Pamagat ng Gawain Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/ Pagbibinata Kompetensi Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PSIa-1.2) Layunin Nakapagbibigay ng mga pagbabago sa kilos na nararnasan sa bawat aspeto. Sanggunian DepEd. Edukasyon sa Pagpapakatao. Manila, 2013. —. Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Manila, 2013. Education, Department of. Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learners Manual. Manila: DepEd, 2010.
Copyright For classroom use only
DepEd Owned Materials Konsepto Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata maraming mga pagbabagong nagaganap sa iyo. Ang lahat ng ito ay mahalaga para sa iyong patuloy na pagunlad bilang tao. Sa huli, ang lahat ng mga pagbabagong ito ay makatutulong upang magampanan mo nang maayos o epektibo ang iyong mga tungkulin sa lipunan. Kasabay ng pagpasok sa panibagong yugto ng buhay – ang pagdadalaga at pagbibinata, mayroong mga palatandaan ng pag – unlad sa iba’t – ibang aspeto: A. Pangkaisipan Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan Mas nakapagmememorya Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap B. Panlipunan Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga magulang Nagiging rebelled Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian C. Pandamdamin Madalas na mainitin ang ulo Nagiging mapag-isa sa tahanan Madalas malalim ang iniisip D. Moral Alam kung ano ang tama at mali Hindi magsisinungaling Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa
Activity: 1
Magbigay ng tig-dalawang pagbabago sa iyong sarili na nararanasan sa bawat aspeto.
1. Pangkaisipan 2. Panlipunan 3. Pandamdamin 4. Moral