You are on page 1of 22

2

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Paglalarawan ng mga Tauhan sa
Napakinggang Teksto Batay sa
Kilos, Sinabi o Pahayag
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Paglalarawan ng mga tauhan sa napakinggang teksto
batay sa kilos, sinabi o pahayag.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Grace L. Sotto
Editor: Carolyn R. Reyes, Donna S.Villanueva
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD, Mila D. Calma
Tagaguhit: Freda D. Salavaria
Tagalapat: Bryan Jake C. Mangune
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Ph.D, Ceso V
Librada M. Rubio, Ph.D
Ma. Editha R. Caparas, Ph.D
Nestor Nuesca, Ph.D
Milagros M. Peñaflor, Ph.D
Mila D. Calma
Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Paglalarawan ng mga Tauhan sa
Napakinggan Teksto Batay sa Kilos,
Sinabi o Pahayag
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Kumusta ka kaibigan? Maligayang pagdating sa
ikatatlong modyul. Ang modyul na ito ay idinisenyo at
isinulat upang matutuhan mo kung paano mailalarawan
ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos,
sinabi o pahayag.
Sa modyul na ito, bibigyan ka ng pagkakataon na
matutuhan ang tamang pakikinig at magkaroon ng
kakayahan makilala at mailarawan ang mga tauhan. Ang
kompetensi na ito ay mahalaga upang maiugnay ito sa
pagbasa at pagbasang may pang-unawa.
Sa modyul na ito, inaasahang matututuhan mo kung
paano:
1. Mailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang
teksto batay sa kilos, sinabi o pahayag (F2PN-Ii-j-12.1)
a. natutukoy ang mga tauhan sa tekstong
napakinggan;
b. naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa mga
tauhan sa napakinggang teksto; at
c. naiguguhit ang mga tauhang nailarawan sa mga
napakinggang teksto.

1
Subukin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Basahin mo ang kuwento at isulat sa sagutang
papel ang mga mahahalagang tala na dapat
matandaan.

Sina Kuku at Koko


ni Grace L. Sotto
Sina Kuku at Koko ay magkaibigang palaka. Mahilig
magbabad sa ilog si Kuku habang si Koko naman ay
mahilig maglaro sa lupa. Ibig nilang patunayan sa isa’t isa
kung saan nga ba sila talaga dapat nakatira. Madalas
silang magtalo.
“Sa lupa tayo nakatira,” ang sabi ni Koko.

2
“Hay, naku! Hindi ka pa ba naniniwala na sa tubig
tayo talaga nakatira?” tanong ni Kuku. Walang nais
magpatalo sa kanilang dalawa.
Maya-maya pa ay dumating si Apo Luning, ang
pinakamatandang palaka sa kanilang lahi.
Tinanong nina Kuku at Koko kung saan ba talaga ang
tirahan nilang mga palaka.
“Sa tubig man o sa lupa ay maaari tayong tumira at
mabuhay. Tayo ay mga ampibyan. Sa mga unang bahagi
ng ating buhay ay nabubuhay tayo sa tubig at sa mga
huling bahagi ay naninirahan tayo sa lupa. Dahil diyan,
wala kayong dapat pagtalunan,” sagot ni Apo Luning.
Simula noon ay hindi na nagtalo ang magkaibigang
palaka na sina Kuku at Koko.
Sagutin mo ang mga tanong at sa iyong papel, isulat ang
letra ng wastong sagot sa bawat tanong sa ibaba.
1. Sino ang tauhang maligaya sa tubigan?
a. Apo Luning
b. Kala
c. Koko
d. Kuku
2. Sino ang tauhang mahillig maglaro sa lupa?
a. Apo Luning
b. Kala
c. Koko
d. Kuku
3. Ano ang tawag sa kanilang uri?
a. ampibyan

3
b. Indian
c. Malaysian
d. Peruvian

4. Saan naganap ang kuwento?


a. sa kagubatan
b. sa kabukiran
c. sa malapit sa tubigan
d. sa malapit sa paaralan
5. Paano nasolusyunan ng magkaibigan ang kanilang
problema?
a. nag-away sila dalawa
b. humingi sila ng tulong sa pinakamatandang palaka
sa kanilang lahi
c. nagtanong sila sa kanilang magulang
d. wala sa nabanggit

Aralin Paglalarawan sa mga Tauhan

1 sa Napakinggan Teksto Batay


sa Kilos, Sinabi o Pahayag
Ang bawat tauhan ay may kaniya-kaniyang
katangian na siyang nagbibigay-buhay at kulay sa
kuwento.
Maaari nating makilala o mailarawan ang mga
katangian ng mga tauhan sa kuwento batay sa kanilang:
o ikinikilos sa kabuuan ng kuwento
o sinasabi sa kuwento
o ipinahahayag sa kuwento

4
Balikan
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Hanapin mo sa Hanay B ang kilalang tauhan sa
kwentong iyong napakinggan na inilalarawan sa Hanay
A. Isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong papel.

Hanay A Hanay B

1. Mahilig akong umakyat a. langgam


sa puno, saging ang
paborito kong kainin.

2. Maliit man ako sa iyong b. unggoy


paningin, masipag naman
ako mag ipon ng pagkain.
3. Ako ay kulay berde, hilig c. pagong
ko ay maglaro at tumalon
talon sa mga halaman.

4. Mabagal akong d. kuneho


lumakad, ngunit hindi ako
sumusuko sa pagsubok.

5. Ang kulay ko ay puti, e. tipaklong


malakas akong tumalon,
ngunit ako ay antukin.

5
Tuklasin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Basahin mo ang usapan ng dalawang bata na nakasulat
sa ibaba.
Oo nga, Mariz.
Ang ganda ng binasa ni Nakakatuwa. Kaya
Ma’am na kuwento lang, ang hirap ng
kanina no Franco? assignment.

Hindi naman
ah…madali lang Paano ang
‘yun. Ilalarawan gagawin?
lang daw ‘yung mga
tauhan.

Dapat aralin lang natin ‘yung mga


kilos nila. Paano ba sila kumilos. Pati Sige, Mariz susubukan
na ang mga sinasabi nila. Basta, ko, pero itsek mo
makikilala at tapos ay mailalarawan mamaya kung tama
mo sila ayon sa kanilang kilos, sinabi ang gawa ko ha.
o ipinahayag.

6
Sa iyong sagutang papel, isulat mo ang letra ng tamang
sagot.
1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa diyalogo?
a. Anna at Paulo
b. Carla at Luis
c. Jenny at Lito
d. Mariz at Franco

2. Sino ang may suliranin sa kanilang takdang-aralin?


a. Si Anna
b. Si Franco
c. Si Lito
d. Si Mariz
3. Sino ang tinatawag na tauhan sa kuwento?
a. ang siyang sumulat ng kuwento
b. ang mga gumaganap sa kuwento
c. kung saan ginanap ang kuwento
d. kung kailan naganap ang kuwento

4. Paano mailalarawan ang mga tauhan sa isang


kuwento?
a. batay sa kanilang kilos
b. batay sa kanilang mga pahayag o sinabi
c. lahat ng nabanggit.
d. wala sa nabanggit

5. Bakit mahalagang mailarawan natin ang mga


tauhang gumanap sa kuwento o teksto?
a. dahil sikat sila
b. upang tayo ay magpa-autograph
c. upang masaulo natin ang buong kuwento
d. upang mas maunawaan natin ang ugnayan nila
sa kuwento

7
Suriin
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Basahin mo ang mga pangungusap at piliin mo sa
loob ng panaklong ang wastong damdaming
ipinahahayag nito. Isulat mo ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Nakatutuwa ang ipinapakitang pagmamahal ni Rosa
sa kaniyang ina.
( masaya, nagagalit, natatakot )
2. “Ang tagal naman nila! Kanina pa ako naghihintay.”
( nagulat, naiinis, masaya )
3. “Ang paa ko, naipit!”
( nasaktan, masaya, nagagalit )
4. “Huwag na, nakakahiya naman sa iyo”
( natutuwa, nahihiya, nagagalit )
5. “Naku! Napakalakas ng ulan baka bumaha sa atin.”
( masaya, nagagalit, natatakot )

8
Pagyamanin

Gawain ng magulang/guro:
(Basahin ang Kuwento at gabayan ang bata sa
pagsagot)
Panuto: Pakinggan mong mabuti ang kuwento.

(Ipabasa sa magulang o nakatatandang kapatid ang


kuwento. Pakinggang mabuti ang kuwentong babasahin.
Isulat ang mga mahahalagang tala na dapat matandaan
sa iyong papel o kuwaderno.)

Ang Magkakaibigan
ni Grace L. Sotto
Magkakaibigan sa paaralan sina Sara, Lota at Karlo.
Madalas silang maglaro kapag may bakanteng oras.
Masaya sila sa tuwing magkakasama. Iba’t ibang
talento ang taglay ng tatlo. Mahilig kumanta si Lota
habang si Sara naman ay pagsayaw ang nais. Mahusay
naman si Karlo sa pagguhit. Makukulay na bulaklak at
magandang tanawin ang lagi niyang iginuguhit.

9
Iba-iba man ang kanilang nais, magkakasundo
naman sila sa isang bagay. Silang tatlo ay mahilig mag-
aral. Masaya sila kapag sila ay nasa paaralan.
Madalas ding purihin ng guro ang magkakaibigan,
sapagkat sila ay mababait at magagalang na mga bata.

Tinutulungan din nila ang kanilang mga kamag-aral


sa mga gawain sa eskwela at kung ang mga ito ay
nahihirapan sa aralin.

Sa tuwina, masayang umuuwi ang magkakaibigan,


sapagkat marami silang natututuhan na sabik nilang
kinukuwento sa kanilang pamilya.

Panibagong umaga na naman ang kanilang


aabangan. Para sa mga bagong masasayang karanasan.

Panuto: Sagutin mo ang mga tanong at sulat ang iyong


mga sagot sa sagutang papel.
1. Sino-sino ang magkakaibigan sa kuwento?
a. Lota, Carla at Sonya c. Sara, Karlo, at Lita
b. Karlo, Lota at Sara d. wala sa nabanggit

2. Ano ang taglay na talento ni Karlo?


a. pagsayaw c. pagguhit
b. pag-awit d. paglalaro

3. Kanino sila nagkukuwento ng mga natutuhan sa


paaralan?
a. Sa kanilang pamilya
b. Sa kanilang kalaro
c. sa kanilang kapit-bahay
d. sa kanilang guro

10
4. Bakit madalas purihin ng guro ang magkakaibigan?
a. dahil sila ay masayahin sila
b. dahil matatapat silang bata
c. dahil sa kanilang talento
d. dahil sila ay mababait at magagalang
5. Ano ang inaabangan nila sa panibagong umaga?
a. ang nagtitinda ng pandesal
b. ang mga kaklaseng dumadaan
c. ang bagong masasayang karanasan
d. ang guro nilang Si Gng. Sotto

Isaisip

Magaling kaibigan at nakaabot ka sa bahaging ito.


Halika ka at magpatuloy tayo.
Mahalaga ang pakikinig o pagbabasa ng kuwento o
teksto. Sa pamamagitan ng mga kuwento ay marami
tayong nakikilalang mga tauhan, nararating na mga lugar
at nararanasang pangyayari batay sa mga bahagi ng
kuwento o teksto.
Habang nakikinig o nagbabasa ng kuwento,
natutuhan natin ang mga elemento ng naturang istorya.
Ang mga elementong ito ay ang:
o tauhan
o tagpuan
o tema
o pangyayari

11
Ang mga tauhan sa kuwento ang siyang
pinakamalaking bahagi ng kuwento. Sila ang gumaganap
at bumubuo sa bawat pangyayari sa kuwento. Sa mga
tauhang ito natin natutuhan ang mga aral na kalakip ng
kuwento. Ang mga tauhan ang kumikilos at nangungusap
upang lalo pa nating maintidihan ang daloy at tema ng
kuwento.
Makikilala natin at mailalarawan ang ugali, katangian
at gawain ng mga tauhan sa kuwento batay sa kanilang
kilos, sinasabi o pahayag
Ang mga ugali, katangian at gawain ng mga tauhan
ay maaari rin nating maiugnay sa sarili nating mga buhay.
Mayroon ding mga pangyayari sa isang kuwento na
maaaring natin may kaugnayan o pagkakahawig sa ating
mga pansariling karanasan.
Mahalaga rin na ang bawat kuwento ating
napapakinggan o nababasa ay kapulutan natin ng mga
aral sa buhay.

Isagawa
Gawain ng magulang/guro:
(Basahin ang teksto sa kabilang pahina at gabayan
ang bata sa pagsagot)
Panuto: Ipabasa mo sa iyong magulang o sa
nakatatandang kapatid ang teksto. Pakinggang mabuti
ang tekstong babasahin at isulat ang letra ng katangian
ng mga tauhan sa inyong sagutang papel.

12
1. “Walang makatatalo sa akin sa takbuhan. Ako ang
pinakamabilis sa lahat. Lahat sila ay matatalo ko. Sisiw
lang sila,” sabi ni Rani.

a. mabait b. mayabang c. masipag d. takot

2. “Opo, Lolo. Tapos na po ang aking proyekto. Salamat


po sa tulong ninyo,” nakangiting sagot ni Ella.

a. palabiro b. masunurin c. magalang d. mahina

3. “Naku po! Huwag po ninyo akong iwan dito. Madilim


po sa kuwarto. Wala pong kuryente. Ayoko ko pong
mag-isa!” sigaw ni Tintin.

a. Matatakotin b. matapang c. masipag d. tahimik

4. “Tapos ko na pong hugasan ang mga plato, Nanay.


Ako na po ang magtutupi ng mga damit.
Magpahinga na po kayo,” sabi ni Tina.

a. masipag b. matalino c. magalang d. matapat

5. “Glenda, ilaw ka ba?” tanong ni Ricky.


“Bakit!” ang sigaw ng lahat.
“Kasi ikaw ang liwanag ng buhay ko...BOOOM!” wika
ni Ricky.
Nagtawanan ang lahat.
Ano ang katangian ni Ricky?

a. masunurin b. matiyaga c. masayahin d. sakitin

13
Tayahin
Gawain ng magulang/guro: (Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Pagtambalin mo ang pangungusap sa Hanay A
at sa mga larawan sa hanay B. Isulat ang letra ng sagot sa
sagutang papel.
Hanay A Hanay B

1. Sakitin si Lucy. a.

2. Matapat na bata si Liza. b.

3. Masipag si Helen. c.

4. Matulungin si Sonny. d.

14
5. Matalino si Henry e.

Karagdagang Gawain
Gawain ng magulang/guro:
(Gabayan ang bata sa pagsagot)
Panuto: Ilarawan mo ang mga tauhan sa pamamagitan
ng pagguhit ng kanilang nararamdaman ayon sa
pangungusap. Iguhit ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Batang panay lumuluha kapag nabiro


ng iba.

2. Batang panay na lamang naghihikab


habang nagkaklase.

3. Batang nalungkot dahil natalo sa


pakikipaglaro sa ibang bata.
4. Batang mataas ang nakuha sa test
sa Filipino.

5. Batang binilhan ng bagong laruan ng


Nanay.

15
16
Karagdagang Tayahin: Isagawa: Pagyamanin:
Gawain:
1. c 1. B 1. b
1. umiiyak 2. C 2. c
2. a
2. antukin 3. A 3. a
3. malungkot 3. b 4. A 4. d
4. masaya 5. C 5. c
4. e
5. masaya
5. d
Tuklasin Balikan: Suriin: Subukin:
1. b 1. masaya
1. D 2. a 1. D
2. B 3. e 2. naiinis 2. C
3. B 4. c 3. A
4. C 5. d 3. nasaktan 4. C
5. D 4. nahihiya 5. B
5.natakot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda
Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
(Kagamitan Ng Mag-Aaral). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig
City: Rex Book Store, Inc.

Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda


Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
(Teacher’s Guide). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig City: Rex
Book Store, Inc.

Liwanag, Lydia. 2011. Landas Sa Wika At Pagbasa. 1st ed. Visayas


Avenue Quezon City: EduResources Publishing, Inc.

Salvatus, Grace, Babylen Soner, Nida Santos, and Rianne Tiñana.


2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education 2
(Kagamitan Ng Mag-Aaral). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig
City: MGO Enterprises.

Updates, N., Materials, T., Articles, R. and Contributor, B., 2020. Most
Essential Learning Competencies (MELC) KG To Grade 12 SY
2020-2021. [online] DepEd Click. Available at:
<https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential-
learning-competencies.html>

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like