You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division of Ligao City
PALAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Palapas, Ligao City
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Unang Pamanahunang Pagsusulit

Pangalan: ____________________________________________ Baitang at Seksyon: __________________

I. MARAMING PAGPIPILIAN. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong at pangungusap. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinaka maliit at pangunahing yunit ng lipunan.
a. Paaralan c. pamahalaan
b. Pamilya d. barangay
2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nag pasiyang mag pakasal at mag sama nang
habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag
ang nag lalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na nag hahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pag dating ng panahon sila naman ang mag
hahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa pag lilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa eskwela.
d. Nais ng magulang na may mag aruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang
kanilang mga anak.
4. Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganun din sa lipunan.
b. ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nag mumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nag
papatunay nito?
a. ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao
b.kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyaiyang anak, gayun din ang magiging pakikitungo nito sa iba
c. sa pamilya unang natututunan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa
d. kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata
6.Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
a. pinagsama ng kasal ang magulang
b.pagkakaroon ng anak
c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
d. mga patakaran sa pamilya
7. Hindi nakakaligtaan ng Pamilya Santos ang manalangin ngang sama-sama hingil sa lahat ang pagsisimba ng
magkakasama tuwing Linggo ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. buo at matatag
b. may disiplina ang bawat isa
c. nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
d. hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon ng edukasyon
para sa panlipunang buhay (social life)?
a. ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak
b. ang mga magulang ang naging unang guro, gumagabay at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa
c. ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan
d. ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay
9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya
b. dahil wala ng iba pang magtutulungan kundi ang magpapamilya
c. sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya
d. sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa
10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao
kung ito ang kaniyang isasabuhay?
a. higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao
b. nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema
c. ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao at maging mabuti sa pakikipagkapwa
d. madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
11. Ang karapatan para sa __________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan
12. Bahagi ng isang buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkakaroon ng mga anak. Ito ay
_________________
a. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na mag mahal
b. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa
c. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
d. pagtugo sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo
13. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay
matagumpay na malampasan
c. Pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos sa kanilang konsensiya, at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng
Diyod upang paglingkuran at alagaan
d. malayang kahihinatnan ng kanilang pagpanggap at hindi pagganap sa mga ito
14. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
a. si Leonardo at Rose na nagpaplano at nagpapasya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga
anak
b. si Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang
magandang buhay para sa kanilang hinaharap
c. si Mario at Andrea na namumuhay ng simple kasama ang mga anak katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain,
pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang ginagalawan lalo na sa hinaharap
d. sina Anita at Meldward na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga
pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya
15. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. dahil kasabay ng pagkakaroon ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay
turuan
b. dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan
c. dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal, sa pag-aaral at kaalaman
d. dahil ang kanilang mga ipinapakitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata
16. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay ng simple?
a. upang maisabuhay nila ang pagiging mapagpakumbaba
b. upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
c. upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
d. upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at sa kung hindi meron siya
17. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring mag bunga sa mga sumusunod na pagpapahalaga
maliban sa
a. pagtanggap b. katarungan c. pagmamahal d. pagtitimpi
18. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa
a. pagtitiwala c. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
b. pagtataglay ng karunungan d. pagtuturo ng mga magulang ng pagpapahalaga
19. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa
a. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
c. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. ituon ang pansin sa ganap na pagunawa sa nilalaman ng aklat tungkol sa pananampalataya
20. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagkakasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
b. pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya
c. paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
d. pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay
maisakatuparan.

II. Panuto: Isulat ang salitang I-Thou kung ang sitwasyon ay diyalogo at I-It naman kung monologo.
________________21. Kailangan ni Daniel na maibenta ang kaniyang lumang kotse dahil nais niyang
makabili ng bago. Nagtungo siya sa kaniyang kumpare upang kumbinsihin itong
bilhin ang kanyang lumang kotse. Nakumbinsi naman niya ito dahil sila’y nagkasundo sa halaga.
________________22. May suliranin si Jane sa kaniyang pamilya. Kailangan niya na mapaghihingahan ng
kanyang sama ng loob. Pumunta siya sa kanilang gurong taga payo. Mahusay na tagapakinig
ang kanilang gurong taga payo. Alam ni Jane na bibigyan siya nito ng panahon at hindi siya
huhusgahan.
________________23. Maganda ang samahan nina John at kaniyang ama. Pinapakinggan nito ang
kanyang mga opinyon sa tuwing sila’y nagkakausap.
________________24. Niyaya si Josie ng kanyang kaibigan na magbakasyon sa isang kilalang resort. Nag
isip si Josie ng paraan upang makumbinsi ang kaniyang mga magulang na siya’y payagan. Sa
kanilang pag uusap ay hindi niya rin ito napapayag.
________________25. Madalas nagkakagalit ang mag kapatid na si Pet at Brad. Hindi nila pinakikinggan
ang sinasabi ng bawat isa.
________________26. Nagkaayos ang mag kaibagan na si Jonel at James matapos na pag usapan ang
kanilang hindi pinag kakaintindihan nung nakaraang lingo.
________________27. Nagalit ang nanay ni Mariel dahil hindi nito pinapakinggan ang lahat ng kanyang
payo kaya lagi itong napapahamak.
________________28. Hindi pinansin ni Monic ang mga panuto na binasa ng guro, kaya nakakuha siyang
ng mababang iskor sa pag susulit.
________________29. Naging maganda ang pagsasama ni Juan at Mary bilang mag asawa dahil
pinapakinggan nila ang opinyon ng bawat isa.
________________30. Maunlad ang bayan ng San Marcelino dahil maganda ang pamamalakad ng
mga pinuno. Pinapakinggan nito ang mga suwestyon at boses ng taong bayan.

III. PAGPUPUNO. Punan ang patlang ng tamang salita mula sa kahon.

PAMILYA KATARUNGAN PAMPOLITIKA PANAHON


MONOLOGO LIPUNAN PANANAMPALATAYA EDUKASYON
PAGMAMAHAL MAGPAKASAL PAARALAN PAGPAPASIYA
DIYALOGO KOMUNIKASYON TAO PAGMAMAHAL PAGPAPAKASAL

31. Nabuo ang pamilya sa pag mamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang __________________.
32. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng ______________________.
33. Ang paaralan ang orihinal na paaralan ng ___________________________.
34. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang ______________________ para sa panlipunang buhay.
35. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng ________________________.
36. Pangunahing makakatulong upang ang isang tao ay maging matagumpay at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag sa
kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting _________________________.
37. Misyon ng pamilya ang paghubog ng _________________________upang maging sentro ng buhay ang Diyos.
38. Ang dalawang tao ay dumudulog sa ____________________ng may lubos na pagbubukas ng sarili at tiwala sa isa’t isa.
39. ____________________kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili, o kung ang pakay
ay marinig lamang at hindi makinig.
40. Ang _________________________ ay anumang senyas or simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip
at pinapahalagahan, kasama dito ang wika, kilos, tono at boses.
41. Mas malaking hamon ang pagkakaroon ng mabisang komunikasyon sa pamilya sa modernong ___________________.
42. Ang pamilya ay pamayanan ng mga _______________________.
43. May panlipunan at __________________ na gampanin ang pamilya.
44. Ang _____________________ ay kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumutingin sa kanyang kakayahan at
katangian.
45. Ang ________________________ ay nagbubunsod upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao.

IV. PAGSULAT
Gamit ang apat hanggang limang pangungusap, ipaliwanag kung bakit sinabing “Ang Pamilya ay isang Natural na
Institusyon.” (5 puntos)

Rubriks sa Pagmamarka:
Nilalaman--------------------------------2
Organisasyon ng mga ideya-----2
Gramatika-------------------------------1
--------------------------
Kabuuan---------------------------------5
_______________________________ _______________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral Pangalan at Lagda ng Magulang

PALAPAS NATIONAL HIGH SCHOOOL


Palapas, Ligao City
“We work, we learn, we grow together”
JAL23-24

You might also like