You are on page 1of 8

I. Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

_____1. Ang mga sususunod na larawan ay napapakita ng pagmamalasakit sa may


karamdaman, maliban sa isa.
A. B. C. D.

_____2. Nabalitaan mo na may sakit ang matalik mong kaibigan. Paborito niya ang
mansanas? Ano ang pwede mong dalhin para sa kanya?
A. Dalhan ng maiinom C. Dalhan siya ng prutas
B. Dalhan siya ng laruan D. Huwag muna bisitahin para hindi mahawa

_____3. Masama ang pakiramdam ng iyong Nanay kung kaya’t nagkulong muna siya sa
kuwarto. Narinig mo ang kanyang pag-ubo, Ano ang pwede mong maibigay kanya para
mabawasan ang pag-uubo niya?
A. Kape C. Juice
B. Tubig D. Tsokolate

_____4. Inalalayan ni Lito ang batang may kapansanan sa pagbababa ng dyip.


Anong kapansanan meron ang bata sa larawan.
A. May kapansanan sa paningin. C. May kapansanan sa pandinig.
B. May kapansanan sa pananalita. D. May kapansanan sa paa.

_____5. May naka-mainstream sa inyong klase na bulag. Paano mo siya matutugan sa


inyong aralin sa EsP?
A. Pahiramin nalang ng kuwaderno
B. Habang nagsusulat dinidiktahan siya
C. kakausapin ang katabi na tulungan siya
D. Sasabihan mo nalang ang Nanay tungkol sa napag-aralan

_____6. May kaklase kang marunong gumuhit ngunit siya ay may kapansanan sa
pagsasaalita. Alam mo na may pagkakataon siyang manalo sa paligsahan kung siya ay
isasali? Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ang guro para sanayin siya.
B. Huwag ipagsabi para ikaw ang ilalaban.
C. Bigyan siya ng pagkakataon para makasali.
D. Pagbubutihan pa lalo para walang sinuman makakatalo sa’iyo.

_____7. May liga sa inyong barangay para sa may kapansanan. Hindi lumalabas sa tahanan
ang kapatid mo dahil mahiyain siya, ngunit may anking kakayahan siya para sa paglalaro
ng basketball? Ano ang gagawin mo?
A. Hihikayatin na sumali siya sa paligsahan.
B. Sabihin na sa bahay nalang siya maglaro.
C. Huwag sasabihin kasi mahiyain naman siya .
D. Huwag sanayain para ikaw lang ang marunong sa inyong mga magalang.

_____8. Nakiusap ang kaklase mo na ihingi mo siya ng mainit na tubig sa canteen, dahil
bawal siya ng malamig na inumin, at masama ang pakiramdam nito. Ano ang gagawin
mo?
A. Hindi mo siya susundin.
B. Hindi pagbibigyan ang pakiusap niya.
C. Sasabihin na mag-utos nalang ng iba.
D. Uunawain mo siya para hindi lumalala ang nararamdaman niya.
____9. Isinama ka nang iyong mga magulang sa probinsiya para dalawin ang iyong Lolo”t
Lola. Ano ang dapat mong gawin para sa kanila?
A. Magtago sa loob ng kuwarto at manood ng TV.
B. Hayaan ang mga magulang sa pag-aalaga sa kanila
C. Bisitahin ang mga kaibigan na matagal na hindi makita.
D. Unawain ang kanilang kalagayan at iabot ang mga bagay na kailangan nila.

____10. Sumakay ka sa dyip nakasakay mo ang batang pipi. Hindi maintindihan ang driver
ang ibig niyang sabihin. Pinapaabot niya sa iyo ang bayad niya. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaan nalang siya.
B. Huwag nalang siyang kausapin.
C. Gagayahin ang sinesenyas nito.
D. Kukunin ang bayad at iaabot sa driver.

_____11. Ang mga batang may kapansanan ay nakikilala rin ang kinalang talento sa
paaralan kaya’t bigyan sila ng pagkakataon at unawain kahit ano pa ang katayuan nila sa
buhay.
A. Tama C. Paminsan-minsan
B. Mali D. Wala sa nabanggit

_____12. Pinangkat kayo ng iyong guro para sa nalalapit na paligsahan sa paaralan. Nataon
na kagrupo niyo ang may kapansan. Ano ang gagawin mo?
A. Tatanggapin pansamantala sa grupo
B. Isasama siya ngunit wala siyang gagawin
C. Magiiba ng kagrupo dahil matatalo lang kayo
D. Bibigyan siya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang kakayahan

____13. Nakita mo ang kaklase mong umiiyak sa kanyang upuan, sinabi niya sa iyo na
sobrang sakit ng ngipin niya. Alam mong may gamot sa clinic room dahil nagamit mo narin
ito dati. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihan na matulog nalang muna siya.
B. Painumin ng gamot kahit walang pahintulot.
C. Sasamahan sa clinic room para matignan siya.
D. Pakainin ng mawala ang sakit na nararamdaman.

____14. Hindi humuhupa ang lagnat ng iyong kapatid kung kaya’t dinala siya sa hospital
napag-alaman na may dengue siya. Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa
kanya?
A. Iwasan maglaro sa labas.
B. Antayin na makauwi sa bahay.
C. Hayaan lang ang dating ayos ng bahay.
D. Tutulong sa paglilinis ng bahay para makaiwas sa sakit.

____15. Nakakita ka ng matanda na tatawid sa kalsada at napakadami ang dala-dala nito,


Ano ang gagawin mo?
A. Papanuorin lang siya.
B. Hindi mo nalang titignan.
C. Susudan lang ito hanggang sa makarating sa dulo.
D. Tutulungan siya hanggang makarating sa kabilang kalsada.

____16. Tatlong araw na hindi nakapasok ang iyong kaibigan dahil meron siyang lagnat,
miyembro kayo ng choir at may bagong awitin na itinuro sa inyo. Ano ang gagawin mo?
A. Antayin na gumaling siya.
B. Tawagan nalang sa cellphone.
C. Hayaan ang mga magulang sa pag-aalaga.
D. Bisitahin at iparinig ang bagong awitin para maaliw.
_____17. Ang pagdalaw at pagdadala ng anumang bagay kapag may sakit sa miyembro
ng pamilya lalo na kung may karamdaman ay nagpapakita nang pagmamalasakit at sa
kanila?
A. Opo C. Paminsan-minsan
B. Hindi D. Wala sa nabanggit

____18. May sakit ang iyong kaibigan kaya hindi ito nakakapasok araw-araw. Nagpasabi
siya na nahihiya na siyang pumasok dahil baka hindi na siya makasabay sa mga gawain sa
klase. Papaano mo siya matutulungan?
A. Pupuntahan ko siya at kukuwentuhan lang.
B. Susuportahan ko siya sa huwag nang pumasok.
C. Hahayaan ko na muna siya sa kanyang pasya.
D. Tutulong sa paglilinis ng bahay para iwas sakit

____19. May bago kayong kaklase na may kapansanan sa pananalita. Tinawag siya ng
iyong guro para magpakilala ngunit utal-utal siya magsalita?
A. Huwag nang pagsalitain.
B. Pauupuin para hindi na mapahiya.
C. Uunawain ang kanyang kalagayan.
D. Pagtatawanan kasi hindi siya malinaw magsalita.

____20. Pinadala kayo ng inyong guro ng halaman may kaklase kayong bulag at katabi mo
ito. Paano mo siya matutulungan para madali niyang maintindihan ang aralin ninyo sa EPP
tungkol sa bahagi ng halaman.
A. Sabihin na makinig sa guro.
B. Lalayuan siya para hindi ka maabala.
C. Lumipat ka ng upuan para hindi maabala.
D. Ipahawak ang halaman at tulungan siya para maintindihan ito.

____21. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin tuwing may patimpalak para sa mga
may kapansanan?
A. Ipakita ang paghanga sa kanila.
B. Igalang sila at huwag pagtawanan.
C. Tumawa ng malakas dahil nakakatuwa sila.
D. Iaparamdam sa kanila na hindi sila iba sa karaniwan at walang kapansanan na
tao.

____22. May paligsahan sa pagguhit sa inyong paaralan. Nanalo ang kaklase mo may
kapansanan ngunit, nalaman mo na overage na siya pero parehas kayo na nasa Ikatlong
baitang parin siya. Wala nabanggit sa kriteria na bawal ang overage. Ano ang gagawin
mo?
A. Magpoprotesta kasi overage na siya.
B. Maging isport at tanggapin ang pagkatalo.
C. Gagalingan nalang sa sususnod na paligsahan.
D. Kakamayan ang katunggali kahit masama ang loob.

___23. Magaling kumanta si Julia pagkatayo niya sa stage para simulan ang pag-awit ay
hindi niya alam buksan ang microphone. Katungagali ka niya pero alam mo kung papaano
ito paganahin. Ano ang gagawin mo?

A. Bubulungan na umupo na lang siya


B. Hahayaan siya upang tulungan ng iba
C. Lalapitan siya at tutulungan paano ito paganahin
D. Pagtatawanan sa gilid dahil hindi niya nakikita ang hawak niya

____24. Ang iyong kuya ay naatasan na mangasiwa sa darating na paligsahan sa inyong


lugar. Naturuan kaniya kung paano laruin ang chess kung kaya’t kakausapin mo siya na
bubuo siya ng paligsahan para sa may kapansanan at napapayag mo siya. Ano ang
mararamdaman mo?
A. Masayang-masaya dahil napagbigyan nang pagkakataon ang mga katulad mo.
B. Magmalaki dahil napapayag ang kuya mo kung kaya’t pipiliin lang ang sasali.
C. Isasali lahat nang may gusto ayon sa kanilang laro.
D. Kinakabahan baka pagtatawanan lang kayo.

____25. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin sa tuwing may paligsahan ang mga may
kapansanan?
A. Ipakita na masaya at ginagalang sila sa kabila ng kanilang kapansanan.
B. Ikukwento ang lahat ng nakakatawang pangyayari sa paligsahan.
C. Ipakita na iba talaga sila sa mga normal at walang kapansanan.
D. Huwag nalang silang pag-aksayahan ng panahon.

____26. Ipinagmaneho kayo ng tatay niyo sa inyong lakad, subalit dahil may kapansanan
ang inyong kapatid at hindi pa niya kaya na mag-isa ay pinasakay ka nalang sa dyip nang
dahil magkaiba ang lugar na pupuntahan niyo. Ano ang mararamdaman mo?
A. Magtatampo ka sa tatay mo.
B. Uunawain ang kalagayan ng kapatid.
C. Pilitin huwag nalang sumubay sa kanila.
D. Magdamdam sa kapatid na may kapansanan.

____27. Alin sa mga sumususnod ang dapat gawin kapag may kaklaseng may sakit?
A. Ipaalam sa guro at hayaan na siyang magpasya kung ano ang dapat gawin.
B. Samahan sa clinic hanggang siya ay sunduin at hindi na magklase.
C. Ihatid sa clinic at pagkatapos ay iwanan na doon.
D. Wala sa mga nabanggit.

____28. Nakaranas ang mga kaklase mo nang matinding bagyo sa kanilang lugar kung
kaya’t napunta sila sa evacuation area. Pagkatapos ng bagyo pumasok sila sa paaralan na
walang gamit, marami kang naritang gamit pampaaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin na magpapabili ng bagong gamit.
B. Ihihingi sa mga kapitbahay kung may magbigay.
C. Bibigyan ng mga bagay na wala sila nang maluwag sa kalooban.
D. Huwag ibibigay kasi binili lahat iyon ng Nanay mo at para saiyo lang talaga.

_____29.Nagkaroon ng epedemia sa inyong lugar kung kaya’t marami ang nagkasakit.


Napag-alaman nang ahensiya ng Department of Health na malaki ang maitutulong ang
malinis na kapaligiran. Iminumungkahi ang pakikiisa ng bawat miyembro ng pamilya. Ano
ang gagawin mo?

A. Pabayaan ang ahensiya na gumawa ng paraan.


B. Iwanan ang barangay at pansamantalang makitira sa kamag-anak.
C. Sasabihin sa magulang na makiisa sa programa kahit pansamanta lang.
D. Sabihan ang magulang na makipag-ugnayan sa barangay para alamin ang
tamang proseso upang makaiwas sa sakit.

_____30. Pumunta ka sa grocery at naabutan mong bumibili ang kaklase mong pipi. Hindi
maintindihan ng tindera kung ano ang kanyang binibili. Nagkataon na marunong ka ng sign
language. Ano ang dapat mong gawin?
A. Antayin nalang sila na magkaintindihan.
B. Magmadali sa paguwi para hindi maabala.
C. Umiwas sa ibang counter para hindi matagalan.
D. Tutulungan ipaliwanag kung ano ang binibili niya.
____31. Kaarawan ng iyong kaklase at ikaw ay dumalo sa kaniyang handaan. Nakita mo
doon si Ana ang batang bulag na iyong kababata. Narinig mong gusto niyang uminon ng
juice ngunit hindi siya pinapansin ng may hawak nito. Ano ang dapat mong gawin?
A. Antayin na siya ay mabigyan.
B. Tatawangin ang waiter at hihingi ng juice.
C. Lumayo sa upuan para hindi siya makita.
D. Kukuhanan siya ng juice at tatabihan siya.

___32. Nagkaroon ng paligsahan sa inyong paaralan, unang nagpakita ng tula ang mga
bata na may kapansanan na si Dino. Patapos na ang kanyang tula ngunit nakalimutan niya
ito. Kung ikaw ay manonood, Ano ang dapat mong gawin?
A. Pagtatawanan ko siya.
B. Sasabihan na umupo nalang.
C. Sasabihan na hindi na sila sasali sa sususnod.
D. Antayin na maalala niya ulit ang kanyang tula.

____33. Nagsabi ang iyong guro na may screaning para sa nalalapit na paligasahan sa
pagsayaw sa inyong paaralan. Nagprisinta ang kaibigan mo para subukan dahil magaling
siyang sumayaw subalit medyo Malabo ang kanyang paningin. Sasamahan mo ba sa
kabila ng kanyang kapansanan?
A. Oo, dahil tungkol sa pagsasayaw ang paligsahan.
B. Pagsasabihan ko siya na sa iba nalang kami sumali upang hindi mapahiya.
C. Kakausapin ko ang kanyang mga magalang na huwag siyang pasalihin.
D. Oo, pero sasabihan ko siya na huwag masasaktan kapag natalo kami.

___34. Nagpatawag ang inyong punong barangay na magkakaroon ng paligsahan sa


pagsayaw. Maari bang makasali ang kaklase mong pipi ngunit may anking talento sa
pagsasayaw?
A. Pwede para masubukan lang niya.
B. Hindi, kasi mahihirapan siya sa makikipag-usap.
C. Hindi maari baka magdulot lang ng problema.
D. Oo, bigyan siya ng pagkakataon kasi naririnig naman niya ang musika.

___35. Kabilang ang iyong pinsan sa mga inimbitahan na maglaro ng basketball para sa
mga naka wheel chair sa barangay fiesta, gusto sana niyang sumali subalit nahihiya siya.
Papaano mo siya hihikayatin na sumali?
A. Ipapaintindi ko sa kanya na hindi hadlang ang kanyang kapansanan
sa pagsali sa laro.
B. Ipapakilala ko siya sa iba pang may kapansanan na sasali sa patimpalak.
C. Kakausapin ko ang kanyang mga magalang na payagan siya.
D. Lahat nang mga sagot ay tama.

_____36. Bago paman sumapit ang kapaskuhan ay marami ng mga katutubo ang nasa
lansangan upang mamasko sa ating mga kababayan. Subalit marami sa kanila ang
napapahamak sa daan, may nasasagasahan, nahuhuli ng pulis dahil sa pagkakalat at ang
iba ay namamatay dahil sa mga sakit. Kung lalapit sila sayo sa lansangan at mamalimos
magbibibgay kaba?
A. Pabayaan sila sa kalsada total magpapasko naman.
B. Pagsasabihan na umuwi nalang sila baka mapahamak sila.
C. Hindi ka na magbibigay para hindi sila bumalik pa sa lansangan at mapahamak.
D. Oo, magbibigay ka parin pero pagsasabihan mong mag-ingat sa kalsada at sa
mga motorista.

_____37. Nalulungkot ang iyong kaibigan dahil pumanaw ang paborito niyang alagang aso
na si Bambi. Ano ang gagawin mo upang mapasaya mo siya at hindi na malungkot pa?
A. Kukwentuhan mo siya ng mga mabubuting katangian ni Bambi.
B. Hayaan mo muna siyang mapag-isa at huwag munang kausapin.
C. Ipapasyal mo siya sa lugar na maraming alagang aso upang matuwa siya.
D. Bibigyan mo siya ng bagong aalagaan upang maging masaya siyang muli.

_____38. Alin sa mga sumusunod ang mga dapat gawin upang makatulong sa kapwa sa
oras ng kagipitan.
A. Magbigay ng pagkain araw-araw sa kanila.
B. Pagtulong sa mga nangangailangan.

C. Mamigay ng tulong pinansyal.


D. Lahat ng nabanggit.

____39. Nakita mong hirap tumawid sa kalsada ang kamag –aral mong may kapansanan sa
paa at hindi siya pinapansin ng mga tao at traffic enforcer na naroon. Ano ang iyong
gagawin?
A. Antayin ang enforcer upang samahan kayong makatawid.
B. Sasabihan mong bilisan niya ang lakad at sumabay sayo sa pagtawid.
C. Hayaan mong hintayin niyang maubos ang sasakyan sa kalsada.
D. Sasabihan mong bilisan niya ang lakad at sumabay sayo sa pagtawid.

____40. Mahilig kumanta ang iyong kamag-aral subalit hindi ito nakakakita dahil sa
kapansanan sa mata. Nabalitaan nitong may patimpalak sa pagkanta sa darating na
buwan ng wika at nais nitong sumali at nakikiusap sayo na samahan mo siya upang
magparehistro subalit alam mo na hindi ito masyadong kagalingan at baka mapahiya
lamang. Sasamahan mo ba siya?
A. Ipaliwanag mong mabuti ang kahihiyan na maaari niyang sapitin.
B. Dahil matalik ka niyang kaibigan sasabihan mo na wag nalang sumali at baka
mapahiya lang siya.
C. Susuportahan mo parin siya dahil gusto mong maramdaman niyang hindi siya iba
mga walang kapansanan.
D. Sasabihan mo ang kanyang mga magulang na huwag nalang siyang papuntahin
sa araw ng patimpalak.

_____41. May polyo sa kaliwang kamay ang iyong kaibigan, subalit napakaling naman nito
sa pagpinta, nagkataon na may paligsahan sa poster making sa inyong lugar, susuportahan
mo ba ang iyong kaibigan kahit siya ay may kapansanan?
A. Ipaliwanag mong mabuti ang kahihiyan na maaari niyang sapitin.
B. Kukumbinsihin mo siya na sumali nalang sa ibang paligsahan.
C. Sasabihan mo siya na may nauna kang nakatakdang gagawin sa araw na iyon.
D. Susuportahan mo dahil kaibigan mo siya at naniniwala ka sa kanyang kakayahan.

_____42. Nilalagnat si Mario bago ang uwian sa paaralan, nalaman niyang hindi siya
masusundo dahil may lagnat din ang kanyang kapatid na inaalagaan ng kanyang ina,
hindi nya kabisado ang umuwing mag-isa. Paano mo siya matutulungan?
A. Sasamahan mo siya sa pag-uwi sa kanilang bahay.
B. Bibilinan mo nalang na wag umalis hanggang sa masundo siya.
C. Ihahabilin mo nalang siya sa guwardiya ng paaralan.
D. IIwanan mo nalang dahil hinihintay ka rin ng iyong nanay sa bahay.

____43. Sinalanta ng bagyo at baha ang iyong matalik na kaibiigan at kamag-aral, nais mo
sanang tumulong subalit wala rin kayong kakayahan ng iyong pamilya, sa papaano kang
paraan para makakatulong?
A. Sumama sa mga naghahatid ng tulong sa mga nasalanta.
B. Isipin mo nalang na pareho kayong nangangailangan ng tulong.
C. Makilahok sa mga programa ng barangay sa pagtulong sa mga nasalanta.
D. Ipagbigay alam sa mga ibang kaibigan ang sinapit ng iyong matalik na kaibigan
upang sila nalang ang tumulong.
_____44. Mahina ang paningin ng iyong kamag-aral at kaibigan, palagi siyang hindi
nakakatapos sa mga gawain sa klase, hindi rin siya masyadong nabibigyan ng pansin ng
inyong guro, paano mo siya matutulungan?
A. Ikaw nalang ang gagawa sa mga dapat sana ay gawain niya.
B. Hayaan nalang at huwag nalang pansinin para hindi mapahiya.
C. Ipagsabi sa inyong mga kamag-aral na siya ay may kapansanan at nahihirapan.
D. Ipagbigay alam mo sainyong guro na nahihirapan siya sa paningin niya upang
matulungan siya ng inyong guro.

____45. Inatasan ka ng iyong guro na mangasiwa sa mga palaro sa darating na buwan ng


wika. Marami sa iyong mga kamag-aral na may kapansanan ang nais sumali. Ano anbg
gagawin mo?
A. Huwag nalang silang isali baka mahamak pa sila.
B. Isasali mo sila bilang taga suporta lamang sa mga regular na kalahok.
C. Bubuo ka ng natatanging laro para sa mga kamag-arol mong may mga
kapansanan.
D. Ipapaliwanag mo nalang na mapanganib sa mga may kapansanan ang isport at
iba pang pisikal na gawain.

____46. Bilang Paghahanda sa darating na kapistahan, nag anunsiyo ang punong barangay
na magkakaroon ng mga patimpalak sa lahat ng mamamayan sa barangay maging ang
mga may kapansanan. May kapansanan sa paglalakad ang iyong kapatid, papayagan
mo ba siyang sumali?

A. Hindi, dahil mapanganib at pagtatawanan lamang siya.


B. Hindi, dahil baka lumala ang kanyang kapansanan.
C. Oo, para makalimutan niya kahit sandali ang kanyang kapansanan.
D. Oo, para magkaroon siya ng kumpiyansa at huwag isipin na wala na siyang
magagawa.

Answer Key
1A
2C
3B
4D
5B
6C
7A
8D
9D
10D
11A
12D
13C
14C
15D
16D
17A
18D
19C
20D
21C
22B
23A
24A
25A
26B
27A
28C
29D
30D
31D
32D
33A
34D
35D
36D
37D
38D
39A
40C
41D
42A
43C
44D
45C
46D

You might also like