You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Pangasinan Division II
Guiling-Coliling National High School
Rosales

BANGHAY ARALIN SA PAKITANG TURO


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

I. Layunin
a. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan;
b. Natutukoy ang mga kasanayan sa pangangalaga ng kalikasan; at
c. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa
kalikasan.

II. Paksang Aralin


a. Modyul 11: Pangangalaga sa Kalikasan
b. Kagamitan: laptop, projector, larawan ng iba’t-ibang paalala
c. Saggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Modyul para sa Mag-aaral, pahina 212-231
III. Pamamaraan
A. Paglulunsad sa Aralin
1. Pagganyak (Activity)
Hahatiin ang klase sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ng pira-
pirasong papel na kanilang bubuuin (jigsaw puzzle). Ang nabuong puzzle ay
kanilang ididkit sa pisara. Ang mga sumusunod na paalala ang kailangang
buuin ng mga mag-aaral.

Gamitin ang mga susunod na tanong upang ihanda ang mga bata sa
talakayan:
a. Ano-anong tema o paksa mayroon ang mga paalala?
b. Alin sa mga paalalang ito ang iyong sinusunod/ hindi sinusunod?
c. Paano makatutulong ang mga paalalang ito sa pangangalaga sa
kalikasan? Ipaliwanag.
d. Bakit kaya sa kabila ng mga paalalang ito ay patuloy pa rin ang tao sa
pagwasak sa kalikasan? Ipaliwanag.
e. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang paalala para
sa kalikasan, ano ang gagawin mo at paano mo ito ikakampanya?
2. Pagtalakay sa Aralin (Analysis)
Ang mga mag-aaral ay makikinig sa musikang “Kalikasan (song writing
composition 2006-youtube) na isinaayos nina Cesar Nebril Jr. at Necie L. Nebril.
Pagkatapos, sasagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang mensaheng gustong iparating ng awitin?
2. Napapanahon ba ang mensaheng ito? Pangatwiranan.
3. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gustong iparating ng awitin?
Pangatuwiranan.
4. Makatutulong ba ang mensahe ng awitin sa pagsasabuhay ng
pangangalaga sa kalikasan? Pangatuwiranan.
3. Paglalahat (Abstraction)
1. Bakit kailangang pangalagaan ang kalikasan?
2. Bilang isang mag-aaral na nasa ikasampung baiting, ano ang magagawa
mo para makatulong sa pangangalaga sa kalikasan?

4. Pagtataya (Application)

Panuto: Bumuo ng isang pangkat na may 5-8 miyembro. Pumili ng isyung


pangkalikasan at pag-usapan kung paano kayo tutugon sa pangangailangan ng
kalikasan batay sa isyung ito. Maghanda sa paglkalahad sa napag-usapan ng
pangkat gamit ang isa sa mga sumusunod na pamamaraan:

1. Tula
2. Awit
3. Skit
4. Patalastas
5. Pagbabalita
6. Islogan

IV. Takdang Aralin


Sagutin ang mga tanong sa pahina 231 ng inyong batayang aklat. Isulat ito sa
isang malinis na papel.

Pakitang-Turo ni:

MARLON D. NUEVO
Guro sa ESP 10

Iwinasto ni:

CARLINA E. VELICARIA, Ph.D.


Ulong Guro sa Edukasyon sa Pagpapatao

Pinagtibay ni:

RUSSEL JIM V. TAMAYO, Ph.D.


Punong Guro

You might also like