Professional Documents
Culture Documents
___1. Ito ay ang institusyong tumutulong sa atin upang mahubog ang ating talino at pagkatao.
A. negosyo B. paaralan C. pamahalaan D. simbahan
___2. Ano ang tunay na layunin ng Lipunan?
A. kapayapaan B. kabutihang panlahat C. katiwasayan D. kasaganaan
___3. Ano ang kabutihang panlahat?
A. kabutihan ng lahat ng tao
B. kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
___4. Ito ang pinagkakakitaan ng mga tao sa kanilang ikinabubuhay at pakinabang sa
pagpapaunlad ng ekonomiya.
A. negosyo B. paaralan C. pamahalaan D. simbahan
___5. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat MALIBAN sa:
A. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
B. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
C. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiambag ng sarili kaysa iba.
D. pakikinabang sa benipisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtaggi sa
pagbabahagi para sa pagkamit nito.
___6. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
A. sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhing o layunin samantalang sa
komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod- tangi ng mga kabilang nito.
B. sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at
pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon
sa mga taong kasapi nito.
C. sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtan ang mithiin
ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa
pagkamit ng kanilang mga mithiin.
D. sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay
mas maliit na pamahalaan.
___7. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo
kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
A. Aristotle B. St. Thomas Aquinas C. John F. Kennedy D. Bill Clinton
___8. Ang salitang “lipunan” ay nagmula sa salitang ugat na :
A. ipon B. naipon C. lipon D. Griego
___9. Ang Komunidad ay salitang ginagamit upang tukuyin ang lipunan na salitang “Latin” na:
A. common B. communis C. communal D. communion
___10. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat MALIBAN sa:
A. ang kapayapaan
B. ang tawag ng indibidwalismo
C. ang paggalang sa indibidwal na tao
D. ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
___11. Ito ay ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan.
A. kultura B. katangian C. paguugali d. kwento
___12. Saan maihahalintulad ang isang pamayanan?
A. pamilya B. negosyo C. barkadahan d. magkasintahan
___13. Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng
pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito.
A. komunidad B. lipunang Politikal C. pamayanan D. lipunang sibil
___28. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
A. sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat
isa.
B. walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mamamayan.
C. karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.
D. hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.
___29. Sinasabing kailangang unahin ito ng tao kaysa “tinapay.” Ano ito?
A. sarili B. kapwa C. halaga D. edukasyon
___30. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitali na ng tao ang kanyang
sarili sa bagay?
A. hindi mabitawan ni Shenly ang kaniyang mga lumang damit upang ibigay sa kamag-
anak dahil may sentimental value” ito sa kanya.
B. alagang-alaga ni Dean ang pamanang sapatos ng kanyang ama.
C. nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong sa pamahalaan, dahil
karapatan niya ito bilang nagbabayad ng buwis.
D. inubos ni Chiyaki ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa
lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na
kasiyahan.
___31. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:
A. iba’t – iba tayo ng kakayahan
B. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
C. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo natin mag-isa
D. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
___32. Ang kahulugan ng “mass media” ay:
A. impormasyong hawak ng marami
B. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon.
C. impormasyong nagpapasalin-salin sa marami.
D. paghahatid ng maraming impormasyon.
___33. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
A. ang lahat ay magiging masunurin.
B. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
C. bawat mamamayan ay may tungkling dapat gampanan.
D. walang magmamalabis sa lipunan.
___34. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:
A. wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
B. nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
C. maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
D. ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng impormasyon.
___35. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
A. sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
B. ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
C. walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
D. hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
___36. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong;
A. paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan
B. pagpapahayag ng sariling kuro-kuro
C. paglalahad ng isang panig ng usapin
D. pagbanggit ng maliit na detalye
___37. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, MALIBAN sa:
A. Kawalan ng pangmatagalang liderado.
B. Pagsasalungatang ng iba’t ibang paninindigan
C. Kawalan ng kuwalipikasyon ng kaanib
D. Panghihimasok ng estado
___38. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
A. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
B. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang
C. kapangyarihang hawak ng glider ng relihiyon
D. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.
___39. Ang samahang nagsasagawa ng ____ ay maituturing na isang lipunang sibil.
A. malayuang pagbibisikleta
B. pagmamasid sa mga ibon
C. pagtatanim ng mga puno
D. pagsisid sa mga bahura (coral reefs)