You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII – Eastern Visayas
Division of Leyte
VILLABA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Brgy. Cabungaan, Villaba, Leyte
BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 9
Unang Markahan
Baitang 9
September 06, 2023
Petsa Grade 9 CHARITY 8:30 – 9:30 am
Grade 9 LOYALTY 10:00 – 11:00 am
Guro Jenelyn M. De Guzman

I – LAYUNIN
(F9PB-Ia-b-39)
Nakabubuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda.

II – NILALAMAN
Paksa Denotatibo at Konotatibong Kahulugan

Sanggunian Unang Markahan Modyul 1 – Modyul 3 ; DepEd Region IX


Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9
Kgamitang ppt presentation, telebisyon,
Panturoa
KBI Pagpapahalaga sa Pamilya bilang pangunahing tagapasa ng kultura.
III – PAMAMARAAN
Balik-aral - Ano ang kahulugan ng mga salitang denotatibo?
- Ano ang kahulugan ng mga salitang konotatibo?
- Magbigay ng halimbawa.
Pagsasanay Direksyon : Makikita ang 3 tagalog na salita. Ibigay ang kahulugan, at gamitin ito sa
pangungusap.
 lagda
 balingkinitan
 alapaap
Pagganyak - Ang guro ay guguhit ng imaheng tao sa pisara. Kailangang magbigay ng mga
katangian na maglalarawan sa bawat parte ng imaheng tao.

Aktibiti Ang guro ay magbibigay ng mga babasahin sa mga mag-aaral. Nakapaloob dito ang
kwentong pinamagatang “Ang Ama” na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena. Basahin
at unawain ng mabuti ang kwento.
Analisis(Pag Gabay na Tanong :
susuri) 1. Sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Ano ang katangian ng ama ang nangibabaw sa kwento?
3. Anong pangyayari sa sa kuwento ang nakapapabago sa di-mabuting pag uugali ng
ama?
4. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak?
5. Makatarungan ba ang ginawa ng ama sa kanyang mga asawa’t mga anak?
Abstraksiyon Teacher’ Input

Maikling Kwento – ay isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan.


Kadalasan nang natatapos itong mabasa sa isang upuan lamang. Karaniwang nakabatay
ang mga paksa sa mga tunay-na-buhay na pangyayari anupa’t ang mga mambabasa ay
madaling makaugnay sa salaysay nito. Kaya naman masasabing ito ay isang payak ngunit
masining na salamin ng buhay ng isang tao.
Ang “Ang Ama” ay isang uri ng maikling kwentong makabanghay, nakatuon sa
pagkakabuo ng mga pangyayari.
Direksyon : Bumuo ng tatlong grupo. Bawat grupo ay pipili ng isang bagay sa
Aplikasyon kahon. Ito ay mga salitang maglalarawan sa kanilang ama. Haharap sa klase at
ipapaliwanag kung paano nila ihahalintulad ang kanilang ama sa nakuhang bagay
sa kahon.
IV – Pagtataya
Sanaysay. Sa kalahating papel, gumawa ng 3 hanggang 5 pangungusap.

Sa iyong palagay, base sa ipinakita sa wakas ng kwento, may pagbabago pa kayang magaganap sa
katauhan ng ama? O wala na? Ipaliwanag.

Rubrik
Nilalaman – 10 puntos
Kaayusan – 10 puntos

V – Takdang-aralin
Magsaliksik : Ano ang mga Pangatnig.
VI – Pagninilay STUDENT DEVELOPMENT REPORT

Section Mastery Nearing Beginning Action


Mastery Mastery Line
Charity
Loyalty

Prepared by: Checked by:


JENELYN M. DE GUZMAN IRENE FELLE M.
CABONEGRO
Guro sa Filipino 9 Filipino Coordinator

Reviewed by: Approved by:


ELVIE R. SALADAGA ISIDORE VICENTE V. VILLARINO, D.M.
OIC /MT II Principal IV

You might also like