You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PANIQUI WEST DISTRICT
NANCAMARINAN ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2019-2020

TEACHER: LARA MELISSA E. CHANCHICO DATE: SEPTEMBER , 2019


LEVEL: GRADE 1 – MASUNURIN TIME:

DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO (Day 4)


I. Layunin:
Nakapagbibigay ng salitang katugma ng salitang naibigay ng kaklase.

II. Paksa: Ang Kasaysayan ng Aming Pamayanan


(Ano ang pinagmulan ng pangalan ng aming pamayanan)
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga natatanging
kaibigan sa paaralan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang
pangungusap.
3. Phonological Awareness:Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng
guro.

Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan
ng tauhan at iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.
III. Pamamaraan:
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang tawag sa dalawang salita na
may parehong tunog ang huling pantig?
2. Tukoy-alam:
Alam mo ba ang pangalan ng bansa
mo?
3. Tunguhin
Ngayong araw, susubukin natin ang
galing ng bawat isa sa pag-iisip ng
magkatugmang salita.
4. Paglalahad
Iparinig ang tugma:
Bansa mo, Bansa Ko
Pilipinas ang bansa.
Nitong lahing Pilipino
Luzon, Visayas, Mindanao
Magkaisa tayo
5. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga salitang
magkakatugma na narinig ninyo. Isulat
sa pisara ang sagot ng mga bata.
Pilipino - tayo
6. Pagtuturo at Paglalarawan:
Magbigay ng salitang katugma ng
salitang mabubunot mo mula sa “Magic
Box”
Hal. Buhok - ______
7. Paglalahat:
Ano ang salitang magkatugma?
8. Kasanayang Pagpapayaman

Laro: Hanapin ang katugma ng


bawat salita sa kaliwa. Ikahon ito.
Hal. Kayumanggi = bungi buhok
batok noo
9. Kasanayang Pagkabisa
kahon ang salitang magkatugma mula
sa tula.
Mahal kong Pilipinas
Sa yaman ay sagana
Yamang bundok, tubig, lupa
Para sa kaunlaran ng bansa.

IV.Pagtataya:
Pagtambalin ang pangalan ng dalawang larawan na magkatugma.
1. Santol anay
2. Aklat ilog
3. Nanay bukol
4. Itlog saka
5. Baka balat

V. Kasunduan:
Sumulat ng 3 pares ng salitang magkatugma.

Inihanda ni:
Gng. Lara Melissa E. Chanchico
Naobserbahan na Guro

Inobserbahan ni:
___________________

You might also like