You are on page 1of 8

Petsa: Oktobre 7, 2021

Seksiyon at Taon: Grade 8-2


Sesyon: Paglinang B (Wika at Gramatika)

Kompetensi: EsP8PBIg-4.2
Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at
pampulitikal na papel nito.

I. Layunin:
1. Nailalarawan ang nakagisnang gampanin ng babae at lalaki sa Gawain sa loob
ng tahanan at sa lipunan.
2. Naihahambing ang pagkakaiba ng babae at lalaki sa maayos na gampanin sa
gawaing pamilya.
3. Nagagampanan ng babae at lalaki ang kanilang mga responsibilidad.
II. Paksa:
Babae at Lalaki: Magkatuwang sa Gampanin ng Pamilya
a. Sanggunian: Twila G. Punsalan, et. Al (2019) Paano Magpakatao, Binagong
Edisyon: Rex Book Store,Inc. Philippines
:Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8

b. Kagamitan: Laptop
PPT
Internet
Mesendyer
Google Meet
c. Estratehiya:
tanong ko?sagot niyo.
Tsart

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


a. Paghahanda Magandang umaga rin po ma’am.
Magandang umaga sa inyong lahat!
Opo ma’am.
Bago tayo magsimula, hinihiling ko sa Panginoon, sinasamba at pinupuri ka
bawat isa na buksan ang inyong kamera namin, maraming salamat sa mga
para sa panalangin. biyayang binibigay mo po sa amin.
Bb. Carino , maaari bang ikaw ang Nawa’y gabayan mo po kami palagi at
manguna sa pagdarasal? ilayo sa kapahamakan, ito lang ang
aming samo’t dalangin mula sa Iyong
Anak na si Jesus Kristo. Amen.

Maraming salamat,Bb. Carino.


Maaari niyo ng isara ang inyong mga
kamera.

Kapag tinawag ko ang inyong pangalan Sige po ma’am!


pakibuksan na lamang ang inyong
kamera at mikropono at sabihing UWU!

Dapat mag-aral kayong mabuti. Opo ma’am!

b. Pagbabalik-aral
Nung nakaraang linggo tinalakay niyo ang Ma’am tungkol po sa Gampanin at
Aralin 4. patungkol saan ang Aralin 4? pananagutan ng pamilya sa pag-unlad
ng pamayanan.
Magaling!

Ang pamilya talaga ang una at may


pinakaimportanteng papel sa pamayanan
upang mapaunlad ito. Sa pamilya nag-
uumpisa ang gampanin at pananagutan
sa pagpapaunlad ng pamayanan.
Maliwanag ba? Opo ma’am!

Ano-ano iyong dalawang papel ng pamilya Gampaning Panlipunan ng Pamilya at


sa lipunan? Gampaning Pampolitikal ng Pamilya
po ma’am.

c. Pagganyak
Kung sino man ang gustong sumagot,
pindutin lamang ang raise hand o kaya
naman ay iopen Ninyo ang inyong
mikropono at kayo ay magsalita kapag
tinawag ko ang inyong pangalan.
Naiintindihan ba? Opo ma’am!
Tatawagin natin itong, tanong ko? Sagot
niyo.

Ano ang kahalagahan ng pagtutulungan Ang kahalagahan ng pagtutulungan sa


sa pagpapatatag ng ugnayan ng pamilya? pagpapatatag ng ugnayan ng pamilya
ay para sa mabuting ugnayan ng
bawat kasapi ng pamilya po.
Mahusay!

Sa inyong palagay, mayroon bang


pinipiling trabaho ang mga babae at Ma’am, base po sa aking nakikita wala
lalaki? Ipaliwanag. pong pinipiling trabaho ang babae at
lalaki lalo na ngayong panahon ng
pandemya.
Magaling!

d. Paghahabi ng Layunin
Ngayon naman bibigyan ko kayo ng 5 Opo ma’am.
minuto upang ilarawan ang gampanin ng
babae at lalaki sa pamilya. Isulat niyo ito
sa isang malinis na papel at dapat
binubuo lamang ito ng 3-5 pangungusap.
Maliwanag ba?

Sino ang gustong magbasa ng kanyang Ma’am, ang gampanin ng babae at


naisulat? lalaki sa pamilya ay upang
magtrabaho ng pantay at walang
pinipiling uri ng trabaho basta’t ito ay
marangal.
Tama!

Base sa nakikita ninyong larawan, ano


Ma’am, ang kayang gawin ng lalaki ay
ang nais ipinapahiwatig o ibig sabihin
kaya rin gawin ng babae.
nito?

Magaling!

Ngayon, may ideya na ba kayo kung


patungkol saan ang ating aralin ngayon?

Tama! Tungkol sa Babae at Lalaki: Ma’am tungkol po sa Babae at Lalaki:


Magkatuwang sa Gampanin ng Pamilya Magkatuwang sa Gampanin ng
ang tatalakayin natin ngayon. Pamilya.

e. Pagtalakay sa Aralin
Kung sinuman ang gustong sumagot
pakipindot na lamang ang “raise hand” at
kung tinawag ko ang iyong pangalan ay
tsaka lamang buksan ang kamera at ang
mikropono.
Maliwanag ba? Opo ma’am!

Anong gawaing bahay ang alam mo at Magluto, maghugas, maglaba at


ginagawa mo? magwalis po.

Ano pa? Ma’am, mamalantsa po.

Ayan magaling!

Babae ka man o lalaki dapat ay marunong


ka sa mga gawaing bahay, dahil hind isa
lahat ng pagkakataon ay andiyan ang mga
magulang Ninyo. Opo ma’am.
Maliwanag ba?

Pagtutulungan ng Lalaki at Babae para sa


Mapanatag na Ugnayan ng Pamilya:

Ang kalikasang material at espiritwal ng


lalaki at babae ay pantay. Ang kanilang
pagkakapantay ay nauugat sa kanilang
pantay na dignidad simula pa lamang sa
kanilang pagkabuo at pagsilang.

Sa pagkakataong ito lahat ng tao ay


pantay-pantay, lalaki ka man o babae
dapat ay marunong kang magtrabaho. Sa
lipunang patriyalakal ang isang lalaki ay
binigyan ng lahat na kapangyarihan
upang mamuno at manguna,
samantalang ang mga babae ay
tinitingnang mas angkop sa mga mababa
at mahihinang Gawain.
Opo ma’am, dahil sabi niyo nga po,
Para sa inyo klass, naniniwala ba kayo na lahat ng tao ay pantay-pantay babae ka
ang kayang gawin ng babae ay kaya rin ng man o lalaki dapat ay kayang mo ang
mga lalaki? At ang kayang gawin ng mga gawaing pangbabae at panlalaki.
lalaki ay kaya rin ng mga babae?

Ayan, mahusay!

Kailangang bigyan ng panahon at


seryosohin ang gawaing pantahanan
sapagkat kung hindi ito gagawin, hindi
magkakaroon ng kaayusan ang ating
tahanan.

Sa inyo klass, sino dito ang umaasa lang


sa magulang? Na kahit kaya mo naming
gawin ay inuutusan o hinihintay mo pa sa Wala po ma’am.
magulang mo?

Wala ba?
Opo ma’am.
Ganyan dapat. Kung kaya mo namang
gawin ay gawin mo na. maliwanag ba?

Dumako naman tayo sa Mga Prinsipyo sa


Gawaing Bahay para sa Kaayusan ng
Tahanan:
Opo ma’am.

Naintindihan niyo ba ang ating aralin


ngayong araw na ito?

f. Pagtataya sa Aralin
Magkakaroon tayo ng aktibiti at dito ko
malalaman kung talagang naintindihan
Ninyo ang tinalakay natin ngayon. Gamit
ang tsart. Lagyan ng tsek ang kolum na
angkop sa tinutukoy sa bawat bilang.
Maaaring lagyan ng tsek ang parehong
kolum kung ito ay maaaring gawin ng
babae at lalaki.
Mga Gawaing Bahay Babae Lalaki
Pagwawalis sa bahay at
bakuran
Pagkukumpuni ng
sirang silya
Pag-aayos ng halaman
Pag-aalaga ng
nakababatang kapatid
Paglalaba o
pagpapalantsa
Paglilinis ng sasakyan
Pagluluto
Paghahain ng pagkain
sa mesa
Paghuhugas ng
pinakainan, kaldero at
iba pa
Pagsusulsi ng damit

Mahusay! Maraming salamat po ma’am!


Maraming salamat sa inyong aktibong
pakikipagpartisipasyon sa ating aralin,
nawa ay marami kayong natutunan sa
araw na ito.

IV. TAKDANG-ARALIN:
A. Pag-isipan at sagutin ang mga tanong na ito: Ano ang mangyayari at ano ang
aking mararamdaman kung nakikita ko sa isang pamilya na:
1. Si tatay ay siyang nag-aalaga sa bunso naming kapatid at si nanay ang
naghahanapbuhay?
2. Si kuya ay siyang tumutulong kay nanay na maglaba ng aming mga damit?
3. Si nanay ang nagkukumpuni ng sirang bubong?
4. Si ate ay nagsisibak ng kahoy at ang kuya ang nagtatahi ng damit?
5. Si nanay at tatay ay nagtutulungan sa pamamalantsa at paglalaba ng
damit?

Rubriks:
Kaugnayan sa paksa- 10
Organisasyon-10
Kaayusan at kalinisan-5
Ito ay 25 na puntos.

V. MGA TALA O PUNA

VI. REPLEKSYON

Inihanda ni:
Bb. Monica B. Haduca
Iniwasto ni:
Bb. Jessa Viray

You might also like