You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

GAWAING PAMPAGKATUTO

FILIPINO 7
Grade 7
FILIPINO
Week 6- Quarter 4
June 21-26, 2021
Pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda
Pangalan:____________________________________Lebel: ____________________________________
Seksiyon:____________________________________Petsa: ____________________________________

A. Kasanayang Pampagkatuto at koda


44-Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda

Panimula

Kaisipan – sa kwento, ang “kaisipan” ay maaaring ipaliwanag bilang ang ideya na gustong ipahiwatig ng awtor. Sa
bawat kwentong binabasa, dapat nating intindihin ang mga nakasaad dahil maaari na magkaroon ng iba’t ibang
kaisipan ang tao sa isang paksa.
- Ito ang mensahe ng kuwento sa mga mambabasa

Panuto: Basahin ang buod ng huling bahagi ng akdang Ibong Adarna. Pagkatapos ay sagutan ang mga kasunod na
gawain.

Ang Sumpaan
Hindi inabutan ni Haring Salermo ang nagtanang anak. Isinumpa niya na makakalimutan ito ni Don Juan. Nang
makarating ang magkasintahan sa Berbanya, iniwan muna ni Don Juan si Donya Maria sa isang nayon at magisang
bumalik sa palasyo upang maipaghanda ng maringal na pagsalubong ang prinsesa. Binilinan siya ng kasintahan na
huwag titingin o makikitungo sa sinumang babae. Sumumpa si Don Juan kay Donya Maria subalit hindi naiwasang
makita niya sa palasyo si Prinsesa Leonora at tumalab ang sumpa ni Haring Salermo. Ipinagtapat ng prinsesa sa
Haring Fernando ang tunay na damdamin para kay Don Juan at ang tunay na dahilan ng hindi niya pagpapakasal kay
Don Pedro. Agad na itinakda ang kasal ng dalawa. A. Madaling magbitiw ng pangako ang manliligaw mapaibig
lamang ang nililigawan. B. Madalas napagkakamalan na tunay na pag-ibig ang nadarama sa unang pagkikita. C. May
nakakalimot sa sinumpaang pag-ibig. D. Hindi nakakalimot sa pangako ang tunay na umiibig.

Ang Kasalan
Gamit ang kaniyang mahika, nag-anyong emperatris si Donya Maria at dumalo sa kasalan. Naghandog ng isang
palabas sa mga ikakasal. Pilit na ipinaalala niya kay Don Juan ang kanilang mga pinagdaanan sa pamamagitan ng
negrito at negrita sa palabas. Sa tuwing sasabihin ng negrito na hindi niya kilala si Donya Maria ay hinahagupit siya
ng negrita ngunit si Don Juan ang nasasaktan. Gayunman ,wala pa ring naalala si Don Juan kaya labis itong nasaktan.

Ang Pagbalik ng Alaala


Akmang babasagin ni Donya Maria ang prasko upang gunawin ang palasyo nang biglang bumalik ang alaala ni Don
Juan. Ipinaglaban naman ni Prinsesa Leonora ang kaniyang pag-ibig kay Prinsipe. Pinanigan ng arsobispo si Prinsesa
Leonora sapagkat ito ang naunang pinangakuan. Nang makadama ng kawalang pag-asa, ibinuhos na ni Donya Maria
ang tubig ng prasko at unti-unting bumaha sa palasyo. Nakiusap si Don Juan sa amang hari na payagan na silang
makasal ni Donya Maria sapagkat ito ang tunay niyang minamahal samantalang si Prinsesa Leonora naman ay mahal
ni Don Pedro. Sinang-ayunan ng hari ang kahlingan ni Don Juan.

FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL


Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
ferminlarosaNHS301100@gmail.com
Ang Pagtatapos
Sabay na ikinasal ang dalawang pares, sina Don Juan at Donya Maria, Don Pedro at Prinsesa Leonora. Isinalin kay Don
Pedro ang korona

Pamamaraan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Piliin sa kahon sa ibaba ang kasabihan o salawikaing maitatapat sa bawat pangyayari sa kolum A. Isulat ang
titik ng sagot sa kolum B, pagkatapos ay ipaliwanag sa kolum C ang kahulugan ng napiling kasabihan o salawikain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Sa tulong ng graphic organizer, ipaliwanag ang kahulugan ng mga kaisipan mula sa piling pangyayari sa
bahaging ito ng akdang Ibong Adarna batay sa naging karanasan ng mga tauhan gayundin naman batay sa iyong
dating kaalaman mula sa mga napapanood o nababasa, o kaya’y sa iyong sariling karanasan.

FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL


Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
ferminlarosaNHS301100@gmail.com
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain.
Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain.
Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MARIVIC U. RAMOS/LINA E. TORRES MENCHIE S. PALMA


Guro I Ulong Guro

Binigyang-pansin ni:

MARY JANE M. GONZALES,Ed.D


Punongguro IV

FERMIN LA ROSA NATIONAL HIGH SCHOOL


Dita, Cuenca, Batangas
043- 783-0779
ferminlarosaNHS301100@gmail.com

You might also like