You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
BATO NATIONAL HIGH SCHOOL
Bato, Toledo City

LEARNING ACTIVITY SHEET (ESP 8)

Name of Learner: _____________________________________________Grade Level & Section: _________


Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Module No.: 3 Quarter 3
Title: Pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad.
Learning Competency :
Nakikilala ang: a. mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na
ginagabayan ng katarungan at pagmamahal b. bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang
sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. - EsP8PBIIIc-10.1
Learning Objective:
 Natatalakay ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at
pagmamahal.
 Naisasagawa ang angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulangn nakakatanda at
may awtoridad
 Naipapaliwanag ng postibo ang batayang konsepto ng aralin
Naisasaisip ang magiging bunga o kahihinatnan ng hindi pagsunod at paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang Titik ng pinakatamang sagot.

1. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga
magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid.
Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-
aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng
kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat gawin ng mga
kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
A. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag
magsawa.
B. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi
nila ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
C. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mg mark ani Vangie. Kumilos nang ayon
sa mga natuklasang dahilan.
D. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano
siya nang walang pagtatangi.

2. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Dany ang naging
lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang
pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang
pagkilos ni Jay ay nagpapakita ng _____________:
A. Katarungan
B. Pagpapasakop
C. Kasipagan
D. Pagsunod

3. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
A. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunirin.
B. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya
C. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at
pagsunod.
D. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakakatanda.

4. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ________________.


A. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
B. Pakikpag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
C. Pagbibigay ng halaga sa isang tao
D. Pagkilala sa mga taong nagging bahagi ng buhay.

5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?


A. Napagtutubay nito ang presensiya ng pamilya.
B. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
C. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
D. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
6. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak .Maliliit pa lamang ang kanilang mga
anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
BATO NATIONAL HIGH SCHOOL
Bato, Toledo City

maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag
nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng _________:
A. Sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang lingo.
B. Pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / emailkung nasa
malayong lugar.
C. Pagkakaroon ng mga alintuntuning dapat sundinsa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
D. Pagkakaroon ng bukas na komunikasyonat malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
7. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa
dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pagaalinlangan kung sila ay
magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila.
A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung
ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
B. Mahirap kumilo nang may pag-aalinlangan.
C. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay nang Mabuti at kumilos ayon sa iyong
kilos-loob.
D. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na
kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.

8. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilosloob ng isang
bata, ang bata ay _____________:
A. Madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang.
B. Agkakaroon ng pagkilala sa kalahagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.
C. Nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinakda.
D. Kumikilos ayon sa mga ipinatutupad n autos ng kaniyang magulang

9. Ano an ang ipinahihiwatig ng pahaya na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng
kakayahang magpasakop?”
A. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagsasakop.
B. Kailangang sumusunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
C. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat pagsunod sa mga ipinag-
uutos.
D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang
magpasakop at sumunod.

10. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya
para sa iyo.
B. Ipaglaban ang iyong Karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
D. Suportahan ang kanilang proyekto at programa.

I certify that I have truthfully answered all the activities/exercises in this activity sheet. This
output is entirely my own work. (or can be translated in Filipino/MTB as needed)

___________________________________ _____________________________
Name and Signature of Learner Date Submitted

You might also like