You are on page 1of 4

3RD QUARTER 2nd SUMMATIVE TEST- ESP 8

NAME: _________________________________________ SECTION: 8 -_Mendel DATE: _______ SCORE: ______

Panuto: Piliin lamang ang letra ng tamang sagot. Handa ka na ba? Simulan na ang
pagsagot.

1. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng _________.


A. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
B. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
C. pagbibigay halaga sa isang tao.
D. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
2. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng
katwiran at ng kakayahang magpasakop?”
A. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
B. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
C. Maipapakita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa
mga ipinag-uutos.
D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di
kailangang magpasakop at sumunod.
3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
A. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.
B. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
C. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
D. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
4. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay
magiging kaaya-aya para sa iyo.
B. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
5. Natutuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng
sumusunod maliban sa:
A. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at
masunurin.
B. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakakaunawa sa kaniya.
C. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa
paggalang at pagsunod.
D. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
Subukin
6. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula ng mahubog ang
kilos-loob ng isang bata, ang bata ay __________.
A. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kanyang mga magulang.
B. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.
C. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.
D. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang.
7. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si
Danny ang naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang
sinusunod at ginagawa ng walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya
ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng ________.
A. Katarungan B. Kasipagan C. Pagpapasakop D. Pagsunod
8. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang
ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang
napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na
nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatag nila ang kanilang
samahan sa pamamagitan ng __________.
A. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
B. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone/ email kung
nasa malayong lugar.
C. pagkakaroon ng mga alintuntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang
maaga.
D. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan
ng bawat isa.
9. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang
kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod
silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng
pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga
marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang
magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na
gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon.
A. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon.
Huwag magsawa.
B. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka.
Nasa lahi nila ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
C. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos
ng ayon sa mga natuklasang dahilan.
D. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya
kung ano siya nang walang pagtatangi.
10. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga
gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang
nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at
pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
11. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog
ang kilos-loob ng isang bata,ang bata ay_____________:
A. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang
B. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay
C. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinakda
D. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang
12.Hinahangan ni Jay si Danny na taglay niyang kagalingan sa pamumuno.Nang si
Danny ang naging lider ng kanilang grupo ,lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang
sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol , kahit pa minsan ay napapabayaan
na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita
ng_________________________.
A. katarungan B. kasipagan C. pagpapasakop d. pagsunod

13. Nag-iisang itinaguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang
ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang
napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba
siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa
pamamagitan ng_______________:
A. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang
linggo
B. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email
kung nasa malayong lugar
C. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan , tulad ng pag-uwi
nang maaga
D. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa
kalagayan ng bawat isa
14. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na
ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na
maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakitaan ng ibang mga
kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa
isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalahanan
siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksiyon ni Vangie. Ano
ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
A. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon
at huwag magsawa.
B. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang
marka.Nasa lahi nila ang pagiging magaling kailangan lang ng pagpapaalala
C. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga natuklasang dahilan
D. Isaalang-alang ang kakayahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin
siya kung ano siya nang walang pagtatangi.
15. Maraming balita tungkol sa mga tao sa mga may awtoridad ang kinakitaan mo
ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan . Maraming kabataang tulad mo
ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at
pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban
at gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
B. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan.Sumangguni sa ibang may
awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob
C. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng
pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.
D. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa
batas.Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag
dito.

Answer key:
C
D
A
A
B
C
C
D
C
B
C
D
C
A
A

You might also like