You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII-Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CARRASCAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Nat’l. Highway, Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur

GRADE LEVEL: ______8 DISCIPLINE: Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa


SUBJECT AREA: EsP ____ TOPIC: Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat
QUARTER: Third WEEK: Week 4

PANIMULA:

Magandang umaga mga mahal kong mag-aaral!


Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang tungkol sa entitlement mentality na kabaligtaran ng pagiging
mapagpasalamat.
Ngayon ay subukan natin kung ano ang iyong matutunan.
Kaya halina at mag-aral na tayo!

SURIIN
Pasasalamat sa Ipinamalas na Kabutihan ng Kapwa

Ngayong panahon ng pandemya maraming nagpakita ng mabubuting gawa sa kanilang kapwa.


Nandyan ang pag-aabot ng tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng community quarantine at marami
pang iba. Isa ang pamilya na ito na nabiyayaan ng grocery, ng isang Non-profit organization na
naglalayongmakatulong sa mga kababayan nila na naapektuhan ng malawakang quarantine. Makikita sa
pamilya ang abot langit na ngiti sa natanggap na pagpapala. Mayroon ba kayong kilalang tao na nagpakita
ng kabutihan sa kanilang kapwa ngayong panahon ng pandemya? Maari mo silang alalahanin at iabot ang
iyong pasasalamat sa kanila.
Mga Angkop na Kilos ng Pasasalamat
Bahagi ng pasasalamat sa kapwa ay ang pagkakawanggawa o sa salitang Ingles, charity. Ito ay ang pag-
aabot ng ating kamay upang tugunan ang pangangailangan ng iba at pagbalik ng tulong na ibinahagi sayo
ng iyong kapwa. Sa pamamagitan ng pagtulong, natutunan nating damhin ang pangangailangan ng iba at
makapag-isip ng praktikal na paraan upang mabawasan ang kanilang paghihirap.

Narito ang ilang praktikal na paraan upang maipakita ang pasasalamat sa kapwa at
pagkakawanggawa.
1. Simulan ang araw na magpasalamat sa Diyos at tanggapin ang pag-ibig Niya. Kaya ka
nakapagpapakita ng pagmamahal sa iba ay dahil sa naranasan mo sa iyong buhay ang
pagmamahal ng Diyos.
2. Manalangin na gamitin ka ng Diyos para abutin ang iba. Maging bukas sa paggabay ng Diyos upang
dalhin ka sa isang taong may pangangailangan. Manalangin ng karunungan upang malaman kung paano
makatutulong kahit sa simpleng pamamaraan.
3. Laging isipin na may paraan kang magagawa upang matulong sa iyong kapwa. Tandaan ang pagtulong
sa Kapwa ay pagpapakita rin ng pasasalamat sa lahat ng pagpapala na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.
4. Himukin ang iba na maging kasama mo sa pag-abot ng iyong kapwa. Huwag kaligtaan ang maaring
itulong ng iba.
5. Maging mapagpasalamat. Sa bawat oportunidad na makatulong, ugaliing magpasalamat.

Ang pasasalamat ay halaw sa mga salitang “Pasa” at salamat, ibig sabihin ay mga bagay na naisagawa
dahil nais mong ipasa ang maganda at maayos na pakikitungo na ipinadama ng iyong kapwa. At dahil ito
ay iyong naranasan nais mo rin itong ipasa sa iba.

PAGSASANAY 1
PANUTO: Isulat sa loob ng puso ang iyong mga pasasalamat sa mga nakasulat sa loob ng puso.

Mga Magulang o
Sa Diyos Mga Kaibigan Mga Guro nagsilbing gabay sa
iyong buhay

PAGSASANAY 2
Kung susuriin mo ang iyong sarili, naging mapagpasalamat ka ba? Lalo sa ating pinagdadaanan natin
ngayong panahon ng pandemya. Bigyan ng marka ang iyong sarili kung ikaw nga ba ay naging
mapagpasalamat. (1 ang pinakamababa, 5 ang pinakamataas). Bilugan ang iyong sagot.
• Pamilya na nakakasama sa loob ng tahanan 1 2 3 4 5
• Malusog na pangangatawan 1 2 3 4 5
• Pagkain sa hapagkainan 1 2 3 4 5
• Mga kaibigan na maasahan 1 2 3 4 5
• Pag-abot ng tulong ng pamahalan 1 2 3 4 5

ISAISIP
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang palatandaan ng isang taong may pasasalamat?
A. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang
mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
B. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong parin siyang tumingin sa kaniyang
pinanggalingan.
C. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
D. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang
kalooban.

2. Ano ang tamang pagpapakita mo ng pasasalamat?


A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa at pagsasabi ng pasasalamat
C. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.

3. “ Maaari itong gawin sa pamamagitan ng repleksiyon. Bawat araw, kahit ilang saglit ay isipin ang mga tao
o mga bagay na pinasasalamatan mo.”
Mula sa itaas na pahayag, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang maipakita ang
pasasalamat?
A. magkakaroon ng ritwal na pasasalamat
B. simpleng kayap sa balikat
C. magbigay ng regalo
D. pangongolekta ng quotations

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay tungkol sa pagpapakita ng pasasalamat


A. Ang pagpapasalamat ay hindi lamang sa taong pinagkakautangan ng loob.
B. Maaaring ituon ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa
ng mabuti sa ibang tao.
C. Ang pagpapasalamat ay ginawa lamang kung nakatanggap ng biyaya
D. A at B lamang

5. Ang mga sumusunod ay praktikal na paraan upang maipakita ang pasasalamat sa kapwa, MALIBAN sa;
A. Manalangin na gamitin ka ng Diyos para abutin ang iba
B. Simulan ang araw na magpasalamat sa Diyos at tanggapin ang pag-ibig Niya.
C. Himukin ang iba na maging kasama mo sa pag-abot ng iyong kapwa.
D. Tumulong sa kapwa at maghihintay ng kapalit.

SANGGUNIAN:
Learner’s Module ng Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Binabati kita sa iyong pagpupursigi sa pag-aaral!

Kung sakaling mayroon kang mga katanungan, maari mo


akong tawagan o I text sa numerong 0946-654-5894. Maaring
ipaalam mo sa akin ang iyong cellphone number upang ika’y
aking matawagan at matutugunan ko ang iyong mga inquiries.

Maam Liklik
Prepared by: Checked by: Approved by:

CERELINA M. GALELA MARIA ROLINA L. COTECSON, MT 1 FLUELLEN L. COS, PhD


Subject Teacher Coordinator Principal IV

Validated by:

ALBERTO C. ESTAMPA
Asst. Principal

You might also like