You are on page 1of 5

LEARNING KIT for Grade Seven (7)- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 7
UNIT 1
PAGKILALA AT PAMAMAHALA SA PAGBABAGO SA
SARILI

ARALIN
1
Dalaga/ Binata na Ako
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat
malinang sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata, pagpapahalaga sa kanyang mga
talento, kakayahan, kahinaan, hilig, at tungkulin at
pagtatakda ng mithiin upang mapanagutan ang
kahihinatnan ng kanyang mga pasya at kilos.

Pamantayan sa Pagganap: Naipaliliwanag na ang mga pagbabagong


paglinang ng angkop na inaasahang kakayahan
at kilos sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata ay nakakatulong sa:
1. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
2. Paghahanda sa limang inaasahang kakayahan
at kilos na nasa mataas na antas ng pagdadalaga
at pagbibinata, paghahanda sa
paghahanapbuhay, paghahanda sa pag-aasawa.
Pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa
mabuting asal, at pagigin mabuti at
mapanagutang tao.
Learning Material: Batayang Aklat sa ESP 7, Internet

Curriculum Type: K-12

NILALAMAN:
Ang yunit na ito ay binibigyang pansin ang kapana- panabik na pagbabagong
nagaganap sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata. Lubusang nililinang nito ang mga
talentong nagbigay sigla upang lubos mongmaunawaan, mapahalagahan, at
mapaunladang biyayang kaloob sayo ng Maykapal.

PAMANTAYAN
Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hamnggang sa
kasalukuyan.
 Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata.
 LEARNING MATERIAL / MODULE
Month: AUGUST (First Week)
Orientation by Batch through:
A. Online(those who have internet connection) – Zoom or Google Meet
B. Offline – Send Powerpoint Presentation about the Orientation

ALAMIN NATIN:

Magkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.Magkakaroon ng


pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito.

linangin NATIN:

Unang Gawain:
A. Sa bahaging ito magbibigay ang guro ng isang graphic organizer. Isusulat ng bawat isa ang
salitang AKO sa gitna. Pagkatapos isulat sa paligid ng AKO ang mga pagbabagong nagaganap
sa iyong sarili habang ikaw ay nagdadalaga/ nagbibinata.

AKO

Pangalawang Gawain:
B. Gamit ang video recording sumulat ng isang positibong self talk tungkol sa:
“Iba Man Ako Noon, Babaguhin Ko na Ito Ngayon”, gawin ito hanggang 5 hanggang 10 minuto.

Pagsasanay
Sagutin ang mga sumusunod na tanong hango sa paksang tinalakay. Isulat sa kahon ang iyong
sagot.
1. Ano ang natuklasan mong pagkakaiba ng iyong sarili noon at sa kasalukuyan?
2. Mahalaga ba na mahinuha ang mga pagbabagong nagaganap sa iyong sarili? Ipaliwanag.

3. Nakatulong bang mga pagbabagong nabanggit sa pagunlad ng iyong sarili at pagkatao?

4. Anu- ano ang mga natutunan mo para sa malaking pagbabago sa iyong sarili bilang isang
babae at lalaki?

gawin NATIN:

Sa pamamagitan ng pagbibidyo sa iyong sarili sabihin ang mga


pagbabagong nagaganap sa yugto ng iyong pagdadalaga/pagbibinata mula sa edad na 4-6 na
taon, 7-9 na taon, at 10-15 taon at ipasa ito sa iyong guro.

PAGYAMANIN NATIN:
Sapamamagitan ng FISH BONE ORGANIZER, isulat mo ang mga pagbabagong
nagaganap sa yugto ng buhay pagdadalaga/pagbibinatasa tsart sa ibaba.
10-12 na gulang 7-9 na gulang 4-6 na gulang

You might also like