You are on page 1of 21

Pang-uri @ Pang-abay

Hinanda ni Ms. Nora D. Majaba


Kahuluganng Pang-Uri
Salitang naglalarawan o
nagbibigay ng katangian sa mga
tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari.
Gamit ng Pang-uri

1. Panuring Pangngalan


Mararangal na tao ang
pinagpapala.
Panuring Panghalip
Kayong masigasig ay tiyak na
magtatagumpay.
2. Pang-uring Ginagamit
Bilang Pangngalan
Ang mapagtimpi ay malayo
sa gulo.
3. Pang-uring Kaganapang
Pansimuno
Mga madasalin ang mga
Pilipino.
Kayarian ng Pang-uri

PAYAK
MAYLAPI
TAMBALAN
 1. Ang buhay sa nayon ay masaya at
tahimik, ngunit ang buhay ng lungsod ay
magulo.
 2.Masipag at masuyo ang butihang anak ni
Tandang Pedro.
 3. Mabango ang amoy ng ginintuang palay
sa malawak na kabukiran.
 4.Ang gabi ay sakdal dilim; malakas ang
hangin, at nakabibingi ang mga kulog.
 5. Malambing ang aking alaga.
 6.Lubhang mainit ang araw; kayat
ang pawisang mga bata’y nagpahinga
sa mayabong na puno ng mangga.
 7.
Maalikabok ang mga kagamitan sa
lumang bahay.
 8. Mahusay tumula ang aking ama.
 9.
Maaliwalas ang bakuran nina
Berto.
 10. Makintab at malinis ang sahig.
PANG- ABAY

Nagbibigay- turing
sa isang pandiwa,
pang- uri, at kapwa
pang- abay.
Mga Uri ng Pang-abay
Pamanahon ang pang-abay
kapag nagsasaad ng panahong
ikinaganap ng bagay o gawaing
sinasabi ng pandiwa.
Halimbawa: Tuwing gabi ay
nagbabasa kami ng asawa ko ng
Bibliya.
 Panlunan ang pang-abay kapag nagsasaad ng lunan o
pook na pinangyarihan ng kilos.
 Halimbawa: Itinuturo sa paaralan ang kagandahang-asal.
 Pamaraan ang pang-abay kapag nagsasaad ng paraan ng
pagkakaganap ng kilos.
 Halimbawa: Maliwanag magsalita ang aming guro.
 Panulad ang pang-abay na nagsasaad ng paghahambing.
 Halimbawa: Lalong nauunawaan ang mga aralin kung
pag-aaralan ito.
 Panggaano ang pang-abay na nagsasaad ng dami, sukat
o timbang.
 Halimbawa: Hustong sumunod tayo sa mga panuntunan
ng paaralan.
 Pang-agam ang pang-abay kapag nagsasaad
ng pag-aalinlangan o di-katiyakan.
Tinatawag din itong pang-abay panubali.
 Halimbawa: Siguro'y magbabago na siya.
 Panang-ayonay pang-abay na nagsasaad ng
pagpayag o pagsang-ayon.
 Halimbawa: Totoong mahirap mag-aral.
 Pananggiay pang-abay na nagsasaad ng
pantanggi, di-pagtanggap o pagbabawal.
 Halimbawa: Hindi bumabagsak ang batang
masipag.
 Panunuranay pang-abay na nagsasaad ng
pagkakasunod-sunod
 Halimbawa: Kahuli-hulihang tinawag ng guro
ang batang walang takda.
 Pamitagan ay pang-abay na nagpapahayag ng
paggalang.
 Halimbawa: Opo, tapos na po ang gawain ko.
 Panuring
pang-abay na nagpapahayag ng
pagtanaw ng utang na loob.
 Halimbawa: Maraming salamat at tinulungan
mo ako.
PAGKAKAIBA NG PANG-
URI SA PANG- ABAY
PANG- URI
Nagbibigay- turing sa isang
pangngalan at panghalip.
Halimbawa:
Magandang tanawin ang aking
nakita.
Ang salitang magandang ay
nagbibigay turing sa tanawin na
isang pangngalan.
PANG- ABAY
Nagbibigay- turing sa isang pandiwa,
pang- uri, at kapwa pang- abay.
Halimbawa:
Masarap matulog kapag malamig ang
panahon.
Ang salitang masarap ay nagbibigay-
turing sa salitang matulog na isang
pandiwa.
Tandaan!
 Angmga bahagi ng pananalitang
binibigyang- turing ng pang- uri ay
pangalan at panghalip.
 Angmga bahagi ng pananalitang
binibigyang- turing ng pang- abay ay
pandiwa, pang- uri, at kapwa pang-
abay.
Praktis tayo!

Tukuyin kung ang nagbibigay turing ay


pang- uri o pang- abay.

1. Si Nonie ay matalino.
2. Siya ay matalino.
3. Siya ay magaling kumanta.
4. Totoong mahusay si Maya.
5. Totoong mahusay kumanta si Maya.
Sagot!
Tukuyin kung ang nagbibigay turing ay pang- uri o pang- abay.

1. Si Nonie ay matalino.
Pang- uri
2. Siya ay matalino.
Pang- uri
3. Siya ay magaling kumanta.
Pang- abay
4. Totoong mahusay si Maya.
Pang- abay
5. Totoong mahusay kumanta si Maya.
Pang- abay
Praktis tayo ulit!

Hanay A Hanay B
Isulat
Hal. sa Hanay tumakbo
Mabilis A kung ang si
nagbibigay-pang-
turingabay
ay Pandiwa
pang-uri o pang- abay. Isulat naman sa Hanay B
Jethro.
kung anong bahagi g pananalita ang binibigyang-
1.turing.
Si Lanie ay masayahin.
2. Sila ay mga aktibo sa
kalse.
3. Magaling makisama si
Anton.
4. Totoong masikap si
Bebang.
5. Talagang mahirap mag-
aral kapag gutom.
PAGSASANAY Lagyan ng salungguhit ang pang -uri
 1. Napakaganda ni Ela sa suot niya.
 2. Ang dami naman ng mga libro na hawak mo.
 3. Ang kulay ng suot niya ay asul.
 4. Mabaho ang bulaklak na pinitas niya.
 5. Napakabait niya.
 6. Mas matangkad si Sam kay Andy.
 7. Matamis ang hinog na mangga.
 8. Makinis ang balat niya.
 9. Nangunguna si Lian sa klase.
 10. Siya ay mahiyain .
Tukuyin kung anong uri ng pang-
abay
 1. Kinamayan niya ako nang mahigpit.
 2. Tumagal nang isang oras ang operasyon.
 3. Tumira siya sa gubat ng libimpitong taon.
 4. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
 5. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan
 6. Bakit siya umalis na umiiyak?
 7. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng
Sandiganbayan.
 8. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
 9. Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
 10. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

You might also like