You are on page 1of 15

Paaralan: ENGR. PORFIRIO V.

REYES HIGH SCHOOL Antas: BAITANG 7


EDUKASYON SA Guro: THEA MARIE A. LARIOSA Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao
PAGPAPAKATAO Markahan: Unang Markahan
Petsa: Unang Linggo
DAILY LESSON LOG
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag – aaral ang Pag – unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento, at
kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ng mag – aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos (development tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.
C. Kompetensi Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. (EsP7PSIa-1.2)
I. LAYUNIN
Kaalaman Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa aspetong pangkaisipan, panlipunan, pandamdamin at moral.
Nakapagbibigay ng mga patunay na gumagawa ng hakbang tungo sa pagtanggap sa pagbabago sa sarili.
Saykomotor
Napahahalagahan ang mga pagbabago sa sarili sa bawat aspeto.
Apektib
IV. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Modyul 1: Mga Angkop At Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon Ng Pagdadalaga/Pagbibinata

B. SANGGUNIAN Dy, Manuel Jr., Leaño, Gayola, Sheryll, Marivic, Brizuela, Mary Jean, Querijero, Ellanore. 2013 . Edukasyon sa Pagpapakatao-ika-Pitong Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon.
C. KAGAMITAN SA PAGTUTURO CG, TG, MELCs, Manila Paper/Kartolina/Projector/Laptop/TV, at Chalk
PAMAMARAAN
V. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ang yugto ng pagdadalaga o pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang para sa iyo kundi maging sa mga taong nasa sapat na gulang sa
PangMOTIBEYSUNAL iyong paligid. Marahil maging sila hindi malaman kung paano ka na ituturing. Isa ka bang bata pa o papunta na sa pagiging matanda?
na tanong:
Gaano man kalaki ang hamon sa iyo, kailangan mong harapin ang mga ito. Kailangang handa ka at taglay mo ang mga kaalaman na
makatutulong sa iyo upang maging matatag ka sa iyong pagharap sa hamon ng pagdadalaga o pagbibinata.

Aktiviti/ Gawain Sagutin:


1. Ano-ano ba ang pagbabago na inyong napapansin sa bawat aspeto:
a. Pangkaisipan
b. Panlipunan
c. Pandamdamin
d. Moral
Pagsusuri / Analysis 1. Ano ang naidudulot ng pagbabagong ito sa iyong pang-araw-araw na buhay?
2. Nakatutulong ba ito upang magampanan mo ang iyong tungkulin sa lipunan?
3. Paano mo tinanggap ang pagbabagong ito? Ipaliwanag.

B. Paglalahad Pamilyar ka ba sa kuwentong Alice in Wonderland? Isa itong popular na kuwento na isinulat ni Lewis Caroll noong 1865 at ginawang
Abstraksyon animated film ni Walt Disney at nitong huli’y ginawang pelikula ng Direktor na si Tim Burton. Bagama’t ito ay isang kuwentong pantasya,
(Pamamaraan ng Pagtalakay) napapailalim sa kuwentong ito ang tungkol sa mga pagbabago sa buhay ni Alice bilang nagdadalaga. Nais mo marahil malaman kung ano ang
nakapaloob sa kuwento tungkol sa pagdadalaga ng pangunahing tauhan sa sikat na akdang ito.
Ikukwento ng guro ang mga pangyayari na napapaIoob sa pelikula o kwento.

Papangkatin ng guro ang klase sa anim na pangkat at bibigyan ang bawat pangkat ng mga tanong na kanilang sasagutin na siyang iuulat
ng napili nilang mang – uulat.

Mga tanong ng bawat pangkat:

1. Ano ang tema ng kuwento?


2. Ano ang ibig sabihin ng Cheshire Cat sa mga katagang “Maaaring makapagpalaki sa iyo ang pagkain sa Wonderland (tulad sa
buhay) ngunit sa awa at karanasan ka mas matututo”. (Food can make you big in Wonderland (as in life) but only mercy and experience can
make you wise.)? Ipaliwanag.
3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat karakter sa kuwento na may kaugnayan sa pagdadalaga ni Alice.
a. Chesire Cats
b. Mad Hatter
c. Catterpilar
d. Queen of Hearts
e. White Queen
f. At iba pa
4. Tukuyin kung ano-ano ang palatandaan ng pag-unlad na iyong makikita kay Alice na isang nagdadalaga. Ipaliwanag ang mga ito.
5. Paano natagpuan ni Alice ang kaniyang sarili?
6. Makatutulong kaya sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata ang paglinang sa mga inaasahang kakayahan at kilos(developmental
tasks)? Ipaliwanag. Sa paanong paraan mo ito lilinangin?

C. Pagsasanay Tanong- sagot:


(Mga Paglilinang na May iba ka pa bang alam na pelikula, nobela o kuwento na tungkol sa pagdadalaga/pagbibinata? Sa iyong palagay, tama ba ang paglalarawan
Gawain) ng mga ito ng mga inaasahang kakayahan at kilos ng mga nagdadalaga o nagbibinata? Pangatuwiranan.
D. Paglalapat Papangkatin ng guro ang klase sa anim na pangkat at bibigyan ang bawat pangkat ng mga tanong na kanilang sasagutin na siyang
(Aplikasyon) iuulat ng napili nilang mang – uulat.
Mga tanong ng bawat pangkat:
1. Ano ang tema ng kuwento? Ipaliwanag. (pangkat 1)

2. Ano ang ibig sabihin ng Cheshire Cat sa mga katagang “Maaaring


makapagpalaki sa iyo ang pagkain sa Wonderland (tulad sa buhay) ngunit sa awa at karanasan ka mas matututo”. (Food can
make you big in Wonderland (as in life) but only mercy and experience can make you wise.)? Ipaliwanag. (pangkat 2)

3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat karakter sa kuwento na


may kaugnayan sa pagdadalaga ni Alice. (pangkat 3)

a. Chesire Cats
b. Mad Hatter
c. Catterpilar
d. Queen of Hearts
e. White Queen
f. At iba pa

4. Tukuyin kung ano-ano ang palatandaan ng pag-unlad na iyong


makikita kay Alice na isang nagdadalaga. Ipaliwanag ang mga ito.
(pangkat 4)

5. Paano natagpuan ni Alice ang kaniyang sarili? (pangkat 5)

6. Makatutulong kaya sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata


ang paglinang sa mga inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks)? Ipaliwanag. Sa paanong paraan mo ito
lilinangin? (pangkat 6)

E.Paglalahat Tanong:
(Generalisasyon) Bakit kailangan nating malaman ang bawat nangyayari sa ating sarili
o ang halaga ng bawat pangyayaring ito sa ating buhay?

VI. PAGTATAYA Tatayain ang pag – uulat ng bawat pangkat base sa rubrik na nasa ibaba.
Presentasyon ng bawat pangkat.
Pamantayan/Rubriks
Malinaw ang mga mensahe sa pag - uulat - 20 pts.
Naipaliliwanag at nabibigyan ng halimbawa ang iniuulat - 15
Makabuluhan ang bawat pag - uulat - 15 pts.
KABUUAN- 50 PUNTOS
VII. KARAGDAGANG GAWAIN Gumupit ng mga larawan ng artista na sa tingin ninyo ay may malaking pagbabago sa sarili sa pisikal na kaanyuan.

VIII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo na nakatulong ng lubos?
F. Paano
Anong ito
suliranin
nakatulong?
ang aking
naranasan na solusyon na tulong ng
aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa guro?
Paaralan: ENGR. PORFIRIO V. REYES HIGH SCHOOL Antas: BAITANG 7
EDUKASYON SA Guro: THEA MARIE A. LARIOSA Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao
PAGPAPAKATAO Markahan: Unang Markahan
Petsa: Ikalawang Linggo
DAILY LESSON LOG
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag – aaral ang Pag – unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento, at
kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ng mag – aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos (development tasks) sa
panahonngpagdadalaga/pagbibinata.
C. Kompetensi Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. (EsP7PS-Ia-1.2)

I. LAYUNIN
Kaalaman Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa aspetong pangkaisipan, panlipunan, pandamdamin at moral.
Nakapagbibigay ng mga patunay na gumagawa ng hakbang tungo sa pagtanggap sa pagbabago sa sarili.
Saykomotor
Napapahalagahan ang mga pagbabago sa sarili sa bawat aspeto.
Apektib
IV. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Modyul 1: Mga Angkop At Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon Ng Pagdadalaga/Pagbibinata
SANGGUNIAN
B. SANGGUNIAN Manuel B. Dy, Jr., Sheryll Gayola, Marivic Leaño, Mary Jean B.
Brizuela, at Ellanore G. Querijero; Edukasyon sa Pagpapakatao 7: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City,
C. KAGAMITAN SA CG, TG, Manila Paper/Kartolina/Projector/Laptop/TV, Felt Tip Pen, at Chalk
PAGTUTURO
V. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ang yugto ng pagdadalaga o pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang para sa iyo kundi maging sa mga taong nasa sapat na gulang sa iyong
PangMOTIBEYSUNAL paligid. Marahil maging sila hindi malaman kung paano ka na ituturing. Isa ka bang bata pa o papunta na sa pagiging matanda?
na tanong:
Gaano man kalaki ang hamon sa iyo, kailangan mong harapin ang mga ito. Kailangang handa ka at taglay mo ang mga kaalaman na makatutulong sa
iyo upang maging matatag ka sa iyong pagharap sa hamon ng pagdadalaga o pagbibinata.

Ano-ano ba ang pagbabago na inyong napapansin sa bawat aspeto:

a. Pangkaisipan

b. Panlipunan

c. Pandamdamin
d. Moral
Aktiviti/ Gawain
2. Ano ang naidudulot ng pagbabagong ito sa iyong pang-araw araw na buhay?

3. Nakatutulong ba ito upang magampanan mo ang iyong tungkulin sa lipunan?

4. Paano mo tinanggap ang pagbabagong ito? Ipaliwanag.


Pagsusuri / Analysis Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagbibinata/ nagdadalaga. Ang mga ito ay tinatawag na inaasahang kakayahan at
kilos. Maaaring ang iba ay naglalarawan sa iyo o maaaring ang iba naman ay hindi mo dapat gawin.
B. Paglalahad Pangkaisipan
Abstraksyon
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan

• Mas nakapagmememorya

• Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto

• Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng

sariling pag-iisip

• Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap

• Nahihilig sa pagbabasa

• Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo

at may pinaniniwalaan

Panlipunan

Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga magulang

• Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw magpakita ng pagtingin o pagmamahal

• Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang magulang; nagiging rebelde

• Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya


• Nagkakaroon ng maraming kaibigan at
nababawasan ang pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan sa katulad na kasarian
• Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian ang mga babae kaysa mga lalaki
• Madalas mairita sa mga nakababatang kapatid

Pandamdamin

• Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang mga ikinagagalit
• Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo,
marka sa klase, at pangangatawan
• Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga
tinedyer
• Nagiging mapag-isa sa tahanan
• Madalas malalim ang iniisip

Moral

Alam kung ano ang tama at mali


Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon
• Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa
• Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
• Hindi magsisinungaling

C. Pagsasanay Tanong- sagot:


(Mga Paglilinang na May iba ka pa bang alam na pelikula, nobela o kuwento na tungkol sa pagdadalaga/pagbibinata? Sa iyong palagay, tama ba ang paglalarawan
Gawain) ng mga ito ng mga inaasahang kakayahan at kilos ng mga nagdadalaga o nagbibinata? Pangatuwiranan.

D. Paglalapat Panuto: Gumawa ng isang talahanayan kung saan iyong napapansin sa iyong sarili ang palatandaan sa pag-unlad sa panahon ng
(Aplikasyon) pagdadalaga/pagbibinata sa bawat aspekto. Sa ikalawang hanay isulat kung saan sa mga palatandaan ito napabilang. Isulat ito sa inyong
kuwaderno. May halimbawang ibinigay bilang gabay.

Mga Sitwasyon Palatandaan


(Pangkaisipan, Pandamdamin, Panglipunan, Moral)

Palaging nakikipagtalo sa nakababatang kapatid. Panglipunan


1.
2.
3.
4.
5.
E. Paglalahat Panuto: Bumuo ng pagraranggo gamit ang hagdanan bilang patunay sa paggawa ng mga hakbang bilang pagtanggap ng pagbabago sa iyong
(Generalisasyon) sarili. Punan ang bawat kahon. Ang nasa pinakamataas o bilang 1 ang palagi mong ginagawa.
Hal. Naglilinis ng bahay ng hindi inuutusan ng mga magulang.
(Inaasahang guguhit ang mga mag-aaral ng hagdanan 1 hanggang 5)
VI. PAGTATAYA Panuto:
Basahing mabuti ang pangungusap. Lagyan ng smiley na nakangiti kung ang sitwasyon ay tumutukoy sa pagbabagong naganap sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata at smiley na nakasimangot kapag hindi.

Sitwasyon Sagot

Halimbawa: Nagkakaroon ng balahibo sa pribadong bahagi ng katawan.

1. Pagpapakita ng isang lalaki ng kalungkutan sa pamamagitan ng pag-iyak.


2. Pakikipag-away sa kalaro kaysa pakikipagsundo.
3. Pagsali sa mga liga sa barangay at iba pang gawaing pangsibiko.
4. Pagtiwala sa kapwa o kaibigan.
5. Pagbaliwala sa mga masamang amoy ng katawan

VII. KARAGDAGANG GAWAIN Karagdagang Gawain


Panuto: Mula sa lirico ng awiting “Sino Ako?” ay pumili ng isang linya at gumuwa ng isang sanaysay. Maaring gabay mo ang katanungan sa
ibaba.

Sino Ako
by: Jaime Rivera
Hiram sa Diyos ang aking buhay
Ikaw at ako’y tanging handog lamang
Di ko ninais na ako’y isilang
Ngunit salamat dahil may buhay
Ligaya ko Na ako’y isilang
Pagkat tao ay mayroong dangal
Sino’ng may pag-ibig
Sino’ng nagmamahal
Kung di ang tao Diyos ang pinagmulan
Kung di ako umibig
Kung di ko man bigyang halaga
Ang buhay na handog
Ang buhay kong hiram sa Diyos
Kung Di ako nagmamahal
Sino ako

Tanong:
Bakit ito ang napili mong linya mula sa awitin?
• Paano mo ito maiuugnay sa kasalukuyang estado mo bilang nagdadalaga at nagbibinata?
• Ano ang mga bagay na natuklasan mo sa iyong sarili?

VIII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo na nakatulong ng lubos?
F. Paano
Anong ito
suliranin
nakatulong?
ang aking
naranasan na solusyon na tulong ng
aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa guro?
Paaralan: ENGR. PORFIRIO V. REYES HIGH SCHOOL Antas: BAITANG 7
EDUKASYON SA Guro: THEA MARIE A. LARIOSA Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao
PAGPAPAKATAO Markahan: Unang Markahan
Petsa: Ikatatlong Linggo
DAILY LESSON LOG
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag - aaral ang pag -unawa sa misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya.
B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag -aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa
pamilya.
C. Kompetensi Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata
ay nakatutulong sa:

pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at

b. paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas (phase) ng pagdadalaga/pagbi binata (middle and late adoscence):
(paghahanda sa paghahanapbuhay, paghahanda sa pag -aasawa / pagpapamilya, at pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa mabuting asal),
at pagiging mabuti at mapanagutang tao pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan,
mananampalataya, kosyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa
susunod na yugto ng buhay.

(EsP7PS-Ib1.3)

Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.

(EsP7PS-Ib-1.4)
I. LAYUNIN
Kaalaman Natutukoy ang mga dapat gawin upang maihanda ang sarili sa inaasahang pagbabagong naganap sa sarili bilang nagdadalaga at nagbibinata.
Nakasusulat ng panalangin kung paano mapapaunlad ang kakayahan at inaasahang inaasahang kilos (developmental skills) sa gayon ay
Saykomotor
mapahalagahan at malinang nang ito ng maayos.
Apektib Naipagpapatuloy ang kawilihan ng bawat isa ang sarili at pagkatao base sa mga inaasahang kakayahan at kilos na nalinang sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata.
B. SANGGUNIAN Edukasyon sa Pagpapakatao-ika-Pitong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral. Pahina 17-24.
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 3 Ikalawang Edisyon, 2021.
C. KAGAMITAN SA Smart TV (If available), art materials, chalkboard, chalk.
PAGTUTURO
III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA 1. Ano ang katawagan sa mga lalaking nasa edad ng pagkakaroon ng maraming pagbabago?
PangMOTIBEYSUNAL
na tanong: 2. Ano ang katawagan sa mga babae nasa edad ng pagkakaroon ng maraming pagbabago?

Panuto: Bilang isang nagbibinata at nagdadalaga ikaw ay magtala ng limang(5) pagbabago na iyong napansin ngayon?
1.
2.
Aktiviti/ Gawain 3.
4.
5.
Pagsusuri / Analysis • Mula sa iyong naitala, may kaibahan pa ang iyong sarili noon at ngayon?
• Ano ang iyong nagging damdamin sa pagbabagong naganap sa iyong sarili?

B. Paglalahad Talakayan – (Maaring ang guro ay gumamit ng slide show/powerpoint presentation)


Abstraksyon
(Pamamaraan ng Pagtalakay) Ang pagtataglay ng mga kakayahan o kilos na ito ay mahalaga upang mapaunlad ang sariling pagkatao. Kritikal ang panahon ng pagdadalaga o
pagbibinata. Ito ay maaaring bumuo o sumira ng iyong kinabukasan. Kailangang maging maingat at di padalos-dalos sa mga gagawing
pagpapasya at kailangang maging bukas sa pagtanggap ng tulong o payo mula sa mga taong nagmamalasakit at nagpapamalas ng mabuting
pamumuhay.
Ang pinakamahalaga, kailangang buong-buo ang iyong tiwala sa iyong sarili at sa iyong mga kakayahan. Mahalaga ito upang
mapagtagumpayan mo ang anumang hamon na iyong kakaharapin sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata. Ang pagkakaroon ng tiwala sa
sarili ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng positibong pagtingin sa iyong mga kakayahan.
Makatutulong sa iyo ang sumusunod:

Hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan. Mag-isip ng positibo sa lahat ng iyong mga ginagawa at purihin ang sarili dahil sa iyong
pagsisikap.
Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon. Ang mga bagong hamon ay pagkakataon upang iyong mapataas ang tiwala sa sarili.
Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip. Lahat ng mga karanasan, positibo man o hindi, ay may mabuting ibubunga tungo sa pag-
unlad ng iyong pagkatao.
Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili: huwag palaging umasa sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya sa iyong mga
kabiguan at tagumpay.

Sa ating lipunan, iminumulat ang mata ng mga nagdadalaga o nagbibinata na matutuhan ang mga kakayahan na kailangan upang
makakuha ng magandang hanapbuhay sa hinaharap. Ito ay magsilbing gabay upang mahanda sila sa paghahanapbuhay. Makatutulong sa iyo
ang sumusunod:
a. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan.
b. Makipagkaibigan at lumahok sa iba’t ibang gawain sa paaralan (extra curricular activities).
c. Magkaroon ng plano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na ibig kunin sa hinaharap.
d. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay o negosyo upang magtanong tungkol sa mga ginagawa nila sa nasabing
hanapbuhay o negosyo
e. Hubugin ang tiwala sa sarili at ang kakayahan sa pagpapasiya
f. Hingin ang payo ng mga magulang sa pagpili ng angkop na kurso para sa iyo.

Ang mga sumusunod ay tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata.

1. Ang Tungkulin sa Sarili.


2. Ang Tungkulin Bilang Anak.
3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid.
4. Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral.
5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan.
6. Ang Tungkulin Bilang Mananampalataya.
7. Ang Tungkulin Bilang Konsiyumer ng Media.
8. Ang Tungkulin sa Kalikasan

C. Pagsasanay Mga paglilinang na gawain


(Mga Paglilinang na
Gawain) Panuto: Gumawa ng isang panalangin na iyong ipipanalangin sa Poong Maykapal para mapaunlad ang kakayahan at inaasahang kilos
(developmental skills). Ang panalangin ay binubuo ng tatlong talata at ang bawat talata ay binubuo ng tiglilimang pangungusap. Isulat ito sa
isang short bond paper.
D. Paglalapat Gumuhit ng isang simbolo na kumakatawan sa kasalukuyang katayuan ng iyong pagdadalaga o pagbibinata batay sa mga inaasahang
(Aplikasyon) kakayahan at kilos na dapat malinang. Maipaliwanag o talakayin ang iyong pagguhit sa isang talatang may tatlong (3) pangungusap at kung
paano mo ito malilinang. Ibigay ang iyong sariling pamagat. Isulat ito sa inyong kuwaderno.

E.Paglalahat Gumuhit ng isang simbolo na kumakatawan sa kasalukuyang katayuan ng iyong pagdadalaga o pagbibinata batay sa mga inaasahang
(Generalisasyon) kakayahan at kilos na dapat malinang. Maipaliwanag o talakayin ang iyong pagguhit sa isang talatang may tatlong (3) pangungusap. Ibigay
ang iyong sariling pamagat. Isulat ito sa inyong kuwaderno.

Kriterya
Pamantayan 5 4 3
Nilalaman Naiuugnay ng ang gawain sa Naiuugnay ng ang gawain Nangangailangan nap ag-
paksa. sa paksa. uugnay sa paksa.

Kaangkupan Naiangkop ang ang gawain Angkop ang ang gawain sa Hindi angkop ang Gawain.
sa paksa. paksa.

Pagkamalikhain Nagpapakita ng Mahusay at malikhain. Nangangailangan ng


napakahusay at kahusayan at
pagkamalikhain. pagkamalikhain.
IV. PAGTATAYA Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat
tanong. Gawin ito sa inyong kuwaderno.

1. Ang mga sumusunod ay makakatulong sa isang kabataan upang maihanda sila sa paghahanapbuhay maliban sa isa:
A. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan.
B. Makipagkaibigan at lumahok sa iba’t ibang gawain sa paaralan (extra curricular activities).
C. Hayaang mangibabaw ang kawalan ng tiwala sa sarili
D. Magkaroon ng plano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na ibig kunin sa hinaharap.

2. Saan dapat nagsisimula ang tungkulin mo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata?


A. Sa kapwa kabataan
B. Sa sarili
C. Sa pamilya
D. Sa Media
3. Hindi lahat na nakikita sa media ay totoo. Kaya mo bang gamitin ito nang may pananagutan? Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil may mga imporamasyong mali, marahas at gawa-gawa lamang
B. Tama, dahil ang media ay walang ibinibigay na totoo
C. Mali, dahil lahat ng sinasaad sa media ay sinuri ng ekspertong tao
D. Mali, dahil nakasasad ditto ay pawing mga kasinungalingan
4. Bilang isang mag-aaral may tungkulin kang gampanan upang mas mapalawak ang iyong kaisipan at mahubog ang iyong karanasan. Alin
ang dapat mong maging gabay upang matupad ang tungkulin bilang mag-aaral?
A. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip
B. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto
C. Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay
D. Lahat ng nabanggit
5. Alin ang dapat mong gawin upang maisakatuparan ang iyong gampanin bilang mamamayan?
A. Magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan
B. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamahalaan
C. Makibahagi sa gawain ng pamayanan kasama ng iba pang miyembro nito;
D. Lahat ng nabanggit
V. KARAGDANG GAWAIN Paano ko Titingnan ang Aking Sarili (Panloob) - Sa ibinigay na mask, magsusulat ka ng limang positibong pang-uri (adjective) na maiiugnay
mo sa iyong sarili gamit ang mga hashtags. (Hal. #matapang)

Paano Tinitingnan ako ng Iba (Panlabas) - Sa kabilang panig ng gumuhit ng maskara, tanungin mo ang lima sa iyong mga kamag-anak,
kaibigan o kamag-aral na lpositibong pang-uri (adjective) na kanilang masasabi tungkol s aiyo sa kasalukuyan.

VI. PAGNINILAY • Paano mo kaya malilinang ang inaasahang kilos at kakayan bilang isang binata at nagdadalaga?
• Handa ka na bang tanggapin ang mga pagbabagong ito?
• Naging mahirap ba ang iyong pagtanggap sa pagbabagong ito?
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo na nakatulong ng lubos?
F. Paano
Anong ito nakatulong?
suliranin ang aking
naranasan na solusyon na tulong ng
aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa guro?

You might also like