyang baon. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi mo siya papansinin. C. Pagtatawanan mo
lang siya.
B. Pagmamasdan mo lang siya. D. Bibigyan mo siya
ng pagkain.

9. Lumabas sandal ng silid ang iyong guro upang dumalo ng biglang meeting.
Ano ang dapat gawin ng mga batang naiwan sa loob ng silid-aralan?
A. Magbasa ng tahimik.. C. Maglaro at
maghabulan
B. Magkuwentuhan agad D. Matulog na
lamang muna
Southern Luzon Christian Mission Inc.
BARNABAS CHRISTIAN SCHOOL INC.
Brgy. Maravilla, Nagcarlan Laguna
School ID: 407813

10.Hindi makalakad nang maayos ang is among kaibigan dahil namamaga pa


ang paa niya sanhi ng akssidente. Paano mo siya tutulungan?
A. Aakayin at ipagdadala ng gamit. C. Hindi na lang siya
papansinin.
B. Ikakahiya na siya ay pilay. D. Pasasabayin sa
ibang kaklase.
Panuto: Kilalanin ang tinutukoy na katangian ng sumusunod. Piliin at isulat
ang taman sagot sa patlang.

11. Si Ana ay laging nakangiti. Marami siyang kaibigan at kakilala sa loob at labas
ng paaralan. Siya ay isang batang _________________________.
A. matalino B. palakaibigan C. maaasahan
D. matapat

12. Pinatuloy, pinaupo at binigyan ng malamig na maiiinom ng batang si Carlo ang


kanilang panauhin. Ipinakikita niya ang pagiging
_________________________________.
A. magiliw B. mapagmahal C. mapagkakatiwalan
D. maagap

13. Binibigyan ni Marie ng pagkain ang mga pulubi, inaakay niya ang batang may
kapansanan na nakikita, sinusunod niya ng kusang loob ang mg autos ng magulang
at guro. Amga katangian ni Marie ay patunay na siya ay
___________________________.
A. pagmamalaki B. masipag C. pakikipagkapwa-tao
D. mahiyain

14. Kilala siya sa pagiging magiliw, palakaibigan at mahusay sa pagtanggap ng


panauhin ang mga _________.
A. Amerikano B. Intsik C. Hapon D. Pilipino
Southern Luzon Christian Mission Inc.
BARNABAS CHRISTIAN SCHOOL INC.
Brgy. Maravilla, Nagcarlan Laguna
School ID: 407813

15. Tinutulungan ni Allan ang kamag-aral na nadapa dahil sa malaking batong


nakaharan sa daanan. Siya’y batang
______________________________________.
A. magalang B. matulungin C. masunurin D.
matipid

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang


Tama kung wasto ang kaisipan at Mali kung di wasto.

16. Bigyan ng maiinom ang bagong lipat na kapitbahay na wala pang linya ng
tubig.

17. Patuluyin at paupuin ang kapitbahay na nakikipagpakilala.

18. Gumamit ng magagalang na pantawag sa mga kasapi ng mag-anak.

19. Magtira ng pagkain sa ate at kuya na hindi pa kumakain.

20. Isali sa laro ang bagong lipat na kamag-aral.

21. Tulungan ang kaklaseng hanapin ang nawawalang krayola.

22. Tawagin sa tunay na pangalan ang guro kapag wala pa sa loob ng silid at
hindi nito naririnig.

23. Gumawa ng kusang loob ng mga gawain sa loob ng paaralan.

24. Pagtawanan ang batang bulag na nakasuot ng salaaming may kulay kapag
pumapasok sa loob ng silid aralan.

25. Isumbong sa guro ang kaklase na laging nanunukso sa isang kaklase na


may kapansanan.

You might also like