You are on page 1of 5

1|Page

School Palapas National High Grade Level 7


Daily Lesson School
Teacher Jerson A. Laguerta Learning Area Edukasyon sa Pagpapakatao
Plan Teaching Time 7:30 am – 8:30 am Quarter First Quarter
9:45 am – 10:45 am

Thursday / September 21, 2023


I. OBJECTIVES
A. Content Standards Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at
kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at
mga tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
B. Performance Standards Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/ pagbibinata
C. Learning Competencies / Objectives 1.3. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan
(Write the LC Code for each) at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata ay
nakatutulong sa:

1.3.1 Pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at

1.3.2. Paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na


antas (phase) ng pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adoscence):
paghahanda sa paghahanapbuhay, paghahanda sa pag-aasawa/ pagpapamilya, at
pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa mabuting asal, pagiging mabuti
at mapanagutang tao

EsP7PS-Ia-1.3
II. CONTENT MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT
KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA/ PAGBIBINATA
III. LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide Pages Pahina 8-12
2. Learner’s Material Pages Pahina 21-24
3. Textbook pages
4. Additional Material from Learning
Resource (LR) portal
B. Other Learning Resources Modyul, mga larawan, colored paper, laptop, visual aids etc
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous lesson or presenting a PANIMULA:
new lesson • Panalangin
• Pagbati
• Pagtsek ng atendans

Balik-aral:
 Sa nakaraang aralin, ano-ano ang mga pagbabagong nagaganap sa
isang nagdadalaga/nagbibinata? Magbigay ng halimbawa.

PAGGANYAK:

Gawain 1:
PICTURE ANALYSIS Panuto: Ano ang ibig sabihin ng mga nasa larawan?
Maaari itong iugnay sa mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/ Pagbibinata.

1.
2|Page

2.

3.

4.

SUSI SA PAGWAWASTO:
1. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng
tamangpamamahala sa mga ito.
2. Mahalin mo ang iyong sarili.
3. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya.
4. Palaging maging positibo sa iyong pag-iisip.
B. Establishing a purpose for the lesson Ipababasa ng guro sa mga mag-aaral ang layunin ng aralin.
C. Presenting examples/instances of the new Gawain 2:
lesson Pagsasadula

Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Pumili ng isang nais na paksa
na matatagpuan sa ibaba at maghanda para sa isang maikling presentasyon.
 pagkakaroon ng tiwala sa sarili
 paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay  paghahanda sa
paghahanapbuhay
3|Page

 paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya)


 pagiging mabuti at mapanagutang tao

Rubrik para sa Pagtataya ng Presentasyon:

20 % - Kooperasyon
50 % - Nilalaman/kalinawan
30 % - Pagkamalikhain
100 % Kabuuan

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang iyong naramdaman sa katatapos na gawain?
2. Ano ang aral na nais ipahayag ng ginawa ninyong presentasyon?
3. Makatotohanan ba ang ginawa ninyong pagsasadula?
4. Paano mo malilinang ang pagkakaroon ng tiwala sa iyong sarili bilang isang
nagdadalaga/nagbibinata?

INTEGRASYON:

Maaaring iugnay sa mga sumusunod na asignatura:

MAPEH- maaaring iugnay ng guro sa mga talento at kakayahan na dapat


malinang ng isang nagbibinata/nagdadalaga. Maaaring ituon nila ito sa
pagpapaunlad sa iba't-ibang larangan tulad ng pagsali sa sports, pagguhit,
pagtula, pagsadula, pag-awit at iba pa.

Science- maiuugnay sa yugto ng buhay sa Siyensa na tinatawag na panahon ng


unti-unting pagbabago (transition period) o paglipat mula sa isang yugto ng
buhay patungo sa susunod.
D. Discussing new concepts and practicing PAGPAPATULOY NG PAGPAPALALIM:
new skills #1
Ipabasa at ipaunawang mabuti ang sanaysay sa mga mag-aaral sa LM, pahina
21-24.

Talakayin: Pagpapatuloy ng " Paglalarawan ng mga Inaasahang Kakayahan at


Kilos ", pahina 5-8
E. Discussing new concepts and practicing  Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya
new skills #2  Paghahanda para sa paghahanapbuhay
 Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
 Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting
asal

F. Developing mastery PAGBIBIGAY NG MAIKLING PAGSUSULIT:


(Leads to formative assessment)
___1. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng angkop at inaasahang kakayahan
at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata maliban sa:
a. Natututong makisalamuha sa kapwa gamit ang wastong asal.
b. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan.
c. Paghahanda para sa maagang pag-aasawa at pagpapamilya.
d. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
___2. Noong bata pa si Karina, siya ay walang ginawa kundi ang maglaro at
manood ng telebisyon kaya madalas siyang makagalitan ng kanyang ina. Ano
ang nagpapakita ng kanyang pagbabagong pangkaisipan tungo sa pagiging
mabuti at mapanagutang tao?
a. Wala pa rin siyang pakialam kahit ang kanyang nanay ay nahihirapan na sa
paggawa ng mga gawaingbahay.
b. Ngayon ay marunong na siyang mangarap kaya inuuna niya ang pag-aaral
bago ang anumang bagay na walang katuturan.
c. Madalas siyang tumatakas sa kanilang bahay upang sumama sa barkada para
makaiwas sa mga gawaing bahay.
4|Page

d. Natututo na siyang magsinungaling masunod lamang ang kanyang gusto.


___3. Aling kilos ang hindi naaangkop gawin ng isang tinedyer na tulad mo?
a. Pagharap ni Alexa sa mga hamon ng buhay ng buong tapang na
malalampasan niya ang lahat ng ito.
b. Ang magandang pag-uugali na ipinapakita ni Ela sa mga tao sa kanyang
paligid kahit ang mga ito ay may negatibong pag-iisip.
c. Si Camille na hanggang ngayon ay hindi marunong mag-ayos ng sarili at
parating burara kahit siya ay tinedyer na.
d. Pagkakaroon ng interes ni Jehan sa katapat na kasarian at paggamit nito ng
tama bilang inspirasyon. ___4. Ang mga sumusunod ay hindi nagpapakita ng
paghahanda para sa paghahanapbuhay, maliban sa isa.
a. Pagpaplano sa kursong kukunin sa hinaharap.
b. Lumalahok sa mga gawaing pampaaralan, ngunit hindi marunong
makipagkaibigan.
c. Sinusunod ang nais ng mga magulang sa pagpili ng kurso para sa kanya kahit
ito'y hindi naaangkop sa kanyang kakayahan.
d. Walang tiwala sa sarili at mahina ang kakayahan sa pagpapasya.
___5. Alin ang hindi naaangkop sa pagkakaroon ng positibong pananaw at
damdamin tungkol sa iyong sarili?
a. Lahat ng mga karanasan, positibo man o hindi, ay may mabuting ibubunga
tungo sa pag-unlad ng iyong pagkatao.
b. Hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan. c. Ang mga bagong hamon
sa buhay ay pagkakataon upang palakasin ang tiwala sa sarili.
d. Dahil sa hirap ng pinagdaraanan, nawalan nang tiwala sa sarili at hindi na
makapag-isip ng tama.

SUSI SA PAGWAWASTO SA MAIKLING PAGSUSULIT:

1. C 2. B 3.C 4. A 5. D
G. Finding practical applications of concepts Makatutulong ba ang paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa
and skills in daily living panahon ng pagdadalaga / pagbibinata sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-
confidence) at sa pagiging mabuti at mapanagutang tao? Ipaliwanag.
H. Making generalizations and abstraction Ano ang konseptong natutunan mo sa paglinang ng mga angkop na inaasahang
about the lesson kakayahan at kilos (developmental tasks) na makatutulong sa panahon ng
pagdadalaga /pagbibinata? Bilang paglalahat, ang mga angkop na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga
/pagbibinata ay makatutulong sa:
 pagkakaroon ng tiwala sa sarili
 paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay  paghahanda sa
paghahanapbuhay
 paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya)
 pagiging mabuti at mapanagutang tao
I. Evaluating learning PAGTATAYA:
Panuto: Buuin ang mga hindi tapos na pangungusap na nagpapakita ng mga
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/ pagbibinata.

1. Pagtitiwala sa sariling kakayahan upang mapagtagumpayan ang anumang


hamon ng ___________.
2. Ginagamit ni Lisa ang kanyang mga hilig, talento at kakayahan sa
makabuluhang____________.
3. Dahil si Maria ay nagdadalaga na, sinusuway na niya ang utos ng kanyang
mga magulang, basta-basta na lang siya nagpapasya para sa kanyang _______.
4. Naniniwala si Jake na hindi dapat makibahagi sa lipunan ang isang
nagbibinatang katulad niya dahil ito ay pag-aaksaya lang ng kanyang-
___________.
5. Pagsangguni sa mga _______ kapag kinakailangan.

SUSI SA PAGWAWASTO:
1. buhay
2. bagay
3. sarili
4. oras
5. magulang o awtoridad
J. Additional activities for application or Ipabasa ang pagpapatuloy ng modyul 1, pahina 24-30 ng LM. Gawin sa
5|Page

remediation kwaderno ang "Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang ng mga Angkop na


Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata", sa
pahina 26-27
V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. No. of learners who earned 80% on the Faith___________________________
formative assessment Love __________________________
B. No. of learners who require additional
activities for remediation
C. Did the remedial lesson work? No. of
learners who have caught up with the
lesson.
D. No. of learners who continue to require
remediation

Prepared by: Noted:

JERSON A. LAGUERTA CYNTHIA B. LLACER


Teacher I Principal I

You might also like