You are on page 1of 6

1

Bahagi, Ayos at Kayarian ng Pangungusap

Ang paksa ay bahagi ng pangungusap na pinagtutuunan ng pansin sa loob

ng pangungusap. a. Maaaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari na gumaganap

ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa.

Hal. 1. Nag-aalaga si Inang ng baboy at manok.

Mayroon din namang paksa na sa kahulugan ay siyang layon ng kilos na

isinasaad ng pandiwa.

Hal. 2. Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at manok na iyan. 3. Pinakain ng

masarap na pagkain ng mga taga nayon ang mga turista.

Maari ring ang paksa ay lugar o pook na ganapan ng kilos sa pandiwa.

Hal. Pinagpaksiwan ni nanay ang bagong palayok.

Buong Paksa – ito ay bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan kasama ang mga

salitang umuuri rito.

Hal. Ang ating mga bayani ay nagmahal sa bayan.

Payak na paksa – ito ay ang pinakamahalagang salita sa buong paksa.

Ang paksa ay maaring Payak o Tambalan. Ito ay may dalawang payak na paksa.

Hal. 1. Sina Quezon at Quirino ay naging pangulo ng ating bansa.

2. Ang mga aklat at pahayagan ay dapat basahin.


2

3. Ang paaralan at tahanan ay magkatulong sa paghubog ng kaugalian ng

kabataan.

 MGA URI NG PAKSA

1. Paksang Pangngalan

Hal. a. Sumulat ng talambuhay ang pinuno.

b. Naghihintay ng ulan ang mga magsasaka.

2. Paksang Panghalip

Hal. a. Kami ay delegasyon ng Pilipinas.

b. Sila ay gumagawa ng mga sasakyang pangkalawakan.

3. Paksang Pang-uri

Hal. a. Hinahangaan ang mga matatalino.

b. Kapuri-puri ang mga masisipag.

4. Paksang Pang-abay.

Halimbawa :a. Ang dito ay maghintay muna.

b. Ang doon ay pasulungin agad.

5. Paksang Pandiwa

Halimbawa:a. Huwag mong gambalain ang nananalangin.

b. Mahuhusay ang mga namumuno.

6. Paksang pawatas o batayan ng pandiwa.


3

Halimbawa a. Hilig niya ang magtinda.

b. Kinalilibangan ko ang magbasa.

PANAGURI • Ang panaguri ay ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay kaalaman

o impormasyon tungkol sa paksa.

Ang buong panaguri ay bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng tungkol sa paksa

na kasama pati ang mga salitang umuuri rito.

 Halimbawa: 1. Siya ay bumibigkas ng isang tula.

2.Siya ay lumahok sa pabilisan ng pagtakbo.

Ang payak na panaguri ay ang pinakamahalagang salita sa buong panaguri.

Kalimitan ito ay mga pandiwa(verb)

 MGA URI NG PANAGURI

1. Panaguring Pangngalan

a. Luntiang Rebolusyon ang paksa ng pulong.

b. Tungkol sa pagbabayad ng buwis ang editoryal ngayon.

2. Panaguring Panghalip

a. Siya ang puno ng barangay.

b. Kayong mga kabalat namin ang aming inaasahan sa kilusang ito.

3. Panaguring Pang-uri

a. Malinamnam ang manggang hinog.


4

b. Mainam sa kalusugan ang klima sa Pilipinas.

c. Nasa Banaue ang mga salay-salay na taniman ng palay.

4.. Panaguring Pandiwa

a. Nagsasaka siya.

b. Nagsasaka sa gilid ng bundok ang mga Ipugaw.

5. Panaguring Pang-abay

a. Bukas ang alis ng mga turista.

b. Ganito ang pagluluto ng paborito nitong ulam.

6. Panaguring Pawatas

a. Magbasa (ng komiks) ang kinalilibangan ng Lola.

b. Manggagamot ang naging trabaho niya sa nayon.

*** Pangungusap Ang Pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng

isang buong diwa.

Ang Simuno ay ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap.

***Ang Panaguri ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay kaalaman o

impormasyon tungkol sa paksa. Panaguri

 Ang karaniwang ayos ng pangungusap ay nauunsa ang panaguri kaysa

simuno/paksa.

Halimbawa: Watak-watak Kami Panaguri Simuno


5

Ang di-karaniwang ayos ay kung nauuna ang paksa at ginagamit ng panandang

“ay”.

 Halimbawa: Ako ay isa sa maram.

PANAPOS NA PAGTATAYA ( POST-TEST)

Panuto: Tukuyin ng anong ayos ng pangungusap sa bawat pangungusap sa ibaba,

sabihin kung anong uri ng paksa at sabihin din kung anong uri ng panaguri ang

ginamit sa pangungusap sa ibaba.

1.Mabuting tao ang nakatira sa bahay na iyan.

2. Sumunod na sila sa kanilang mga magulang sa London

3.Si Rica ay sasayaw at aawit sa palatuntunan bukas.

4. Talagang mapagkakatiwalaan at maaasahan.

5..Siya ang mapagkatiwaalaan sa pangkat.

6. Hinahangaan ang matatalino.

7. Ang kabataan ay ang pag-sa ng bayan.

8. Ang pag-iingat ay laging isapuso .

9. Pag-aarugasa kalikasan ay isipin natin.

10.Ang gusto niyang pamamahay ay malawak at malinis.

Dito isulat ang sagot

Ayos ng pangungusap Uri ng panaguri Uri ng Paksa


6

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

SANGGUNIAN:

Almario ,Virgilio . KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat , Ikalawang Edisyon


Komisyon sa Wikang Filipino, 2018.

Autero , Cecilia S. et.al. 2009 Komunikasyon sa Akademikong Filipino Binagong


Edisyon .Unlad Publishing House .

Santiago, Alfonso O. 1991.Makabagong Balarilang Filipino. Rex Book Store

You might also like