You are on page 1of 4

Ang Pagtatalo o Debate- ay binubuo ng pangangatwiran ng dalawang koponan na

magkasalungat ng panig tungkol sa paksang napagkaisahang pagtatalunan.Maaaring


nakasulat ang pagtatalong unit kadalasan ay binibigkas ito.
Ano ang Proposisyon?
Ang paksang pinagdedebatihan ay tinatawag na proposisyon .
Ito’y isang pangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon
sapamamagitan ng mga argumento .
Nagsasaad ito ng isang bagay na maaringtutulan at panigan kaya mapagtatalunan .
Sa pagpapahayag ng proposisyon,isaalang-alang ang mga sumusunod:
•Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan
.•Ibigay ito sa payak at paturol na pangungusapna may isa lamang suliraning
patutunayan.
•Ipahayag ito sa isang paraang walang salitangpag-aalinlanganan ang kahulugan
.•Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon.
Tatlong Uri ng Proposisyon
1.Pangyayari: Ito ay naninindigan sa katunayan o kabulaanan ng isang bagay na
makatotohanan.
Hal :”Maraming namatay sa nasunog na Superferry“.Masusukat ang katotohanan o
kabulaanan nito sa pamamagitan ng pag-alam sa tunay na mga pangyayari,
1. Kahalagahan:
Ito ay isang paninindigan sakahalagahan ng isang bagay

.Hal: ”Ang isang wikang pambansa ay lubhang mahalaga sapagbuwag sa


makaaliping diwa”.Ang nangangatwiran dito ay bubuo ng argumento
nanagtatanggol sa kabulaanan ng isang bagay, isang palakad o isangpagkilos.
2. Patakaran:
Ang mga proposisyong ito ay naghahanap ng isang paraan ng pagkilos o isang
binalak na solusyon sa isang suliranin
.Hal :”Dapat Gawing Legal ang Diborsyo sa Pilipinas“.
Mga Katangian ng isang mabuting proposisyon
.•Walang kinikilingan .Magkasinlakas angmagkabilang panig na
nanagkakasalungatan ng palagay
.•Ka wili –wili sa sumusulat at makikinigang proposisyon .
• Napapanahon ang paksa .
.•Hindi pa napagpapasiyahan ang paksa.
•Malinaw at tiyak ang proposisyon .
•Maaaring patunayang ng mga ebidensya
•May larangang hindi lubhang malawak at hindi rin naman gaanong makitid
.•Karapat –dapat na pagtalunan.
Tatlong hakbang sa paghahanda ng isang pagtatalo
(1)Pangangalap ng datos;
(2) Paggawa ng dagli o balangkas
(3) Pagpapatunay ng Katwiran. Pangangalap ng datos- Ang pagtitipon ng mga
nakalap na datos ay kinakailangang gagamitinsa pagmamatuwid ay dapat gawin
sa pamamagitanng pagtatala ng mga tunay na pangyayari buhat sa
paniniwalaan napapanahong aklat sanggunian o magasin.
Dalawang sanggunian ang karaniwang pinagkukunanng ng mga datos:
Ang ating pagmamasid at ang pagmamasasid ng iba na awtoridad sa paksang
pagtatalunan.- Awtoridad kapag dalubhasa ang nagpapahayag o pahayag ng
isang tao o pangkat ng mga taong may mataas nakatangian o malaking
kakayahan tungkol sa isang sangay ng karungingan o gawain at ginagalang at
kinikilala ang kanilang kuru-kuro at pahayag.
Ang dagli o balangkas- ay ang paghahanay ng mga katuwiran. Sa makatuwid,
ito’y pakikipagtalong pinaikli.
Ang mga bahagi ng dagli ay panimula, katawan at wakas.
Sa panimula, ipahayag ang paksa ng pagtatalo, angkalahagahan sa
kasalukuyan ng paksa, mga kinakailngangpagbibigay – katuturan ng mga talakay
at ang pagpapahag ngisyu,
Ang katawan ng dagli - ay binubuo ng mga isyung dapat sagutin. Pumili ng
mga tatlo o apat na mga isyu at ilagay sa wastong ayos. Bawat isyu ay binubuo
naman ng mga patunay,mga katibayan o mga katuwirang siyang magpapatotoo
sa patakarang pinanghahawakan o pinapanigan.
Ang pangwakas - na mga pangungusap ay siyang buod ng mga isyung siyang
binibigyan ng mga patunay.
Ang Tagapagsalita
1. Beneficiallity / Kapakinabangan– ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita
ay kung anong mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan
2. .2. Practicability/ Praktikalidad – ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita kung
bakit posible ba o praktikal namaisakatuparan ang hinihingi.
3. 3.Necessity/ Pangangailangan– ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita
ay hinihingi ng sitwasyon bilang kailangan attunay na solusyon.
Paraan ng Pagtatalo ng Oregon-Oxford
•Ang bawat koponan ay binubuo ng dalawa,tatlo o apat na kasapi. Ang
tagapagsalita at ang isa rito ay ang tagalata o scribe.
•Ang oras ng talumpati ay pito –walong minuto
.•Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa,mayroon munang tatlong minutong
pagtatanungan
•Pagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon
namang tatlong sandali ng pagtuligsa (rebuttal) ang mga kasapi ngunit limang
minuto naman ang pagtulig sa at pagbubukod ng puno ng bawat koponan o ang
nagbigay ng unang talumpati.
Halimbawa ng may tigatlong tagapagsalita sa bawat koponan:
1.Unang-tagapagsalita(benificilaity-sang-ayon)pagtatanggol ng panig.
2.Unang-tagapagsalita(benificiality-salungat)pagtatanong o interpellation
3.Unang-tagapagsalita(benificilality-salungat)pagtatanggol ng panig
4.Unang-tagapagsalita(benificiality-sang-ayon)pagtatanong o interpellation
:5.Ikalawang tagapagsalita (practicability-sang-ayon)pagtatanggol ng panig
6.Ikalawang tagapagsalita (practicability-salungat)pagtatanong o interpellation
7.Ikalawang tagapagsalita (practicability-salungat)pagtangggol ng panig
8.Ikalawang tagapagsalita (practicability-sang-ayon)pagtatanong o interpellation
9.Ikaltlong tagapagsalita (necessity-sang-ayon)pagtanggol ng panig
10.Ikatlong tagapagsalita (necessity-salungat)pagtatanong o interpellation
11. Ikatlong tagapagsalita (necessity-salungat)pagtanggol ng panig
12. Ikatlong tagapagsalita (necessity-sang-ayon)pagtatanong Pagitan
14. Rebuttal na talumpati ng salungat na ibibigayng unang tagapagsalita
15. Rebuttal na talumpati ng sang-ayon na ibibigayng unang tagapagsalita.
Mga Dapat Malaman ng Isang Nagtatanong.
1. Siya ay dapat magtanong lamang ng mga tanong na masasagot ng oo at
hindi.
2. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang
nagtatanong.
3. Huwag pumayag na aksayahin ng kalaban ang kanyang oras sa pagtatanong.
4. Dapat siyang magtanong ng tungkol sa buod ng talumpati ng tinatanong niya.
5. Kung lumalabag sa laituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat itong
ipaalam sa Tagapangasiwa ng pagtatalo.
Mga Dapat Banggitin sa Pagtuligsa (Rebuttal)
1. Ilahad ang mga mali sa katuwiran ng kalaban na nakita.
2. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban
.3. Ipaliwanag ang kahinaan ng mga katibayan ng kalaban.
Pamantayan sa Pagtatalo
Ngalan:____________________________________Petsa____________________
Kapasiyahan:_______________________________
Tagapangasiwa:____________________________ Koponang Nagwagi___________
Pinakamagaling na Nakipagtalo:____________________________________________
Ikalawang Magaling na Nakipagtalo:_________________________________________
PANIG NG SANG-AYON
Mga nagtatalo
Katibayan—30%
Pagbigkas—10 %
Pagbigkas sa entablado-10%
Pagtatanungan t-10%
s-10%
Pagtuligsa- 30%
PANIG NG SALUNGAT
Mga nagtatalo
Katibayan—30%
Pagbigkas—10 %
Pagbigkas sa entablado-10%
Pagtatanungan t-10%
s-10%
Pagtuligsa- 30%

You might also like