You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII-Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CARRASCAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Nat’l. Highway, Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur

GRADE LEVEL: ______8_ DISCIPLINE: Ang Pakikipagkapwa


SUBJECT AREA: EsP ____ TOPIC: Emosyon
QUARTER: Second WEEK: Week 6

Learning Activity Sheet para sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Isang mapagpalang araw mga mahal kong mag-aaral!
Bago tayo magsimula, magninilay muna tayo sa magandang balita ng Diyos.
“Therefore, I tell you, what-ever you ask in prayer, believe that you have received it and it shall
be done to you”.
Mark 11:24
Sa mga nakaraang aralin, natuklasan mo ang iba’t ibang uri ng damdamin 0 emosyon. Sa pagkakataong ito,
pag-uusapan naman natin ang mga pangunahing elemento ng Emotional Quotient upang mapanatili nating
mapayapa ang ating ugnayan sa sarili at sa kapwa tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa.
Kaya halina at mag-aral na tayo!

SURIIN
Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng emosyon ay:
a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng katuturan ng kaniyang isip. Kung ikaw ay
binantaan ng iyong kamag-aral na sasaktan paglabas ng paaralan ang karaniwang mararamdaman ay takot. Dahil sa
naramdaman mong takot ikaw marahil ay agad na aalis upang hindi na kayo magpang-abot.
b. Nakatutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang damdamin. Nakapag-iingat at
nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib na dala ng sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa.
c. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ang mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating mga
kilos at pagpapasiya sa sitwasyong may krisis, suliranin, o pagkalito. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng tao ng
literasiya sa kaniyang emosyon. Ayon kay Seeburger, F. (1997, ph.30), ang literasiyang pandamdamin ay tumutukoy
sa dalawang bagay.
1. kakayahang alamin at unawain ang mga sariling emosyon,
2. matukoy at maramdaman ang damdamin na angkop o akma lamang sa sitwasyon na kinakaharap.

Nakita ng mga ilang siyentipiko tulad nina Salovey, Gardner, at Goleman ang kahalagahan ng pamamahala sa
emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa. Kapag napagtagumpayan ng tao ang pamamahala ng
kaniyang emosyon, nangangahulugan na mataas ang kaniyang EQ o Emotional Quotient na kilala rin sa tawag na
Emotional Intelligence.
Paano napauunlad ng EQ ang tao? Narito ang limang pangunahing elemento ng EQ (Goleman, D., 1998):
1. Pagkilala sa sariling emosyon. Mahalaga na may kamalayan sa sariling damdamin. Ito ay makatutulong sa
pagkakaroon ng pang-unawa sa sarili. Ikaw ay nakagagawa ng pagpapasiya sa iyong sarili at hindi ka lang sunod nang
sunod sa nais ng iba.
2. Pamamahala sa sariling emosyon. Ang kakayahang mapamahalaan ang ating emosyon ay mahalaga dahil ang mga
ito ay may epekto sakalagayan ng ating kalooban at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang taong may ganitong
kakayahan ay madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay at makamit ang kaniyang mga mithiin sa buhay
3. Motibasyon. Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay na hindi dapat upang matupad ang
isang layuning higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa
sarili at hindi pabigla-bigla ang pagpapasiya. Naglalaan siya ng oras upang makapagrelax at magnilay.

4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba. Ito ay kakayahang makadama sa damdamin at pangangailangan ng


iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay marunong ding bumasa at bigyan ng kahulugan ang kilos ng iba. Maaari
din siyang sumangguni upang humingi ng tulong sa mga kapamilya at mga pinagkakatiwalaang kaibigan.

5. Pamamahala ng ugnayan. Ito ay nangangahulugan na napamamahalaan nang wasto ang emosyon sa pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng magandang ugnayan.
Anumang emosyon ay mahalaga. Ang pamamahala natin dito ay maaaring makabubuti o makasasama sa
ating pakikipagkapwa. Ngunit, sa pamamagitan ng wastong pamamahala ng mga ito, napauunlad natin ang ating
pakikipagkapwa.

Mahalaga na makapagbalangkas ka ng pamamaraan upang makayanan at mapagtagumpayan mo ang mga


emosyon bunga ng iyong pinagdaraanan at mga karanasan. Ilan sa mga mungkahing paraan upang mapamahalaan
ang mga ito ay (Moratό, Jr., 2007):
a. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-dapat o mas pipiliin kong gumawa ng
makabubuti?” Hindi lamang ang sarili ang nagiging biktima sa ating maling pamamahala ng ating emosyon.
b. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot, ngunit isipin na mayroon pang higit na magandang mangyayari.
Maging positibo sa pagharap sa hamon ng buhay.
c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman, kapangyarihan, at pagiging tanyag kung hindi sa kakayahan
na mamuhay nang may pagpapahalaga at dangal.
d. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay na mayroon tayo, tao man o bagay. Hindi naman ito
nangangahulugan na magiging wala kang pakialam o wala silang halaga sa iyo.
e. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may mga taong maaari mong pagkatiwalaan at mahingan ng
tulong. Buksan ang isipan at kalooban na kaya mong makamit ang hangarin sa buhay.

A. Pamprosesong tanong: (Isulat sa papel ang sagot. Pakisulat ng iyong pangalan at seksyon)

1. Ano ang kabuluhan ng birtud sa wastong pamamahala ng iyong emosyon?


2. Bakit mahalaga ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence)? ( Isulat sa papel ang sagot)

TUKLASIN
Kumpletuhin ang batayang konsepto. Piliin sa kahon ang angkop na salita. Isulat ang sagot sa bawat
patlang.

Ang pagtataglay ng mga (1.)___________________ at (2)__________________ ay nakatutulong sa


pagpapaunlad ng (3)____________at (4) ______________. Ang (5.) _____________ (fortitude) at
(6)_________________(prudence) ay nakatutulong upang harapin ang matinding (7.)______________, matinding
(8)_________________, (9)_______________ at (10.)_________________.

Pagpapahalaga birtud galit


Sarili katatagan pakikipagkapwa
Kahinahunan pagkamuhi kalungkutan
Takot

SUBUKAN MONG SAGUTAN ITO:

PANUTO: Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot . Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
1. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na niligawan niya ang iyong kasintahan. Pakiramdam mo ikaw ay
nainsulto sa kanyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila na masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong
sarili upang kausapin sila. Umiwas ka muna dahil sa iyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-
uusap dahil matindi parin ang iyong galit sa kaibigan mo.
Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi (temperance)?
A. Nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapuwa.
B. Napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba.
C. Nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay.
D. Nakaiiwas sa pag-iisp na solusyon sa suliranin.

2. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing element ng EQ na dapat ipaunlad maliban sa:
A. Pagkilala sa sariling emosyon
B. Pamamahala sa sariling angking kagandahan
C. Pamamahala sa sariling emosyon
D. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba

3. Naniniwala ako na kayang-kaya mong mapanalunan ang premyo sa sinalihan mong paligsahan. Anong emosyon
ang mararamdaman sa pahayag?
A. pagkagalit B. katatagan C. pag-asa D. pag-asam
4. Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay na hindi dapat upang matupad ang isang
layuning higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba.
A. Pagkilala sa sariling emosyon B. motibasyon
C. Pamamahala sa sariling emosyon D. Pamamahala ng ugnayan

5. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang paalam. Ano ang idinulot ng iyong
kilos?
A. nailabas mo ang iyong sama ng loob
B. hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
C. gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
D. nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid

SANGGUNIAN:
Learner’s Module ng Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Magaling ! Dahil natapos mo ang Learning Activity Sheet na ito, Binabati kita!
Nawa’y patnubayan ka sana ng Panginoon. Sana magpapatuloy ka pa sa
susunod na mga aralin upang matuklasan at mapaunlad ang iyong nalalaman at
kailangang malaman sa buhay.
Pagpalain ka ng Poong Maykapal!

Prepared by: Checked by: Approved by:

CERELINA M. GALELA TERESITA S. DUERO , MT 1 CARLOS TIANCHOW C. CORREOS


Subject Teacher LAC Leader Principal IV

Validated by:

ALBERTO C. ESTAMPA
Asst. School Head

You might also like