You are on page 1of 21

Edukasyon

sa Pagpapakatao
Pagpapairal ng Pagmamahalan,
Pagtutulungan at Pananampalataya sa
Isang Pamilyang Nakasama,
Naoobserbahan at Napanood
Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 8
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Unang Linggo: Pagpapairal ng Pagmamahalan,
Pagtutulungan at Pananampalataya sa Isang Pamilyang Nakasama,
Naoobserbahan at Napanood
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Adora C. Murio


Illustrator: Marlon B. Samontina
Layout Artist: Al John S. Racho
Language Editor: Gean U. Samontina
Content Evaluator: Manuelita L. Evangelio
Layout Evaluator: Jessa D. Agoylo
Management Team: Jurissa D. Orquita
Fe D. Villaluz
Damiana C. Betonio

1
Rationale
Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na tugon
ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga
pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay sa
pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit
nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at mag-
aaral na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng pangkalusugang
krisis dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng
portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin sa


pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad,
kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang makabuo ng
mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang EsP–Grade 8-Quarter 1 Exemplar


para sa araling Pagpapairal ng Pagmamahalan, Pagtutulungan at
Pananampalataya sa Isang Pamilyang Nakasama, Naoobserbahan at
Napanood!
Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng mga
edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan ang
mga mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na nakaangkla sa
Most Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran
habang patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na dulot ng
pandemikong COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga mag-
aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang
tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa
rito, layunin din nitong matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang
kanilang pang-21 siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang
kanilang pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral kung
paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang
kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang sariling
pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

2
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa EsP-Grade 8-Quarter 1 Exemplar para sa araling


Pagpapairal ng Pagmamahalan, Pagtutulungan at Pananampalataya sa
Isang Pamilyang Nakasama, Naoobserbahan at Napanood!
Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan
at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling
bilis at oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman
nitong pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa
paaralan. Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may
Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito
upang mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa
iyong malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong


Alamin kompetensi ang inaasahan mong matutuhan
sa exemplar na ito at ang mga layuning
dapat mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang
Nalalaman gawain na susubok sa iyong kaalaman sa
araling iyong tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling
Suriin diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
matuklasan at lubos na maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain
Isagawa na tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong
(1,2 & 3) bagong kaalaman at kasanayan tungo sa
panibagong sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong
Isaisip antas ng kasanayan sa pagkamit ng mga
pampagkatutong layunin.
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng
Susi sa gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.
Pagwawasto

3
Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa
Pagtatakda ng pagtatala ng iyong positibo at
Mithiin sa makatotohanang mithiin bago ipagtuloy ang
Portfolio paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa
Pagsagawa ng pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
Portfolio – Mayroon din itong rubric na gagabay sa iyo
Pahiwatig ng kung paano tatayain ang iyong portfolio.
Pag-unlad!

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na ginamit sa
paglikha ng exemplar na ito.

Mga mahahalagang paalala sa paggamit ng exemplar na ito:


1. Gamitin ang exemplar nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng exemplar. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain at pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa exemplar
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng exemplar na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Sa exemplar na ito, iyong matutunghayan ang kahalagahan at


tungkulin ng pamilya sa paghubog ng magandang relasyon kabilang ang
pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya ng bawat isa. Ang mga
gawain ay inayos upang iyong masundan ang wastong pagkakasunod-
sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at
pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naoobserbahan at
napanood. (EsP8PB-Ia-1.2)

Sub-Competency
Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at
pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naoobserbahan at
napanood.

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar
na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: natutukoy ang tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya


at ang kanilang kontribusyon para sa pagpapairal ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa bawat isa.
A. Kasanayan: naibabahagi ang mga katangian at kaugaliang
nararanasan sa pamilyang nakasama; at
B. Pandamdamin: naiuugnay at nabibigyang halaga ang mga
karanasan sa sariling pamilya sa pagpapaunlad ng
pakikipagkapwa tao.

Tagal: Isang (1) araw

Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio


Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong
guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda
ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na
ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy
ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang
pagtatakda ng mga mithiin.

5
Nalalaman

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng


pagmamahalan at pagtutulungan. Lagyan ng TSEK kung ito ay nagpapakita
ng pagtutulungan at pagmamahalan at EKIS naman kung hindi. Isulat ang
iyong sagot sa iyong kwaderno.

1. Nagtutulungan at sama-samang gumagawa ng gawaing bahay ang


buong pamilya.
2. Pagsasawalang bahala ng mga anak sa mga tungkuling iniatas ng
mga magulang.
3. Pagsisinungaling ng anak sa kanyang mga magulang.
4. Paghingi ng payo ng anak sa kanyang magulang hinggil sa kanyang
problema.
5. Pagtulong ng nakatatandang kapatid sa kanyang nakababatang
kapatid sa paggawa ng takdang aralin.
6. Sama-samang pagsimba ng buong pamilya.
7. Tulungan ang mga magulang ang mga anak na makita ang kanilang
mga talento at interes.
8. Pagpapakita ng kawalan ng galang ng mga anak sa kanilang mga
magulang.
9. Nagtatalo ang mga anak dahil sa hindi pagbibigayan.
10. Naging maingat ang pamilya sa pagtanggap ng tao sa sariling
tahanan kaya di nagpapatuloy sa mga kaapitbahay kahit na
nasunugan ng bahay.
11. Sa panahon ngayon, hindi kailangang makisama sa lahat ng tao dahil
maraming manloloko. Pakisamahan lamang ang taong may
pakinabang sayo.
12. Pag-unawa at di pagkumpara sa kakaibahan ng isang anak sa ibang
kasapi ng pamilya.
13. Palaging magpakumbaba kahit gaano man kalayo ang narrating sa
buhay, dapat manatili pa rin tayong mapagkumbaba sa kapwa natin.
14. Huwag nang ipabatid sa iba ang mga problema kung ito rin lang ay
nakakabigay bigat sa iba. Hayaang solusyonang mag-isa ang
problemang kung ikaw rin lang mismo ang may gawa.
15. Hindi kinakailangan na suportahan pa ng mga magulang na
magtagumpay sa mundo ang mga anak kung alam na maaring mas
mahusay ang mga ito sa ilang kakayahan o gawain kaysa kanila.

6
Suriin

Ang pamilya ay regalong ibinigay


sa atin ng Diyos. Dito nagsimula ang
pakiramdam ng pagiging ligtas
gayundin ang paggalang at
responsibilidad ng bawat isa. Ito ang
pundasyon at pinakamahalagang yunit
ng lipunan na patuloy na namamagitan
sa mag-asawa na nakakapagbigay-
buhay dahil sa pagmamahalan. Sa
pamilya rin nakasalalay ang pundasyon
ng ating pag-iisip. Dito unang natututo
ang isang tao tungkol sa kanyang sarili.

Sa loob ng pamilya, mayroong pag-ibig, suporta, pag-unawa, pag-


asa, ginhawa, payo, moralidad, mithiin, at pananampalataya. Ang bawat
miyembro ng pamilya ay namamahagi ng maganda at positibong
impluwensya tungo sa kagalakan ng bawat isa. Maliban sa
pinakamahalagang impluwensya sa buhay ng isang anak, ang pamilya ang
ugat ng personal na paglago ng mga miyembro nito. Ito ang unang
paaralan kung saan ang isang bata ay natututo ng mabuting kaugalian,
nahuhubog ang karakter ng kanyang pagkatao, at tumanggap ng mga
pangunahing halaga ng buhay.

Napakaraming tradisyon ang mga Filipino na nagpapakita ng


kahalagahaan ng pamilya. Mga karanasan tulad ng bakasyon, pagsasalu-
salo lalo na tuwing pasko, o dumalo ng sama-sama sa pagsisimba. Hindi
lamang ang karanasan na ito ang lumikha ng mga magagandang ala-ala,
kundi nagbibigay din sila ng mas matibay na pakiramdam sa mga miyembro
ng pamilya.

Ang karanasan sa pag-uugnayan at pagtutulungan ay dapat laging


manatili araw-araw. Sa pamilya unang nalilinang ang mga
pagpapahalagang nagbibigay-halimbawa para sa isang malawak na
pakikipagkapwa. Kung natuto kang maging masunurin, matuto ka ring
maglingkod sa iyong kapwa. Ayon nga kay Aristotle, “Ang tao ay
panlipunang nilalang.”

Napakahalaga at matibay na yunit ng lipunan ang pamilya sapagkat


dito nabubuo ang disiplina. Ang mabuting pangalan ng isang pamilya ay
naging halimbawa sa buong lipunan. Kaya naman isa sa pinakamalaking
gawain ng mga magulang ay protektahan ang kanilang mga anak mula sa

7
impluwensya sa labas na negatibo. Ang paghubog sa anak ng magulang ay
hindi lamang upang proteksyonan ang isang bata, kundi para tulungan ang
lipunan tungo sa isang maayos na hinaharap.

Misyon ng pamilya na ipakita at ipadarama ang pagmamahalan.


Kung walang pagmamahal, ang pamilya ay hindi matatawag na
pamayanan ng mga tao. Gayundin ang pagbibigay oras sa bawat isa ay
nagpapakita ng pag-ibig at pagpapahalaga. Ang pagtutulungan ay
natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi
na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
May maikling sawikain ni dating kalihim Jesse Robredo tungkol sa
kanyang mga aral na natutuhan sa kanyang pamilya.

“Sa aking mga magulang ay natutuhan ko ang


pagmamalasakit sa kapwa, ang pagiging matipid, at ang
pamumuhay ng simple. Sa aking ama, natutuhan ko na ang
pangangalaga sa integridad ng aking pagkatao at ang
karangalan ang pinakamahalaga sa lahat.”

-Dating Kalihim Jesse Robredo

8
Isagawa 1

Panuto: Gumawa ng isang Concept Web. Isulat sa loob ng bawat kahon ang
mga kasapi ng ng pamilya at kanilang tungkulin at kontribusyon na nagpairal
sa pagmamahalan at pagtutulungan ng inyong pamilya.

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Bakit mahalagang maglaan ng panahon upang suriin ang iyong
ugnayan sa iyong pamilya? Ipaliwanag.
2. Paano nakakatulong ang kontribusyon ng bawat isa sa pamilya sa
pagpapairal ang tunay na magmamahalan at pagtutulungan
ninyong mag-anak?

9
Isagawa 2

Panuto: Gumawa ng isang SCRAPT BOOK at isagawa ang gawaing, “Ako ay


Ako Dahil sa Aking Pamilya”. Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa
pagsasagawa ng gawain.

a. Gumupit ng mga larawan ng iyong pamilya na may sentimental value


o di kaya’y kumuha ng mga larawan sa magasin na magkasingtulad
sa mga ginagawa nyo ng iyong pamilya.
b. Isa-isahin mo ang iyong karanasan sa iyong pamilya na kapupulutan
ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensya sa sarili.

May inihandang ilang larawan para sa iyo sa ibaba bilang gamiting


gabay:

Ako ay Ako Dahil sa Aking Pamilya

Kami ng aking pamilya ay naglalaan ng oras para


makapag bonding. Natutunan ko mula sa kanila kung
gaano kahalaga ang maglaan ng oras sa isat-isa upang
mas mapagtibay ng isang samahan.

Tuwing linggo kami ay sabay-sabay na nagsisimba para


pasalamatan ang Diyos sa mga biyayang aming
natanggap. Naturuan akong maging mapagmasalamat sa
kahit maliit na biyaya mula sa Diyos at sa aking kapwa.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-anong karanasan kasama ang iyong pamilya ang nagpapakita


ng pagmamahalan at pagtutulungan?

2. Paano napapayabong ng ng pagmamahalan ang samahan ng


inyong pamilya?

10
Isagawa 3

Panuto: Gumawa ng FAMILY LOG na nagpapakita ng masasaya at


malulungkot na karanasan kasama ang iyong pamilya. Sundin ang katulad
na pormat sa ibaba. Matapos ang gawain ay sagutin ang sumusunod na
mga katanungan sa ibaba.

Petsa Masasayang Petsa Malulungkot na


Karanasan Karanasan

a. Bakit mahalagang maglaan ng panahon upang suriin ang iyong


ugnayan at karanasan sa iyong pamilya? Ipaliwanag.

b. Paano nakatutulong ang mga karanasang ito upang mahahanda ka


ng iyong pamilya sa malaking mundo ng pakikipagkapwa?

c. Anong mahahalagang pagtatanto ang iyong nakuha mula sa


gawaing ito?

11
Isaisip

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem at piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Kung walang pagmamahal, ang pamilya ay hindi matatawag na
____________ ng mga tao.
A. lipunan
B. pamayanan
C. samahan
D. tahanan

2. Ang mabuting pangalan ng isang pamilya ay naging halimbawa sa


buong ____________.
A. barangay
B. kabahayan
C. lipunan
D. maggkaibigan

3. Ang ____________ ay natural na dumadaloy sa pamilya sapagkat


kaligayahan ng bawat kasapi ang makitang mabuti ang kalagayan
ng buong pamilya.
A. pagdidiskarte
B. pakikipagkaibigan
C. pakikisama
D. pagtutulungan

4. Dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi


tumitingin sa kanyang kakayahan at katangian ay tanda ng matalim
na ____________.
A. pagkakaisa
B. pakikipagkapwa
C. pagmamahal
D. pananampalataya

5. Sa pamilya unang nalilinang ang mga pagpapahalaga na


nagbibigay-halimbawa para sa isang malawak na ____________.
A. Pakikipagkaibigan
B. Pakikipagkapwa
C. Pakikipagdamayan
D. Pakikisalamamuha

12
6. Sino ang nagsabi na, “Ang tao ay panlipunang nilalang.”
A. Aristotle
B. Gandhi
C. Donald Trump
D. President Rodrigo Duterte

7. Sa mga magulang at pamilya nakabubuo ng unang relasyon ng


pagmamahal, pagtutulungan, at pananampalataya.
A. Di-Tiyak
B. Mali
C. Tama
D. Wala sa lahat
8. Saan nagsimula ang pakiramdam ng pagiging ligtas gayundin ang
paggalang at responsibilidad ng bawat isa.
A. Barangay
B. paaralan
C. Pamahalaan
D. Pamilya

9. Ang mga sumusunod ay pangunahing misyon ng pamilya MALIBAN sa.


A. Pagmamahalan
B. Pananampalataya
C. Edukasyon
D. pagpaparami

10. Ang mga sumusunod ay mga gawaing pampamilya, MALIBAN sa


A. Sama-sama sa gawaing bahay
B. Huwag isantabi ang kompetisyon
C. Ilagay ang Diyos sa gitna ng pamilya
D. Magpalitan o magparamdam ng patanggap sa isat-isa

11. Alin ang isa sa palatandaan ng pamilyang nagkakabuklod-buklod.


A. Ang mga miyembro ay di-magkasalong kumakain.
B. Sama-samang nagsisimba at iisa ang pananampalataya
C. Ang pamilya ay walang ugnayan at mabuting komunikasyan
D. Wala ng oras sa paglalaro at pakikihalubilo dahil maraming mga
responsibilidad na dapat unahin gaya ng pagiging busy sa
trabaho.

12. Alin sa sumusunod ang dapat taglayin ng isang pamilyang


nagmamahalan at nagtutulungan?
I. Ang bawat miyembro ng pamilya ay nagkakaisa
II. Dapat may respite at paggalang sa isat-isa lalo na sa mga
magulang
III. May pagbibigayan huwag maging madamot
Dapat may malakas na pananampalataya sa Diyos

13
A. I at II
B. II at III
C. III at IV
D. I, II, III, at IV

13. Bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?


A. Dahil wala ng iba pang magtutulungan kundi ang pamilya.
B. Dahil kaligayan ng baway kasapi na makitang mabuti ang
kalagayan ng buong pamilya.
C. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa
aboy ng aknilang makakaya.
D. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang
maipakita ang suporta sa bawat isa.

14. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting


pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito
ang kanyang isasabuhay?
A. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang
pakikipagkapwa tao.
B. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang
masolusyunan ang problema.
C. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang
pamilyang kinabibilangan
D. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na
maging mabuti sa pakikipagkapwa

15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang


pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa
panlipunang buhay (social life)?
A. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga
anak
B. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at
nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
C. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o
nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
D. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng
ating buhay.

14
15
Isaisip Nalalaman
1. B 1. /
2. C 2. X
3. D 3. X
4. C 4. /
5. B 5. /
6. A 6. /
7. C 7. /
8. D 8. X
9. D 9. X
10. B 10. X
11. B 11. X
12. D 12. /
13. B 13. /
14. D 14. X
15. B 15. X
Susi sa Pagwawasto
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng
Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay
koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang
iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa
natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Magaling Pagbutihin
Napaka-husay
Krayterya din pa Kabuuan
5 pts. 3 pts. 1 pt.
Katapatan at
kawastuhan ng
sagot
Pagkamalikhain
sa paggawa
Kalinisan at
kaayusan ng
awtput
Kabuuan

16
Rubrics sa Paggawa ng Concept Map

Kraytirya 4 3 2 1
Paghinuha Nahinuha Nahinuha Nahinuha Nahinuha
ng ang ang ang ang
batayang batayang batayang batayang batayang
konsepto konsepto konsepto ng konsepto konsepto sa
nang may kaunting ngunit paggabay
hindi paggabay ng kailangan ng ng guro sa
ginagaba guro labis na kabuuan nito
yan ng paggabay ng
guro guro

Pagpapaliwanag Malinaw Mayroong Mayroong Mayroong


ng konsepto na isang dalawang tatlo o higit
naipaliwa konsepto na konsepto na pang
nag ang hindi malinaw hindi konsepto na
lahat ng na naipaliwanag hindi
mahahala naipaliwanag naipaliwanag
gang
konsepto
Paggamit ng Nakalikha Ginamit ang Nakalikha ng Ginamit ang
concept map ng sariling concept map sariling concept
concept na nasa concept map map na nasa
map na modyul at ngunit hindi modyul
ginamit maayos na malinaw na ngunit hindi
upang naibigay ang naibigay o malinaw na
maibigay batayang naibahagi naibigay o
o konsepto ang naibahagi
maibaha gamit ito batayang ang
gi ang konsepto batayang
batayang gamit ito konsepto
konsepto gamit ito

17
Rubric Para sa Scrapt Book na Ako ay Ako Dahil sa Aking Pamilya

Kraytirya 4 3 2 1

Nailarawan ang lahat Nailarawan ang Hindi nailarawan Hindi nailarawan Hindi
ng kasapi ng pamilya lahat ng kasapi ng ang isang kasapi ang dalawang nailarawan ang
at maging siya pamilya at maging ng pamilya at ang kasapi ng pamilya tatlo o mahigit
ang kaniyang sarili kaniyang sarili pang kasapi ng
pamilya

Naisa-isa ang Naisa-isa ang mga Hindi nakapagtala Hindi nakapagtala Hindi
mahahalagang kontribusyon ng lahat ng kontribusyon ng ng kontribusyon ng nakapagtala
kontribusyon ng bawat ng kasapi ng pamilya isang kasapi ng dalawang kasapi ng kontribusyon
kasapi ng pamilya sa at maging kanyang pamilya at ng ng pamilya ng tatlo o higit
kanya sarili kaniyang sarili pang kasapi ng
pamilya
Tugma ang simbolong Lahat ng simbolong Mayroong 1-2 Mayroong 3-4 na Hindi tugma
ginamit sa kaniyang ginamit ay tugma sa simbolo na hindi simbolo na hindi ang lahat ng
paglalarawan paglalarawan tugma sa tugma sa simbolo sa mga
paglalarawan paglalarawan paglalalarawan

Naibahagi sa iba ang May patunay ng May patunay Walang kalakip na Walang kalakip
kaniyang ginawa at pagbabahagi at ngunit walang patunay ngunit may na patunay at
nakagawa ng ulat ukol nakagawa ng nagawang detalyadong ulat walang
rito detalyadong ulat detalyadong ulat detalyadong
ukol dito ulat

Naipakita sa ginawang Naipakita ang Mayroong 1-2 Mayroong 3-4 na May 5 o higit pa
scrapt book kung halaga at nilalaman na hindi nilalaman na hindi na hindi
paano nakatulong kaugnayan ng lahat naiugnay sa naiugnay sa naiugnay sa
ang mga karanasan sa ng nilalaman ng pakikipagkapwa pakikipagkapwa pakikipagkapw
pamilya sa paghubog scrapt book sa a
ng kaniyang paghubog ng
pakikipagkapwa pakikipagkapwa

May kalakip na Bawat isang larawan Mayroong 1-2 Mayroong 3-4 na May 5 o higit
paliwanag ang bawat ay may kalakip na larawan na hindi larawan na hindi pang larawan
larawan maiksi ngunit nalakipan ng nalakipan ng na hindi
malinaw na paliwanag paliwanag nalakipan ng
paliwanag paliwanag

Daloy ng ginawang Maayos ang daloy May 1-2 bahagi ng May tatlo o higit Hindi naipakita
scrapt book ng ginawang scrapt scrapt book na pang bahagi ng ang ugnayan
book, naipakita ang hindi naging scrapt book na ng mga yugto
ugnayan ng bawat maayos ang hindi naging sa kabuuan ng
yugto nito daloy, hindi maayos ang daloy, scrapt book
naipakita ang hindi naipakita ang
ugnayan ng mga ugnayan ng mga
yugto nito yugto nito

Naipakita ang Nakit ang lahat ng Nakita ang Nakita ang isang Hindi nakita ang
pagiging malikhain sa pamantayan dalawang pamantayan alinmang
ginawang scrapt book pamantayan pamantayan
a. Naglapat ng musika
b. Nagrecord ng boses
sa halip na sulat
lamang
c. Naglagay ng
disenyong kaugnay ng
paksa

18
Sanggunian
Bognot, Regina Mignon C, et. al. “Edukasyon sa Pagpapakatao 8: Modyul sa
Mag-aaral.” Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon, edited by
Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola,
Marie Aillen S. Lagarde, Marivic R. Leaňo, Eugenia C. Martin, Marie
Ann M. Ong, and Rheamay T. Paras, 9-10. Vibal Publishing House Inc,
2013.

Bognot, Regina Mignon C, et. al. “Edukasyon sa Pagpapakatao 8: Gabay ng


Guro.” Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon, edited by Regina
Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie
Aillen S. Lagarde, Marivic R. Leaňo, Eugenia C. Martin, Marie Ann M.
Ong, and Rheamay T. Paras, 9. Vibal Publishing House Inc, 2013.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Hinatuan South

Address: _______________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Contact Number:
Email Address:

20

You might also like