You are on page 1of 9

9

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Quarter 1 Weeks 5-6
Aralin
LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
3 Hindi Pantay Pero Patas

Mga Inaasahan

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa lipunang pang-ekonomiya. Aalamin


mo ang katangian ng mabuting ekonomiya at ang kabutihang naidudulot nito.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod
na kasanayan:

1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.1)


2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.2)
3. Napatutunayan na: (EsP9PL-If-3.3)
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat – walang taong
sobrang mayaman at maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad
ng lahat.
4. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at
lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop)
(EsP9PL-If-3.4)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang
paunang pagsubok.

Paunang Pagsubok

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
letra ng pinakaangkop na sagot.
1. Ano ang kahulugan ng sinabi ni Max Scheler na “nasa hulma ng ating katawan ang
kakayahan nating maging isang sino?”
A. Hindi nakukuha sa practice ang kakayahan, kung ipinanganak kang
mahina hanggang dyan ka na lang.
B. Ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan ang magdidikta ng
ating propesyon.
C. Ang mga mahihina ay hindi makakaranas ng tagumpay.
D. Ang mga malalakas ang siyang laging nagwawagi.
2. Ano ang prinsipyo ng proportio na binabanggit ni Sto. Tomas de Aquino?
A. Pantay C. Hindi pantay pero patas
B. Walang lamangan D. Pantay dahil patas
3. Paano nangyari na ang lipunang pang-ekonomiya ay hindi pantay pero patas?
A. Hindi maaaring maging pantay dahil ang namumuhunan ang siyang dapat may mas
malaking pakinabang upang masabi itong patas
B. Magsinrami ang pagbabahagi ng yaman ng bansa sa bawat tao, mayaman man o mahirap
C. Angkop na pagbabahagi ng yaman ng bansa ayon sa pangangailangan ng tao
D. Ang pulitiko ang may patas na bahagi sa ekonomiya ng bansa

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikalima at Ika-anim na Linggo
4. Ano ang makabuluhang dahilan ng paggawa at pagmamay-ari?
A. Gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi upang makipagmayabangan sa
iba kundi upang maipamalas ang talento, maging produktibo at makatulong sa kapwa tao.
B. Bumibili si nanay ng mga bagong gamit sa bahay para inggitin ang iba.
C. Nagsisikap maghanapbuhay si tatay para ipagmayabang niya sa kaniyang kapitbahay ang
kaniyang salapi at sasakyan.
D. Gumagawa at nagmamay-ari ang tao upang maging sikat at pamarisan.
5. Ano ang kahulugan ng lipunang pang-ekonomiya?
A. Pagbabantay sa maayos na pinansyal na kalagayan ng bawat tahanan at pamilya
B. Paghikayat ng trabahador sa ibang bansa upang lumaki ang padalang dolyar
C. Paghikayat sa foreign investors na mamuhunan sa ating bansa
D. Pangangasiwa sa patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan

Natutuwa ako sa iyong ipinamalas na pagsisikap na sagutin ang unang pagsubok.


Bago ka magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral sa nakaraang
aralin.

Balik-tanaw

A. Panuto: Punan ang tsart ng napapanahong halimbawa tungkol sa


pagtutulungan.

MGA HALIMBAWA NG
MGA HALIMBAWA NG TULONG MULA
PAGTUTULUNGAN NA GINAGAWA NG
SA PAMAHALAAN NA IBINABABA SA
MGA MAMAMAYAN PARA SA
TAUMBAYAN
KAPWA MAMAMAYAN
1 1
2 2
3 3

B. Panuto: Ayusin ang mga salita na nasa kahon upang makabuo ng slogan tungkol
sa lipunang pulitikal.

________________________________________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikalima at Ika-anim na Linggo
Pagpapakilala ng Aralin

Naisip mo na ba kung paano nagkakaroon ng budget ang ating bansa at kung paano
pinamamahalaan ng gobyerno ang naipong salapi para matugunan ang iba’t-ibang
pangangailangan ng mga mamamayan? Suriing mabuti ang larawang ito mula sa Wikipedia upang
magkaroon ka ng ideya tungkol sa ekonomiya.

Batid mo na ba na ang bawat tao ay natatangi o unique individual? Bagama’t hindi pantay-
pantay ang ating kakayahan, mayroon namang espesyal na abilidad at talento na ibinigay ang
Diyos sa bawat tao. Huwag mong bilangin at ikalungkot ang iyong mga kakulangan, sa halip ay
matuto kang gamitin ang talento na mayroon ka at magpunyagi ka upang mapaunlad ang sarili at
maiahon sa hirap ang iyong pamilya. Kapag ikaw ay natutong maging produktibo, magiging
kabalikat ka sa pag-unlad ng ating ekonomiya.

Mga Gawain

Gawain 1 KATANGIAN NG MABUTING EKONOMIYA

Panuto: Ipaliwanag ang kalagayan ng mga tao na namumuhay sa maunlad na


ekonomiya batay sa sumusunod na katangian.

MGA KATANGIAN MAUNLAD NA EKONOMIYA


1. Halaga ng bilihin
2. Hanapbuhay
3. Pabahay
4. Edukasyon
5. Kagamitan at teknolohiya

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Mayroon bang tungkulin na dapat gampanan ang mga mamamayan upang makatulong sa pag-
unlad ng ekonomiya ng bansa? Kung wala, bakit? Kung mayroon, ano ito? Ipaliwanag.
2. Ikaw, bilang mag-aaral, paano ka magiging isang mabuting halimbawa sa iyong kapwa
pagdating sa usapin ng pagsuporta sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa lalo na sa mga taong
may hinanakit sa pamahalaan?

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikalima at Ika-anim na Linggo
Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na
Mga katangian ng sagot : puntos:
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 10 – taglay ang 3 pamantayan
 Mahusay ang pagpapaliwanag 7 – dalawang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap 4 – isang pamantayan lamang

Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 10.

Gawain 2 ANG NAIDUDULOT NG MAUNLAD NA EKONOMIYA

Panuto: Isulat sa graphic organizer kung ano ang naidudulot ng maunlad na ekonomiya
sa buhay ng tao at sa bansa.

__

___ __
MAUNLAD
NA
EKONOMIYA

__ __
Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
Mga katangian ng sagot : 3 – taglay ang 3 pamantayan
 Sinunod sa panuto 2 – dalawang pamantayan lamang
 Makabuluhan ang sagot 1 – isang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap
Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 15.

Gawain 3 ANG MAUNLAD NA EKONOMIYA AY PARA SA LAHAT

Panuto: Punan ang tsart ng makabuluhang sagot.

Sang-ayon ka ba sa Magbigay ng
pangungusap na ito? napapanahong
Bakit? halimbawa.
1. Ang mabuting ekonomiya ay iyong
napauunlad ang lahat-walang taong
sobrang mayaman at marami ang
mahirap.
2. Ang ekonomiya ay hindi lamang
para sa sariling pag-unlad kundi para
sa pag-unlad ng lahat.

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 3 – dalawang pamantayan lamang
 Mahusay ang pagpapaliwanag 1 – isang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap
Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 20.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikalima at Ika-anim na Linggo
Tandaan

Ang lipunang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa wastong pamamamahala sa yaman ng


bansa. Tungkulin ng pamahalaan na pangangasiwaang mabuti ang pagbabahagi ng yaman ng bansa
sa patas na pamamaraan. Ang salitang ekonomiya ay nagmula sa griyegong salita na oikos na ang
ibig sabihin ay bahay at nomos na ang ibig sabihin ay pamamahala.

HINDI PANTAY

Ayon kay Max Scheler, “bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang
lakas at kahinaan”. Idinagdag pa niya rito ang iba pang aspekto gaya ng mga kinagisnan ng tao,
mga koneksiyon ng pamilya, lahi, relihiyon at iba pa. Ang lahat ng ito ay maaaring makaapekto
sa pagkamit ng tagumpay ng isang tao.

PRINSIPYO NG PROPORTIO

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, “ang prinsipyo ng proportio ay tumutukoy sa angkop na
pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao”. Sinabi rin niya na hindi man pantay-pantay ang
mga tao, mayroon namang angkop para sa kanila.

HINDI PANTAY PERO PATAS: PRINSIPYO NG LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

Patas. Ito ang prinsipyong sinusunod ng lipunang pang-


ekonomiya. Ang ating pamahalaan ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa mga
pangangailanan ng tao. Ang ating gobyerno ay humahanap ng
paraan upang ang mga negosyante ay makapamuhunan sa ating
bansa. Ito ang magbubukas ng oportunidad upang maipamalas
ng tao ang kaniyang angking talento, kakayahan at husay sa
paghahanapbuhay.

Napakaganda ng wikang Filipino para sa salitang trabaho. Ang tawag natin dito ay
hanapbuhay. Ang hinahanap ng gumagawa ay ang katuturan ng kaniyang buhay. Hindi lamang
pera at pag-aari ang hinahanap ng tao. Ginagamit lamang niya ito upang matulungan siyang
matupad ang kaniyang mga layunin at mahanap ang kaniyang buhay.

Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili sa pamamagitan ng mahusay
at tapat na paggawa. Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitan na mayroon siya o wala, ang
humuhubog sa tao.

Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay nagreresulta sa pag-unlad ng


bansa.

Inaasahan ko na naunawaan mo ang mga mahahalagang konsepto na tinalakay sa modyul


na ito. Kung may bahaging hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling
magtanong sa iyong guro. Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa kasunod na bahagi.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikalima at Ika-anim na Linggo
Pag-alam sa mga Natutuhan

Ngayong nalaman mo na ang pagsisikap ng pamahalaan na maging patas sa


kaniyang mga mamamayan, mahalagang maisabuhay mo rin kung paano magiging
patas sa iyong kapwa.

1-4. Magbigay ng makabuluhang halimbawa kung paano mo maipapakita ang


pagiging patas sa iyong:
pamilya ______________________________________________________________________
kamag-aral ___________________________________________________________________
komunidad ___________________________________________________________________
bansa ________________________________________________________________________

5. Anong katangian o pag-uugali ang dapat mong taglayin upang makatulong ka


sa pagtaguyod ng maunlad na ekonomiya? Bakit mahalaga ang katangian na
iyong binanggit? Ipaliwanag.

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng sagot : 3 – taglay ang 3 pamantayan
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 2 – dalawang pamantayan lamang
 Mahusay ang pagpapaliwanag 1 – isang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap
Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 15.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Piliin sa Hanay B ang angkop na salita na tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang
letra ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
1. Ito ay isang Griyegong salita na ang ibig a. Max Scheler
sabihin ay bahay.
2. Ito ay tumutukoy sa angkop na pagkakaloob o b. Prinsipyo ng proportio
pagbabahagi ayon sa pangangailangan ng tao.
3. Ito ay salitang Griyego na pinagmulan ng c. Santo Tomas de Aquino
katagang ekonomiya. Ang kahulugan ng
salitang ito ay pamamahala. d. Pantay
4. Ang terminong ito ay tulad din sa pamamahala ng
bahay. e. Patas
5. Ayon sa kaniya hindi man pantay-pantay ang
mga tao, may angkop para sa kanila. f. Hanapbuhay
6. Ito ay taglay ng tao maging siya man ay
mahirap o mayaman kaya hindi dapat itali g. Ekonomiya
ng tao ang kaniyang sarili sa materiyal na
bagay. h. Halaga
7. Ito tumutukoy sa pagbabahagi na walang
lamangan kahit hindi mo ito kailangan. i. Oikos
8. Ito ay tumutukoy sa prinsipyo ng proportio
na sinusunod sa lipunang pang-ekonomiya. j. Nomos
9. Ayon sa kaniya kailangang sikapin ang
pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikalima at Ika-anim na Linggo
pagbabahagi ng yaman ng bayan.
10. Ito ang napakagandang salitang Filipino na
tumutukoy sa trabaho dahil hindi siya
nagpapakapagod para lamang sa pera kundi
para ito sa buhay na hinahanap niya.

Pagninilay

Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang lubusang


mapalawak ang iyong pagkaunawa sa aralin.

Ano ang mahalagang aral na


Paano mo maisasabuhay ang
iyong natutunan tungkol sa
mga aral na natutunan mo?
mga sumusunod na konsepto?
1. Pagkakapantay-
pantay
2. Pagiging patas
3. Lipunang
pang-ekonomiya
4. Mga bagay na kaya
mong gawin upang
makatulong sa
pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa
5. Mga tamang
pag-uugali, positibong
pananaw at bukal sa
loob na pagsuporta sa
mga pagsisikap na
ginagawa ng
pamahalaan

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng sagot : 3 – taglay ang 3 pamantayan
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 2 – dalawang pamantayan lamang
 Mahusay ang pagpapaliwanag 1 – isang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap
Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 30.

Binabati kita sa ipinakita mong pagsisikap, pagtitiyaga at kahusayan sa pag-


unawa at pagsagot sa modyul na ito. Nawa ay iyong isabuhay ang mga kaalaman na
iyong natutunan upang ito ay magkaroon ng saysay at maging makabuluhan.

Kung mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring


makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikalima at Ika-anim na Linggo
SAGUTANG PAPEL
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan – Ikalima at Ika-anim na Linggo
Aralin 3: Lipunang Pang-Ekonomiya: Hindi Pantay Pero Patas
Pangalan:________________________________________________
Guro:_______________________
Baitang at Pangkat: _____________________________

Paunang Pagsubok
1. 4.
2. 5.
3.
Balik-Tanaw - A
MGA HALIMBAWA NG PAGTUTULUNGAN
MGA HALIMBAWA NG TULONG MULA SA
NA GINAGAWA NG MGA MAMAMAYAN
PAMAHALAAN NA IBINABABA SA
PARA SA
TAUMBAYAN
KAPWA MAMAMAYAN
1 1
2 2
3 3
Balik-Tanaw – B
_____________________________________________________________________________________
Gawain 1
MGA KATANGIAN MAUNLAD NA EKONOMIYA
1. Halaga ng bilihin
2. Hanapbuhay
3. Pabahay
4. Edukasyon
5. Kagamitan at teknolohiya
Mga Tanong:
1. ____________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________

Gawain 2 Gawain 3

Sang-ayon ka ba sa Magbigay ng
pangungusap na ito? napapanahong
Bakit? halimbawa.
1. Ang mabuting
ekonomiya ay iyong
napauunlad ang lahat-
walang taong sobrang
mayaman at marami ang
mahirap.
2. Ang ekonomiya ay
hindi lamang para sa
sariling pag-unlad kundi
para sa pag-unlad ng
lahat.

Pag-alam sa Natutuhan
1. pamilya ______________________________________________________________________
2. kamag-aral ___________________________________________________________________
3. komunidad ___________________________________________________________________
4. bansa ________________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Unang Markahan: Ikalima at Ika-anim na Linggo

You might also like