You are on page 1of 5

Talahanayan ng Ispisipikasyon- EsP 8

Ikatlong Markahang Pagsusulit

Batayang Kakayahan Blg. Ng Blg. Ng Kaalaman Proseso Pag-unawa Produkto/Pagganap


Araw Aytem
1. Nasusuri ang
kahalagahan ng
pasasalamat sa 7 13 1-2(2) 9-11(3) 21-24 (4)
ginawang kabutihan
ng kapwa
2. Naipamamalas ng
mag-aaral ang pag-
unawa Pagsunod at Pagninilay: Isulat at
paggalang sa mga suriin ang
magulang, 7 13 3-4(2) 12-14(3) 25-28 (4) “Panatang
nakatatanda at may Makabayan” Paano
awtoridad
mailalapat dito ang
3. Naipamamalas ng iyong natutuhan sa
mag-aaral ang pag- Ikatlong Markahan
unawa kahihinatnan 7 13 5-6(2) 15-17(3) 29-32 (4)
ng paggawa ng
mabuti
4. Nahihinuha ang
kahalagahan ng
katapatan sa salita
5 11 7-8(2) 18-20(3) 33-35(3)
at sa gawa
Kabuuan 26 50 8 12 15 15
Barucboc National High School
Quezon, Isabela

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag/sitwasyon. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot/kahilingan. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli
siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaaring
ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?
a. Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit.
b. Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-aaral
c. Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan
d. Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral
Para sa bilang 2-5. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa
sumusunod na sitwasyon.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
2. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi
siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.
3. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa
takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.
4. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng
kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang
kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi
siyang kinakausap ng kaklase.
5. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi
nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi
naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan
na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya
kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa
ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan.
6. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa:
a. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.
b. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at
kapayapaan ng kalooban.
c. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao hindi upang masisi,
maparusahan at masaktan.
d. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang
mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.
Para sa bilang 7-10. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang ipinakikita sa
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
7. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan
ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.
8. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya
sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.
9. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay
Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang
kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan.
10. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang mga
magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas ipinararamdam na lamang niya rito na
siya ay nasasaktan sa kaniyang tanong sa halip na sabihin niya rito ang tunay niyang nararamdaman.

11. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.


a. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
b. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
c. pagbibigay ng halaga sa isang tao.
d. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay
12. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng
kakayahang magpasakop?”
a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-
uutos.
d. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang
magpasakop at sumunod.
13. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
a. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.
b. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
c. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
14. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya
para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
15. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
a. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
b. pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya.
c. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at
pagsunod.
d. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
16. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng
isang bata, ang bata ay __________:
a. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang.
b. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.
c. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.
d. d. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang.
17. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging
lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang
pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang
kilos ni Jay ay nagpapakita ng ____________:
a. katarungan b. kasipagan c. pagpapasakop d. pagsunod
18. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang
mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito
nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas
mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng ________:
a. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
b. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung nasa malayong
lugar.
c. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
d. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
19. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga
magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na
magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng
pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag
pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano
ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
a. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
b. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila
ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
c. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa
mga natuklasang dahilan.
d. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya
nang walang pagtatangi.
20. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa
dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila
ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
a. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano
ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
b. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay
nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
c. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung
hindi naman ikaw ang naapektuhan.
d. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan
na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.
21. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
a. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang
mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa
kaniyang pinanggalingan.
c. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
d. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa
kaniyang kalooban.
22. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
23. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
b. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
c. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
d. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa
katawan.
24. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng
dagliang pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang
kanilang pangangailangan.
25. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
a. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
b. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa
buhay
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
d. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao
26. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
a. pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
b. pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
c. paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos
ang mga magulang.
d. pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa kaniya.

27. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng


a. kalooban b. isip c. damdamin d. konsensya
28. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
b. Pagpapasalamat
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
29. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?
a. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
b. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
c. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
d. Ang kawalan ng utang ng loob sa taong tumutulong
30. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:
a. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng
makakaya
b. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
c. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
d. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de
edad

II. Pagninilay. Panuto isulat ang kabuoan ng sumusunod, salungguhitan ang mga salitang nagpapakita ng
iyong pag-unawa sa iyong mga natutuhan sa loob ng Ikatlong Markahan
1. Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas (10 pts)
2. Lupang Hinirang (10 pts)

31. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng


b. kalooban b. isip c. damdamin d. konsensya
32. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
e. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
f. Pagpapasalamat
g. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
h. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
33. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?
e. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
f. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
g. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
h. Ang kawalan ng utang ng loob sa taong tumutulong
34. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:
e. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng
makakaya
f. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
g. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
h. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de
edad

II. Pagninilay. Panuto isulat ang kabuoan ng sumusunod, salungguhitan ang mga salitang nagpapakita ng
iyong pag-unawa sa iyong mga natutuhan sa loob ng Ikatlong Markahan
3. Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas (10 pts)
4. Lupang Hinirang (10 pts)

You might also like