You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
STA. LUCIA YOUNG ELEMENTARY SCHOOL
STA. LUCIA YOUNG, ZARAGOZA, NUEVA ECIJA 3110

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 1


Ikaapat na Markahan

I. Layunin

a. Nakikilala ang mga salitang magkatugma .


b. Natutukoy ang mga salitang magkatugma.
c. Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma.

II. Paksang Aralin:

A.Kasanayan sa Wika: Mga Salitang Magkatugma


B. Sanggunian: MELCs (F1KP-IVc-8)
Kagamitan ng Mag-aaral Pahina 7-10

C. Kagamitan: larawan, powerpoint presentation, laptop, tv, video clip

D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Pangangalaga sa Katawan..

III. Pamamaraan:

a. Panimulang Gawain

1. Pag-awit ng mga bata


2. Pagbasa ng mga salita.

b. Balik-aral: Pagbalik aralan ang mga Pangngalan .


Tukuyin kung ang nasa larawan ay tao, bagay,hayop, lugar o pangyayari.

c. Paglalahad ng Aralin:
1. Ganyakin ang mga bata sa pamamagitan ng isang laro. “Picture Reveal”. Mga magkatugmang
salita.
Itanong:
-Anu-ano ang mga nakita sa larawan?
-Kumakain ba kayo ng mga prutas?
-Ano ang magandang naidudulot ng mga prutas sa ating katawan??

2. Talakayin at basahin ang mga magkatugmang salita.


Dagdagan pa ang kaalaman sa magkatugmang salita sa pamamagitan ng pagpapanuod ng
video clip tungkol sa mga salitang magkatugma.

d. Paglalapat:
Isahang Gawain: Interactive Games- “Treasure Hunt”
Itaas ang masayang mukha kung magkatugma ang mga salita. At itaas ang malungkot
na mukha kung hindi magkatugma.

Pangkatang Gawain: Bumuo ng apat (4) na pangkat.


Bawat pangkat ay Buuin ang puzzle ng larawan upang matukoy ang salitang katugma ng unang
larawan. Isulat ang sagot sa guhit.

e. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga salitang magkapareho a maktunog sa hulihan?

lV. Pagtataya:
Panuto: Pagtambalin ang mga salitang magkatugma.

V. Takdang Aralin:

Sumulat ng sampung (10) pares ng mga salitang magkatugma.

Inihanda ni:

CATHERINE E. BUMANLAG
Guro llI
Sinuri ni:

EVANGELINE S. OLAGUER
Dalubguro II

Binigyang Pansin ni:

ROBERTO A. MORALES
Punong Guro

You might also like