You are on page 1of 3

Region IV-A CALABARZON

DIVISION OF RIZAL Marka:


TAGUMPAY NATIONAL HIGH SCHOOL
San Jose, Rodriguez, Rizal
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
50
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2019-2020
Pangalan: _______________________________________________________ Petsa: ___________________________
Taon at Pangkat: _________________________________________________ Guro : ___________________________
TEST I. Panuto: PAGTAPAT-TAPATIN ANG MGA SUMUSUNOD.

_________1. BATAS A. PARAAN UPANG KUMITA NG PERA


_________2. MABUTI B. OBLIGASYONG MORAL
_________3. TAMA C. BATAYAN NG MGA BATAS NG TAO
_________4. KARAPATAN D. KAPANGYARIHANG MORAL
_________5. TUNGKULIN E. PARAAN NG KAAYUSAN
_________6. LIKAS NA BATAS MORAL F. ANGKOP SA TAO
_________7. FIRST DO, NO HARM G. PRIMUM NON NOCERE
_________8. KONSENSYA H. NABABALEWALA MINSAN SA PAGDESISYON
_________9. PAGGAWA I. TAO
_________10. SUBHETO NG PAGGAWA J. LAGING TAMA
TEST II: PANUTO: ISULAT KUNG TAMA O MALI. (T/M)
_____ 11.Ang mabuti ay ang pagsunod sa Diyos.
_____ 12. Ang likas na batas na moral ay inimbento ng mga pilosopo.
_____ 13. Tama ang isang bagay kung magdudulot ng kasiyahan.
_____ 14. Ang tama ay pagsunod sa mabuti ayon sa sariling tantya na angkop sa panahon at pagkakataon.
_____ 15. Ang karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa ay mga bagay pansarili lamang.
_____ 16. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay inaasahang magawa at
maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang kanyang ginagalawan.
_____17. Ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao ay konsensya.
_____18. Ang karapatang pantao ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapwa, at sa
dignidad niya bilang tao.
_____19. Ang lahat ng tao’y isinilang na di malaya at di pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.
_____20. Nangangahulugan ng salitang paggawa ay isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw.
_____21. Ang layunin ng paggawa maipagmalaki ang kakayahan at karunungan.
_____22. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
_____ 23. Ang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa ay pananagutan.
_____ 24. Ang bolunterismo ay ang pagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay umaasa.
______25. Dapat Makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo Panahon, Talento, Kayamanan

TEST III: PANUTO: PILIIN ANG TAMANG SAGOT AT ISULAT SA PATLANG.

_____ 26. Paano natututunan ang likas na batas moral:


a. binubulong ng anghel b. basta alam mo lang c.tinuturo ng magulang d. sinisigaw ng konsensya
_____ 27. Ang mabuti ay:
a. laging tama b. minsan tama c.iba-iba sa tao d. pare-pareho sa tao
_____ 28. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:
a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan c. ingatan ang interes ng marami
b. itaguyod ang karapatang-pantao d. pigilan ang masasamang tao
_____ 29. Alin ang hindi kabilang na dahilan kung bakit mayroong batas?
a. magkaroon ng kaayusan c. mabilis na makamit ang kaunlaran
b. mailigtas ang mga tiwali at corrupt na tao d. mapangalagaan ang karapatan ng tao
_____ 30. Ano ang pinakapundamental na batas na hinihinging magulang sang-ayon sa likas na batas moral?
a. batas ng tao b. mahalin ang sarili c. batas ng Diyos d. Ten Commandments
_____31. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain
nila na nasa hapag- kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalong masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko lang ang pangyayari.
_____32. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa maling pagparada nang tama ng kanyang dyip.
Habang pinagsasalitaan nang hindi maganda ang matandang drayberay naroon sa tabi niya ang kanyang paslit na apo.
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis upang mamagitan sa kanila.
c. Pupuntahan ko ang lalaki at pagsasabihan sila na tumigil na.
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
_____33. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may
kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na.
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran.
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan sa aking mga kaibigan.
c. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar sa binatilyong may kapansanan
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyo habang naghihintay siya ng mauupuan.
_____34. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito ng:
a. kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa c. mas malalim na pagkakaintindihan
b. karunungan d. wala sa nabanggit
_____35. Ang isyung ito ay madalas na nangyayari sa probinsya kung saan ang lupang alam nila na pamana ng kanilang mga ninuno
ay pilit na inangkin ng mga mayayamang negosyante.
a. Terorismo b. Pagkamkam ng Lupa c. Pang-aabuso d. Diskriminasyong Pangkasarian
_____36. Pagbibigay o paglalagay ng kategorya o kahulugan ang isang tao o bagay
a. diskriminasyon b. pang- aabuso c. stereotyping d. wala sa nabanggit
Page 1 of 2 / EsP 9 / 2nd Grading / SY 2019-2020/jhasminfuentes
_____37.Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
_____38. Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang
kinabibilangan at sa bansa?
a. Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang kapwa.
c. Kapag kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
_____39. Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?
a. May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho
b. May kasipagang angkin, hindi matatawarang talino at labis na pagmamahal sa paggawa
c. May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila
d. Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa
_____40.Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?
a. kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa pagkamit ng tunguhin.
b. kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa
kapurihan ng Diyos.
c. kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang matamasa ang bunga ng kaniyang
pinagpaguran.
d. kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang katuturan ng kaniyang paggawa
_____41.Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.
_____ 42. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga sapagkat:
a. Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
b. Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Lahat ng nabanggit
_____ 43. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hanggat kaya mo at mayroon kang kayang
gawain para sa ikabubuti ng iyong lipunan.
a. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
b. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibo kasapi nito at ginagawa niya ito bilang pampalipas oras.
c. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.
d. Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroong silang hinihintay na kapalit.
_____ 44.Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay tinuturan ni Marian ang mga batang hindi nakapag-aaral sa kanilang lugar upang
matutong bumasa at sumulat.
b. Si Dingdong ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
c. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Daniel na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat-dapat na mamuno.
d. Sumali si Kathryn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili
ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.
_____ 45. Hindi makakalahok si James saBrigada Eskwela ng kanilang paaralandahil kinakailangan niyang alagaan ang kanyang lola
na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng
pakikilahok ang ipinakita ni James?
a. Impormasyon b. Sama-samang Pagkilos c. Sama-samang pagsuporta d. Pagsuporta
_____ 46.Ano ang pagkakaiba ng mabuti at tama?
a. Ang mabuti ay angkop at ang tama ay preskripsyon.
b. Ang mabuti ay ikasisiya ng marami at ang tama ay iilan lamang
c. Ang mabuti ay pare-pareho at ang tama ay magkakaiba.
d. Ang mabuti ay kilos tungo sa pagbubuo ng sarili at ng ugnayan at ang tama ay pagpili ng mabuti batay sapanahon,
kasaysayan at sitwasyon.
_____ 47.Bakit pinakamahalaga ang pagiging makatao?
a. Upang hindi ituring na hayop. c. Upang ingatan at payabungin ang tao.
b. Upang mapakinabangan ang tao. d. Upang ituring na pinakamataas ang tao.
_____ 48.Ano ang ibig sabihin ng First Do No Harm na unang hakbang sa pagtupad sa mabuti?
a. Iniisip ang ikabubuti ng iba. C. Iniisip ang pag-unlad ng sarili.
b. Huwag manakit at makasakit. D. Gawin ang tama at nararapat.
_____ 49. Alin ang hindihalimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao:
a. Police brutality b. Human Trafficking c. Land Grabbing d.Gender Equality
_____50. Ang karapatan ang may kaakibat na____.
a. tungkulin b.dignidad c.konsensya d.kilos-loob

Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin,
tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.
(Santiago 1:12)

Page 2 of 2 / EsP 9 / 2nd Grading / SY 2019-2020/jhasminfuentes


Page 3 of 2 / EsP 9 / 2nd Grading / SY 2019-2020/jhasminfuentes

You might also like