Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GAWAING PAMPAGKATUTO
FILIPINO 7
Week 2
Quarter 4
Korido at Ang Kahalagahan ng Ibong Adarna
Pangalan:____________________________________Lebel: ____________________________________
Seksiyon:____________________________________Petsa: ____________________________________
MELC 37: Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna
Panimula
Panuto: Basahin nang malikhain ang komik strip.
PAGPAPAUNLAD
Ang Ibong Adarna
Ang Ibong Adarna ay nabibilang sa tulang romansa. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay tungkol sa
pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang mga maharlikang tao ang nagsisiganap. Ang tagpuan ay
karaniwang sa isang kaharian sa Europa.
Nagsimulang lumaganap ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media o Middle Ages at sinasabing
nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mehiko noong ika-17 dantaon. Subalit noong 18 dantaon, lamang ito kinilala sa
ating bansa kasabay ng pagpapakilala ng imprenta at pagkatuto ng ating mga ninuno ng alpabetong Romano.
Ang Ibong Adarna ay isang dayuhang panitikan. Bagamat hindi naitala kung sino ang nagsalin nito sa Wikang
Filipino ay masasalamin dito ang pagiging malikhain ng manunulat. Patula ang paraan ng pagsasalaysay na dati nang
ginagamit ng ating mga ninuno sa panitikang saling bibig.
Dalawa ang anyo ng tulang romansa- ang awit at korido. Ang korido ay isang popular na pasalaysay na awit
at panulaan na isang uri ng ballad. Isang uri din ito sa panitikang Pilipino,na nakuha ang impluwensiya mula sa
Espanyol.
Ito ay hango sa Kastilang salita na “Correr” na nangangahulugan na “dumadaloy”. Mula rin sa salitang Indo-
European na CURRERE, ibig sabihin ay pinag-ugatan.
Ayon kay Trinidad H. Pardo de Tavera, ito ay kuwentong nasa berso ukol sa makasaysayang pangyayari,
minali(falsified) at maguni-guni (fanciful); trahedyang pag-ibig, puno ng kahanga-hangang insidente, sinamahan ng
banal at kagila-gilalas na pangyayari at kamahinawaring madyik.
Ang korido ay maaaring nakapasok sa Pilipinas noong 1600 sa pamamagitan nina Miguel Lopez de Legaspi.
Naging tanyag ito noong ika- 19 siglo hanggang ika-20 siglo. Sa pagpasok ng modernong babasahin, humina ang
katanyagan nito. Naobserbahan ang pagtanyag muli ng awit at korido sa huling bahagi ng siglo, na maaaring isang
gawaing iskolar o bilang bahagi ng pagsusumikap ng mamamayan na matuklasan ang kanilang sarili bilang bansa.
Binigyang-pansin ni: