You are on page 1of 164

Pagpapahayag ng

Ideya o Damdamin sa
Napakinggang Teksto

FILIPINO 2
IKATLONG MARKAHAN-IKAAPAT NA
LINGGO
MELCS
Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos, sinabi o
pahayag (F2PN-IId-12.2)
a. natutukoy ang mga tauhan sa tekstong napakinggan;
b. naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa mga tauhan sa napakinggang
teksto; at
c. naiguguhit ang mga tauhang nailarawan sa mga napakinggang teksto.
UNANG
ARAW
Paano mo malalaman kung ang isang
pangyayari ay sanhi o bunga?
Ang sanhi ay sinasagot ang katanungang,
“Bakit ito nangyari?” at ang bunga ay
sinasagot kung “Ano ang
naging epekto sa pangyayari?”
“Mahilig akong umakyat
sa puno, saging ang
paborito kong kainin.”
Basahin ang pangungusap.

Ano ang inilalarawan ng pangungusap


na ito?
Panuto: Hanapin mo sa Hanay B ang
kilalang tauhan sa kwentong iyong
napakinggan na inilalarawan sa Hanay A.
Isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong
papel.
Hanay A
Hanay B
1. Maliit man ako sa iyong paningin,
masipag naman ako mag ipon ng pagkain. a. langgam
2. Ako ay kulay berde, hilig ko ay maglaro b. pagong
at tumalontalon sa mga halaman. c. kuneho
3. Mabagal akong lumakad, ngunit hindi d. tipaklong
ako sumusuko sa pagsubok.

4. Ang kulay ko ay puti, malakas akong


tumalon,ngunit ako ay antukin.
Panuto: Basahin mo ang usapan
ng dalawang bata.
Sa iyong sagutang papel, isulat mo
ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa diyalogo?
a. Anna at Paulo
b. Carla at Luis
c. Jenny at Lito
d. Mariz at Franco
2. Sino ang may suliranin sa kanilang takdang-aralin?
a. Si Anna
b. Si Franco
c. Si Lito
d. Si Mariz
3. Sino ang tinatawag na tauhan sa kuwento?
a. ang siyang sumulat ng kuwento
b. ang mga gumaganap sa kuwento
c. kung saan ginanap ang kuwento
d. kung kailan naganap ang kuwento
4. Paano mailalarawan ang mga tauhan sa isang
kuwento?
a. batay sa kanilang kilos
b. batay sa kanilang mga pahayag o sinabi
c. lahat ng nabanggit.
d. wala sa nabanggit
5. Bakit mahalagang mailarawan natin ang mga
tauhang gumanap sa kuwento o teksto?
a. dahil sikat sila
b. upang tayo ay magpa-autograph
c. upang masaulo natin ang buong kuwento
d. upang mas maunawaan natin ang ugnayan nila sa kuwento
Panuto: Isulat ang letra ng katangian
ng mga tauhan ayon sa kanilang sinabi
sa inyong sagutang papel.
1. “Walang makatatalo sa akin sa takbuhan.
Ako ang pinakamabilis sa lahat. Lahat sila
ay matatalo ko. Sisiw lang sila,” sabi ni
Rani.

a. mabait b. mayabang
c. masipag d. takot
2. “Opo, Lolo. Tapos na po ang aking
proyekto. Salamat po sa tulong ninyo,”
nakangiting sagot ni Ella.
a. palabiro b. masunurin
c. magalang d. mahina
3. “Naku po! Huwag po ninyo akong iwan
dito. Madilim po sa kuwarto. Wala pong
kuryente. Ayoko ko pong
mag-isa!” sigaw ni Tintin.

a. Matatakutin b. matapang
c. masipag d. tahimik
4. “Tapos ko na pong hugasan ang mga plato,
Nanay. Ako na po ang magtutupi ng mga damit.
Magpahinga na po kayo,” sabi ni Tina.

a. masipag b. matalino
c. magalang d. matapat
5. “Glenda, ilaw ka ba?” tanong ni Ricky.
“Bakit!” ang sigaw ng lahat. “Kasi ikaw ang liwanag ng
buhay ko...BOOOM!” wika ni Ricky.
Nagtawanan ang lahat.
Ano ang katangian ni Ricky?

a. masunurin b. matiyaga
c. masayahin d. sakitin
Tukuyin ang katangian o ugali ng tauhan batay
sa kaniyang pahayag o ginawa. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Kapag walang gumagamit, pinapatay ni Rina ang ilaw.
2. Natutuwa si Virgie na magbigay ng tulong sa mga kaklase
niyang nangangailangan.
3. “Tumigil ka nga! Kanina ka pa sinasaway,” ang
sabi ng nanay kay Andy.

4. Sinusunod ng dalawang bata ang mga


napagkasunduang patakaran sa silid-aralan.
5. Si Myrna ay laging handa sa
klase at aktibo sa talakayan.
IKALAWAN
G ARAW
Sa tulong ng kilos, pagsasalita at reaksyon
ng mga tauahn sa mga pangyayari, ay
lalong nakikilala ng mambabasa ang mga
tauhan.
Basahin at unawain ang ipinapakita ng sumusunod.
Ano ang masasabi mo sa tauhan
batay sa sinabi nito?
Mahalaga ang pagiging masinop sa lahat
ng bagay na ating ginagamit, tulad ng
gamit sa eskwela, tubig , kuryente, at
pagkain.
Kilalanin naman natin ang mga
tauhan sa maikling kwentong ating
babasahin.
Ang Magkakaibigan
ni Grace L. Sotto
Magkakaibigan sa paaralan sina Sara, Lota at
Karlo. Madalas silang maglaro kapag may
bakanteng oras. Masaya sila sa tuwing
magkakasama. Iba’t ibang talento ang taglay ng
tatlo.
Mahilig kumanta si Lota habang si Sara naman ay
pagsayaw ang nais. Mahusay naman si Karlo sa pagguhit.
Makukulay na bulaklak at magandang tanawin ang lagi
niyang iginuguhit. Iba-iba man ang kanilang nais,
magkakasundo naman sila sa isang bagay.
Silang tatlo ay mahilig magaral. Masaya sila
kapag sila ay nasa paaralan. Madalas ding
purihin ng guro ang magkakaibigan, sapagkat
sila ay mababait at magagalang na mga bata.
Tinutulungan din nila ang kanilang mga kamag-aral sa mga

gawain sa eskwela at kung ang mga ito ay nahihirapan sa

aralin. Sa tuwina, masayang umuuwi ang magkakaibigan,

sapagkat marami silang natututuhan na sabik nilang

kinukuwento sa kanilang pamilya.


Panibagong umaga na naman ang
kanilang aabangan. Para sa mga
bagong masasayang karanasan.
Panuto: Sagutin mo ang mga
tanong at sulat ang iyong mga
sagot sa sagutang papel.
1. Sino-sino ang magkakaibigan sa kuwento?

a. Lota, Carla at Sonya c. Sara, Karlo, at Lita


b. Karlo, Lota at Sara d. wala sa nabanggit
2. Ano ang taglay na talento ni Karlo?
a. pagsayaw c. pagguhit
b. pag-awit d. paglalaro
3. Kanino sila nagkukuwento ng mga natutuhan sa
paaralan?
a. Sa kanilang pamilya
b. Sa kanilang kalaro
c. sa kanilang kapit-bahay
d. sa kanilang guro
4. Bakit madalas purihin ng guro ang magkakaibigan?
a. dahil sila ay masayahin sila
b. dahil matatapat silang bata
c. dahil sa kanilang talento
d. dahil sila ay mababait at magagalang
5. Ano ang inaabangan nila sa panibagong
umaga?
a. ang nagtitinda ng pandesal
b. ang mga kaklaseng dumadaan
c. ang bagong masasayang karanasan
d. ang guro nilang Si Gng. Sotto
Mahalaga ang pakikinig o pagbabasa ng kuwento
o teksto. Sa pamamagitan ng mga kuwento ay
marami tayong nakikilalang mga tauhan,
nararating na mga lugar at nararanasang
pangyayari batay sa mga bahagi ng kuwento o
teksto.
Habang nakikinig o nagbabasa ng kuwento, natutuhan natin
ang mga elemento ng naturang istorya.
Ang mga elementong ito ay ang:
o tauhan
o tagpuan
o tema
o pangyayari
Ang mga tauhan sa kuwento ang siyang
pinakamalaking bahagi ng kuwento. Sila ang
gumaganap at bumubuo sa bawat pangyayari sa
kuwento. Sa mga tauhang ito natin natutuhan ang
mga aral na kalakip ng kuwento.
Ang mga tauhan ang kumikilos at nangungusap upang lalo pa nating

maintidihan ang daloy at tema ng kuwento. Makikilala natin at

mailalarawan ang ugali, katangian at gawain ng mga tauhan sa

kuwento batay sa kanilang kilos, sinasabi o pahayag


Ang mga ugali, katangian at gawain ng mga tauhan ay maaari rin

nating maiugnay sa sarili nating mga buhay.

Mayroon ding mga pangyayari sa isang kuwento na maaaring natin

may kaugnayan o pagkakahawig sa ating mga pansariling karanasan.


Mahalaga rin na ang bawat kuwento ating

napapakinggan o nababasa ay kapulutan natin

ng mga aral sa buhay.


Panuto: Basahin mo ang mga pangungusap at piliin
mo sa loob ng panaklong ang wastong damdaming
ipinahahayag nito. Isulat mo ang tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Nakatutuwa ang ipinapakitang
pagmamahal ni Rosa sa kaniyang ina.

( masaya, nagagalit, natatakot )


2. “Ang tagal naman nila! Kanina pa ako
naghihintay.”

( nagulat, naiinis, masaya )


3. “Ang paa ko, naipit!”
( nasaktan, masaya, nagagalit )
4. “Huwag na, nakakahiya naman sa iyo”
( natutuwa, nahihiya, nagagalit )
5. “Naku! Napakalakas ng ulan baka
bumaha sa atin.”

( masaya, nagagalit, natatakot )


Makikilala natin at mailalarawan ang
ugali, katangian at gawain ng mga tauhan
sa kuwento batay sa kanilang kilos,
sinasabi o pahayag
Ang mga ugali, katangian at gawain ng mga tauhan ay maaari rin

nating maiugnay sa sarili nating mga buhay. Mayroon ding mga

pangyayari sa isang kuwento na maaaring natin may kaugnayan o

pagkakahawig sa ating mga pansariling karanasan.


Mahalaga rin na ang bawat kuwento
ating napapakinggan o nababasa ay
kapulutan natin ng mga aral sa buhay.
Panuto: Pagtambalin mo ang pangungusap sa
Hanay A at sa mga larawan sa hanay B. Isulat
ang letra ng sagot sa sagutang papel.
Hanay A

1. Sakitin si Lucy.
2. Matapat na bata si Liza.
3. Masipag si Helen
4. Matulungin si Sonny.
5. Matalino si Henry.
IKATLONG
ARAW
Makikilala natin at mailalarawan ang ugali,
katangian at gawain ng mga tauhan sa
kuwento batay sa kanilang
kilos, sinasabi o pahayag.
Ang mga ugali, katangian at gawain ng mga tauhan ay
maaari rin nating maiugnay sa sarili nating mga buhay.
Mayroon ding mga pangyayari sa isang kuwento na
maaaring natin may kaugnayan o pagkakahawig sa ating
mga pansariling karanasan.
Mahalaga rin na ang bawat kuwento

ating napapakinggan o nababasa ay

kapulutan natin ng mga aral sa buhay.


Basahing mabuti ang kuwentong
pinamagatang , “Ang Pangarap ni Nida”.
Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Ang Pangarap ni Nida
Si Nida ay nasa ikalawang baitang ng Paaralang
Elementarya sa Sampalukan. Nais niya na ang lahat
ng mga batang Pilipino ay mabigyan ng sapat na
pagkain upang lumaki silang malusog at makatapos
ng pag-aaral.
Marami siyang nais matupad sa sarili, maging sa
kapwa niya na batang mahihirap. Nais niyang
magkaroon ng palaruan ang bawat barangay
upang sila ay makapaglibang.
Nais niya na mapangalagaan ang mga punongkahoy sa kagubatan
upang maiwasan ang pagkaroon ng baha tulad ng nangyari nang
nagdaan ang bagyong Ondoy at Pablo na pumatay at sumira ng ari-
arian ng maraming tao. Nais niya ang isang malinis at tahimik na
kapaligiran para maging ligtas ang lahat.
Sa ganoon, magkakaroon ang lahat ng
magandang kinabukasan at ang dulot nito’y
maunlad na bansa.
Tanong:
1. Sino ang batang nangarap sa kwento?
2. Ano-ano ang pangarap ni Nida para sa
kaniyang sarili at sa ibang mga batang Pilipino?
3. Bakit nais niyang mapangalagaan ang
kapaligiran?

4. Ano ang katangian ni Nida?

5. Dapat ba siyang tularan? Ilarawan ang


tauhan sa kwento.
Tunghayan at pag-aralang mabuti ang mga
larawan na nasa ibaba at ang mga ipinahayag nito.

1. Si Jhon ay nadapa. Umiyak siya dahil nasugatan


ang kanyang mga tuhod. Ang sabi ni Danny na
nakakita sa kanya ay
Si Danny ay isang matulunging bata.
2. Nagtatanim sa labas ng bahay ang nanay ni Jerry. Kailangan niya
ang tagahawak ng paso. Tinawag niya ang anak ngunit ito ang sagot ni
Jerry

Si Jerry ay isang tamad na anak.


3. Marami ang lalabahang damit ni Aling Chona.
Nilabahan niya ito nang maaga. Ang sabi niya

Si Aling Chona ay isang mapagmahal na ina.


Ang mga salitang matulungin, tamad, at
mapagmahal na sinalungguhitan ay mga
salitang naglalarawan sa tauhan sa bawat
pahayag ayon sa kanilang mga kilos at
sinasabi.
Ang paglalarawan ng katangian ng isang tauhan ay
maaaring mahinuha sa pamamagitan ng pag-unawa
kung ano ang kaniyang ikinikilos, paano ito nagsasalita
at kung paano nagpapakita ng kanyang naging reaksyon
sa mga sitwasyon sa kwento.
Madam Na, Nanay Ko Pa
ni Donalyn A. Calanog
Siya si Madam Elsie, ang Madam ko sa unang baitang. Idolo ko
siya, alam mo ba kung bakit? Aba siya yata ang madam na mabait,
magaling gumuhit, magkuwento at magturo. Kapag siya na ang
nasa unahan ng klase, parang isa siyang artista, para lamang
nanonood kami ng pelikula kapag siya ay nagkukuwento na.
Napapatawa, napapaiyak at lahat ay di makakisap-mata.
Pero hindi lamang iyon ang hinangaan ko sa
kanya.Napakabait kasi niya.Kahit marami sa amin ang
makukulit at pasaway sa klase, hindi ko man lang siya
nakitang magalit sa amin.Magaling siyang magdisiplina.
Lahat kami ay napapasunod niya. Siya nga ang
aming pangalawang ina. Binibigyan niya ako ng
baon kapag wala akong makain.Minsang umiiyak
ang aking kaklase, kita kong kinakausap at
pinatatahaan na niya sa isang tabi.
Minsan pa nga pati ang lapis at papel ay
ibinibigay niya. Minsan, nilagnat ang aking
kaklase, para siyang nanay na pinunasan ang
aking kamag-aaral hanggang ito ay mawalan ng
lagnat.
Lagi niyang ipinaalala sa amin na maging mabait at
mabuting bata. Anoman daw ang aming ginagawa sa
kapwa, gayondin ang ginagawa namin sa
Panginoon.
1. Sino ang hinahangaan ng bata sa kuwento?

2. Bakit niya ito hinahangaan?

3. Ano-ano ang katangian ni Madam Elsie?


4. Paano niya ipinakita ang pagiging ina sa
kanyang mga mag-aaral?
5. Dapat ba siyang tularan? Ipaliwanag ang
sagot.
Panuto: Anong katangian ng mga tauhan
ang inilalarawan sa bawat bilang? Piliin
mula sa kahon ang tamang sagot. Titik
lamang ang isulat sa patlang.
a.masipag
b.maingat
c.pagiging madaldal
d.masikap
e.mapagmahal
1. Mahal na mahal ni Lucy ang kanyang
ina.
2. Dapat iwasan ang ugaling ito upang
hindi mapahamak. Isipin ang dapat
ipahayag.
_____3. Araw-gabi ay nag-aaral ng leksyon si
Aurora.
_____4. Pinipili ni Ricky ang palabas sa telebisyon
na maganda para sa kabataan.
_____5. Pinipilit ni Aida na makakuha ng matataas
na marka.
Paano mahihinuha ang paglalarawan ng
katangian ng isang tauhan sa isang
kwento?
Maagang naulila sa kaniyang mga magulang si
Nida. Kinupkop siya ng kaniyang Lola Isay.
Naging mabuti ang pag-aalaga ni Lola Isay kay
Nida.
Isang umaga, nakita ni Nida na tanghali na
ay hindi pa bumabangon ang kaniyang lola.
“Lola, maysakit po ba kayo?” ang sabi ni
Nida. “Pupunasan ko po kayo nang
guminhawa ang inyong pakiramdam.”
Dito nakita ni Lola Isay na kung ano
ang ipinakita niyang
magandang ugali kay Nida ay
sinuklian niya ito ng kabutihan.
Tukuyin ang mga katangian na inilalarawan

ng bawat tauhan. Isulat ang sagot sa iyong

sagutang papel.
_______1. Sinusunod ni Nida ang lahat ng

utos ng kaniyang lola.

_______2. Kinupkop ni Lola Isay si Nida.

Siya ay _______ na lola.


_______3. “Pupunasan ko po kayo ng guminhawa
ang inyong pakiramdam.” Si Nida ay isang
__________ na bata.
_______4. Maagang naulila si Nilda sa magulang.
IKAAPAT
NA ARAW
Paano mahihinuha ang paglalarawan
ng katangian ng isang tauhan sa
isang kwento
Pagmasdan ang nasa larawan.
Gumawa ng maikling pagsasadula
tungkol dito.
Tanong:

Ano ang katangiang ng mga tauhan na iyong


isinadula?

Paano mo natukoy ang katangian nila?

Dapat bang tularan ang mga ito? Bakit?


Mahalagang bigyang pansin ang bawat karakter
kung paano ito kumilos at ano ang kaniyang
ginagampanan sa kuwento sa paglalarawan. Sa
pagbabasa, mariing kilalanin ang mga tauhan.
Nakatutulong ito upang lubos na maunawaan ang
tekstong pinakinggan o binasa. Ang bawat
pahayag ay nagtataglay ng paliwanag sa
kahihinatnan ng mga tauhan, kung bakit siya
nasadlak sa ganoong kalagayan
(kung ano ang dahilan) at kung ano ang
kinalalabasan ng bawat kilos, sinasabi o
pahayag na kaniyang ginawa sa
kuwento.
Ang tauhan ay isa sa elemento ng kuwento na
tumutukoy sa mga gumaganap o kumikilos sa bawat
mahahalagang pangyayari sa kuwento. Mahalagang
malaman at makilala natin ang mga tauhan upang
higit na maunawaan ang kuwento.
Basahin ang kuwento at sagutin ang
mga tanong sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Hawak ni Mang Oskar ang dalawang
malalaking isda sa kanyang magkabilang
kamay. Huli ito sa baklad

na nakatayo sa dagat na nasasakupan ng


kanilang lugar.
Madalas silang nakakahuli dito ng malalaking isda.
Ang ilan sa mga ito ay kanilang ipinamimigay sa
mga panauhing dumadalaw sa kanilang lugar.
Nakangiti si Mang Oskar habang iniaabot ang isda
sa isang batang lalaki.
Tuwang-tuwang tinanggap ng bata ang
isda at nagpasalamat ito kay Mang
Oskar.
1. Sino ang tauhan sa kuwento?

2. Ano-ano ang katangiang taglay niya?

3. Ano naman ang katangiang taglay ng batang


lalaki?
Basahin ang kuwento. Ilarawan ang
mga tauhan dito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Si Lotlot
Isinulat ni Gina D. Cunanan
Si Lotlot ay anim na taong gulang, siya ay
kayumanggi, maliit, at kulot ang kanyang buhok.
Siya ay palakaibigan. Masipag sa paaralan si
Lotlot. Siya ay nagwawalis ng silid-aralan,
nagpupunas ng mesa at nagdidilig ng halaman.
Lotlot ay gumagalang sa mga nakakatanda. Aktibo
rin siya sa klase. At higit sa lahat, siya ay
matulungin sa kapwa. Isang umaga, masayang
naglalakad si Lotlot papunta sa paaralan.
Nakita siya ni Aira na kaklase niya. “Kulot!
Kulot!”, ang sigaw ni Aira. Lumingon si Lotlot.
“Kulot! Kulot!” ang sigaw ulit ni Aira. Lumapit
si Lotlot sa kanya. “Ako ba ang tinatawag mo?”.
“Ha! Ha! Ha! “ ang tawa ni Aira.
“Hindi mo dapat tinatawanan ang kapwa mo,”
umiiyak na sabi ni Lotlot. Umalis si Lotlot at
lumakad palayo. Makalipas ang ilang araw,
habang naglalakad si Lotlot pauwi sa kanilang
bahay, nakita niya si Aira na inaaway ng ibang
bata.
Lumapit siya at sinaway ang mga ito. Tinulungan
niya si Aira na tumayo. Naluha si Aira. “Salamat
Lotlot, hindi kita dapat hinusgahan”, ang wika ni
Aira. “Walang anoman, sa susunod huwag mong
huhusgahan ang tao sa kanyang hitsura,” ang wika
ni Lotlot.
Lumakad na ang dalawa. Mula noon naging
matalik na silang magkaibigan. Magkasama
na sila sa paglalaro. Magkasama na rin sila
sa pamamasyal.
Palagi na rin silang sabay sa pagsisimba
kasama ang kanilang mga magulang. Si
Lotlot ay isang batang huwaran. Sa kabila ng
kaniyang kapintasan, siya ay ipinagmamalaki
ng kanyang mga kaibigan, guro at magulang.
Lotlot Aira
Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Tatlong Alimango


ni: Denmark Soco
Sa may bakawan ay may tatlong magkakaibigang
alimango. Si Totong na isang maliit ngunit maliksing
kumilos, si Botcho na isang mataba ngunit sobrang
malakas at si Gonyo na isang katamtamang alimango
ngunit napakatalino.
Lagi silang magkakasama kahit saan
sila magpunta. Sa tuwing may makakasalubong
silang kalaban ay
agad na itinataboy ito ni Botcho. Kapag
nanghuhuli naman sila ng makakain ay
maaasahan ang bilis ni Totong.
Sinasagot naman ni Gonyo ang lahat ng kanilang mga katanungan.

Matalik silang magkakaibigan. Itinuturing nila ang kani-kanilang

mga sarili na magkakapatid. Isang araw, nagtaka si Totong at Botcho

kung bakit tahimik si Gonyo. Nakatingala ito sa langit. Agad nila

itong nilapitan at tinanong. “Gonyo, ang tahimik mo yata?”


Sumagot si Gonyo “ may paparating na bagyo at malakas ito.” Dahil
sa alam nila na matalino
at minsan lamang nagkakamali si Gonyo ay agad silang naghanda.
Tinanong nila si Gonyo kung ano ang kanilang gagawin. Ang sabi ni
Gonyo kailangan nila ng matibay na tirahan. Agad kumuha si
Botcho ng kanilang magagamit.
“Kailangang mabigyan ng babala ang ating kapwa alimango na

nasa kabilang ibayo,” sabi ni Gonyo. “Gagamitin ko ang aking

liksi,” pahayag ni Totong.

Kinabukasan, dumating na ang bagyo. Nagtago ang

magkakaibigan sa kanilang ginawang taguan. Sa sobrang lakas ng

alon ay inabot pa rin sila ng tubig.


Humawak si Botcho sa mga bato at
hinawakan ang kanilang ginawang
pansamantalang tahanan upang huwag
itong tangayin ng alon.
Si Totong naman ay agad-agad na tumulong at
ginamit ang kaniyang liksi upang agapan ang
malaking sira sa kanilang tahanan. Si Gonyo ang
siyang nagsasabi kung ano ang gagawin.
1. Sino ang mataba at malakas na
alimango?

A. Botcho B. Totong
C. Gonyo D. Tonyo
2. Sino naman ang matalinong
alimango?

A. Totong B. Gonyo
C. Botcho D. Ali
3. “May darating na bagyo, kailangang maghanda
tayo,” ang sabi ni Gonyo. Si Gonyo ay ___________
na alimango.

A. masungit B. matalino
C. masipag D. tapat
4. “Kailangang mabigyan ng babala ang ating kapwa
alimango,” ang sabi ni Gonyo.

A. may malasakit sa kapwa alimango


B. mabilis kumilos
C. matapang sa kapwa alimango
D. mapagbigay
5. “Gagamitin ko ang aking liksi,” pahayag ni
Totong. Si Totong ay ____________.

A. madamot B. maliksi
C. mabagal D. matatakutin
Punan ang patlang. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.
Nalaman ko, na ang _________________ng katangian ay

maaaring maipakita kung paano ang kaniyang ikinikilos,

paano ito

nagasalita at ano ang kaniyang reaksiyon sa mga sitwasyon

o kuwento.
PANUTO: Tukuyin ang katangian o ugali ng tauhan
batay sa kaniyang pahayag o ginawa. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang.

maaasahan
masayahin
makulit
masunurin
mapagbigay
matipid
1. Kapag walang gumagamit, pinapatay
ni Rena ang ilaw.

2. Natutuwa si Ana na magbigay ng


tulong sa mga kaklase niyang
nangangailangan.
3. "Tumigil ka nga! Kanina ka pa sinasaway," ang
sabi ng nanay kay Andy.

4. Sinusunod ng dalawang bata ang mga


napagkasunduang patakaran sa silid-aralan.
5. Si Myrna ay laging handa sa klase at
aktibo sa talakayan.
IKALIMAN
GARAW
Ano ang mahalagang natutuhan mo sa
aralin kahapon?
Tingnan at pag-aralan ang mga
larawan.
Tanong:

1.Ano ang ipinapakita ng pamilya?


2.Paano mo nasabi ang iyong sagot?
3.Maganda ba ang ganitong pag-uugali?
4.Dapat bang itong tularan?
Pag-aralan ang sumusunod:
1." Heto po , Inay , ang sukli. Heto din po ang
resibo."

Ang bata ay nagpapakita ng anong katangian?


2." Huwag ka nang mag-aalala. Naiintindihan kong
nahihirapan ka sa iyong takdang-aralin. Tuturuan naman
kita”.

Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng anong katangian?


" Kailangan kong makapagtapos sa pag-aaral
nang maging masaya naman ang mga
magulang ko."

Anong katangian meron ang taong ito?


" Gagasta lamang ako kung
kakailanganin na talaga. “

Ang katangiang ito ay pagpapakita


ng pagiging ____________.
Ginawa ko na po ang inuutos ninyo. Ano ang katangian ng tauhan
batay sa kanyang pahayag ?

 maaruga
 mapanukso
 masunurin
 matampuhin
Ang ganda dito ! Napakalinis pa .

 palaasa
 palabiro
 palahanga
 masikap
" Sino ka para punahin ako. Siguro di mo alam na ako
ang pinakamagaling sa sining . " Ang damdamin ng
tauhan dito ay _________________

 mapagkumbaba
 mapagmataas
 marangal
 masinop
Ano ang ipinapakita ng mga larawan. Ano ang kahalagahan ng
paggamit ng damdamin at ideya upang malaman natin ang
gustong sabihin ng isang tao?
Batay sa napag-aralan mo ngayon, paano
mo natukoy ang katangian ng bawat tauhan
sa pahayag o sitwasyon.
Basahing mabuti ang mga seleksiyon sa Hanay
A. Pillin sa hanay B ang salitang naglalarawan
sa bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

You might also like