You are on page 1of 1

Filipino 7 | Kuwarter 1 | Aralin 2

GAWAIN 2.1: Palawakin ang Talasalitaan

May ilang salita sa tatlong akdang babasahin ang kailangang maunawaan dahil sa tindi
ng salitang ginamit sa pagpapahayag. Punan mo ang mga kahon upang mabuo ang
intensidad ng pagpapakahulugan ng salita. Nakasalalay ang intensidad ng salita batay
sa paggamit ng wika (karaniwan patungong malalim) o sa sitwasyon at emosyon.
Gawing batayan ang pangungusap na ibinigay bilang halimbawa.

1. Labis ang paghanga ng maraming katutubo sa Mangkutom(pari) dahil sa


kontribusyon ng mga ito sa buhay ng mga Igorot.
Paghanga Pagmamahal Pag-ibig Pagsinta

Paliwanag: Ang paghanga ang pinakamababa sa antas dahil sa pagiging huwaran nito sa
kapwa. Higit na mas mataas ang antas na pagmamahal, may pagpapahalaga. Maaari mong
ibigin ang ibang kasarian ngunit hindi maaaring sambahin dahil ang pagsamba ay tang ing sa
Diyos lamang. Pagsinta ang pinakamataas na antas ng mga salitang inisa-isa.

2. Gayon na lamang ang pagsunggab ng lalaki sa gintong ibinigay ng diwata sa kanya.


Paghawak Pagsunggab

3. Nayamot ang ate ni Balanga-atan sa kanya dahil sa hindi niya sinunod ang lahat ng
kanyang utos.

Nayamot Nagalit

4. Itinaboy ni Balanga-atan ang mga baboy-ramo sa daang patungo sa kanyang ate


upang ubusin ang mga tanim na gabi.
Itinaboy Pinaalis

5. Hindi maigiya ng isang kapitbahay ni Bal-lakay ang baboy na sumulong sa tamang


direksyon.

Umantas Sumulong

6. Mabilis na sumulong ang dalawang nayon dahil sa pagkawala na ng digmaan at


patuloy na katahimikang nararanasan.
Umantas Sumulong

You might also like