You are on page 1of 4

La Union Schools Division Office

SAN JUAN DISTRICT

Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Summative Test No. 3 - Quarter 2

Pangalan: _________________________ Nakuha: ___________


Paaralan: _________________________ Lagda ng Magulang: __________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang kahon ng iyong angkop na
sagot gamit ang mga pananda . Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Hinahatian ko sa baon ko ang kaklase kong walang perang pambili ng


kanyang pagkain.

2. Ipinapagamit ko ang kama ko sa mga bisita namin na nakikitulog sa bahay.

3. Dalawang araw ng walang kuryente at nag-iisa na lang ang kandilang natira


sa bahay. Ang kandilang gagamitin ko sa paggawa ng takda ko ay ibinigay
ko sa kapatid ko upang siya na lang ang gagamit.

4. Ginagamit ko ang cellphone ng nakatatanda kong kapatid nang hindi


nagpapaalaam.

5. Nasasaktan ako kapag nakaririnig o nakababasa tungkol sa mga pang-


aabuso sa mga may kapansanang tao, manggagawa, o bata

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap/ sitwasyon at unawain ang bawat tanong. Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa unahan ng bilang.

______ 6 . Bilang isang kaibigan, alin dito sa mga sumusunod ang pinakamainam mong
ibahagi sa kaibigan mong nasunugan?
A. Payuhan sila kung ano ang gagawin.
B. Pagsakripisyo sa pagbibigay ng pagkain
C. Hayaan silang mamalagi muna sa kubo ninyo.
D. Sabihin sa kanila na matulog muna sa kapitbahay.

_______ 7. Mayroong kang kaklase na walang dalang payong. Malakas na malakas ang
ulan. Siya ay uuwi pa sa ikalawang barangay. May payong ka sa bag mo at nasa
malapit lang ang bahay ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Ihatid mo siya gamit ang payong mo.
B. Tawagan ang nanay niya upang sunduin siya.
C. Sabihing hintayin niya ang pagtigil ng ulan bago umuwi.
D. Ipahiram mo ang payong mo at saka ka na lang uuwi kapag tumila na ito.

_______8. Maluwag sa buhay ang pamilyang Santos subalit hindi mahilig maghanda at
magluto ng masustansiyang pagkain si Aling Susan dahil maysado itong kuripot.
Payat at kulang sa nutrisyon ang kaniyang mga anak. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Ipaghanda ang mga anak ng wasto at masustansiyang pagkain.
B. Pagsabihan ang mga anak na tiisin at kainin kung ano ang nakahain.
C. Ipagpatuloy ni Aling Susan ang pagtitipid upang may maiimpok sa bangko.
D. Palagiang ipaghanda ang kaniyang mga anak ng mga pagkaing de-lata para mas
mabilis ang paghahanda.

_______ 9. Araw ng pagtatanghal sa paaralan ninyo. Hindi pa nakarating ang costume ng


kaibigan mo sa ibang seksiyon. Ang costume mo ay pwede rin niyang gamitin. Ano
ang gagawin mo?

A. Sabihin sa guro mo upang siya ang magremedyo.


B. Sasabihin mong humiram na lang siya sa ibang seksiyon.
C. Sasabihin mong huwag na siyang aakyat sa entablado dahil wala siyang costume.
D. Ipahiram mo ang costume mo total kayo ang pinakahuling magpapalabas.

_______10. Nakatira sa isang lugar na halos magkadikit-dikit ang mga bahay ang pamilya ni
Alyanna. Kadalasan ay maingay at magulo dahil maraming tambay ang nag-aaway
sa lugar nila. Hindi tuloy makapaglaro ang kaniyang mga anak. Ano ang dapat nilang
gawing mag-asawa?

A. Maghanap sila ng mas tahimik at mapayapang lugar na lilipatan.


B. Huwag na lamang pansinin ang kaguluhan at ingay ng mga kapitbahay.
C. Magpatugtog nang malakas upang hindi marinig ang ingay sa paligid.
D. Pagsabihan ang mga anak na palaging manatili sa loob ng kanilang bahay.

_______11. Pinayagan ka ng iyong kuya na gamitin paminsan-minsan ang kaniyang mga


gamit sa pagguhit. Isang araw, may nakita kang isang makapal na sobre sa ibabaw
ng kaniyang mesa sa tabi ng mga pagguhit na hinihiram mo. May mga larawan sa
loob ng sobre.

A. Palihim na tignan ang mga larawan habang wala ang kuya.


B. Hayaan lamang ang sobre at huwag pakialaman ang laman nito.
C. Ipagbigay-alam sa mga magulang na may mga larawan sa loob ng sobre.
D. Tawagin ang nakababatang kapatid upang may kasama kang titingin sa larawan.

_______ 12. Tinatanong ng guro ninyo kung sino sa inyo ang may magandang bolpen na
puwedeng gamitin ng kaklase ninyong sasali sa paligsahan sa pagsulat. Maayos
gamitin ang bolpen na kasalukuyan mong ginagamit. Ano ang gagawin mo?

A. Huwag pansinin ang guro mo.


B. Sabihing ang isang kaklase mo ay may magandang bolpen.
C. Sasabihin sa guro ninyo na bumili na lang ang kaklase mo.
D. Ipapahiram mo ang bolpen na gamit mo at gagamitin mo na lang ang bolpen na
nagpilian mo.

_______13. Nagsisimulang magtrabaho ang inyong kasambahay na si Aling Nita mula ika-5
ng umaga at natatapos ng ika-7 ng gabi. Minsan, nakikita mo siyang pagod na pagod
ngunit hindi nagrereklamo.

A. Dagdagan pa ang mga gawain niya dahil hindi naman ito nagrereklamo.
B. Hayaan lamang siya sa kaniyang trabaho dahil binibigyan naman siya ng wastong
sahod.
C. Kausapin ang mga magulang na iksihan ang oras ng pagtatrabaho ng
kasambahay upang hindi ito masyadong mapagod.
D. Kausapin ang kasambahay na kung pagod na siyang magtrabaho ay magbitiw na
lang siya upang makahanap kayo ng kapalit niya.
_______ 14. Gayak na gayak ka para sa gaganaping pagtitipon sa inyong paaralan. Nawala
ang hikaw ng isa sa mga pangunahing tauhan sa dula-dulaan na magpapanggap na
isang Donya.

A. Ipapahiram mo ang hikaw mo kahit gustong-gusto mo ito.


B. Tatawagan mo ang nanay niya upang dalhan siya ng kanyang hikaw,
C. Sabihing bakit hindi siya nag-ingat para hindi mawala ang hikaw niya.
D. Maghanap sa kaklase mo kung sino ang may hikaw at sabihing ipahiram ito.

Basahin ang katanungan sa ibaba at sagutin ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang-
papel.

15. Bakit kailangang igalang ang mga karapatan ng bata?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Key Answer:

1.

2.

3.

4.

5.

6. B
7. D
8. A
9. D
10. A
11. B
12. D
13. C
14. A
15. _____

You might also like