You are on page 1of 7

7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
QUARTER 1 – MODULE 2
Week 3

Inaasahang Kakayahan
at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata

1
Modyul 2: Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata

UNANG BAHAGI

Sa nakaraang modyul ay natukoy mo ang mga aspeto at palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng


pagdadalaga at pagbibinata. Sa aralin namang ito ay maipaliliwanag ang mga angkop na inaasahang kakayahan
at kilos ng isang nagdadalaga at nagbibinata.

Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at


pag- unawa:

1.3. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa:
a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at
b. paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas (phase) ng
pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adolescence): (paghahanda sa paghahanapbuhay,
paghahanda sa pag-aasawa/pagpapamilya at pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay
sa mabuting asal), at pagiging mabuti at mapanagutang tao. (EsP7PS-Ib-1.3)
1.4. Naisasagawa ang angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. (EsP7PS-Ib-1.4)

NARITO ANG PAGLALARAWAN NG MGA INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS

1. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapuwa. Walang taong nabubuhay nang nag-
iisa, kailangan natin ang bawat isa. Kaya sa iyong pakikisalamuha, maging mapanagutan ka sa iyong mga
ginagawa.

2. Paghahanda para sa paghahanapbuhay. Ang pagkamit ng magandang kinabukasan ay hindi mabilisan. Ito
ay isang proseso na dapat paghandaan kaya ngayon pa lang, galingan mo ang iyong pag-aaral.

3. Paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya. “Ang pag-aasawa ay hindi katulad ng kaning isusubo na


kapag napaso ay iyong iluluwa”. Mabigat ang nakaatang na responsibilidad kaya bago magdesisyon maging
handa sa anumang kahihinatnan.

4. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal. Kailangang mahubog ang
pagpapahalaga. Ang pagtataglay ng mga kakayahan o kilos na ito ay mahalaga upang mapaunlad ang sariling
pagkatao.

PAGKAKAROON NG TIWALA SA SARILI

Ang pinakamahalaga, kailangang buong-buo ang iyong tiwala sa sarili at sa iyong mga kakayahan.
Mahalaga ito upang mapagtagumpayan mo ang anumang hamon na iyong kahaharapin sa yugto ng
pagdadalaga/pagbibinata. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng

2
positibong pagtingin sa iyong mga kakayahan. Hindi ka nalilimitahan ng mga negatibong pag-iisip na madalas ay
hindi naman makatotohanan. Sa pamamagitan ng positibong pag-iisip, mapatataas mo ang iyong tiwala sa sarili
at magkakaroon ka ng positibong pananaw at damdamin tungkol sa iyong sarili. Makatutulong sa iyo ang
sumusunod:

a. Hayaang mangibabaw ang iyong kalakasan. Mag-isip ng positibo sa lahat ng iyong mga ginagawa at
purihin ang iyong sarili dahil sa iyong pagsisikap. Hindi ito nangangahulugan na hindi mo bibigyan ng tuon
ang iyong kahinaan, ngunit hindi nararapat na malimitahan ng iyong mga kahinaan ang iyong kalakasan.

b. Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon. Ang mga bagong hamon ay pagkakataon upang
iyong mapataas ang tiwala sa sarili. Hindi mo nararapat isipin ang takot ng pagkabigo o ang tagumpay ng
pagwawagi.Isipun mo na lamang na sa tuwing may gagawin kang bago: (1) nabibigyan ka ng pagkakataon
na magsikap upang matamo ang tagumpay, (2) napatataas mo ang iyong tiwala sa sarili, at (3) mas nakikilala
at natatanggap mo ang iyong sarili.

c. Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip. Lahat ng karanasan positibo man o hindi ay may
mabuting ibubunga tungo sa pag-unlad ng iyong pagkatao. Palaging ipaalala sa sarili na hindi mo man kayang
gawin ang lahat ng bagay nang perpekto, makatutulong naman ang mga ito upang unti-unting umunlad ang
iyong pananaw sa bawat araw.

d. Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili; huwag palaging umasa sa opinyon ng ibang
tao, lalo na ang pagtataya sa iyong mga kabiguan at tagumpay. Mas makatutulong kung mapauunlad
mo ang iyong kakayahan sa pagsusuri at pagtataya ng iyong sarili. Isa itong malaking hakbang sa
pagpapataas ng iyong tiwala sa sarili.

IKALAWANG BAHAGI
GAWAIN I

PANUTO: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahihiwatig ng pangungusap at MALI kung hindi. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

_____________1. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung hindi mo kayang tanggapin ang
sarili mong mga kahinaan.
_____________2. Hindi dapat sabihin sa iyong kaibigan ang mga negatibong obserbasyon mo sa kaniya lalo na
kung alam mong siya ay masasaktan.
_____________3. Tama lamang na maging iyakin at palaasa ang mga babae dahil ito ang kanilang biyolohikal
na katangian.
_____________4. Piliin palagi ang kabutihan ng lahat sa tuwing ikaw ay gumagawa ng pagpapasya.
_____________5. Ang pagtulog sa loob ng walong oras at pag-inom ng walo hanggang sampung baso ng tubig
araw-araw ay makatutulong sa paggawa natin ng maingat na pagpapasya.
_____________6. Mahalagang tanggapin ang isang tao bilang tunay na siya.
_____________7. Sa pakikipagkaibigan, nararapat lamang na tayo ay makiayon sa maling ginagawa ng ating
mga kaibigan kahit ito ay labag sa ating kalooban.

3
_____________8. Bukas ang komunikasyon sa isang pagkakaibigan kung ibinabahagi natin ang ating mga
nararamdaman, ninanais, mga plano, mga takot at kasiyahan.
_____________9. Kung walang tiwala sa isa’t-isa, malakas ang pundasyon ng ugnayan.
_____________10. Mahalagang suriin ang sarili bago kumuha ng kurso sa kolehiyo.

GAWAIN II

PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Pagpapakatao A. Mabubuting kaugalian na nalilinang o mula sa
_____ 2. Gabay magulang, guro at mga taong nakapalibot sa iyo.
_____ 3. Komunikasyon B. Sa paraang ito nakakausap natin ang Diyos
_____ 4. Pagpapahalaga C. Patnubay
_____ 5. Panalangin D. Pakikipag-usap sa iba.
E. Ipakita ang tunay na ikaw.
GAWAIN III

PANUTO: Sumulat ng isang kasabihan na may kaugnayan sa tiwala sa sarili. Isulat ito sa sagutang papel.

4
SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN I
1. TAMA 6. TAMA
2. MALI 7. MALI
3. MALI 8. TAMA
4. TAMA 9. MALI
5. MALI 10. TAMA

GAWAIN II
1. E
2. C
3. D
4. A
5. B

GAWAIN III – Malayang Pagsagot

SANGGUNIAN
A. Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learner’s Material
B. https://www.google.com/sarahpadernal.com
https://images.app.google.slideshare.net
https://jw.org.google.com
https://slideshare.net.google.com

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 7


Quarter 1, Week 3

Most Essential Learning Competencies:

1.3. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa:
a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at
b. paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas (phase) ng
pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adolescence): (paghahanda sa paghahanapbuhay,
paghahanda sa pag-aasawa/pagpapamilya at pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay
sa mabuting asal), at pagiging mabuti at mapanagutang tao. (EsP7PS-Ib-1.3)

1.4. Naisasagawa ang angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. (EsP7PS-Ib-1.4)

Pangalan: _ Petsa:
Baitang/Seksyon: _ Iskor:

GAWAIN A.1
PANUTO: Itala ang mga kahinaan sa pagbibinata/pagdadalaga. Isulat sa kabilang kahon kung paano ito
mabibigyan ng paraan upang malinang at magkaroon ng tiwala sa sarili. Kopyahin ang pormat sa
sagutang papel.

Kahinaan Paraan ng Paglilinang


Halimbawa: ➢ Malilinang ko ito sa pamamagitan ng
Pagkamahiyain pagsali sa mga aktibidad sa paaralan, sa
simbahan at sa komunidad.

1. Walang tiwala sa sarili

2. May negatibong pananaw

3. Palaging umaasa sa iba

4.Takot sumubok / Walang lakas ng loob

5. Madaling maniwala sa sinasabi ng iba

6
GAWAIN A.2

PANUTO: Mula sa kahon, piliin ang konseptong tutugma sa mga pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

TAPANG POSITIBONG PAGTINGIN SA SARILI TALENTO AT KAKAYAHAN

__________1. Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kaniyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat
pagkakamali ay mayroon siyang matututunan.
__________ 2. Hinahasa ni Stefanie ang kaniyang kakayahan bilang isang mang-aawit.
__________ 3. Hindi natatakot si Robert na harapin ang anumang hamon maipakita lamang ang kaniyang
talento.

GAWAIN A.3

PANUTO: Ayusin ang mga nagulong letra sa ibaba ng patlang upang malaman ang hinahanap na konsepto.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______________ 1. Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang


(watila as ilisar) kaniyang kakayahan.

_______________ 2. Hinaharap ni Maria ang hamon sa buhay maging anak man siya ng mangangalakal
(paraanam) ay nagtitiyaga siyang mag-aral.

You might also like