You are on page 1of 12

SHEPHERDVILLE COLLEGE

Talojongon, Tigaon, Camarines Sur


Basic Education Department
SY 2020-2021

Learning
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Name of Student: ___________________________________________________

Name of Teacher: __________________________________________________


SHEPHERDVILLE COLLEGE
Talojongon, Tigaon, Camarines Sur
Basic Education Department
SY 2020-2021

COURSE GUIDE
st
(1 Grading Period: September 7, 2020- October 2, 2020)

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
WEEK MODULE LESSON
Module 1 Tiwala Sa Sarili
Week 1 Module 2 Kakayahan at Kilos ng Nagdadalaga o Nagbibinata
(Sept. 7- 11) Module 3 Talento at Kakayahan, Magkaiba ba?
Module 4 Teorya ng Multiple Intelligences
Module 5 Pagpapaunlad ng Talento at Kasanayan,
Tungo sa Tiwala sa Sarili
Module 6 Teorya ng pagpili ng kurso
Week 2 Module 7 Kursong Pinili Dahil sa mga Hilig, sa Tagumpay, Naging
(Sept. 14- 18) Susi
Module 8 Ang Iyong Pananagutan o Responsibilidad
Module 9 Kamay ng Isang Kapatid
Module 10 Pansariling Disiplina
Module 11 Mga tungkulin sa Lumalawak na Gampanin
Week 3 Module 12 Kayamanan, Katapangan at Talento
(Sept. 21- 25) Module 13 Tiwala sa Kakayahan
Module 14 Pagsusuri ng Kaso (Case Analysis)
Module 15 Hating Kapatid
Week 4 1st Periodic Test

Prepared by: Checked by:

T. Emerson B. Pacay T. Kristine Celestial


Subject Teacher JHS Coordinator

Approved by:

Ptr. Katherine Joyce S. Contante, MA


Basic Education Principal
MODULE 1. Tiwala Sa Sarili
A. PANIMULA

Ang pagbabago ay likas na bahagi ng buhay ng tao mula sa pagsilang hanggang sa pagtanda. Hindi
maiiwasan na ikaw ay manibago o minsan pa nga ay nalilito sa iyong nararanasang pagbabago. Ngunit sabi nga,
ang pagbabago ay isang bagay na permanenteng mangyayari sa atin. Kaya’t mahalagang ang isang tulad mo ay
may kahandaan sa anumang pagbabago sa iyong sarili.

Sa iyong kalagayan ngayon, bagong yugto ng iyong buhay ang pagiging tinedyer. Habang nilalandas mo ang
iyong buhay- tinedyer, maraming hamon ang darating sa iyo, lalong-lalo na ang pagkilala at pamamahala sa mga
pagbabagong sa iyong sarili. Kabilang sa mga pangunahing mapapansin sa iyong sarili ay ang mga pagbabago sa
pisikal na kaayuan, sa emosyon, ang sa kaisipan.

❖ Ipaliwanag ang pagbabagong nagaganap sa isang tinedyer at ang mga inaasahang gampanin ng tinedyer
na katulad mo. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Mga Pagbabago sa sarili Mga Pagbabagong Mga Inaasahang Gampanin


Nagaganap ng Tinedyer na tulad Ko
1. Pagbabago sa Katawan (Pisikal)
2. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
(Emosyonal)
3. Papel sa lipunan
4. Mapanagutang asal sa kapuwa at lipunan
5.Paggawa ng pasiya

B. PAKSA: Mga Dapat Maunawaan at Matutuhan Upang Magkaroon ng Tiwala Sa Sarili


A. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. natatamo ang mga pagbabago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad,
b. naunawaan ang pagkaroon ng tiwala sa sarili, at
c. natututuhan ang pagkaroon ng tiwala sa sarili.

B. PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA TERMENONG GINAMIT


1. Emosyonal o Damdamin- ay pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi mental
at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal. Iba iba ang
emosyon na mararamdaman sa buhay tulad ng saya, lungkot, pagsisisi at iba pa

2. Lipunan- ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran

C. KONTEKSTO
Pagbabago sa Pisikal na Pag-unlad ng Emosyon.
Kaanyuan ay madaling makita May mga panahon na
sa isang tao tinedyer. pagbago-bago ang iyong
Nagbabago ang kanyang Mga dapat
emosyon. Kung minsan,
maunawaan at
pangangatawan, taas, at nararamdaman mong ikaw ay
matutuhan upang
timbang. magkaroon ng minamahal at tinatanggap.
tiwala sa sarili

Mapanagutang Asal sa Kapuwa at


Papel sa Lipunan. Bagama’ t lipunan. Ang bawat tao ay may mga Paggawa ng pasiya. Ang
bata pa ay mayroon na ring mga pamantayang sinusunod sa pagkakaroon ng kasanayan ay
inaasahang magagawa ang mga pakikipagkapuwa. May mga pundasyon ng pagkakaroon ng
tinedyer na katulad mo para sa inaasahang takdang-asal sa mga tao tiwal sa sarili.
lipunan. anuman ang edad. Nararapat kumilos
ng naayon sa kanilang edad.
STUDENT ASSESSMENT QUESTION (SAQ) (Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.)
SAQ #1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili? Paano malilinang ang tiwala sa sarili? (5%)

SAQ #2. Anu ang limang (5) dapat maunawaan at matutuhan upang magkaroon ng tiwala sa sarili. (5%)

SAQ #3. Bakit mahalagang malinang ang mga inaasahang kakayahan at kilos? (5%)

III. EBALWASYON (Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.)


A. Nakatala ang mga ankop na inaasahang kilos at kakayahan sa panahon ng pagdadalaga at nagbibinat.
Magbigay ng mga halimbawa at itala sa sumusunod nah any ang paraan kung paano ito isagawa. (10%)
Inaasahang kilos at kakayahan ng mga tinedyer Halimbawa Paano Isasagawa

1. Pagiingat sa katawan
2. Maayos pakikipag-uganayan sa mga kasing edad.

3. Paglahok sa mga gawain sa pamayanan.

4. Mapanagutan asal sa kapuwa at lipunan.

5. Nakagagawa ng tamang pagpapasiya

B. Magbigay ng tatlong matitinding hamong dumating sa iyo sa pagsapit mo sa pegiging tinedger sa aspetong
pisikal, emosyonal, at intelektual at ipaliwanag kung paano mo hinarap ang bawat isa? (10%)

IV. SANGGUNIAN
Aurora, S., Dela Cruz, I. & De Vega, N (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Vibal Group, Inc. pp. 4-13.

MODULE 2. Kakayahan at Kilos ng Nagdadalaga o Nagbibinata

A. PANIMULA

Bakit mahalaga ang pagkilala at pamamahala sa mga pagbabagong nagaganap sa buhay-tinedyer? Dahil
nakatutulong upang maging gabay sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili at ang tiwala sa sarili ay isang birtud kung
saan kinikilala at tinatanggap ng isang tao ang kanyang kakayahan tungo sa kanyang pag-unlad.

B. PAKSA: Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos ng Nagdadalaga o Nagbibinata

A. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nauunawan ang kakayahan at kilos ng nagdadalaga o nagbibinata,
b. naibibigay ang mga kakayahan at kilos ng nagdadalaga o nagbibinata, at
c. naipapamuhay ang mga kakayahan at kilos ng nagdadalaga o nagbibinata.
C. KONTEKSTO

❖ Basahin ang salaysay sa ibaba. Alamin ang mga pagbabagong natuklasan ng nagsasalaysay sa kaniyang
sarili.

KAIBIGANG SALAMIN, MAGTAPAT KA SA AKIN


Prince Alden Quimbao

“Magandang umaga, Salamin. Ito ang unang araw ko bilang isang tinedyer dahil kahapon ay nagdaos ako
ng aking ika- 13 na kaarawan. Bakit kaya nasanay nang tawagin ang mga nagbibinata o nagdadalaga na
“teenager”? Dahil ba ang numerong 13 ay nagtatapos sa “teen”? Siguro nga, kaya eto ako, kumustahin mo,
salamin kung ano-ano ang nakikita ko sa aking sarili, sa pagharap ko sa iyo.”

“Napansin ko lang, kaibigang salamin, nagging maingat na ako sa aking pagdadamit at sinisikap kong
maging guwapo sa paningin ng mga kababaihan, kasi mayroon na akong ‘hinahangaan’. Ganun din daw si kuya,
nang dumating din siya sa ganitong edad, at habang nadaragdagan ang taon niya bilang isang tinedyer, unti-unting
tumubo ang kaniyang bigote, limaaki ang ‘muscle’ niya, at tumangkad siya, Ngunit, dumami naman ang
taghiyawat niya!

Sa simula’y nalungkot si kuya sa paglabas ng mga taghiyawat sa mukha sa mukha niya. Dahil doon, kahit
guwapo siya ay naging mahiyain siya. Akala niya’y hindi na babalik ang makinis niyang mukha, kaya’t nawalan
siya ng tiwala sa sarili. Mabuti n lamang, nagbalik- bayan ang tiyo naming espesyalista sa balat. May dala siyang
bagong tuklas na gamut sa taghiyawat. Ilang buwan lng, kuminis na ang mukha ni kuya, at dumami na naman
ang kaniyang tagahanga.

Ang ate ko nama’y may ibang kuwento, pero, tulad ni kuya, minsa’y nawalan din siya ng tiwala sa sarili
habang lumalaki siya bilang isang tinedyer.

Dahil hindi niya kaagad naikuwento sa aming nana yang mga pagbabago sa kaniyang katawan, at nang
minsang hindi niya naunawaan ang paraan ng pagdisiplina n gaming tatay, naging tahimik siya at lagi na lang
nagkukulong sa kuwarto. Pero hindi iyon nagtagal, dahil naging bisita naman naming aang pinsan ng nanay ko
na guidance counsellor. Malapit ang ate ko sa aming tiya, kaya pinagtapat niya ang kaniyang nararamdaman sa
pagsapit niya sa buhay-tinedyer. Nakangiting nakinig ang ate ko sa kanila, kaya sa paglipas ng araw, unti-unting
naunawaan ni ate ang mga pagbabago sa katawan at emosyon ng isang nagsisimulang maging tinedyer.

Ngayon, ako naman, “ Kaibigang salamin, mararanasan ko rin ba ang mga nararanasan ng aking mga
nakakatandang kapatid noong bago pa lang silang nagiging tinedyer?”

“Hindi, Kaibigang Prince Alden!”


“Aba, nagsalita ang salamin! Ay si Nanay pala, he,he!”ako para mabigyan ka pa ng ibang payo kung
mayroon ka pang hindi maunawaan bilang isang bagong tinedyer.”

“Kanina ko pa naririnig na kinakausap mo ang salamin, nakinig ako para mabigyan kaa pa ng ibang payo
kung mayroon ka pang hindi maunawaan bilang isang bagong tinedyer”.

“Oo nga po, Nanay.”


“Dahil may natutuhan ka sa mga karanasan ng iyong kuya at ate, hindi ka na masyadong magtataka sa
iyong magiging karanasan dahil handa ka nang humarap sa lahat ng mga pagbabago bilang tinedyer. Magtiwala
ka lang sa iyong sarili.”

“Salamat po, Nanay. Ikaw talaga ang aking unang guro!”

STUDENT ASSESSMENT QUESTION (SAQ) (Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.)


SAQ #1. Bakit nagtagal sa pagharap sa salamin si Prince alden? (5%)
SAQ #2. Anu- ano ang napansin na pagbabago ni Prince Alden sa kaniyang sarili sa pagsapit niya sa bagong
yugto ng kaniyang buhay bilang isang tinedyer? (5%)
SAQ #3. Paano nakatulong sa kaniya ang mga karanasan ng kaniyang kuya at ate sa pagharap sa mga
pagbabago bilang mga tinedyer? (5%)
SAQ #4. Ano-ano ang kakayahan at kilos na inaasahan sa mga nagdadalaga o nagbibinata. (5%)
SAQ #5. Paano mo tinatanggap ang mga pagbabagong pisikal, emosyonal, at intelektuwal na nararanasan mo sa
kasalukuyan? (5%)
III. EBALWASYON
A. Kapanayamin ang iyong magulang tungkol sa kanilang karanasan sa kanilang pagdadao pagbibinata. Ibahagi
ang mga katanungang nakakagulo sa iyong isipan. Humingi ng payo tungkol sa pagharap sa mga hamon ng
pagdadalaga o pagbibinata. (50%)

“Ang Kabataang may tiwala sa sarili ay nakagaganap ng may buong


kakayahan, at sandigan ng lipunan sa kinabukasan. “

IV. SANGGUNIAN
Aurora, S., Dela Cruz, I. & De Vega, N (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Vibal Group, Inc. pp. 4-13.

MODULE 3: Talento at Kakayahan, Magkaiba ba?

I. PANIMULA
Ang tao, mula sa kanyang kapanganakan ay
binigyan ng Diyos ng angking talino. Natutuklasan ito sa
tulong ng kanyang magulang, guro, at sa iba pang tao.
Subalit habang siya ay lumalaki,

Ang pagtuklas at pagpapaunlad nito ay tungkulin


na niya sa kanyang sarili. kasabay nito ang pagkakamit ng
kakayahang bunga ng pag-aaral at kasanayan.

II. PAKSA: TALENTO AT KAKAYAHAN, MAGKAIBA BA?

A. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. natutukoy ang mga talento at kakayahan;
b. naihahambing ang mga talento at kakayahan; at
c. napapahalagahan ang talento at kakayahan.

B. PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA TERMINONG GINAMIT

SALITA KAHULUGAN
Talento ay isang katangiang taglay ng isang tao na maaring pambihirang
makikita sa iba.
Kakayahan ay isang ring magandang katangian taglay ng bawat tao. Ito ay abilidad
sa paggawa sa isa o higit pang bagay.

C. KONTEKSTO
Ang tiwala sa sarili ay pagbibigay-halaga sa sarili, sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang angking
talent at kakayahan na bunga ng kaniyang pag-aaral at karanasan. Hindi natatapos sa pagkilala ng talino at
kakayahan ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ng isang tao. Nanganghulugan patuloy itong paunlarin habang siya
ay lumalaki at lumalawak ang kaniyang karanasan.

Talento at Kakayahan, Magkaiba ba?

Madalas ay naipagpapalit ang kahulugan ng talento (talent)


sa kakayahan (skills) subalit ang dalawang ito ay magkaiba.
❖ Pag- aralan ang simpleng paghahambing sa talent at kakayahan sa ibaba.

PAGHAHABING SA TALENTO AT KAKAYAHAN


SALIGAN NG TALENTO KAKAYAHAN
PAGHAHAMBING
1. Kahulugan Ito ay angking abilidad (ability) ng Ito ay espesyal na gawaing kayang
isang tao sa mga tiyak na gawaing ipakita ng isang tao, bunga ng
kaya niyang ipakita. karanasan, pagsasanay o pag-aaral.
2. Ano ito? Ang mga ito ay tinuturing na kaloob Ito ay bagay na natututuhan o
ng Diyos pinagsasanayan.
3. Sino ang pwedeng Lahat ng tao, subalit, iba’t iba ang uri Sinumang may interes o hilig sa
magkaroon nito? ng talentong buong husay na anumang mga kasanayang kaniyang
maipakikita ng bawat tao. kinagigiliwan ay matututuhan ito.
Halimbaw, pagluluto,
Pagmamaneho, pananahi at iba pa.
4. Paano pauunlarin? Kilalanin at paunlarin sa tulong ng Pag-aaralan at pagsanayan ang
mga nakatatanda tulad ng mga larangang mayroong interes ang tao
magulang, guro at iba pang tao.
5. Paano makaktulong sa Kilalanin, paunlarin, at gamitin sa Kilalanin, paunlarin, at gamitin sa
pagkakaroon ng tiwala sa panahon ng pangangailangang panahon ng pangangailangang
sarili? ipakita ang mga angking talento. ipakita ang mga kakayahang
natutuhan.

STUDENT ASSESSMENT QUESTION (SAQ) (Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.)


SAQ #1. Sa pamamagitan ng isang hanggang dalawang pangungusap, ipaliwanag ang kaibahan ng talento sa
kakayahan. Magbigay ng dalawang halimbawa sa bawat isa. (10%)
SAQ #2. Ipaliwanag kung paano nakakatulong at napapahalagahan ang pagkilala at pagpapaunlad ng talento at
kakayahan sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili. (5%)
SAQ #3. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng talento at kakayahan ng bawat isa at bakit? (10%)

III. EBALWASYON (Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.)


A. Isulat sa tamang hanay ang iyong mga angking talino at kakayahan. Lagyan ng tesk (/) Kung MAHALAGA,
KATAMTAMANG HALAGA, O WALANG NAITUTULONG ang antas ng pagdaragdag ng mga ito sa iyong
pagtitiwala sa sarili.

AKING MGA TALENTO AT ANTAS NG KAKAYAHAN NG BAWAT ISA


KAKAYAHAN SA PAGPAPATIBAY NG TIWALA KO SA
SARILI
A. MgaTalento Ko Mahalaga Katamtamang Walang
Halaga Naitutulong
1. Magaling gumuhit
2
3
4
5
B. Mga natutuhang Kakayahan
1. Magluto ngspaghetti
2
3
4
5
✓ Gumawa ng plano upang makatulong ang mga angking talino at kakayahang natutuhan sa pagpapaunlad
ng tiwala sa sarili. (5%)

IV. SANGGUNIAN
Aurora, S., Dela Cruz, I. & De Vega, N (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Vibal Group, Inc. pp. 14-25.
MODULE 4: Teorya ng Multiple Intelligences

I. PANIMULA

Ang pagtuklas sa iyong sariling talento at kakayahan ay sinasabing


isang malaking hakbang upang ang mga ito ay mas lalong mapabuti at
malinang.

Bilang isang indibidwal na nakapagtapos ng elementarya, mas


inaasahan ang iyong kakayahan na tumuklas at luminang ng talento at
kakayahan.

II. PAKSA: “Teorya ng Multiple Inteligences ni Dr. Howard Gardner”

A. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. natutukoy ang teorya ng Multiple Intelligences;
b. naiisaisa ang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner, at
c. napapamalas ang sariling talento at kakayan sa pamamagitan ng Multiple Intelligences
ni Dr. Howard Gardner.

B. KONTEKSTO

MULTIPLE INTELLIGENCES ito ay binubuo upang


palawakin ang traditional napag-unawa natin sa sinasabing katalinuhan
ng mga mag-aaral.

Ayon kay Gardner, mayroon siyam (9) na uri ng talento ang tao:

1. Verbal/Linguistic Intelligence- Ang katalinuhan ay nakabase sa


galling sa pagpapahayag ng kanilang sariling kaisipan.
Halimbawa: Manunulat, Mamamahayag, Makata, Politiko, o
Pilosopo, Abogado, Guro.

2. Logical-Mathematical Intelligence- Ito ay naaayon sa abilidad o kagalingan ng mga mag-aaral sa pag-


intindi ng mga paksang may kaugnayan sa mga numero, sa siyensiya.
Halimbawa:Matimatika, chess, programming, inhenyero, maggagamot at iba pa.

3. Musical Intelligence- kaugnay dito ang klasipikasyong may kinalaman sa musika.


Halimbawa: Mang-aawit, orchestra conductor, disk jockey, orator, at mangangatha ng tugtugin at awit.

4. Visual/Spatial Intelligence- iniuugnay dito ang potensyal ng isang mag-aaral na makilala at magamit ang
ugnayan ng mga espasyo at may pagtingin sa mundo, sinisikap niya itong gayahin muli sa kaniyang isipan sa
pamamagitan ng talento sa sining, sila yong mga mahilig sa sining, disenyo o arkitekto

5. Body Kinesthetic Intelligence- may kakayahan igalaw nang buong husay ang kanyang katawan.
Halimbawa: Manlalaro, Mananayaw, Musikeo, Artista, Surgeon, Manggagamot, Sundalo at Pulis.

6. Interpersonal Intelligence- ito ay magaling sa pakikipag-ugnayan. Ang interes ng taong ito ay hindi sa
sariling damdamin, kundi sa buhay, sa kapaligiran, at sa mga tao.

7. Intrapersonal Intelligence- ay may kakayahang linangin ang sariling damdamin, saloobin, at kilos. Sa
pamamagitan ng pagninilay, natutuklasan niya ang sariling pangangailangan at nauunawaan niya ang sarili.

8. Naturalist Intelligence- ay mapagmasid hindi lamang sa kalikasn, kundi sa kanyang kapaligiran.

9. Existential Intelligence- ay mahilig tumuklas ng katotohanan tungkol sa kaniyang sarili, at sa kaniyang


gampanin sa mundo.
STUDENT ASSESSMENT QUESTION (SAQ) (Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.)

SAQ #1. Sa iyong pagkaunawa, ang Verbal/Linguistic Intelligence ba ay mahalaga sa isang tao? Bakit? (5%)
SAQ #2. May maganda bang maiidudulot ang multiple intelligence sa buhay mo? Anu- ano ang mga ito? (5%)
SAQ #3. Sa paanong paraan mo maipapamalas ang iyong talento at kakayahan? (5%)
SAQ #4. Mula sa siyam na uri ng talino, anu-ano ang masasabi mong klase ng talino mo? Ipaliwanag kung
bakit. (30%)

III. EBALWASYON (Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.)

Tukuyin kung saan nabibilang ang talinong ipinakikita ng isang tao kapag kinakikitaan ng sumusunod:

1. Mas gustong mag-isa at mag-isip ukol sa kaniyang pinagmulan at misyon sa buhay.


2. Mahusay kumilala sa ritno, tono, at tunog. Magaling lumikhan ng tunog.
3. Kahanga-hanga ang kanyang mga gawa at kaya niyang magpakita ng mga malikhain kilos ehersissyo at
sayaw.
4. Nakikita kaagad niya ang mga bagay na ibig niyang gawin.
5. Mahusay magbasa, magsalita, at magsulat.
6. Mahusay makisama sa mga tao.. Maraming tao ang nagigiliw sa kaniya dahil sa magaling makisama.
7. Mas hilig niya ang magtigil sa gitna ng kalikasan. Alam nia ang mga pangalan ng mga halaman at
punogkahoy.
8. Madalas na tahimik upang magnilay. Kinikilala niya ang kanyang sarili.
9. Magaling sa katuwiran, lohika, at matematika.
10. May kakayahang linangin ang sariling damdaamin, saloobin, at kilos.

IV. SANGGUNIAN

Aurora, S., Dela Cruz, I. & De Vega, N (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Vibal Group, Inc. pp. 14-25.

MODULE 5: “Pagpapaunlad ng Talento at Kasanayan, Tungo sa Tiwala sa Sarili”

I. PANIMULA

Pagpapaunlad ng talento at kasanayan, tungo sa tiwala


Sarili.Mahalagang isaisip na ang talento at kakayahan ay puwedeng
parehong Makita sa isang tao. Kapag ang dalawangito ay pinagsama,
magkakaroon ang isang tao ng buong kahusayan (mastery) anumang
larangan ang piliin niyang tahakin. Dahil alam ng isang tao ang
kaniyang talento at ang mga bagay na kaya niyang gawin,
magkakaroon siya ng matibay na pagtitiwala sa sarili.

II. PAKSA: “Pagpapaunlad ng Talento at Kasanayan, Tungo sa Tiwala sa Sarili”

A. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nalalaman kung paano nakatulong sa mga tauhan ang pagkakaroon ng tiwal sa sarili sa
pagkilala at pagpapayaman ng kanilang talento at kakayahan na siyang nagdala sa kanilang
tagumpay;
b. naibibigay ang datos tungkol sa bawat tauhan sa artikulo; at
c. napapaunlad ang talento at kakayahan sa pamamagitan ng pagtiwala sa sarili.
C. KONTEKSTO
❖ Basahin ang anekdota sa ibaba. Alamin kung paano nakatulong sa mga tauhan ang pagkakaroon ng
tiwala nila sa sarili sa pagkilala at pagpapayaman ng kanilang mga talent at kakayahan, na siyang
nagdala sa kanila sa tagumpay.

TAGUMPAY DAHIL SA PAGKILALA SA TLINONG TAGLAY

Sina Efren Impreso at Caesar Poliarco, dalawang taong nabuhay sa mgkahiwalay na panahon ng kanilang
kabataan, subalit iisa ang sinunod na landas upang marating nila ang tagumpay. Kapuwa nila tinahak ng maagang
pagkilala at pagpapaunlad ng kanilang mga talento at kakayahan, sa tulong ng kanilang mga magulang, mga
nakakatandang kapatid, at mga guro. Dahil dito, walang gaganong naging sagabal sa pagpili nila ng kurso at
hanapbuhay, na naging daan nila sa kanilang tagumpay.

EFREN P. IMPRESO

Bunso sa pitong magkakapatid si Efren, na maituturing na isang sorpresa sa pamelya sapagkat 66 na taon
na ang kaniyang ina nang malaman niyang hindi sakit ang kaniyang nararamdaman, kundi buhay ng pumipintig
sa kaniyang sinapupunan. Nasa apat na gulang na ang unang apat na magkakapaatid at ang ilan ay may asawa na
samantalang ang panlima ay 12 taon pa lamang at walong taon ang sinundan ni Efren nang siya ay isilang.

Dahil sa bihira ang nagigigng trabaho ang amang karpintero, nagtitinda ng gulay ang ina ni Efren. Abala
ito sa pamimili sa Divisoria tuwing madaling- araw, at sa pagtititnda sa pamilihang bayan ng San Juan sa umaga,
iniatang niya ang pag-aalaga kay Efren sa panlima niyang anak na babae, na noo’y 12 taong gulang lamang.

Sa pagtitiyaga, ang panlimang anak na ito ay naging guro sa San Juan Elementary School, kung saan nag-
aaral si Efren, na noo’y nasa ikaapat na baitang. Minatyagan siya ng kaniyang ate sa paaralang ito, at ang una
niyang napansin ng iba niyang guro na magaling sumayaw si Efren, kinatuwaan siya ng mga ito. Unti-unti,
nabawasan na ang pagkamahiyain niya, nagkaroon ng tiwala sa sarili, at nakatapos sa mababang paaralan.

Sa San Juan Municipal High School, tuluyan nang iniwan ni Efren ang pagiging mahiyain at naging aktibo
siya sa hindi lamang sa akademiko, kundi maging sa mga extra-curricular na mga gawain. Sa gabay ng kaniyang
nakatatandang kapatid na guro at ang guro niya sa paaralan, nagtapos siya sa paaralang iyon bilang Valedictorian.

Sa simula’y hindi alam ni Efren kung ano ang kukuninng kurso, subalit nang tanungin siya ng ate niyang
guro, sinabi niyang magaling siya sa Matematika. Dahil dito, iminungkahi ng kaniyang kunin. Natapos niya ang
kursong ito dahil sa sa kanitang skolarsyip. Kaagad siyang nagkaaroon ng trabaho, at unti-unting umangat sa
kaniyang kabuhayan dahil kinakitaan siya ng galing, sipag, at higit sa lahat, tiwala sa sarili.

CAESAR POLIARCO
Mula sa isang bayan sa Cavite, hinimok ng kaniyang tiyahing guro si Caesar na sa kaniya na tumira sa
San Juan, upang kaniyang magabayan ang pag-aaral niya. Pinalipat si Caesar sa Mababang Paaralan ng San Juan,
kung saan doon din nagtuturo ang kaniyang tiyahin. Nasa ika- anim na baitang si Caesar nang lumipat siya sa San
Juan sa piling ng kaniyang tiya.

Napansin ng tiya niya na tahimik ngunit masipag si Caesar. Tuwing Sabado ay sinasamahan niya ang
kaniyang tiya sa paaralan upang maglinis ng silid- aralan. Hindi na siya kailangan pang utusan sapagkat mayroon
siyang kusang- loob. Ito rin ang puna ng kaniyang mga guro.

Dahil sa matataas ang grado ni Caesar sa akademiko, at kinakitaan na siya ng tiwala sa sarili, isinama siya
ng kaniyang guro sa listahan ng mga kukuha ng qualification examination sa Philippine Science High School,
Quezon City. Ang pagiging tahimik at mahiyain ni Caesar ay napaglabanan niya at tumaas ang pagtitiwala niya
sa kanyang sarili, lalo na nang nakapasa siya sa Philippine Science High School at doon siya nagtapos. Ayon sa
kaniyang guro, naging interesado siya sa pagmimina, kaya’t ipinayo ng kaniyang guro na mag- apply siya sa
skolarsyip na kaloob ng Bureau of Mines. Sa kabutihang- palad ay naging iskolar siya at nagtapos sa Mapua
Institute of Technologyng B.S geodetic Engeneering. Saglit siyang nagtrabaho sa Bureau of Mines, at pagkatapos
ay naging immigrant siya sa Canada. Doon na siya namalagi kasama ang kaniyang pamilya. Pinamamahalaan ng
mag-anak na Poliarco ang itinatag nilang dalawang kompanya- ang Filipino- Canadian Heritage Resources a
Infinite Ventures Capital, Inc.
Ang mga natutuhan niya mula sa kaniyang tiyang guro na mga paraan at paggabay sa mga bata upang
matuklasan ang angking talino at mahasa ang mga kakayahan ay ginamit niya sa paggabay sa kaniyang mga anak.

Noong 2016, nagtamo ng pinakamataas na pagkilala para sa isang mag-aaral, Summa Cum Laude,
Bachelor’s Degree in Commerce, Major in Finance, ang panganay na anak ni Caesarna si justinne Poliarco, mula
sa McMaster’s University, Hamilton, Ontario.

Tulad ni Efren, ngatagumpay sa buahy si Caesar dahil sa maagang pagkakatuklas ng kaniyang mga talento
at sa paghahasa ng kaniyang mga kakayahan na nagbunga ng mataas na tiwala niya sa sarili.

STUDENT ASSESSMENT QUESTIONS (SAQ) (Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.)

SAQ #1. Sa buhay nina Efren Impreso at Ceasar Poliarco, sino ang isang taong gumabay sa pagtuklas at
pagpapayaman ng kanilang talento, kakayahan, at tiwala sa sarili? Paano nila naibigay ang maayos na
pag-gabay kina Efren at Ceasar? (5%)
SAQ #2. Sino ang dalawang tao na naging matagumpay sa kanilang talento, at kakayahan, at saan sila naging
matagumpay? (3%)
SAQ #3. Bilang isang mag-aaral paano mo pauunlarin ang iyong talento at kakayahan? (5%)
SAQ #4. Sa anong paraan nagiging susi sa tagumpay ang tiwala sa sarili? (5%)
SAQ #5. Anong aral ang natutuhan mo sa anekdotang ito? (2%)
SAQ #6. Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagsusulat ng tamang datos tungkol sa bawat tauhan sa artikulo.
(20%)

MGA KAHINAAN TALENTONG PAANO KURSONG PAANO


TAUHAN NAKITA NAGKAAROON TINAPOS NAGTAGIMPAY
NG TIWALA SA
SARILI

EFREN

CAESAR

III. EBALWASYON (Isulat ang mga kasagutan sa iyong kwaderno)

A. Isulat ang TAMA kung sang-ayon ka sa bawat pahayag, at MALI kung hindi ka sang-ayon.

1. Mahalagang matuklasan ang kahinaan upang maging matagumpay ang tao.


2. Sa pagpapaunlad ng sarili, huwag magtiwala sa iba. Sarilihin mulang ito.
3. Magkahawig, subalit iba ang talento sa kakayahan.
4. Maaaring magtagumapay sa anumang kahinaan.
5. Ang tiwa sa sarili ay namamana.
6. Bihira lamang ang mga taong pinagkalooban ng Diyos ng talent.
7. Kailangan tuklasin ang sariling talento at paunlarin ito.
8. Dapat tuklasin at paunlarin ang talent at kakayahan upang magamit ang mga ito sap ag kakaroon ng tiwal
sa sarili.
9. Kailangan ng gabay upang higit na maging matagumpay ang pagkakaroon ng tiwal sa sarili.
10. Maaring magkaroon ng magkakaugnay na talinto ang tao ayon sa teorya ng multiple intelligences.

B. Paano mo mailalarawan ang iyong sarili? Umisip ng isang simbolo ukol sa iyong sarili at iguhit ito sa iyong
kwaderno at isulat ang iyong paliwanag ukol sa simbolo. (10%)

C. Paunlain ang talento at kakayahan. Isulat ang mga talento at kakayahang nais mong paunlarin, paraang
gagamitin, at panahong gugugulin ukol sa pagsasakatuparan ng mga ito. Gamitin ang pormat sa ibaba. (5%)

MGA TALENTO AT KAKAYAHANG NAIS PARAANG PANAHONG


KONG PAUNLARIN GAGAMITIN GUGUGULIN
AKING MGA TALENTO
AKING MGA KAKAYAHAN

You might also like