You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Z est for P rogress


Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 4:
Kapwa Ko, Pasalamatan Ko!

Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang at Seksyon:
Paaralan__________________________________________
ALAMIN

Bahagi ng ating pagkatao ang marunong magpahalaga sa mga taong


nakagagawa sa atin ng kabutihan. Mahalaga na isipin ang magandang
nagagawa nito sa sarili lalo na sa mga taong dapat paglaanan ng
pasasalamat. Mahalaga rin na malaman ng tao kung kanino tunay na
nagmumula ang mga biyayang natatangap.

Sa modyul na ito ay matutukoy ang pinakamahalagang mensahe na dapat


maunawaan at maipamalas ng mag-aaral.

a.Naisasagawa ang mga angkop na kilos at pasasalamat EsP8PBIIIb-9.4

a. SUBUKIN
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat
bilang. Bilugan ang titik lamang.
1. Alin ang hindi nagpapakita ng tunay na kahulugan ng pasasalamat?
a) Ang pagbibigay ng bunyi, gantimpala, o pagkilala sa isang tao.
b) Ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nakagawa sa'yo ng kabutihan.
c) Ang pag aaruga ng anak sa magulang.
d) Ang pag aabot ng tulong pinansiyal sa kapwa ngunit naghihintay ng kapalit .

2. Alin sa mga sumusunod ang tanda ng isang taong marunong magpasalamat?


a) Si Juvylito ay laging nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos sa anumang biyayang kaniyang
natanggap.
b)Si Karren na sumususnod sa anumang utos o payo ng kaniyang mga magulang.
c)Si Maria na tumutupad sa kautusan ng Diyos at laging may pananalig sa Kaniya.
d)Si Jackson na palaging nagbibigay ng tulong sa kaniyang kapwa tao.

3.Ano ang wastong paraan ng pasasalamat sa iyong mga magulang?


a) Pagbigay lagi ng pera sa magulang kahit alam mong ginagamit niya sa pagsusugal.
b) Pagtigil sa pag-aaral upang tumulong sa magulang na magtrabaho kahit may panggastos sila.
c)Pagsunod sa utos ng magulang kahit labag sa iyong kalooban.
d)Pagbibigay ng liham pasasalamat at pagpapakita ng pagmamahal sa magulang.

4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapasalamat sa kanilang mga guro?


a)Si Alvin na laging nagbibigay ng bulaklak sa mga guro tuwing Teachers’ Day.
b)Si Nina na palaging nag aaral ng kaniyang leksiyon bilang paghahanda sa kanilang pasulit.
c)Si Michelle na laging tumutulong sa kaniyang guro para mabigyan ng malaking grado.
1
d)Si Maryl na nagbigay ng isang liham pasasalamat sa kaniyang guro at sinabi niyang dahil sa
kaniyang kabutihan ay nagpasya siyang maging isang guro.
5. Alin sa sumsunod ang nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos?
a) Pagbibigay aliw sa mga tao. c. Magdasal at magpasalamat Diyos sa araw araw.
b) Pagbibigay galang sa magulang d. Magpasalamat at tumulong sa kapwa.
6. Anong salita ang itinuro sa ating mga magulang simula pagkabata pa lamang bilang ganti sa
kabutihan ng ating natanggap mula sa ating kapwa?
a) Humingi ka ng ka ng tawad, Anak! c. I love you, Anak!
b) Magdasal ka, Anak! d) Magpasalamat ka , Anak!
7. Ang ___________ sa salitang Ingles ay gratitude, na nagmula sa salitang Latin na gratus (nakalulugod),
gratia (pagtatangi o kabutihan) at gratis (libre o walang bayad).
a)Pagmamahal b) Pag-ibig c)Pasasalamat d) Pakikiusap

8. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas de Aquino?
a) Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
b) Pagpapasalamat
c) Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
d) Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
9. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng __________
a)kalooban b. isip c. damdamin d. konsensiya

10. Ang sumusnod ilan sa mga paraan ng pagpapasalamat maliban sa isa:


a) Magkaroon ng ritwal na pasasalamat.
b) Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan
c) Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat ang taong gumawa sa iyo ng kabutihan.
d. Magpabigay lagi ng regalo tuwing may okasyon sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan.

BALIKAN

Sa nagdaang modyul, nauunawaan mo na ang pagpapasalamat ay gawi ng


isang taong mapagpasalamat. Ang pagiging handa sa pagpapamalas ng
pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng kabutihang-loob. Ito rin ay
ang pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam tungo sa taong
gumawa ng kabutihan.

Gawain 1: KAPWA KO,PASALAMATAN KO!

Panuto: Basahin ang iba’t-ibang sitwasyon sa ibaba. Tukuyin ang biyayang natanggap mula sa
kabutihang kaloob at isulat ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat. Isulat ang iyong
sagot sa kuwaderno. Gawing gabay ang halimbawa sa unang bilang.

Paraan ng Pasasalamat:
1. Bibigyan ko siya ng isang liham ng pasasalamat at
gagawan ko rin siya ng kabutihan sa ibang
pagkakataon.
2
1. Binigyan ka ng inspirational book ng kaklase mong tumalo sa
iyo sa isang kompetisyon.
Biyayang natanggap:
Paraan ng Pasasalamat:
2.

2. Guminhawa ang iyong kalooban nang paggising mo isang


umaga ay nalanghap mo ang sariwang hangin at binati ka ng
masayang huni ng ibon.

Biyayang natanggap:
Paraan ng Pasasalamat
3.

3.Tinuruan ka ng iyong nakatatandang kapatid sa iyong research


project sa Edukasyon sa Pagpapakatao.

Biyayang natanggap:
Paraan ng Pasasalamat:
4.

4.Nakita mo ang isang pulis na tinulungang tumawid ang isang


matandang pulubi.

Biyayang natanggap:
Paraan ng Pasasalamat:
5.

5.Natuklasan mong ipinagpaliban ng iyong nanay ang kaniyang


checkup sa doktor upang mabigyan ka ng isang party sa iyong
kaarawan.

Tanong:

1. Bakit mahalaga ang magpasalamat?

2. Ano ang nagagawa nito sa atin at sa ating kapwa?

3
TUKLASIN
Gawain 2

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang kolum na nagpapakita ng dalas ng pagpapakita mo ng pasasalamat.

Hindi
Palaging Madalas
Sitwasyon kailanman
ipinapakita ipinapakita
ipinapakita
1. Pagtulong sa iyong
magulang sa mga
gawaing bahay dahil
alam mong pagod na sila
sa kanilang trabaho
2. Pagsasabi ng “Salamat”
sa mga taong nagbibigay
ng serbisyo sa iyo,
halimbawa drayber,
guwardiya
3. Pagpapakita ng
pagpapahalaga sa ibang
tao sa pamamagitan ng
paggawa ng mga simple
ngunit mahahalagang
bagay o gawain
4. Pag-iingat sa mga bagay
na bigay ng mga mahal
sa buhay
5. Pagbibilang sa mga
pagpapalang
natatanggap at hindi ang
mga pagsubok sa buhay
6. Pagsusulat ng liham-
pasasalamat sa mga
taong nagpakita ng
kabutihan kahit sa
simpleng paraan
7. Pagiging kuntento sa
buhay dahil alam mong
ang Diyos ang
nagkakaloob ng mga
pangangailangan mo
8. Pagpapasalamat sa mga
nakalipas na
mabubuting karanasan
9. Pagkakaroon ng
4
positibong pananaw sa
buhay sa kabila ng
nararanasang pagsubok
10. Pagpapasalamat sa Diyos
sa mga kabutihan at
pagsubok na kaloob sa
iyo

SURIIN

Gawain 3

Masaya ka ba sa mga sagot mo sa tseklis? Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili?

2. Gaano kadalas mo naipapakita ang iyong pasasalamat?

3. Masasabi mo bang taglay mo ang birtud ng pasasalamat? Patunayan.

4. Ano pa kaya ang iyong gagawin upang lalo mong maisabuhay ang pasasalamat?

Ang pagsasabi ng
pasasalamat ay maraming
benepisyong nagagawa sa
tao. Nararapat lamang na
ito ay isabuhay para na
rin sa pamamagitan ng
magandang pakikipag-
ugnayan sa kapwa.

5
PAGYAMANIN
Gawain 4

Panuto: Maraming mga halimbawa o sitwasyon ng pagpapakita ng pasasalamat ang ating


narinig o nabasa. Ngunit mayroon din namang hindi marunong magpakita ng
pasasalamat. Suriin ang sumusunod na sitwasyon tungkol sa pasasalamat.
1. Isang traysikel drayber na si Jayson ang nakapulot ng mahigit na P50,000 na
cash at P340,000 na halaga ng tseke mula sa upuan ng kaniyang traysikel. Sa panahon na
iyon, mahigpit ang kaniyang pangangailangan sa pera dahil ang kaniyang bunsong anak ay
nangangailangan ng dagliang operasyon. Pinag-isipan niyang mabuti ang kaniyang
gagawin. Marami sa mga kasamahan niyang nagtatraysikel ang nagsabi sa kaniya na
huwag nang ibalik at gamitin na lamang sa operasyon ng kaniyang anak. Dahil nanaig pa
rin ang turo ng kaniyang magulang at dikta ng konsiyensiya, pinagpasiyahan niyang ibalik
ang pera at tseke sa may-ari sa tulong ng isang istasyon ng radyo. Lubos ang kagalakan ng
may-ari at pinasalamatan niya si Jayson. Pinangakuan si Jayson na tutulungan siya sa
pagpapaopera sa kaniyang anak.

2. Si Mang Tony ay nakikitang palakad-lakad sa daan. Siya pala ay apat na araw ng


naglalakad mula Pangasinan hanggang Maynila. Dahil sa kasalatan sa pera, ang kaniyang
asawa at mga anak ay namatay dahil sa matinding sakit. Pumunta siya sa Maynila upang
hanapin ang mga natitira pa niyang kamag-anak. Paminsan-minsan, bumibili siya ng
limang pisong kanin bilang pagkain niya sa buong araw niyang paglalakad. Kahit kulang sa
pagkain, nakikita din siyang nagbabahagi ng kaniyang kanin sa mga taong pulubi. Marami
ang naantig sa kaniyang kabutihang-loob sa kapwa. Para kay Mang Tony, habang kalooban
ng Diyos na siya ay nabubuhay, patuloy pa rin siyang magpapakita ng kabutihan sa mga
taong nangangailangan ng tulong.

3. Mahirap ang pamilya ni Jane. Hirap sila maging sa kanilang mga pangunahing
pangangailangan sa buhay. Napilitan ang mga magulang ni Jane na pumunta sa ibang
bansa upang mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Naging masuwerte naman ang
kaniyang mga magulang sa kanilang trabaho. Naibigay nila kay Jane ang lahat ng kaniyang
kailangan. Maging mga mamahaling gamit ay kaya na nilang ibigay sa kaniya. Inaasahan
ng kaniyang magulang na lalaking maayos si Jane at mag-aaral nang mabuti. Ngunit
taliwas sa kanilang inaasahan, natuto si Jane na sumama sa masamang barkada na
naging dahilan ng maagang pagbubuntis. Iniwan pa siya ng kaniyang kasintahan. Nabigo
niya ang kaniyang mga magulang na makapagtapos sa kaniyang pag-aaral.

6
Panuto: Punan ang tsart batay sa nabasang mga sitwasyon.
Bilang ng Panguna- Sitwasyong Paano Paano ipinakita ang
Sitwasyon hing Tauhan Kinakaharap Nalampasan birtud ng pasasalamat

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Paano ipinakita sa bawat sitwasyon ang pagsasabuhay ng pasasalamat sa kabutihang


ginawa ng kapwa?

2. Papaano kung hindi naipakita ang pasasalamat? Ano ang iyong gagawin?

3. Nais mo bang isabuhay din ang pagiging mapagpasalamat? Bakit?

4. Ikaw, paano mo ipapakita ang iyong pasasalamat sa ibang tao? Magbigay ng halimba

7
ISAISIP
Gawain 5 GAGAWIN KO, ANG MAGPAPASALAMAT!
Mga Gabay na Tanong sa Survey
1. Sinu-sino ang pinasasalamatan mo sa buhay? Magbigay ng limang pinasasalamatan.

2. Bakit mo sila pinasasalamatan? Isa-isahin ang dahilan sa bawat taong pinasasalamatan.

3. Paano mo naipakikita o napatutunayan ang iyong pasasalamat sa bawat taong pinasasalamatan?

4.Ano ang kabutihang naidudulot ng pagpapakita mo ng pasasalamat sa bawat taong


pinasasalamatan?

5 Ano ang maaaring halimbawa mo ng hindi pagpapakita ng pasasalamat sa mga taong dapat
mong pinasasalamatan?

6. Ano kaya ang magiging epekto kung hindi ipakikita ang pasasalamat?

8
ISAGAWA
Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na magbigay ng isang talumpati ng
pasasalamat, sino-sino kaya ang gusto mong pasalamatan? Sa isang papel, bumuo ng isang
talumpati na naglalaman ng mga taong gusto mong pasalamatan. Isulat din kung paano sila
naging parte ng iyong buhay at nakatulong upang ikaw ay mabuhay nang maayos.
Pagsusuri
1. Sinu-sino ang iyong pinasalamatan?

2. Bakit mo sila pinasalamatan? Paano sila nakatulong at naging parte ng iyong buhay?

3. Paano nakakatulong sa iyong pagkatao ang pagiging mapagpasalamat? Sa iyong pakikipag-


ugnayan sa Kapwa? Sa Diyos?

Rubriks sa Pagsusulat ng Maikling Talumpati

Nilalaman Organisasyon Istilo Mekaniks


(Pagkamapanlikha
at
Pgkamalikhain)
35% 35% 20% 10%
Naipapakita at Mahusay ang Lubos na Wasto ang mga
naipaliwanag ng pagkakasunud- nagpapamalas ng ginamit na
maayos ang sunod ng mga pagkamalikhain sa salita at
Kraytirya ugnayan ng ideya, malinaw at pagsulat ng pagbabantas
konseptong makabuluhan. maikling
isinulat sa talumpati at
pahayag Orihinal ang mga
ideyang ginamit

9
PAGTATAYA

SET A
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at pagkatapos ay bilugan ang titik ng
pinakaangkop na sagot sa bawat bilang.
1.Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?

a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit


b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

2.Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?

a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
b. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
c. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
d. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.

4. Ano ang entitlement mentality?

a. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.


b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan
ng dagliang pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d.Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang
kanilang pangangailangan.

5. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:

a. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.


b.Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw
sa buhay.
c.Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.
d.Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao.

6. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:

a.Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang


b.Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay
c.Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may
pantustos ang mga magulang
d.Pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa kaniya

10
7. Ang ___________ sa salitang Ingles ay gratitude, na nagmula sa salitang Latin na gratus
(nakalulugod), gratia (pagtatangi o kabutihan) at gratis (libre o walang bayad).
a) Pagmamahal b) Pag-ibig c)Pasasalamat d) Pakikiusap

8.Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?

a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa


b. Pagpapasalamat
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya

9. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?

a. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
b. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
c. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
d. Ang kawalan ng utang-na-loob sa taong tumutulong

10. Alin sa sumsunod ang nagpapahiwatig ng pasasalamat sa Diyos?

a.Pagbibigay-aliw sa mga tao. c. Humingi sa Diyos ng ating mga kailangan araw-araw


b.Pagbibigay galang sa magulang d.Magsimba at magpasalamt sa Diyos araw-araw

SET B
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at pagkatapos ay bilugan ang titik ng
pinakaangkop na sagot sa bawat bilang.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga nagagawa ng pagiging mapagpasalamat ?

a.Ang pagpapasalamat sa mga bagay ay nakapagdaragdag ng likas na antibodies sa ating


katawan.
b. Ang pagpasalamat ay nakatutulong na mas pokus ang kaisipan at may mababang
pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
c. Ang mapagpasalamat ay naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo at pulse rate.
d.Ang pagpapasalamat ay naka dagdag Sa ating pag asa ma maging matagumpay sa buhay.

2. Siya ay isang Arabong Misyonaryo na ipinakilala ang relihiyong Islam sa mga Pilipino sa Mindanao.
a. Adham Kabunsuan c.Shariff Kabunsuan
b. Khalil Ambrosio d.Mario Calunod

3. Isang handaan ng pasasalamat sa bawat mabuting nagagawa ng kapatid na Muslim para sa kapwa.
a.Dinagyang b.Kanduli c.Ati-atihan d.Sinadya sa Halaran

11
4. Sa Visayas, ano ang tawag sa pagdiriwang bilang pagkilala sa kabutihan ng Sto. Niño lalo na sa oras
ng kagutuman at tagtuyot?
a.Dinagyang at Ati-atihan b.Kanduli at Ati-atihan c.Sinadya sa Halaran d. Hariraya

4. Ang _____________naman ay isang pagpaparangal sa Birhen ng Immaculate Concepcion dahil sa mga


biyayang natatanggap ng Probinsiya ng Capiz at Siyudad ng Roxas.

a.Dinagyang b.Kanduli c.Ati-atihan d.Sinadya sa Halaran

5. Sa Luzon naman, ilan lamang dito ay ang ___________, isang pagdiriwang na pasasalamat kay San
Isidro Labrador para sa magandang ani.

a.Bacao b.Pahiyas c.Ati-atihan d.Sinadya sa Halaran

7. Ang _______ naman ay para kay San Jose dahil sa magandang ani ng mais. Patunay ang mga ito na
likas sa tao ang magpasalamat kahit saan mang lugar.
a.Bacao b.Pahiyas c.Ati-atihan d.Sinadya sa Halaran

8. Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng ____________, isang pusong
marunong magpahalaga sa mga magagandang biyayang natatanggap mula sa kapwa.

a.pag-ibig b.pagsuko c.galit d.biyaya

9.Kompletuhin at tandaan ang mahalagang pahayag na ito , “ No _______________ is an island”.


a. world b.child c. man d.woman

10.Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng ilang paraan ng pasasalamat. Alin dito ang hindi kabilang?

a. Magbigay ng lagi ng mga regalo na mamahalin


b. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat.
c.Magpadala ng liham-pasasalamat
d. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan

12
Susi sa Pagwawasto

Sanggnian:

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral,


pp 227-257
13
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: SHERLY B. TOMPONG , Teacher I
Sta. Lucia NHS, Pagadian City Division
Editor: AILEEN L. LUAB, HT-III
Zamboanga Del Sur NHS, Pagadian City Division

Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:
DANNY B. CORDOVA, EdD,CESO VI
OIC Schools Division Superintendent
MA. COLLEEN L. EMORICHA, EdD, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
MARIA DIOSA Z. PERALTA
CID- CHIEF
MA. MADELENE P., EdD
EPS-LRMDS
JOVITA S. DUGENIA
EPS-ESP

14
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And when the dark night wraps the graveyard around
Through the gloom of night, to herald the day; With only the dead in their vigil to see
And if color is lacking my blood thou shalt take, Break not my repose or the mystery profound
Pour'd out at need for thy dear sake And perchance thou mayst hear a sad hymn r eso und
To dye with its crimson the waking ray. ' T is I, O my co untr y, r aising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me, And even my gr ave is r ememb er ed no more
My dreams, when the hopes of youth beat high, Unmark 'd by never a cross nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my
From gloom and grief, from care and sorrow free; ashes may carpet earthly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire, Then will oblivion bring to me no care
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As over thy vales and plains I sweep;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Throbbing and cleansed in thy space and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With color and l ight, with song and lament I fare, Ever
And sleep in thy bosom eternity's long night. repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow, My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved
In the grassy sod, a humble flower, Filipinas, hear now my last good -by!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give thee all: parents and kindred and friends
While I may feel on my brow in the cold tomb below For I go where no slave before the oppressor bends,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene, Farewell to you all, from my soul torn away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give
Let the wind with sad lament over me keen ; thanks that I rest from the wearisome day!
And if on my cross a bird should be seen, Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and ―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.‖
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the 11
unending search of my people for freedom and happiness.

You might also like