You are on page 1of 19

Philippine Nazarene College

La Trinidad Nazarene Learners Center


Pico, La Trinidad, Benguet 2601 Philippines
Tel. No.: (074) 422- 2017 Fax: (074) 422-5151
HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2022-2023

LEARNING PACKET
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE 7
QUARTER 1

Pagkilala at Pamamahala sa Pagbabago sa Sarili

Pangalan :
Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at


kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata; pagpapahalaga
sa kanyang talento, kakayahan, kahinaan, hilig at mga tungkulin tungo sa pagtupad
ng pagtatakda ng mithiin upang mapanagutan ang kahihinatnan ng kanyang mga
pasya at kilos.

Pamantayan sa Pagganap:

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang


inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga.

 MGA ARALIN AT SAKLAW

Bilang Arali Mga Kasanayang Pampagkatuto Tagal


n
1 Mga Angkop na Natutukoy ang mga pagbabago sa Linggo
Inaasahang kanyang sarili 1
Kakayahan at Naipaliliwanag na ang paglinang ng
kilos sa Panahon mga angkop na inaasahang
ng Pagdadalaga/ kakayahan at kilos (developmental Linggo
Pagbibinata tasks) sa panahon ng pagdadalaga / 2
pagbibinata ay nakatutulong sa:
a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili

Naisasagawa ang mga gawaing Linngo


angkop sa pagpapaunlad ng sariling 3
mga talento at kakayahan

2 Mga Talento at Natutukoy ang kanyang mga talento Linggo


Kakayahan at kakayahan 4

Napatutunayan na ang pagtuklas at Linggo


pagpapaunlad ng mga angking 5
talento at kakayahan ay mahalaga
sapagkat ang mga ito ay mga kaloob
na kung pauunlarin ay makahuhubog
ng sarili tungo sa pagkakaroon ng
tiwala sa sarili, paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad ng mga
tungkulin, at paglilingkod sa
pamayanan
3 Mga Hilig Natutukoy ang kaugnayan ng Linggo
pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili 6
ng kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay

Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon Linggo


sa larangan at tuon ng mga ito 7

4 Natutukoy ang mga Linggo 8


katangian, gamit at tunguhin ng isip at
kilos-loob

2
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
LP 1: Week 1/Aralin 1: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa
Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Maraming mahahalagang pisikal at mental na pagbabago ang


nangyayari sa panahon mula sa pagkapanganak hanggang sa
panahon ng pagbibinata o pagdadalaga. Sa katunayan,
nagaganap ang pinakamahalagang pagbabago sa panahon ng
prenatal development.

PRENATAL DEVELOPMENT STAGES:

Pakatandaan na ang bawat batang nagbibinata at nagdadalaga ay makararanas ng


pagbabago maging ito ay pisikal man o iba pang aspeto. Ang mga pagbabagong ito ay
kailangan ninyong tanggapin dahil ito ay panibagong yugto ng inyong buhay.
Hindi masama na magkaroon ng negatibong pagbabago basta’t nararapat lamang
na ito’y bigyan mo ng pansin o gawan ng solusyon. Sa pamamagitan nito, ang iyong
pagbibinata o pagdadalaga ay magiging kaaya-aya at magkakaroon ka ng kasabikan sa
mga darating pang pagbabago. Tunay na kasabay ng pagbabago sa iyong pagbibinata at
pagdadalaga ang mga karampatang pamamahala sa mga pagbabagong ito.
Ang mga pagbabagong nararanasan mo sa iyong sarili tulad ng paglaki ng boses
ng mga kallakihan at pagtubo ng Adam’s Apple at ang mabilis na pagtaas ng mga
kababaihan at paglapad ng balakang ay parte lamang ng mg bagong yugto ng iyong
buhay. Nagkakaroon din kayo ng mas malalim na pananaw at pag-iisip sa mga bagay na
nangyayari sa inyong paligid at pagbibigay halaga sa mga bagay na mayroon kayo.

Tanggapin ang Pagbabago


Habang ikaw ay nagbibinata at nagdadalaga, maraming pagbabago ang
darating. Maging ito ay panlabas o panloob na anyo. Maging positibo sa
pagtanggap at magkaroon nang malakas na tiwala sa sarili, tiyak na tagumpay
mo itong makakamit.

GAWAIN 1: PAG-ARALAN AT SURIIN:

Ang mga larawan sa ibaba ay ang iba’t-ibang yugto sa ating paglaki


bilang isang tao. Anu-ano ang mga napapansin mong pagkakaiba-iba ng
pisikal na katawan ng nasa larawang ito? Isulat ang sagot sa blankong
kahon.

3
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
GAWAIN 2: AKO NOON, AKO NGAYON

PANUTO: Punan ang mga sumusunod na impormasyon sa ibaba. Sa hanay “Ako


Noon”, itala ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang
11 taon. Sa hanay ng “Ako Ngayon” ay italaga naman ang mga pagbabagong
naganap saiyo sa kasalukuyan.

Profayl ko Noon at Ngayon

Ako Noon (Gulang 8- Ako Ngayon


10)
Pakikipag-ugnayan sa mga
kasing edad

Papel sa lipunan
bilang babae o lalaki

Pamantayan sa asal
sa pakikipagkapwa

4
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
Kakayahang gumawa ng
maingat na
pagpapasya

Marami ka bang napapansin na mga pagbabago sa iyo? Kapag ikaw


ay tumitingin sa salamin, ano ang iyong napapansin sa iyong itsura? May mga
pagbabago bang nagaganap sa iyong pisikal na anyo? Marahil ay marami kang
napapansin na mga pagbabago sa iyong sarili, hindi lamang sa pisikal na
kaanyuan kundi pati na din sa iyong emosyon, paraan ng pakikipagkapwa at
mayroon ding pagbabago sa iyong pangkaisipan. Nagbabago din ang iyong mga
hilig o interes. Ang mga bagay na gustong-gusto mong gawin dati tulad ng
paglalaro ngayon ay hindi mo na ginagawa. Ito ang simula ng pagpapaalam mo
sa pagiging bata at unti-unting hinaharap ang bagong yugto ng iyong buhay,
ang pagdadalaga/pagbibinata.
Ang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ay may kaakibat na mga hamon na
kailangan mong malampasan. Upang malampasan ang mga hamon na ito ay
kailangan mong higit na makilala ang iyong sariling kakayahan, kalakasan at
kahinaan at higit sa lahat ay kailangan mo ng tiwala sa iyong sarili na
malalagpasan ang mga hamon na ito. Sa bagong yugto ng iyong buhay ay
nadaragdagan din ang iyong mga tungkulin sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa
lipunan na iyong kinabibilangan na
kinakailangan mong magampanan.

5
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at
kilos na dapat malinang ayon kay Manuel Dy (Hurlock,1982, p.11). Ang mga ito ay ang
sumusunod:

1. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature


relations) sa mga kasing edad
2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng
tamang pamamahala sa mga ito
4. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng
maingat na pagpapasya
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
7. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa
mabuting asal.
8. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya

GAWAIN 3: KAMUSTA AKO NOON?

a. Basahin ang mga sumusunod at lagyan ng tsek kung ang mga


sumusunod na gawain/saloobin ay naranasan, ginawa o
naisip mo na noon.

MGA GAWAIN OO HINDI

1. Ayaw mong tumanda at gusto mong


maglaro buong araw.

2. Ayaw mo sa gawaing bahay.


3. Gusto mo sa bahay lang at huwag na
muna mag-aral.
4. Sabik na sabik ka na maging binata/dalaga.

5. Takot ka maging binata/dalaga.

6. Madami kang kaaway noon at kaaway mo


pa din sila ngayon.
7. Ayaw mong lumabas at makisalamuha sa
iba dahil sa mga pisikal na pagbabago sa
iyong katawan.

8. Hindi mo masyado inaalala kung ano ang


mga iniisip ng ibang tao sa pisikal na anyo
mo.

9. Lagi kang niloloko at pinagtatawanan dahil


sa pagbibinata o pagdadalaga.

10. Ayos lang sa iyo na lumabas at sumama sa


mga kaibigan mo dahil parehas naman
kayo na nasa yugto ng pagbabago.

b. Sumulat ng isang positibong self talk tungkol sa:


6
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
“Iba man Ako Noon, Babaguhin Ko ito Ngayon”.

LP 1: Week 3: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa


Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata
Tayo ay pinanganak na magkaka-iba ang personalidad. Ganon din pagdating sa ating mga
talento. Iba ang kaya kong gawin sa kaya mong gawin, may kaya kang gawin na hindi ko kayang
gawin, at ganon din sa iba. Ngunit tayong lahat ay may natatanging talento o kasanayan na kapag
natuklasan natin ito, ay doon natin natatamasa ang oras natin.
Ang talento ay bigay ng Dakilang Lumikha at dapat ito’y naliliinang. Habang ikaw ay
nagdadalaga at nagbibinata nararapat lamang na alam mo ang iyong talento upang ito ay iyong
malinang. Maari kang lumahok sa kapwa mo kabataan na may katulad ng iyong talento. Sa
pamamgitan ng iyong talento, maari mong maibahagi sa iba na magdudulot ng inspirasyon at
makkaimpluwensya sa kapwa mo.
Nararapat lamang na sa paglinang ng iyong mga talento ay may matalino kang pagpapasiya
kung paano mo ito gawin sa tamang pammaraan. Abg paghingi ng opinyon sa iyong magulang ay
higit na mahalaga sapagkat sila ang nakakaalam ng makabubuti para saiyo. Ang pagsama sa mga
mahuhusay sa talentong alam mo ay isa pa ring makakatulong upang mahasa kang lubos.
Tandaan lamang at siguraduhin na ang sasalihan mo’y maayos at tunay na matututo kang maging
mahusay sa talentong iyong nililinang.

GAWAIN 4: GUSTO KO, GUSTO DIN BA AKO?

Sagutin ang mga katungan sa ibaba. Maging matapat sa pagsagot upang


malaman mong husto kung ano ang mga kagustuhan mong gawin o mga libangan na
nais mong matutunan.

Mga Ang iyong mga kasagutan:


tanong:
1. Magbigay ng limang bagay na gustong a._________________________________
gusto mong gawin.
b._________________________________
c._______________________________
d._________________________________
e._________________________________

7
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
2. Magbigay ng limang gusto a._________________________________
mong matutunang gawin.
b._________________________________
c._______________________________
d._________________________________
e._________________________________

LP1. WEEK 4/Aralin 2: MGA TALENTO AT KAKAYAHAN


Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata maraming mga pagbabagong nagaganap
sa iyo. Ang lahat ng ito ay mahalaga para sa iyong patuloy na pag-unlad bilang tao. Sa
huli, ang lahat ng mga pagbabagong ito ay makatutulong upang makilala mo nang
lubusan ang iyong sarili.
Ayon kay Dr. Howard Gardner, merong Multiple Intelligences ang mga tao, ibig
sabihin ay hindi tayo pare-parehas ng kayang gawin at ng hindi kayang gawin. Hindi
tayo pare- parehas ng pagkatuto sa mga bagay-bagay. Alamin natin ang mga ito at
habang binabasa mo ang iba’t-ibang uri ng talino o kasanayan ng isang tao, suriin
mo ang iyong sarili kung ikaw ba ay may ganitong katangian o wala. Lagyan ng tsek
o ekis sa bandang dulo ng tsart.
Multiple Paglalarawan
Intelligences
1. Visual/Spatial Ang mga taong may visual/spatial intelligence ay
mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-
aayos ng mga ideya. May kaugnayan din ang
talinong ito sa kakayahan sa matematika.
2. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng mga salita.
Verbal/Linguistic Kadalasan, ang mga ito ay may taglay na talino sa
pagbabasa, pagsulat, pagkukwento,
pagmememorya ng salita at petsya. Madali para sa
kanila ang matuto ng ibang wika.
3. Taglay ng taong meron nito ang mabilis na pagkatuto
Mathematical/ sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng
Logical suliranin (problem solving). Ang talinong ito ay may
kaugnay sa talino sa matematika, chess, computer
programming, at iba pa.
4. Ang taong ito ay natututo sa pamamagitan ng
Bodily/Kinesthetic kongkretong karanasan o interaksiyon sa paligiran.
Mas natututo siya sa pamamagitan ng hands-on
activites o natututo habang ginagawa ang pinag-
aaralan. Mataas din ang kanilang muscle memory.
5. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa
Musical/Rhythmic pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi
lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig
kundi pag-uulit ng isang karanasan.
6. Intrapersonal Sa talinong ito, natututo ang isang tao sa
pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw.
Karaniwang ang mga taong ito ay malihim at mapag-
isa o introvert.
7. Interpersonal Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa
mga tao. Natututo sila kapag nakikipag-usap sila sa
ibang tao kaysa sa pagbabasa.

8
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
8. Naturalist Ito ang talino sap ag-uuri, pagpapangkat at
pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang
mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition).
Hindi lamang ito pag-aaral sa kalikasan kundi sa ibang
larangan.
9. Existentialist Ito ang talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng
lahat sa daigdig. Ang mga kadalasan nilang tanong
ay,
“Bakit ako nilikha?”, “Ano ang papel na gagampanan
ko sa mundo?”, “Saana ng lugar ko sa aking pamilya,
paaralan, sa lipunan?” Ang talinong ito ay ang
paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga
bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan.

TAGUMPAY MO, TAGUMPAY KO!

Halos lahat ng nilalang ay naghahangad na maging matagumpay sa kani-kanilang


talento at kakayahan. Kailangan lamang ay may tiwala ka sa iyong sarili at naayon ang
iyong ginagawa sa tama at kapaki-pakinabang na mga paraan. Siguradong matatamo
mo ang tagumpay.

GAWAIN 5: PAANO AKO MATUTO?


A. Gumupit ng mga larawan ng iba-ibang talento ng mga kabataan ngayon. Maaring
galing sa isang ‘Brochure or News Paper’. Lagyan ng mga ito ng label kung anung
talento ito. Pagkatapos, idikit ang mga ito sa nakalaang ispasyo sa ibaba.

1._______________

2._______________

3.________________

4._________________

5._______________

9
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
B. Sa lahat ng mga talento na nasa larawan mo, alin sa palagay mo ang mayroon ka
na o kailangan mo pang linangin o aralin? Ipaliwanag ang sagot.

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

______________________________________________________.

LP 1: Week 5: Mga Talento at Kakayahan

“ANG AKING
KAGALINGAN LALONG
PAGHUSAYAN DAHIL
ITO’Y BIGAY SA AKIN
NG DAKILANG
MAYKAPAL”.

GOD
Ang mga sumusunod na halimbawa sa ibaba ay ilan sa mga talento at
kakayahan na madalas gawin ng mga kabataang nasa iyong gulang. Atin
nang tuklasin!

Pagsayaw Pagsulat ng isang kwento Pagiging libero


Pagkanta Pagbabasa Paglalaro ng basketball
Pagtugtog gamit ang gitaraPag gamit ng mga softwares Magaling sa problem solving
sa computer
Pagluluto Paglalaro ng volleyball Malinaw na pagkukwento
Pagtugtog gamit ang drums Pag drawing Magaling sa pagdiskobre ng
mga bagay
Pagtugtog gamit ang Magaling sa painting Pag-akting
keyboard
Pakikipag-usap Magaling magbenta/sales Paggawa ng bagong bagay
talk
Pakikinig Pagiging isang taekwondo Pananahi
player

10
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
GAWAIN 6: TALENTO KO, TUKLASIN KO

Alin sa mga talento at kasanayan sa itaas ang meron ka? Mamili lamang ng isa.
Kung wala sa mga halimbawa sa taas ang iyong talento/kakayahan, isulat pa din ito.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. Pag-isipan at alalahaning
sagutin ang bawat tanong ng tama para malaman at makilala mo pa ng lubusan ang
iyong sarili.

Talento o kakayahan na meron ako:

Kelan ko natuklasan na kaya kong gawin ito:

Gusto ko bang gawin ang talento o kakayahan na ito? Bakit?

11
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
Meron bang mga bagay na ginawa ko para masanay at gumaling ako sa talento/kasanayan na
ito? Anu-ano ang mga ito?

Nakakatulong ba ito sa aking pagiging isang kabataan? Bakit?

Makakatulong ba ito sa aking hinaharap? Bakit?

LP 1: Week 6/Aralin 3: Mga Hilig

Kagaya sa ating mukha, pangangatawan, katangian at ugali, talino, talento at


kasanayan, ay may iba’t-iba din tayong hilig gawin sa buhay. Bukod sa ating mga
talino at talento, ang mga ito din ay nakakatulong para makilala ang sarili at maging
sigurado sa mga kukunin nating kurso at trabaho sa ating hinaharap. Handa ka na
bang tuklasin ito? Tara!

Ating tignan muli ang isinaad ni Dr. Gardner sa kanyang Multiple Intelligences.
Mula dito, titignan natin kung ano ang mga angkop na propesyon o kabuhayan na
nababagay sa ating pagkatuto.

Basahing mabuti ang mga larangang angkop sa mga multiple intelligences at


lagyan ulit ng tsek at ekis kapag sa tingin mo ay nailalarawan nito ang iyong mga
hilig gawin o ninanais na propesyon.

Multiple Intelligences management Larangan


1. Visual/Spatial Arts, architecture, engineer
2. Verbal/Linguistic Writing, lawyer, journalism, politics, declamation,
teaching
3. Scientist, mathematician, engineer, doctor,
Mathematical/Logical economist
4. Bodily/Kinesthetic Dancing, sports, music, artists, doctor (lalo na sap ag-
oopera), construction worker, police, soldier,
tech/voc
5. Musical/Rhythmic Musician, composer, instrumentalist
6. Intrapersonal Researcher, writer, businessman
7. Interpersonal Politics, teaching, social worker, trading,

8. Naturalist Environmentalist, farmer, botanist


9. Existentialist Philosopher, theorist

GAWAIN 7: ANO NGA BA ANG HILIG KO? 12


Prepared by:
Junelyn D. Balungao
Panuto: Basahin, pag-isipan, magtanong ng payo sa mga magulang/kasama sa
bahay at sagutin ang mga sumusunod. Kapag wala sa larangang nakasaad sa itaas
ang iyong hilig o propesyon, maaari mo pa din itong isulat o isagot sa ibaba.

A. Multiple intelligence:

B. Larangan:

D. Isulat sa ibaba ang mga gawain, ginawa o gagawin mo para umunlad ka


sa larangang ito.

Ginawa Ginagawa Gagawin

LP 1: Week 7: Mga Hilig


Madalas sa isang tao ay hindi sigurado sa mga bagay-bagay. Minsan ay nahihirapan
tayong isipin o magdesisyon sa mga pangyayari sa buhay natin. Sa ating
pagpapatuloy sa pagtuklas sa iyong mga hilig at pagtukoy sa gusto mong maging sa
hinaharap, ipaalala sa sarili na ang ating Mga desisyon ay hindi lang para sa atin
kundi pati na rin sa ating pamilya at sa mga tao sa paligid natin. Ang isa pang
mahalagang tanong na dapat isaalang-ala ay kung itong kagustuhan ba natin ay
kagustuhan o plano din ng Panginoon na Siyang lumikha sa atin.

“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo
ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng
kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” –Jeremiah 29:11

GAWAIN 8: MGA DAPAT KONG GAWIN


Magsaliksik ng mga taong kilala o tanyag sa kanilang mga larangan at talento (Halimbawa
ay ang ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao). Magtala ng mga dahilan ng
kanilang pagiging tanyag o kilala. Nais mo bang maging katulad nila? Anu- anung mga
stratehiya din ang iyong kailangan para mahasa at mas lalong humusay sa iyong talento?
Isulat sa iyong journal ang iyong repleksyon.

LP 1: Week 8: Mga Tungkulin ng Nagbibinata at Nagdadalaga

Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata sa


Iba’t ibang aspeto:
13
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
• Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan
• Mas nakapagmememorya
• Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
• Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng
sariling pag-iisip
• Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap
• Nahihilig sa pagbabasa
• Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo Pangkaisipan
at may pinaniniwalaan

14
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
Pangka-isipan
• Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga
magulang
• Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw magpakita ng
pagtingin o pagmamahal
• Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang
magulang; nagiging rebelde
• Dumadalang ang pangangailangang makasama ang
pamilya
• Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang
Panlipunan
Panlipunan
pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan sa katulad na
kasarian
• Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian
ang mga babae kaysa mga lalaki

• Madalas Madalas na mairita mainitin sa mga ang


nakababatang ulo; kadalasang kapatid
sa mga
nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang mga
ikinagagalit
• Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka
sa klase, at pangangatawan
Pandamdamin • Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga tinedyer
• Nagiging mapag-isa sa tahanan Pandamdamin
• Madalas malalim ang iniisip

• Alam kung ano ang tama at mali


• Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya
o desisyon
• Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa
• Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
Moral • Hindi magsisinungaling

GAWAIN 9: MGA TUNGKULIN KO

Batay sa mga palatandaan na nakasaad sa itaas, isulat sa ibaba ang mga


ginagawa mo at mga hindi mo ginagawa. Maging matapat sa pagsagot upang
hindi ka maguluhan sa kung ano ang nagagawa mo bilang isang nagdadalaga o
nagbibinata.

Mga Palatandaan Ginagawa ko Hindi ko ginagawa


Pangka-isipan

Panlipunan

Pandamdamin

Moral

GAWAIN 10: ANO PA ANG MAGAGAWA KO?

Batay sa mga naging sagot mo sa Gawain 9, suriin at kilalanin mo pa ang iyong


kakayahan at kaisipan para sa iyong sarili, pamilya, paaralan, simbahan at sa
lipunan.

A. Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, ang magagawa ko sa sarili ko ay:

Prepared by:
Junelyn D. Balungao
B. Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, ang maitutulong ko sa pamilya ko
ay:

C. Bilang isang mag-aaral, ang magagawa ko sa paaralan ay:

D. Bilang isang kabataa, ang magagawa ko sa simbahan at lipunan ay:

PERFORMANCE TASK: Together with your group members, perform a “Sayawit”


(Sayaw at Awit) showcasing your talents.
Group members:
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________

GENERAL GUIDELINES:
1. Stick with your groupmates.
2. The performance must consist of song and dance presentation in accordance
18
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
with the given theme. Students must actually sing and dance at the same time.
Any song in english or Filipino maybe used, or a combination.
3. The presentation should last for a maximum of 5 minutes and a minimum of
three minutes.
4. The musical accompaniment for the presentation may either be recorded,
minus one or lively performed for the case of playing with the guitar, or
accapella.
5. Props should be at minimum only.

CRITERIA FOR JUDGING:

Relevance/message 30%
Voice quality 20%
Precision of dance movements 20%
Originality/props 20%
Projection and overall impact 10%
TOTAL 100%

END OF QUARTER 1

MGA SANGGUNIAN SA MGA ARALIN NGAYONG UNANG MARKAHAN:

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 by Pepita F. Peralta

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 by Damian P. Sakdalan et.al

19
Prepared by:
Junelyn D. Balungao
20
Prepared by:
Junelyn D. Balungao

You might also like