You are on page 1of 14

MATAAS NA PAARALAN NG CONSUELO M.

VALDERRAMA
Ngan , Compostela , Compostela Valley

Ikalawang Markahang Pagsusulitsa EsP -9

Pangalan : ___________________________ Petsa : _________________Marka : _______ Lagda ng Magulang : ______

Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok ?


a. Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat.
b. Isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa ito
c. Maaring tawaging bayanihan, damayan , o kawanggawa
d. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa
2. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapwa?
a. Bulonterismo
b. Dignidad
c. Pakikilahok
d. Pananagutan
3. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
b. Upang magampanan ang mga Gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
4. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
a. Pananagutan
b. Tungkulin
c. Dignidad
d. Karapatan
5. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
b. Mas higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
6. Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin,hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang
pahayag na ito ay:
a. tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
b. Mali, sapgkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na na maaaring makaaapekto sa iyo.
c. Tama , sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng
iyong kapwa sa mga sandaling yaon.
e. Mali , sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin, ito ay dapat manggagaling sa puso
7. Hindi nakalahok si Enrico sa Oplan linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kaniyang bunsong kapatid
na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng
basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Enrico?
a. Pagmamahal,Malasakit, at talent
b. Panahon , Talento at Kayamanan
c. Talento, panahon , at pagkakaisa
d. Kayamanan, Talento , at Bayanihan
8. Ano-ano ang dapat Makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagmamahal, Malasakit, at Talento
b. Panahon , talent, at Kayamanan
c. Talento , Panahon , at Pagkakaisa
d. Kayamanan, Talento, at Bayanihan
9. Ano ang makakamit n gating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagkakaisa
b. Kabutihang panlahat
c. Pag-unlad
d. Pagtataguyod ng pananagutan
10. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa.
a. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
b. Isang Gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa
d. Isang Gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa,at pagkamalikahain
11. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang
pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama?
a. Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan
b. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera
c. Hindi nararapat nap era ang maging layunin sa paggawa
d. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang sarili
12. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon pra sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang
kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang kapwa
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa
d. Lahat ng nabanggit
13. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga Gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng
mga produkto.
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha.
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.
14. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
15. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa
upang makamit ang kaniyang kaganapan.
b. Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang mga
kasangkapan na kinakailngan sa pagpapayaman ng paggawa.
c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilkha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya
ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapuwa.
d. Kapuwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilkha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang
lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikahin upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
16. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan,ugnayan,at pakikisangkot sa ating kpuwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kpuwa
MATAAS NA PAARALAN NG CONSUELO M. VALDERRAMA

Ngan , Compostela , Compostela Valley

Ikalawang Markahang Pagsusulitsa EsP -10

Pangalan : ___________________________ Petsa : _________________Marka : _______ Lagda ng Magulang : ______

Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Isip at kilos –loob
b. Intensiyon at layunin
c. Paghuhusga at pagpili
d. Sanhi at bunga
2. Habang naglalakad sa mall si Leah ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gusting magkaroon ng ganoong
klaseng sapatos. Tumigil siya sandal at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera para mabili ito. Nasa anong yugto ng
makataong kilos si Leah?
a. intensiyon ng layunin
b. nais ng layunin
c. pagkaunawa sa layunin
d. praktikal na paghuhusga sa pagpili
3. Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-iisipan I Leah ang ibat-ibang paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi
ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto
ng kilos si Leah?
a. Intensiyon n g layunin
b. Pagkaunawa sa layunin
c. Paghuhusga sa nais makamtan
d. Masusing pagsusuri ng paraan
4. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan , at pananagutan
d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguraduhan sa kaniyang pagpili
5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
a. Upang magsilbing gabay sa buhay
b. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili
6. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Tingnan ang kalooban
b. Magkalap ng patunay
c. Isaisip ang posibilidad
d. Maghanap ng ibang kaalaman
7. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
a. Isaisip ang mga posibilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Umaasa at magtiwala sa Diyos
d. Tingnan ang kalooban
8. Niyaya si Lino ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop.
Hindi kaagad sumagot n goo si Lino bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano
ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Lino?
a. Isaisip ang mga posibilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Tingnan ang kalooban
d. Magkalap ng patunay
9. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya,
makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Magkalap ng patunay
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Tingnan ang kalooban
d. Umasa at magtiwala sa Diyos
10. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Elmer ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba
ang nais ng Diyos o naaayon sa kaniyang kautusan?Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng
pagpapasiya si Elmer?
a. Tingnan ang kalooban
b. Isaisip ang posibilidad
c. Maghanap ng ibang kaalaman
d. Umaasa at magtiwala sa Diyos
11. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni Immanuel Kant?
a. Ang mabuting bunga ng kilos
b. Ang layunin ng isang mabuting tao
c. Ang Makita ang kilos bilang isang tungkulin
d. Ang pagsunod sa mga batas a nagtataguyod ng mabuting kilos
12. Ayon kay Max Scheler, alin sa sumusunod ang tanging nakikita sa pagpapahalaga natin sa mga bagay, gawi, at
kilos?
a. Isip
b. Damdamin
c. Kilos-loob
d. Saloobin
13. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
a. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
b. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit
c. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan
d. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon
14. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral?
a. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan
b. Ang pag-aarala ay para sa mga nagnanais yumaman
c. Ang pag-aaral ay nakakatulong sa pagtuklas ng katotohanan
d. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisispag pumasok sa paaralan
15. Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin ?
a. Isang saleslady na atapat sa mga mamimili tungkol sa kalidad ng produkto upang lalo itong tangkilikin.
b. Isang driver na nagbibigay ng discount o libreng sakay sa mga matatanda.
c. Isang lingcod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing pasko sa mga mahihirap upang maalala siya sa panahon ng
halalan.
d. Isang negosyanting nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa mga paninda
16. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan ang pangongopya tuwing may
pagsusulit o sa pagawa ng takdang- aralin maliban sa :
a. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aaral ng mabuti
b. Hindi ito katanggap-tanggapsa mga guro na gumaganap sa kanilang tungkulin
c. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng mataas marka.
d. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal na bagay
17. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng mataas na pagpapahalaga ayon kay Mac Scheler?
a. Nakakalikha ng iba pang halaga
b. Nagbabago sa pagdaan ng panahon
c. Mahirap o di mabawasan ang kalidad
d. Malaya sa organismong dumaranas nito.
18. Kung pagbabatayan ang pananaw ni Max Scheler , ang pangongopya
a. Tama, dahil natutugunan nito ang pangangailangang pumasa.
b. Tama, dahil ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa gumagawa.
c. Mali, dahil hindi pinili ang negatibong halaga kaysa sa katapatan
d. Mali dahil maari kang mapagalitan ng guro
19. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?
a. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
b. Sa pagbibigay sa kapuwa tumatanggap din tayo
c. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sayo
d. Lahat ng nabagkit
20. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na mas mataas na
pagpapahalaga?
a. Ang pagtulong sa kapwa ay daan upang tulungan ka rin niya
b. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapag bibigay kasiyahan sa sarili
c. Ang pagtulong sa kapwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod
d. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama
21. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
a. Pasiya
b. Kilos
c. Kakayahan
d. Damdamin
22. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?
a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
b. Sapagkat nakapagpapasya ito ng naaayon sa tamang katwiran
c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-iisipan.
d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.
23. Si Romy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kayat mahal na mahal siya ng kaniyang mga
kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang tinutulungan, na ang tiutulong nya sa mga ito ay galling sa
pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o mali ang kilos ni Romy?
a. Tama ,dahil marami naman siyang natutulungan na nanganagilangan
b. Mali, dahil hindi sa kaniya galling ang kaniyang tinutulong
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala parin ang panloob na kilos.
24. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay maghusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon
b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip
c. Tumulong sa kilos ng isang tao
d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos
25. Alin sa asumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?
a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang isang kilos na ginawa ay nakakaepekto sa
kabutihan.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos
26. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng layunin?
a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos
b. Ito ang pinakatunguhin ng kilos
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob

27. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bryan ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500
piso sa loob ng cabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bryan ng pera ay masama. Nadaragdagan
ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil _________
a. Kinuha niya ito ng walang paalam
b. Kinuha niya ito ng wala ang kaniyang magulang
c. Ang kinuhaan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
d. Ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto
28. May babae na ngustuhan si Erwin ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Ngunit sa akabila nito,
ipinagpatuloy parin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang
prinsipyo ang sumakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama
c. Ang sirkumstasiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama
d. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
29. Kaarawn ni mang Julian, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng Videoke at sila ay
nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling –araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na
dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumskop sa sirkumstansiya ng kios ang makikita nito?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama
d. Ang sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos
30. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Naome. Simula sa raw ng siya ay manalo,ginagampanan niya nang lubos ang
kaniyang tungkulin at resposibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita
rito?
a. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang
hangarin sa masamang kilos.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama
d. Ang sirkumstansiya ay maaaring hindi maaaring gawing mabuti ang masama
31. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa ________
a. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan , at kaakibat na pananagutan.
b. Ang kilos ay dapat Makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito
c. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa
d. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpapaplano upang Makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang
32. Si Gab ay isang espesyalistang doctor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamut ang nararapat sa
pasyente dahil alam niya bilang doctor na hindi lahat ng gamut na kaniyang ibinigay ay may magandang idudulot sa
mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga alik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gab?
a. Layunin
b. Kilos
c. Sirkumstansiya
d. Kahihinatnan
33. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
a. Layunin
b. Kilos
c. Sirkumstansiya
d. Kahihinatnan
34. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag –aral dahil ginabi ka nang umuwi galling sa kaarawan
ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin ito?
a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita
b. Mali , dahil hindi ko dapat kopyahin ng walang paalam sa kaniya
c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit
d. Mali , dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit
35. Bakit hindi pwedeng paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
a. Dahil kung masama an panloob,magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.
b. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
c. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
d. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos
36. Kung kilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapwa dahil sa galit
bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
A. Walang kusang- loob
B. Kusang-loob
C. Di kusang- loob
D. Kilos -loob
37. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninanais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng
kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang___niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kaniya na nakikita niya bilang
tama.
A. Isip
B. Kalayaan
C. Kilos-loob
D. Dignidad
38. Masipag at matalinong mag-aaral si jimmy. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami
siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at
lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Jimmy kung bakit nasa
kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang palagi nagtataas ng kamay upang sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala dahil ginawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
D. Wala , dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
39. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat
isinasakatuparan niya.ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
B. Oo, dahil ang hindi nito pagsasakatuparan ay isang maling gawain.
C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala
ng
isang maling bunga.
40. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang - aralin ang kanilang
guro.
B. Hindi pagsuot ni Kervy ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
C. Pagpasiya ng isangestudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro.
D. Pag-uwi ng maaga ni Andres dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.
41. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
A. Ang pagnanakaw ng kotse.
B. Ang pag-iingat ng isang doktor sa pag-oopera
C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
42. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos.
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao
C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob
43. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush
B. Pagbatok sa barkadadahil sa biglaang panloloko
C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan
D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha
44. Alin samga ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Paglilinis ng ilong
B. Pagpasok ng maaga
C. Pagsusugal
D. Maalimpungatan sa gabi
45. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na
maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang tindahan. Ang
tindera ay nagsisnungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
A. Takot
B. Kamangmangan
C. Karahasan
D. Masidhing damdamin
MATAAS NA PAARALAN NG CONSUELO M. VALDERRAMA

Ngan , Compostela , Compostela Valley

Ikalawang Markahang Pagsusulitsa EsP -10

Pangalan : ___________________________ Petsa : _________________Marka : _______ Lagda ng Magulang : ______

Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninanais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng
kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang___niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kaniya na nakikita niya
bilang
tama.
A. Isip
B. Kalayaan
C. Kilos-loob
D. Dignidad
2. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
A. Ang pagnanakaw ng kotse.
B. Ang pag-iingat ng isang doktor sa pag-oopera
C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok
3. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos.
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao
C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob
4. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush
B. Pagbatok sa barkadadahil sa biglaang panloloko
C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan
D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha
5. Si Ara ay laging nahuhuli sa klase dahil sa tumatawid pa siya sa main highway sa kanilang lugar papunta sa
paaralan.sa anong salik na nakakaapekto sa pananagutan ng tao ito?
A. Kamangmangan
B. Masidhing damdamin
C. Takot
D. Gawi
6. Pinatawag si Alvin ng kanyang guro ng dahil hindi siya nakilahok sa ginawang fire drill ng paaralan. Sa anong salik na
nakakaapekto sa pananagutan ng tao ito?
A. Kamangmangan
B. Masidhing damdamin
C. Takot
D. Gawi
7. Nagsauli ng mga proyekto ang guro ni Mina sa kanilang klase. Nang makita niya ang kaniyang mataas na
marka ay
bigla siyang napayakap ng hindi sinasadya sa kaniyang kaklaseng babae. Sa anong salik na nakakaapekto sa
pananagutan ng tao ito?
A. Kamangmangan
B. Masidhing damdamin
C. karahasan
D. Gawi
8. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Paglilinis ng ilong
B. Pagpasok ng maaga
C. Pagsusugal
D. Maalimpungatan sa gabi

9. Kung kilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapwa dahil sa galit
bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
A.Walang kusang- loob
B.Kusang-loob
C.Di kusang- loob
D.Kilos -loob
10. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat
isinasakatuparan niya.ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A.Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
B.Oo, dahil ang hindi nito pagsasakatuparan ay isang maling gawain.
C.Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
D.Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng
isang maling bunga.
11.May malubhang sakit ang ina ni Lara, isang - araw habang naglalakad siya sa daan nakakita siya ng isang pitaka na
puno ng pera, nakapangalan ang pitakang iyon kay Gng. Cruz. Kung ikaw si Lara ano ang iyong gagawin?
A. Itago ang pitaka kahit may pangalan pa ito.
B. Kunin ang pera at itapon ang pitaka sa ilog.
C. Ipambili mo ito ng gamot ng iyong nanay
D. Ibigay mo ito sa police station
12. Bakit hindi lahat ng kilos ay obligado ayon kay Sto. Tomas?
A. Dahil sariling pananagutan ito ng tao.
B. Dahil ikaw mismo ang magdesisyon kung ano ang obligasyon mo.
C. Dahil ang isang gawa ay obligado lamang kung ang hindi sa pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang
Mangyayari
D. Dahil kikilos ka lamang ayon sa gusto mo
13. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A. Pasiya
B. Kilos
C. Kakayahan
D. Damdamin
14. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
A. Layunin
B. Kilos
C. Sirkumstansiya
D. Kahihinatnan
15. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos loob.
A. Layunin
B. Kilos
C. Sirkumstansiya
D. Kahihinatnan
16. Alin sa asumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?
A. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang isang kilos na ginawa ay nakakaepekto sa
kabutihan.
B. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos.
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
D. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos
17. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng layunin?
A. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos
B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob
18. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa ________
A. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan , at kaakibat na pananagutan.
B. Ang kilos ay dapat Makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito
C. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa
D. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpapaplano upang Makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang

19. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag –aral dahil ginabi ka nang umuwi galling sa
kaarawan
ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin ito?
A. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita
B. Mali , dahil hindi ko dapat kopyahin ng walang paalam sa kaniya
C. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit
D. Mali , dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit
20. Bakit hindi pwedeng paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
A. Dahil kung masama an panloob,magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.
B. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
C. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
D. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos
21. Si Romy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kayat mahal na mahal siya ng kaniyang mga
kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang tinutulungan, na ang tiutulong nya sa mga ito ay galling sa
pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o mali ang kilos ni Romy?
A. Tama ,dahil marami naman siyang natutulungan na nanganagilangan
B. Mali, dahil hindi sa kaniya galling ang kaniyang tinutulong
C. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala parin ang panloob na kilos.
22. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay maghusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?
A. Umunawa at magsuri ng impormasyon
B. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip
C. Tumulong sa kilos ng isang tao
D. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos
23. Si Gab ay isang espesyalistang doctor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamut ang
nararapat sa
pasyente dahil alam niya bilang doctor na hindi lahat ng gamut na kaniyang ibinigay ay may magandang idudulot
sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga alik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gab?
e. Layunin
f. Kilos
g. Sirkumstansiya
h. Kahihinatnan
24. Halos isang buwan kang wala sa klase dahil nagkasakit ka,pagbalik mo sa klase nagkakaroon kayo ng
pagsusulit,
wala kang maisagot sa papel mo, katabi mo ang iyong kaibigan na magaling din sa klase. Ano ang iyong gagawin?
A. Babayaran mo ang iyong kaibigan para pakopyahin ka.
B. Kunin mo ang papel ng iyong katabi at kopyahin ito
C. Hayaan mo na lamang na wala kang maisagot
D. Lalabas ka sa klase na walang paalam
25. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?
A. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
B. Sapagkat nakapagpapasya ito ng naaayon sa tamang katwiran
C. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-iisipan.
D. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.
26. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni Immanuel
Kant?
A. Ang mabuting bunga ng kilos
B. Ang layunin ng isang mabuting tao
C. Ang Makita ang kilos bilang isang tungkulin
D. Ang pagsunod sa mga batas a nagtataguyod ng mabuting kilos
27. Ayon kay Max Scheler, alin sa sumusunod ang tanging nakikita sa pagpapahalaga natin sa mga bagay, gawi,
at kilos?
A. Isip
B. Damdamin
C. Kilos-loob
D. Saloobin

28. “ Gawin mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin” kaninong pananaw ito?
A. Sto. Tomas de Aquino
B. Sto. Tomas de Aquinas
C. Confucius
D. Immanuel Kant
29. “ Wala ni isa man sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga’t hindi niya ninanais sa kanyang kapatid
ang nais
niya sa kaniyang sarili. Sa anong aklat makikita ito?
A. Hadith
B. Bibliya
C. Qur’n
D. Book of life
30. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan ang pangongopya tuwing
may
pagsusulit o sa pagawa ng takdang- aralin maliban sa :
A. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aaral ng mabuti
B. Hindi ito katanggap-tanggapsa mga guro na gumaganap sa kanilang tungkulin
C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng mataas marka.
D. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal na bagay
31. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng mataas na pagpapahalaga ayon kay Mac Scheler?
A. Nakakalikha ng iba pang halaga
B. Nagbabago sa pagdaan ng panahon
C. Mahirap o di mabawasan ang kalidad
D. Malaya sa organismong dumaranas nito.
32. Ang mga sumusunod ay isa sa mga limang katangian ng mataas na Pagpapahalaga ni Max Scheler maliban sa
:
A. Kakayahang mananatili
B. Mahirap o hindi mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga
C. Lumilikha pa ng iba pang mga pagpapahalaga
D. Nagdudulot ng higit pang mababaw na kasiyahan o kaganapan
33. Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin ?
A. Isang saleslady na atapat sa mga mamimili tungkol sa kalidad ng produkto upang lalo itong tangkilikin.
B. Isang driver na nagbibigay ng discount o libreng sakay sa mga matatanda.
C. Isang lingcod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing pasko sa mga mahihirap upang maalala siya sa panahon ng
halalan.
D. Isang negosyanting nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa mga paninda
34. Kung pagbabatayan ang pananaw ni Max Scheler , ang pangongopya
A. Tama, dahil natutugunan nito ang pangangailangang pumasa.
B. Tama, dahil ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa gumagawa.
C. Mali, dahil hindi pinili ang negatibong halaga kaysa sa katapatan
D. Mali dahil maari kang mapagalitan ng guro
35. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
A. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
B. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit
C. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan
D. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon
36. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral?
A. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan
B. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman
C. Ang pag-aaral ay nakakatulong sa pagtuklas ng katotohanan
D. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisispag pumasok sa paaralan
37. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na mas
mataas na
pagpapahalaga?
A. Ang pagtulong sa kapwa ay daan upang tulungan ka rin niya
B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapag bibigay kasiyahan sa sarili
C. Ang pagtulong sa kapwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod
D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama

38. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Isip at kilos –loob
B. Intensiyon at layunin
C. Paghuhusga at pagpili
D. Sanhi at bunga
39. Simula ng magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kaniyang kamatayan, nagsasagawa siya araw-araw na
pagpapasiya. Sino ang nagwika nito?
A. Sto. Tomas de Aquino
B. Immanuel Kant
C. Father Ferioles
D. Father Neil Sevilla
40. Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman natin kung ano ang magandang plano ng panginoon sa atin.
A. Pag-aayuno
B. Pagdarasal
C. Pagbabasa ng Bibliya
D. Pag-aalay
41. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga
bagay-bagay.
A. Mabuting pagpapasya
B. Paninindigan
C. Malayang kilos
D. Isip at kilos -loob
42. Habang naglalakad sa mall si Leah ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gusting magkaroon ng
ganoong
klaseng sapatos. Tumigil siya sandal at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera para mabili ito. Nasa anong yugto ng
makataong kilos si Leah?
A. intensiyon ng layunin
B. nais ng layunin
C. pagkaunawa sa layunin
D. praktikal na paghuhusga sa pagpili
43. Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-iisipan I Leah ang ibat-ibang paraan upang mabili niya ang sapatos?
Hihingi
ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang
yugto ng kilos si Leah?
A. Intensiyon n g layunin
B. Pagkaunawa sa layunin
C. Paghuhusga sa nais makamtan
D. Masusing pagsusuri ng paraan
44. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Tingnan ang kalooban
B. Magkalap ng patunay
C. Isaisip ang posibilidad
D. Maghanap ng ibang kaalaman
45. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Umaasa at magtiwala sa Diyos
D. Tingnan ang kalooban
46. Niyaya si Lino ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop.
Hindi kaagad sumagot n goo si Lino bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano
ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Lino?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Tingnan ang kalooban
D. Magkalap ng patunay

47. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya,
makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Magkalap ng patunay
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Tingnan ang kalooban
D. Umasa at magtiwala sa Diyos
48. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Elmer ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba
ang nais ng Diyos o naaayon sa kaniyang kautusan?Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng
pagpapasiya si Elmer?
A. Tingnan ang kalooban
B. Isaisip ang posibilidad
C. Maghanap ng ibang kaalaman
D. Umaasa at magtiwala sa Diyos
49. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan , at pananagutan
D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguraduhan sa kaniyang pagpili
50. Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam niyang mayroon silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit ay
maraming tanong na hindi niya nasagot. Sinabihan siya ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot subalit
tinanggihan niya ito. Ang ginawa ni monica ay nagpapakita ng _____________
A. Paninindigan
B. Makataong kilos
C. Tiwala sa sarili
D. Respeto sa sarili

You might also like