You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 6

Pangalan:_________________________________Baitang: ________Score:_____
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Nahuli mong binubuksan ng isa mong kamag-aral ang bag ng inyong guro. Ano ang
gagawin mo?
a. Hindi ka dapat makialam.
b. Tulungan ang iyong kamag-aral sa pagbubukas ng bag.
c. Sabihin sa guro ang nangyari.
d. Kunwaring wala kang nakita.
2. Natutulog ang nanay mo at narinig mong umiiyak ang nakababata mong kapatid. Naisip
mong gutom na siya. Alin ang mainam mong gawin?
a. Ipagtitimpla mo siya ng gatas upang tumahan.
b. Hindi mo papansinin ang pag-iyak niya.
c. Aantayin mong gumising si nanay.
d. Aawayin mo siya at papaluin.
3. May pagsusulit kayo sa EsP ngunit wala kang bolpen. May nakita kang bolpen sa ilalim ng
upuan mo. Ano ang dapat mong gawin?
a. Kukunin at sasagutan ang pagsusulit.
b. Tatanungin ang tunay na may-ari bago hiramin.
c. Hihiramin muna bago hanapin ang tunay na nagmamay-ari ng bolpen.
d. Kunin ang bolpen at itago sa bag.
4. Ikaw ang lider ng inyong pangkat at nangako kang ikaw ang magdadala ng mga
kagamitan para sa pangkatang gawain. Ano ang gagawin mo?
a. Tutuparin ang pangako.
b. Magdadala ng para sa sarili lamang.
c. Manghihiram na lamang sa ibang kamag-aral.
d. Magkunwaring nakalimutan mo.
5. Kasalukuyang nanonood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon nang may tumawag
na matandang babae na humihingi ng tubig na maiinom. Hindi mo siya kilala. Ano ang
gagawin mo?
a. Hindi mo siya papansinin.
b. Itatanong mo muna kay nanay kung maari mo siyang bigyan ng tubig.
c. Bibigyan mo siya ng maiinom na tubig.
d. Hayaan lang siya hanggang sa umalis.
6. May gagawin na Portfolio bilang proyekto sa ESP ang klase nila Shane ngunit hindi siya
masyadong nakapakinig sa kanilang guro habang binibigay nito ang tamang hakbang sa
paggawa dahil masama ang kanyang pakiramdam. Malugod naman ipinahiram sa kaniya ni
Lorna ang kanyang natapos na Portfolio dahil gusto nitong magawa niya nang maayos ang

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

kanyang proyekto. Napagkasunduan nilang dalawa na iingatan ni Shane nang mabuti ang
portfolio at ibalik din kaagad kinabukasan. Ano kaya ang nararapat gawin ni Shane?

A.Kumain ng miryenda habang binubuklat ang Portfolio ni Lorna at ginagawa naman


ang kaniyang Portfolio.
B.Ipapatong kahit saan-saan ang hiniram na Portfolio total hindi naman ito
malalaman ni `Lorna.
C. Ipagpaliban muna ang paggawa ng Portfolio at sasabihing sa susunod na araw na
lang niya ibabalik dahil masama ang kanyang pakiramdam at hindi niya magagawa
ito ngayon.
D.Iingatan niyang mabuti habang nasa kanyang poder pa ito at ibabalik kinabikasan
ayon sa kanilang napagkasunduan.

_____7.Nagpasya kayo ng mga kaibigan mong manood ng sine sa mall. Nakatakda kayong
magkita- kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa simbahan ng ika-3 ng hapon. Pero hindi
dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mo na nauna na pala sila sa mall. Ano ang
magiging reaksyon mo?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Aawayin ko sila at hindi na makipagkaibigan.
C. Uuwi nalang ako dahil hindi sila tumupad sa usapan.
D. Kakausapin sila ng mahinahon tungkol sa nangyari at pagsasabihan na hindi
tama ang ginawa nila.
____8. Magkakaroon ng paligsahan sa pagguhit ang inyong paaralan. Gustong-gusto sanang
sumali ng kaibigan mo ngunit wala siyang gamit. Pinahiraman mo siya ng gamit. Nangako
siya na ibabalik niya agad ito pagkatapos ng paligsahan. Lumipas ang ilang araw at natapos
na ang paligsahan ngunit hindi pa rin niya ibinabalik ang kanyang hiniram. Ano ang
magiging reaksiyon mo rito?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Iiyak at hindi na papahiramin ng gamit.
C. Kakausapin at sabihin ang totong naramdaman sa nangyari.
D. Papagalitan ko siya dahil hindi pa niya binalik sa takdang oras ang gamit mo.
_____9. Si Sarah at Pat ay nagkasundong magsisimba tuwing Linggo. Sa di inaasahang
pangyayari hindi nakasimba si Pat, ano ang mararamdaman ni Sarah sa pagkakataong ito?
A. Magagalit kay Pat dahil hindi siya nagsimba.
B. Aalamin ang dahilan kung bakit hindi nakasimba si Pat.
C. Matutuwa si Sarah dahil hindi niya makakasama si Pat sa pagsimba.
D. Kakalimutan na niya si Pat dahil sa hindi pagtupad sa napagkasunduang
pagsisimba.
_____10. Pinayagan ka ng iyong nanay na dumalo sa kaarawan ng kaibigan mo at
nangakong uuwi sa takdang oras. Ngunit pinipilit ka ng mga kaibigan mo na huwag munang
umuwi. Ano ang gagawin mo?
A. Mag-eenjoy ako hanggat gusto ko.
B. Hindi ko nalang pansinin ang nanay kapag magalit sa akin.
C. Hindi ako uuwi sa takdang oras kahit mapagalitan ng nanay.

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

D. Ipapaliwanag ko sa mga kaibigan ko na nangako ako sa aking nanay na dapat ko


itong tuparin at upang hindi ako mapagalitan.

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
kuwaderno.
11. Nangako ka sa iyong kaibigan na bibigyan mo siya ng damit kung pakokopyahin ka niya
sa pagsusulit. Tama ba ito?
A. Oo, kasi lahat ng pangako ay may kapalit din.
B. Hindi, dahil ang pangako ay tapat at taos sa puso.
C. Oo, dahil magkaibigan naman kayo.
D. Wala sa nabanggit.
12. Si Juan ay isang batang may ambisyon sa sarili at ipinangako niya na magtatapos siya
ng pag-aaral kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok nakaniyang haharapin. Kung ikaw si
Juan, ano ang gagawin mo para maabot ang iyong mga pangarap?
A. Ipapangako sa sarili na magsusumikap para maabot ang pangarap.
B. Ipapangako sa sarili na magkaroon ng disiplina sa sarili.
C. Ipapangako sa sarili na maging mabuti at mabait na bata.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
13. Paano mo tutuparin ang isang pangako?
A. Tutuparin ito na buo ang loob.
B. Tutuparin ito na bukal sa kalooban.
C. Tutuparin ito na may kahalong yamot.
D. Ang titik A at B ay tama.
14. Ano ang gagawin mo sa isang pangakong di natupad?
A. Hihingi ng kapatawaran dahil sa hindi pagtupad nito.
B. Maging leksyon na huwag mangako kung di kayang tuparin.
C. Gawin itong inspirasyon upang baguhin ang sarili.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
15. Ano ang gagawin mo sa isang taong nabigong tuparin ang pangako niya sa iyo? A.
Magalit at magtanim ng sama ng loob.
B. Kausapin upang maintindihan ang rason kung bakit hindi niya natupad ang
kaniyang pangako.
C. Ipagkalat na masama siyang tao sa kadahilanang hindi niya natupad ang kaniyang
pangako.
D. Huwag mo ring tuparin ang pangako mo sa kaniya

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat ang salitang NATUPAD kung ito ay
nagsasabi ng katuparan sa pinagkasunduan at DI NATUPAD naman kung hindi.
Isulat ang iyong mga sagot sa kuwaderno.
______________ 16. Si Boy ay mahilig sumayaw. Mayroong awdisyon sa pagsayaw sa
kanilang barangay at gusto niyang sumali doon. Kaya lang ang sabi ng kaniyang magulang
ay baka maapektuhan ang kaniyang pag-aaral. Kaya hindi muna siya sumali at nangako na
pagbubutihin niya ang kaniyang pag-aaral.

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

______________ 17. Si Drew ay palaging naglalaro ng kaniyang selpon. Binawalan


siya ng kaniyang ina para makatutok sa kaniyang pag-aaral at nangako naman siya.
Pagkatapos ng klase, umuuwi agad si Drew upang makapag-aral.
______________ 18. Si Terry ay mahilig magbulakbol, lagi siyang gabi kung
umuuwi. Isang araw inumaga ng uwi si Terry. Pinagalitan siya ng kaniyang nanay at
nagkaroon sila ng kasunduan na alasotso ng gabi ay naroon na siya sa kanilang
bahay, at sumangayon naman siya. Ngunit nang mga sumunod na araw ay umuwi si
Terry ng alas-diyes ng gabi.
______________ 19. Si Rick ay niyaya ng kaniyang mga kaibigan na maglaro.
Ngunit mayroon pa silang ginagawa ng kaniyang nanay. Naisip ni Rick na
magpaalam muna sa kaniyang nanay at nangakong babalik kaagad ito para
makatulong. Umuwi si Rick na tapos na lahat ang gawain at nadatnan na tulog na
ang kaniyang nanay.
______________ 20. Si Lily ay nanghiram ng libro kay Don. May kasunduan sila na
magpapahiram din si Lily ng gamit kay Don. Nangako sila sa isa’t isa, at iyon nga ang
nangyari, pinahiram ni Lily si Don ng gamit niya sa kanilang proyekto.

Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba at bilugan ang titik na may
tamang sagot.

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Lolit at Lita sa paaralang kanilang


pinapasukan. Nagustuhan ni Lita ang pagkamasayahin, makwento at maalalahanin ni Lolit.
Masaya sila sa kanilang relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas
nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan.
Para kay Lita, lubos at walang kondisyon ang kanyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit
ng tumagal, napansin niya na kapag natataasan niya ng iskor si Lolit sa kanilang pagsusulit,
ay naiinis ito. Kapag pinupuri ng kanilang guro si Lita dahil sa magagandang gawaing
naipasa niya, sa ibang kaklase sumasama si Lolit.
Sa huli, nasasaktan si Lita pero wala siyang lakas ng loob sabihin ito kay
Lolit. Ang lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili na lamang niya.

21. Kung ikaw si Lita, ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang
katayuan ng kaniyang pakikipagkaibigan kay Lolit?
A. Ipakita kay Lolit na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na
ipinamamalas sa kanya.
B. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan.
C. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigan na naiinggit sa kaniya.
D. Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa
negatibong asal ugali ng kaibigan.
22. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Lolit sa kanyang
kaibigan na si Lita?
A. Hindi niya mahabol ang kanyang kaibigan.
B. May nabubuong kumpetisyon sa kanilang dalawa.

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

C. Nagsasawa na siya sa kabaitang pinapakita ng kaibigan.


D. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase.
23. Mula sa kwentong pagkakaibigan nina Lolit at Lita, alin sa mga sumusunod na konsepto
ang angkop dito?
A. Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit
ang mga ito’y maaaring dahilan ng ating paglago.
B. Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaasahan sa
kanila na makatutulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
C. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng anumang
kapalit sa mga bagay na hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
D. Ang tunay at mabuting pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na pagdalisayin at
patataging ugnayang namamagitan.
24. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan MALIBAN sa isa.
A. Ang pakikipagkaibihgan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang
pagbabahagi ng sarili.
B. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensiyon ng tulong o
pabor na makukuha sa iba.
C. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na patatagin at palawakin ang
ugnayan sa pangmatagalang panahon.
D. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa
taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.
25. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na
kasarian kagaya sa kaparehong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang mabuting
layunin sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang-alang ang:
A. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan.
B. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo.
C. Paggalang sa mga katangian at kahinaang taglay sa kanilang seksuwalidad.
D. Pagkontrol sa posibleng atraksiyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan.
26. Lingid sa iyong kaalaman, ang iyong itinuturing na matalik na kaibigan, kasama mo at
karamay sa lahat ng oras ay may ikinakalat pala na tsismis tungkol sa iyo. Isang
nagmamalasakit na kaklase at kaibigan ang nagsumbong sa iyo. Ano ang iyong gagawin sa
ganitong sitwasyon?

A. Magkakalat din ng tsismis na mas malala pa sa mga pinagkakalat niya.


B. Isusumbong ko siya sa aming guro at kaniyang mga magulang upang pangaralan.
C. Kakausapin ko siya ng mahinahon kung bakit niya nagawa ang magkalat ng
masamang balita. Bibigyan ko din siya ng pagkakataong makahingi ng paumanhin.
D. Susugurin ko siya at ipapahiya sa maraming tao.

27. Nakita mong umiiyak ang kaibigan mo dahil may problema siya. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaan ko siyang umiyak.
B. Awayin ko siya para lalong umiyak.
C. Tanungin ko siya kung ano problema at kung ano maitutulong ko.

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

D. Ipagsabi ko sa mga kamag-aral ko na may problema siya.


28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kaibigan?
A. Pabayaan siya mag-isa kung may suliranin siya.
B. Magtutulungan kami upang pareho kaming umunlad.
C.Iiwasan ko siya kapag nakakuha siya ng mas mataas na marka kaysa sa akin.
D. Hindi ako makikipagkaibigan sa iba dahil kaya ko naman ang sarili ko.
29. Sa pagpapanatili ng pagkakaibigan, ano ang nararapat isaalang-alang?
A. Mapagmataas sa isa’t isa.
B.Tumitingin sa estado ng buhay.
C. Mapaglihim sa isa’t isa.
D. May paggalang at pagbibigayan ang bawat isa.
30. Lumipat ng lugar sina Liza sa probinsya at doon na siya mag-aaral. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagpapanatili ng pagkakaibigan?
A. Kakalimutan ko na siya.
B. Hahanap na uli ako ng bagong kaibigan
C. Ipagpapatuloy ko ang pakikipagkomunikasyon sa kanya sa pamamagitan ng
facebook at messenger .
D.Magagalit ako sa kanya kasi lilipat na sila
31. Ang pagsasabi ng katapatan ay naglalayo sa atin sa kapahamakan.
A. Oo B. Hindi C. Maari D. Siguro
32. Oras ng klase ninyo sa Edukasyong Pampalakas, dahil sa sobrang init, naamoy mong
may hindi kaaya-ayang amoy ang iyong kaklase, ano ang iyong dapat gawin?
A. Pababayaan ko siya.
B. Magkukunwaring walang naamoy.
C. Hindi ko siya sasabihan para pagtawanan ng aking mga kaklase.
D. Palihim ko siyang kakausapin at maayos kong sasabihin na may kakaiba siyang
amoy upang malaman niya ang dapat niyang gawin.
33. Si Aling Tesa na nagtitinda ng isda ay nagpositibo sa sakit na COVID – 19, ano ang
dapat niyang gawin?
A. Magtatago na lamang.
B. Patuloy na makisalamuha sa iba
C. Ipagkibit balikat na lamang ang nalaman
D. Agad na ihiwalay ang sarili at magsabi sa mga kapamilya niya.
34. Sa panahon ng pandemya, kailangang ang bawat tao ay ___________.
A. Tumahimik B. Magkibit balikat
C. Huwag pansinin D. Maging matapat sa lahat ng oras
35. Paano mo maipapakita ang paggalang sa suhestiyon ng iyong magulang hinggil sa iyong
mababang marka?
A. Balewalain ko ang kanilang sinasabi.
B. Magalit ako dahil pinagbawalan na gumamit ng cellphone.
C. Pakinggan ko ang kanilang suhestiyon pero di ko gagawin.
D. Papakinggan at gagawin ang kanilang suhestiyon.

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

36. Ang inyong barangay ay nakararanas ng palagiang pagbaha tuwing bumuhos ang
malakas na pag-ulan. Ito ang nagiging malaking perwisyo sa inyong pang-araw araw na
pamumuhay. Matapos ang pag-iimbistiga, napag-alaman ng mga pinuno ng inyong
barangay na maraming mga basura ang bumabara sa mga kanal at daluyan ng tubig. Dahil
dito, nagpatawag ng isang pagtitipon ang kapitan upang maaksyonan ang ganitong
suliranin. Napagpasiyahan na lumahok ang lahat ng kasapi ng barangay sa paglilinis ng mga
baradong kanal at mga daluyan ng tubig sa araw ng Sabado. Pinayuhan kayo ng inyong
mga magulang na huwag munang umalis ng bahay at tumulong din sa paglilinis. Ngunit
ikaw ay may naka-planong try-out sa larong basketball at ito ang tsansa na mapabilang sa
kuponan ng barangay. Ano ang iyong gagawin?

A. Ituloy ang planong mag-awdisyon dahil ito lamang ang natatangi kong pagkakataon
upang makasali sa liga.
B. Magtatampo at hindi ko kikibuin ang aking mga magulang.
C. Igagalang ko ang payo ng aking mga magulang at tutulong sa paglilinis ng paligid
dahil para din naman ito sa kabutihan ng lahat.
D. Tutulong ako sa paglinis ng paligid ngunit pupuslit din ako maya-maya kapag hindi
na nakatingin ang aking mga magulang upang makapag-try out sa liga.

37. Kalahok kayo sa isang patimpalak ni James ngunit magkaiba kayo ng naisip. Ano ang
iyong gagawin?
A. Ilihim ko nalang kay James ang ideya ko.
B. Sabihin ko kay James at pilitin siya na ito ang aming gagawin
C. Banggitin ko kay James ang aking konsepto ngunit hindi ko ipipilit.
D Lahat ng nabanggit.
38. Mahigpit na bilin ng iyong kapatid na huwag mong pakialaman ang kanyang gamit. Ano
ang gagawin mo?
A. Kuhanin ko ang gamit at ibalik ko na lang bago siya dumating.
B. Hayaan ko siyang magalit ang mahalaga ay nakuha ko ang gusto ko.
C. Antayin ko ang aking kapatid na dumating bago ito kunin.
D. Balewalain ko dahil mga magulang naman namin ang bumili nito.
39. Nagbigay ng mga suhestiyon ang mga kagrupo mo sa dula-dulaan sa Edukasyon sa
Pagpapakatao. Bilang lider may naisip ka ngunit hindi nila ito nagustuhan. Ano ang gagawin
mo?
A. Gagawin ko ang nais ko dahil ako ang lider.
B. Hindi ko sila susundin at gagawin ko ang nais ko.
C.Sasabihin ko sa kanila na kung ayaw nila sumunod ay umalis sila sa grupo.
D. Pakinggan ko ang kanilang mungkahi at ito ang gagawin.

____40. Pinagsabihan si Arman na limitahan ang paglaro ng cellphone dahil ito ay nakasisira
sa kanyang mata. Kung ikaw si Arman ano ang gagawin mo?
A. Pakinggan ko ang kanilang sinabi ngunit hindi ko ito susundin.

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

B. Pakinggan ko ang kanilang payo at susundin ko ito.


C. Pakinggan ko lamang ang kanilang sinabi.
D. Pakinggan ko pero gagawin ko pa rin ang nais ko.
41. Nais ninyong makatulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 kaya naisipan ng kapatid
mo na humingi ng donasyon. Bilang panganay, paano ka magpapasya?
A. Hindi sila papakinggan dahil ikaw ang nakatatanda.
B. Pakinggan ang iyong mga kapatid at suportahan ang nais nila.
C. Sasabihin mo sa kanila na ang pasya mo dapat ang masusunod.
D. Susundin mo ang iyong mga kapatid kahit mabigat sa iyong kalooban.
42. Paano napananatili ang mabuting paggalang sa suhestiyon ng kapwa?
A. suhestiyon B. ugnayan
C. paggalang D. pakikipagkapwa
43. Alin sa mga sumusunod ang karaniwang dahilan upang magkaroon ng pagkakaunawaan
ang isang grupo?
A. Hindi makikinig sa ideya ng iba.
B. Iniisip na sarili ang tama.
C. Nakikinig at iginagalang ang suhestiyon ng iba.
D. Ipinipilit ang sariling kagustuhan sa iba.
44. Paano mo maipakikita ang mabuting pakikipagkapwa sa panahon ng pandemya?
A. Ipagdadasal ko ang mga frontliners at tutulong sa abot ng aking makakaya.
B. Hindi ako mangingialam para hindi ako mahawa sa sakit.
C. Mananatili sa bahay at tutulong kung sino ang nais ko lamang tulungan.
D. Sasali ako sa pila sa mga nagbibigay ng donasyon kahit hindi kinakailangan.
45. Iminungkahi ng iyong magulang na ibigay mo ang iyong ipon sa mga taong nasunugan
upang makatulong ngunit may binabalak kang bilhin, ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko pakikinggan ang mungkahi ng aking mga magulang.
B. Ibibigay ko ang aking ipon ng maluwag sa aking kalooban.
C. Magbibigay ako ng aking ipon pero magtitira ako sa aking sarili.
D. Hindi ko kailangang tumulong sa aking kapwa.

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

Panuto Piliin sa Hanay B ang katangiang tinutukoy ng pagiging responsable


sa sarili na matatagpuan sa Hanay A. Isulat ang letra sa patlang.

Hanay A Hanay B

___ 46. Si Rica ay nagsauli ng sobrang sukli a. matipid


sa tindera.
___ 47. Nilinis ni Juan ang lugar kung saan b. may paggalang at
siya gumawa ng kanyang proyekto. pang-unawa sa kala-
____48. Binigyan ng ulam ng kapitbahay ang gayan ng ibang tao
mag-anak ni Mang Pedro nang panahong wala c. malinis
silang makain. d.tapat
____49. Hindi pinakinggan ni Rex ang kanyang e. may sariling
pagtitimpi
kaklase nang sinabihan siyang tumingin
sa kanyang notbuk noong sila’y nagsusulit.
____ 50. Inilalagay ni Karen sa kanyang alkansya
ang sobrang baon na binibigay ng kanyang
Nanay.

Inihanda ni:

JOHNA A. MAYANG
Guro

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATION
ESP 6

MELC No. of Weight No. of Item R U AP AN E C


Days Items Placement

4. Naipakikita ang kahalagahan ng


pagiging responsible sa kapuwa: 2 20 10 1-10 10
Esp6PKP – IIa- c -30

4.1 pangako o pinagkasunduan;


2 20 10 11-20 10
Esp6PKP – IIa- c -30

4.2 pagpapanatili ng mabuting


pakikipagkaibigan 2 20 10 21-30 10
Esp6PKP – IIa- c -30

4.3 pagiging matapat


2 20 10 31-40 10
Esp6PKP – IIa- c -30

Nakapagpapakita ng paggalang sa
ideya o suhestiyon ng kapwa. 2 20 10 41-50 10
Esp6PKP – IId- i -31
Quarter 2

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

Prepared by:
Grade 6 – Quarter 2
DINAH D. GATILAGO, PhD.
ESP
6. May gagawin na Portfolio bilang proyekto sa ESP ang klase nila Shane ngunit Coordinator
hindi siya
masyadong nakapakinig sa kanilang guro habang binibigay nito ang tamang hakbang sa
paggawa dahil masama ang kanyang pakiramdam. Malugod naman ipinahiram sa kaniya ni
Lorna ang kanyang natapos na Portfolio dahil gusto nitong magawa niya nang maayos ang
kanyang proyekto. Napagkasunduan nilang dalawa na iingatan ni Shane nang mabuti ang
portfolio at ibalik din kaagad kinabukasan. Ano kaya ang nararapat gawin ni Shane?
A. Kumain ng miryenda habang binubuklat ang Portfolio ni Lorna at ginagawa naman
ang kaniyang Portfolio.
B. Ipapatong kahit saan-saan ang hiniram na Portfolio total hindi naman ito malalaman
ni Lorna.
C. Ipagpaliban muna ang paggawa ng Portfolio at sasabihing sa susunod na araw na lang
niya ibabalik dahil masama ang kanyang pakiramdam at hindi niya magagawa ito
ngayon.
D. Iingatan niyang mabuti habang nasa kanyang poder pa ito at ibabalik kinabikasan
ayon sa kanilang napagkasunduan.

16. Lingid sa iyong kaalaman, ang iyong itinuturing na matalik na kaibigan, kasama mo at
karamay sa lahat ng oras ay may ikinakalat pala na tsismis tungkol sa iyo. Isang
nagmamalasakit na kaklase at kaibigan ang nagsumbong sa iyo. Ano ang iyong gagawin sa
ganitong sitwasyon?
A. Magkakalat din ng tsismis na mas malala pa sa mga pinagkakalat niya.
B. Isusumbong ko siya sa aming guro at kaniyang mga magulang upang pangaralan.
C. Kakausapin ko siya ng mahinahon kung bakit niya nagawa ang magkalat ng
masamang balita. Bibigyan ko din siya ng pagkakataong makahingi ng paumanhin.
D. Susugurin ko siya at ipapahiya sa maraming tao.

26. May donasyon ang alumni Batch ’87 na isang telebisyon para magamit ng inyong klase sa
pag-aaral. Kabilin-bilinan ng guro na huwag itong gamitin kung wala ang titser at para lang
muna ito sa kanilang klase. Isang araw, habang wala si titser binuksan ito ng kaibigan mo at
nanood ng paborito niyang palabas. Nang dumating ang inyong guro, napag-alaman nitong
nilabag ang kanyang habilin. Tinuro ng iyong matalik na kaibigan ang inyong kaklase na
medyo mahina ang loob at takot makipag-away bilang pasimuno ng panonood. Pinagalitan

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

ito ng iyong guro. Umiyak lamang ito sa isang tabi at hindi man lang naipagtanggol ang
kanyang sarili. Bilang saksi, ano ang iyong gagawin?

A. Manahimik lamang ako dahil mas papanigan ko ang aking matalik na kaibigan kaysa
sa iyakin kong kaklase.
B. Aalis ako sa aming silid-aralan at magpahangin para pagbalik ko ay humupa na ang
tensyon.
C. Sasabihin ko sa aming guro ang totoong nangyari at pagsasabihan ko ng mahinahon
ang aking kaibigan na mali ang kanyang ginawa at humingi ng tawad sa aming
kaklaseng pinagbintangan niya.
D. Susuportahan ko ang aking kaibigan kahit pa sa kanyang mga maling gawain dahil
ayaw kong ito ang pagmumulan ng aming hindi mabuting pagkakaunawaan.

36. Ang inyong barangay ay nakararanas ng palagiang pagbaha tuwing bumuhos ang malakas
na pag-ulan. Ito ang nagiging malaking perwisyo sa inyong pang-araw araw na pamumuhay.
Matapos ang pag-iimbistiga, napag-alaman ng mga pinuno ng inyong barangay na maraming
mga basura ang bumabara sa mga kanal at daluyan ng tubig. Dahil dito, nagpatawag ng isang
pagtitipon ang kapitan upang maaksyonan ang ganitong suliranin. Napagpasiyahan na
lumahok ang lahat ng kasapi ng barangay sa paglilinis ng mga baradong kanal at mga
daluyan ng tubig sa araw ng Sabado. Pinayuhan kayo ng inyong mga magulang na huwag
munang umalis ng bahay at tumulong din sa paglilinis. Ngunit ikaw ay may naka-planong
try-out sa larong basketball at ito ang tsansa na mapabilang sa kuponan ng barangay. Ano ang
iyong gagawin?

A. Ituloy ang planong mag-awdisyon dahil ito lamang ang natatangi kong pagkakataon
upang makasali sa liga.

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF KABANKALAN CITY
Distict of Kabankalan III
LINAO ELEMENTARY SCHOOL

B. Magtatampo at hindi ko kikibuin ang aking mga magulang.


C. Igagalang ko ang payo ng aking mga magulang at tutulong sa paglilinis ng paligid
dahil para din naman ito sa kabutihan ng lahat.
D. Tutulong ako sa paglinis ng paligid ngunit pupuslit din ako maya-maya kapag hindi
na nakatingin ang aking mga magulang upang makapag-try out sa liga.

Address: Prk. 2, Brgy. Linao, Kabankalan City, Negros Occidental


Telephone Number: 09277977816
E-mail: 117862@deped.gov.ph

You might also like