You are on page 1of 7

1st Quarterly Assessment

I. Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng napiling sagot.

1. Si Maxene ay mabilis tumakbo kaya siya ay hinikayat ng kanyang guro ng sumali sa


paligsahan. Siya ay may kakayahan sa __________.
A. Pag – awit
B. Pag – ukit
C. Pagguhit
D. Pagtakbo

2. Si Lea Salonga ay may magandang tinig. Siya ay may kakayahan sa __________.

A. Pag – awit
B. Pagpinta
C. Pagsasayaw
D. Pagtakbo

3. Si Manny Pacquiao ay tandag dahil sa kanyang kakayahan. Siya ay sikat na_________.


A. Mananayaw
B. Mang – aawit
C. Pagsasayaw
D. Pagtakbo

4. May paligsahan sa larangan ng pag – arte. Sa hindi sinasadyang pangyayari nagkasakit ang
kalahok dito. Nagtanong ang guro mo kung sino nang nais pumalit sa kalahok. Ikaw ay may
kakayahan sap ag – arte . Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lang kikibo
B. Ituturo ang ibang kaklase
C. Hihintayin na lang na na makalahok ang iba.
D. Lalapit sa guro at lalahok sa paligsahan na may tiwala sa sarili.

5. Sinabihan ka ng iyong guro na sumali sa paligsahan sa pagsasayaw sa paaralan. Alam mong


marunong kang sumayaw pero hindi ka pa nakakasali sa mga paligsahan. Ano ang iyong
dapat gawin?
A. Hindi muna sasali dahil magsasanay pa akong Mabuti.
B. Hindi muna ako sasali, baka ako ay mapahiya kung ako ay matalo.
C. Sasali ako at kapag natalo, hindi na ako muling sasali pa sa paligsahan.
D. Sasali ako kahit medyo kinakabahan upang maranasan ko ang pagsali sa paligsahan.

6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katatagan ng kalooban?


A. Pagtakas sa mga gawaing bahay.
B. Pagsisinungaling sa mga magulang.
C. Pagiging positibo sa pagharap sa mga problema.
D. Paghahamon ng away sa kaklase kapag inuunahan sa mga gawain.
7. Si Jose ay bagong lipat sa paaralang kaniyang pinapasukan. Isang araw, tinutukso siya ng
kaniyang mga kaklase. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Lumipat ng ibang paaralan.
B. Sabihin sa guro ang ginagawang panunukso.
C. Huwag kikibo dahil mapapagod din sila sa panunukso.
D. Hahamunin ng suntukan ang mga kaklaseng nanunukso.

8. Ang batang may matatag na kalooban ay:


A. May tiwala sa sarili
B. Nag – iisip muna bago gumawa ng anumang aksyon
C. May pagpipigil sa sarili upang huwag makapanakit ng iba
D. Lahat ng nabanggit

9. Sumali ka sa patimpalak sap ag – awit sa inyong paaralan ngunit pumiyok ang iyong boses sa
gitna ng kompetisyon kaya ikaw ay natalo. Paano mo ipapakita ang katatagan ng loob?
A. Huwag pumasok sa klase dahil sa kantayaw.
B. Hindi na kailanman sasali sa mga patimpalak.
C. Magkulong sa kwarto buong araw dahil sa kahihiyan.
D. Muling mag – ensayo upang maging handa sa susunod na patimpalak.

10. Hindi pinagbigyan ni Mary ang kaniyang kaibigan na mangopya sa kaniya sa pagsusulit.
Nanindigan si Mary na mali ito. Anong katangian ni Mary ang nagpapakita ng katatagan ng
kalooban?
A. Tiwala sa sarili
B. Pagpipigil sa sarili
C. Pagiging positibo
D. Pag – iisip muna bago gumawa ng aksyon.

11. Ang batang malusog ay______ .


A. Sakitin
B. May aktibong katawan
C. Magaspang na balat
D. Madaling mapagod

12. Ang pagkain ng masusustansyang gulay at prutas at pag -iinom ng gatas ay makakatulong sa
ating_______.
A. Kaisipan
B. Katamaran
C. Kapitbahay
D. Katamlayan

13. Ang pagsisimba tuwing linggo ay nakatutulong sa ating______.


A. Pag – inom
B. Paglalaro
C. Paniniwala
D. Pagpapasya

14. Gaano kadalas maligo ang isang tao?


A. Bihira
B. Araw – araw
C. Hindi naliligo
D. Tuwing ikalawang araw

15. Ang pagtulog sa tamang oras ay nakakatulong sa ating_____.


A. Kalikasan
B. Kaliksihan
C. Katamlayan
D. Katawan

16. Pinapaamin ka ng mga magulang mo sa iyong nagawang kasalanan. Alam mo na pagagalitan


ka nila kung sasabihin mo ang totoo. Magtatapat ka bar in ba? Bakit?
A. Hindi, dahil baka saktan nila ako.
B. Oo, kasi alam naman nila ang totoo.
C. Oo, dahil hindi mabuti ang magsinungaling.
D. Hindi, kasi kapag magtapat ako para na ring natalo ako.

17. May isang bagay na gustong – gusto mong kunin ngunit mahigpit na ipinagbabawal ng nanay
mo ang paggalaw nito. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko ito gagalawin.
B. Kukunin ko kapag wala si Nanay at ibabalik ko lang kung darating na siya.
C. Susubukan kong kunin at titignan ko kung paparusahan ako ni Nanay.
D. Gagalawin ko basta’t gusto ko dahil wala akong pakialam sa sinasabi ng nanay ko.

18. Puno na ang alkansya mo. Gusto mo na itong buksan upang bumili ng bagong laruan. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Bubuksan ko agad at bibilin ko ang gusto ko.
B. Bubuksan ko ito ayon sa gusto ko dahil ako naman ang nag – ipon nito.
C. Sasabihin ko sa nanay ko nap uno na ang alkansya ko at kailangan kong umalis upang
bumili ng laruan.
D. Sasabihin ko sa mga magulang ko at hihingi ako ng payo kung kailan ko ito bubuksan
at kailan ako bibili.

19. Humingi ka ng bagong damit subalit sabi ng nanay mo na sa pasko ka na niya bibilhan. Ano
ang gagawin mo?
A. Iiyak
B. Hindi ako tutulong sa mga gawaing bahay.
C. Maghihintay ako sa panahong ipinangako niya.
D. Hindi ako papasok sa paaralan hangga’t hindi ako nabibilhan.

20. Nalaman mong nasira ang bag ng kapatid mo at bibilhan siya ng nanay mo ng bago. Ano ang
magiging reaksyon mo?
A. Magiging masaya ako para sa kapatid ko.
B. Malulungkot ako kasi wala akong bago.
C. Magagalit ako sa nanay at kapatid ko.
D. Magpapabili rin ako sa tatay ko ng bago.

21. Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na


ang iyong kaklase na pilay ay nakatayo lang sa may unahan ng bulwagan dahil wala nang
bakanteng upuan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Titignan ko siya at pagtatawanan dahil wala siyang upuan.
B. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan.
C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko na lang siyang nakatayo hanggang sa
matapos ang palatuntunan.
D. Wala akong gagawin.

22. Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong bingot. Hindi Ninyo masyadong
naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?
A. Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.
B. Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase.
C. Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.
D. Lahat ng nabanggit.

23. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang
nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa
kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya.
Kung ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang dapat mong gawin?
A. Tatawanan ko si Jano.
B. Tatawagin ko na siya para umupo na.
C. Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya.
D. Wala sa nabanggit.

24. Papauwi ka na ng bahay nang makita mo ang kaklase mong mabagal maglakad dahil siya ay
naaksidente at naputulan ng kanang paa. Ano ang dapat mong gawin?
A. Bibilisan ko ang paglalakad upang maunahan ko siya.
B. Maglalakad ako ng parang hindi ko siya Nakita.
C. Tutulungan ko siya na magdala ng kaniyang gamit.
D. Hindi ko siya papansinin.

25. Inutusan ka ng Nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na kinikutya ang isang
batang may naaksidente at naputulan ng kanang paa. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na huwag pansinin ang mga batang
nangungutya .
B. Lalapitan ko ang mga batang nagungutya upang pagsabihan.
C. Sasamahan kong umalis sa tindahan ang batang may kapansanan.
D. Lahat ng nabanggit.

26. Si Flor ay iyong kaibigan. Humiling siya sa iyo na ikuwento mo sa kaniya ang “Alamat ng
Pinya”. Ano ang gagawin mo?
A. Magdadahilan ako sa kanya na may gagawin ako?
B. Iiwanan ko siya dahil hindi niya ako nakikita.
C. Tatabihan ko siya at babasahan ng kuwento.
D. Wala sa nabanggit.

27. Napadaan ka sa isang tindahan nang bigla mong marinig na sinisigawan ng isang batang
kausap niya. Nalaman mong bingi ang sinisigawang bata dahil tumutugon siya sa
pamamagitan ng sign language. Ano ang gagawin mo?
A. Lalapitan ko sila at ipapaliwanag sa isang bata na ang kausap niya ay hindi
nakakarinig.
B. Pababayaan ko sila.
C. Panonoorin ko ang isang bata habang sinisigawan ang kausap niya.
D. Wala akong gagawin.
28. Kilala ka sa inyong paaralan na mahusay maglaro ng scrabble. Gustong sumali ng iyong
kaklase na bulag ang isang mata, subalit nakakakita gamit ang kabilang mata. Ano ang
sasabihin mo sa kanya?
A. “Hindi ka maaaring sumali dahil hindi nakakakita ang isa mong mata.”
B. “ Oo naman, kahit sino naman ay maaaring sumali sa palarong ito.”
C. “Bawal ang may kapansanan sa larong scrabble”
D. Hindi ko siya papansinin.

29. Ang kaklase mong si Helen ay lumiban nang matagal dahil naaksidente siya. Sa kanilang
pagbabalik sa klase, nakasakay na siya sa wheel chair at hindi na siya makakalakad pang
muli. Ang mga dati niyang kaibigan ay ayaw nang Samahan si Helen dahil nababagalan daw
sila sa kanila. Ano ang gagawin mo?
A. Lalayuan ko rin si Helen dahil sa ayoko sa taong mabagal.
B. Ako na lamang ang sasama at sasabay kay Helen dahil sa gusto ko rin naman siyang
maging kaibigan.
C. Hindi ko na rin papansinin si Helen.
D. Wala akong gagawin.

30. Napansin mo ang isang matanda na hindi makatawid sa tamang tawiran. Nilapitan mo siya
at napansin mo na hindi pala siya nakakakita. Ano ang gagawin mo?
A. Tutulungan ko siya tumawid.
B. Hahayaan ko na lamang ang matanda na hindi makatawid.
C. Sisigaw ako para sabihing maaari na siyang tumawid.
D. Wala akong gagawin.

II. Panuto: Lagyan ng TAMA ang patlang kung ito ay nagpapakita ng mabuting gawi ng
pangangalaga ng sariling kalusugan at kaligtasan. Lagyan naman ng MALI kung ito ay
hindi.

TAMA 1. Nag – iimpok ng pera sa alkansya.


TAMA 2. Matiyagang naglalakad patungong paaralan.
MALI 3. Laging nagpapabili ng bagong laruan.
MALI 4. Hindi ibabalik ang sukli sa perang ginastos at binili ng laruan.
TAMA 5. Nagtapat ng buong pangyayari sa magulang kahit na mapapagalitan.
MALI 6. Ayaw matulog kasama ang mga kapatid.
TAMA 7. Umunawa sa kalagayan ng mga kapatid sa pamamagitan ng pagtulong nito sa mga
nakatakda ng Gawain.
MALI 8. Sumunod sa mga tuntunin sa tahanan ngunit nagdadabog habang ginagawa ito.
TAMA 9. Kumain ng mga masusustansyang pagkain kagaya ng gulay at prutas.
MALI 10. Uminom ng soft drinks araw – araw.

You might also like