You are on page 1of 3

I.

MELC COMPETENCY CODE


EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA
ST
1 QUARTER
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa WEEK 1
mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon EsP7PS-Ia-1.1
ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at
kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
II. OBJECTIVES
A. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa
kasalukuyan sa
aspetong pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
B. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang
kakayahan at kilos(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata
C. Nakakikilala sa mga bawat gampanin bilang
nagdadalaga / nagbibinata
III. SUBJECT MATTER
Mga Angkop At Inaasahang Kakayahan At Kilos Sa Panahon Ng Pagdadalaga/Pagbibinata
IV. PROCEDURE
A. READINGS
Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata maraming mga pagbabagong nagaganap sa iyo. Ang
lahat ng ito ay mahalaga para sa iyong patuloy na pagunlad bilang tao. Sa huli, ang lahat ng
mga pagbabagong ito ay makatutulong upang magampanan mo nang maayos o epektibo ang
iyong mga tungkulin sa lipunan.
https://docs.google.com/forms/d/e/
1FAIpQLSd_2rj7x8mq2OoUoAjubpdXYQHyv1A4HAzVD7oJNYP1Gybv5Q/viewform
https://www.youtube.com/watch?v=skR5T2RGLII
https://www.youtube.com/watch?v=LvFPMUPb4hk
https://www.youtube.com/watch?v=mtXv0Mi1JCc
B. EXERCISES FOR SKILLS/ANALYSIS USING HOTS FOR CONTENT SUBJECTS
EXERCISE 1
DIRECTIONS:
Pamilyar ka ba sa kuwentong Alice in
Wonderland? Isa itong popular na kuwento na
isinulat ni Lewis Caroll noong 1865 at ginawang
Animated film ni Walt Disney at nitong huli’y
ginawang pelikula ng Direktor na si Tim Burton.
Bagama’t ito ay isang kuwentong pantasya,
napapailalim sa kuwentong ito ang tungkol sa
mga pagbabago sa buhay ni Alice bilang nagdadalaga.
Nais mo marahil malaman kung ano ang nakapaloob sa kuwento tungkol sa pagdadalaga
ng pangunahing tauhan sa sikat na akdang Ito.Hiramin ang aklat na ito sa malapit na
pampublikong aklatan sa inyong lugaro kaya’y umarkila o manghiram ng CD o DVD ng
animation o pelikulang hango dito.Panoorin o basahin ang kuwento.

Isaalang-alang ang gabay na mga tanong:

1. Ano ang tema ng kuwento?


2. Ano ang ibig sabihin ng Cheshire Cat sa mga katagang “Maaaring makapagpalaki sa iyo ang
pagkain sa Wonderland (tulad sa buhay) ngunit sa awa at karanasan ka mas matututo”. (Food
can make you big in Wonderland (as in life) but only mercy and experience can make you
wise.)? Ipaliwanag.
3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat karakter sa kuwento na may kaugnayan sa
pagdadalaga ni Alice.
a. Chesire Cats b. Mad Hatter c. Catterpilar d. Queen of Hearts e. White Queen f. At iba pa
4. Tukuyin kung ano-ano ang palatandaan ng pag-unlad na iyong makikita kay Alice na isang
nagdadalaga. Ipaliwanag ang mga ito.
5. Paano natagpuan ni Alice ang kaniyang sarili?
6. Makatutulong kaya sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata ang paglinang sa mga
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks)? Ipaliwanag. Sa paanong paraan mo ito
lilinangin?

EXERCISE 2
DIRECTIONS:
Profayl Ko, Noon at Ngayon
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga
pagbabagong iyong itinala sa naunang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala
naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11
taon.
Profayl Ko, Noon at Ngayon

Ako Noon (Gulang na 8-11) Ako Ngayon


Pakikipag-ugnayan sa
mga kasing-edad
Papel sa lipunan bilang
babae o lalaki
Pamantayan sa asal sa
pakikipagkapwa
Kakayahang gumawa
ng maingat na
pagpapasiya
C. ASSESSMENT/ APPLICATION
DIRECTIONS:
Suriin ang paglalarawan ng iyong sarili sa iyong Facebook account.
Baguhin o dagdagan ng mga pang-uri na maglalarawan ng mga
bagong natuklasan sa sarili.

Kapanayamin ang tatlo hanggang lima na tulad mo ay nagdadalaga o


nagbibinata. Ang paksa ay tungkol sa paraan ng paglinang ng mga angkop na
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata.
Bigyang-puna ang mga paraan ng kanilang paglinang ng mga inaasahang
kakayahan at kilos batay sa nilalaman ng sanaysay o babasahing tinalakay sa
araling ito (sa Pagpapalalim).
Sumulat ng liham sa kabataang nakapanayam mo na nakikiisa sa iyong mga
pagsisikap na linangin ang mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga o pagbibinata.
Prepared by:

MARY ANN D. PEREGRINO


Teacher, Lyceum de San Sebastian
Cogon, Compostela Cebu

You might also like