You are on page 1of 3

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


LABORATORY ELEMENTARY SCHOOL
Laoag City

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) VI


Unang Markahan

Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: _________________

A. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ipinagkakalat ng mga kaibigan mo na ikaw ay nango-ngopya sa tuwing may pagsusulit. Ano ang
gagawin mo?
a. Ipagkakalat ko rin na sila ang nangongopya, hindi ako.
b. Ipagsasabi ko ang kanilang mga sikreto para makaganti ako.
c. Aawayin ko sila at hindi na muling makikipag-usap sa kanila.
d. Kakausapin ko sila nang mahinahon at pakikinggan ko ang paliwanag nila.

2. Nabato ng bola ang ulo mo habang naglalakad ka papuntang kantina. Ano ang gagawin mo?
a. Kukunin ko ang bola at ibabato ko rin sa kanila.
b. Sasabihin kong mag-iingat sila sa susunod.
c. Papuputukin ko ang bola.
d. Kukunin ko ang bola at iuuwi ito.

3. Gustong-gusto mong magkaroon ng ‘aesthetic’ na damit dahil ganoon ang nauusong damit ng
mga kabataan ngayon ngunit ayaw kang bilhan ng nanay mo dahil marami ka raw namang mga
magagandang damit. Ano ang gagawin mo?
a. Iintindihin ko ang payo ng aking nanay.
b. Sa lola ko na lamang ako magpapabili.
c. Isusumbong ko sa aking tatay na ayaw akong bilhan ni nanay ng ganoong damit.
d. Kukuha ako sa pitaka ni nanay ng perang pambibili ko.

4. Nahihiyang magtaas ng kamay si Kenneth sa tuwing nagka-klase sila sa Matematika. Ano ang
gagawin mo?
a. Hahayaan siya dahil grado naman niya iyon.
b. Tutulongan ko siyang magreview para lumakas ang loob niyang sumagot sa klase.
c. Sasabihin ko sa guro para pagalitan siya.
d. Sasabihing ayos lang dahil sumasagot naman siya sa Science.

5. Gutom na gutom ka na ngunit mahaba ang pila sa kantina. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa kaibigan kong nasa harapan na bilhan niya ako ng pagkain para hindi na ako
pumila.
b. Sisingit sa pila para makabili na ako ng pagkain ko.
c. Hihingin ko ang pagkain ng kaibigan ko.
d. Hihintayin ang pila dahil pare-pareho kaming nagugutom.

6. Hindi makapasa-pasa ng board exam ang ate mo. Nawawalan na siya ng pag-asa. Ano ang
gagawin mo?
a. Ikukuwento ko ang napag-aralan namin tungkol kay Walt Dinsey na ilang beses nabigo
ngunit hindi sumuko.
b. Sasabihing huwag na niyang subukan pa dahil sayang lamang ang perang ginagamit niya.
c. Pagtatawanan ko siya dahil hindi pa siya nakapapasa.
d. Sasabihing huwag na siyang umasa at baka hindi ito para sa kanya.

7. Natalo ang mga mag-aaral sa Grade 6 sa basketball noong nakaraang intramurals. Ano ang dapat
nilang gawin?
a. Awayin ang mga tumalo sa kanila.
b. Sabihing nakatiyamba lamang ang mga nakalaro nila.
c. Mag-ensayo at aralin pa ang laro.
d. Huwag nang makipaglaro pa sa kanila.

8. Nasaktan mo ang loob ng kaibigan mo kaya hindi ka niya kinakausap. Alin ang gagawin mo?
a. Hindi ko rin siya kakausapin dahil nahihiya ako.
b. Lalakasan ko ang loob ko at hihingi ng tawad.
c. Sisiraan ko siya sa iba pa naming kaibigan para mas marami akong kakampi.
d. Hindi ko na lang siya papansinin.

9. Ang mga sumusunod ay mga gawaing maaari mong subukan upang huminahon o kumalma,
maliban sa isa. Ano ito?
a. Manood ng palabas na makapagpapasaya sa iyo.
b. Manalangin sa isang tahimik na lugar.
c. Huwag masyadong damdamin ang mga bagay-bagay.
d. Magreklamo kaysa magpasalamat.

10. Sinabi ng inyong guro sa Filipino na magkakaroon kayo ng pagbigkas ng tula sa sa harap ng
klase. Ikaw ay sobrang kinakabahan. Ano ang gagawin mo?
a. Hihinga nang malalim at mag-eensayo nang maigi para hindi masyadong kabahan.
b. Magdadahilang may sakit sa araw ng pagbigkas ng tula.
c. Hindi ako tatayo kapag tinawag ng guro.
d. Babasahin ko na lamang nang mahina ang aking tula.

B. Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ang tauhan ay nagpapakita nang magandang kilos at ekis
(x) naman kung hindi.
1. Si Cynthia ay isang tagahanga ng BTS group. Sinabi ng kanyang kaklase na hindi niya gusto
ang kanilang mga musika kaya inaway niya ito.
2. Sinuntok ni Kyle si Christian dahil kinuha niya ang tsokolate sa bag ni Kyle.
3. Kinausap ni Mae nang maayos ang kaniyang kagrupong hindi naglilinis ng silid-aralan.
4. Kinakaibigan ni Lila ang mahiyain niyang kaklase para mayroon itong kinakausap sa tuwing
recess.
5. Nagtitimpi si Paulo sa pambubulyaw ng mga kaklase niya. Hindi siya nakikipag-away kundi
ay sinusubukan parin niya itong makipagkaibigan sa kanila.
6. Sinisigawan ni Sharon ang batang nakaapak sa bago niyang sapatos.
7. Hindi sumusuko si Aaron hanggat hindi niya nauunawaan ang aralin nila.
8. Palaging tinitignan ni Julian ang kanyang orasan kapag nagsisimba dahil naiinip ito.
9. Nagpupursiging mag-ensayo si Ashton upang mas lalo pang mahasa ang galing niya sa
badminton.
10. Patuloy na lumalaban si Janella kahit na siya ay may malubhang karamdaman.

C. Isulat ang TAMA sa patlang bago ang bawat bilang kung wasto ang isinasaad ng pangungusap
at MALI naman kung hindi.
__________ 1. Magpasensiya sa pagkukulang ng iba.
__________ 2. Mainis kapag may hinihintay.
__________ 3. Patuloy na subukan ang gumawa ng mga bagay sa kabila ng mga pagsubok.
__________ 4. Ilihim sa mga magulang ang mga nagagawa mong pagkakamali.
__________ 5. Hindi ako humihingi ng paumanhin sa taong nasaktan ko.
__________ 6. Sinasabi ko sa aking guro kung nandaraya ang aking mga kaklase.
__________ 7. Sumasama ako sa pambubulyaw o panunukso sa iba.
__________ 8. Pinagtatanggol ko ang aking kaibigang sinisiraan ng iba.
__________ 9. Natataranta ako kapag hindi nangyayari ang mga bagay ayon sa aking kagustuhan.
__________ 10. Sigawan ang mga taong nakapalibot saiyo kung napapagod o nahihirapan ka.

You might also like