You are on page 1of 19

Daraga Community College

Salvacion, Daraga Albay


4
MC Fil. 101: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

I.PAMAGAT: Gamit at Bahagi ng Pananalita


 Pagkakaiba ng Parirala at Sugnay
 Gamit ng Pangngalan, Panghalip at Pandiwa
 Gamit ng Pang-uri at Pang-baya
 Mga Pang-ugnay

II. INTRODUKSYON:
Bahagi ng kakayahang panglinggwistika ng taal na tagapagsalita ang kakayahang
bumuo kumilala ng mga tamang pangungusap. Kaugnay nito ay nararapat lamang na
malaman ng isang tagapaghatid ng kaalaman sa wikang Filipino ang mga bumubuo sa
pangungusap, gamit ng pangungusap, at mga bahagi ng pananalita na kasakot upang
makabuo ng isang mahusay at masining na pangungusap.

III. Inaasahang Matamo/Layunin:


Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang na;
1. Makilala ang mga bahagi ng pangungusap, gayun din ang mga parirala at sugnay,
pangngalan, panghalip, pang-abay at iba pang mga bahagi ng pananalita
2. Magagamit nang wasto at maayos ang mga bahagi ng pananalita sa mga pahayag.
IV. Karanasang Pampagkatuto at Pansariling Pagtataya ng Gawain:

Pagkakaiba ng Parirala at Sugnay

Ang Parirala o phrase


Ang parirala ay ang lipon ng mga salita na walang simuno o panaguri, walang buong
diwa at ginagamit lamang na bahagi ng pangungusap.

Mga Uri ng Parirala

1. Pariralang Pang-ukol
Ito ay binubuo ng pang-ukol at layon ( maaring pangngalan o panghalip )

Halimbawa:

a) sa Iloilo at sa Guimaras f. para sa pista


b) ukol sa bagong ordinansa g. ayon sa tagapanayam
c) para sa iyo h. mula sa kanya
d) galing sa akin I sa Lungsod Naga
e) sa Legazpi Albay J. hinggil sa pangulo

2. Pariralang Pawatas
Ito ay binubuo ng pandiwang pawatas at ng pangngalan.

Halimbawa:

a) ang mga dumating f. ang mga sumulat


b) ng mga kakain g. sa mga umalis
c) sa kamag-aral h. ang maglaro
d) sa barkada I sa mga barkada
e) an mga manonood j. sa mga magsalita

3. Pariralang Panuring
Ito ay binubuo ng panuring at pangngalan.
Halimbawa:

a) bagong kotse f. matabang bata


b) maruming damit g. mahabang tulay
c) mabagal na trapiko h. kulot na buhok
d) asul na langit i. payat na matanda
e) baluktot na linya j. tuwid na daan

Ang Sugnay o clause

Ang sugnay ay ang kalipunan ng mga salita na may simuno at panguri na naglalahad
ng isang buong diwa o di-buong diwa.

Uri ng sugnay

1. Sugnay na makapag-iisa o independent clause


Ang malayang sugnay ay maaring maglahad ng isang buong diwa.

Halimbawa:

a) Ako ay kakain ng sorbetes.


b) Si Annie ay pupunta ng Maynila.
c) Si tatay ay bibili ng bigas.
d) Kami ay mamamasyal sa SM.
e) Ang ating silid aralan ay malawak.

2. Sugnay na di makapag-iisa o dependent clause.


Ang sugnay na ito ay mayroong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwan a
ipinahahayag. Kailangan nito ang sugnay na makapag-iisa upang mabuo ang diwan a
nais ipahiwatig.

a) nang sila ay umalis.


b) para makita ang kanyang iniibig.
c) kaya pwede na akong maglaro sa plaza.
d) upang makapag-aral.
e) kung ako ay tatama sa lotto.

Gamit ng Pangngalan, Panghalip at Pandiwa


Mga Gamit ng Pangngalan

Pangngalan: ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.

1.Simuno— Kung ang pangngalan ay paksa sa pangungusap.

Halimbawa:  Ang Coron ay matatagpuan sa Palawan. 


Magaling umawit si Kristina Perlas.

2. Pantawag — Ito ay pangngalang tinatawag o binabanggit sa pangungusap.

Halimbawa: Mama, maari po bang magtanong?


Berto, pumunta ka sa labas at magwalis.
 
3.Pamuno — Kung iisa lamang ang simuno at isa pang pangngalang  parte ng paksa,
ito ay tinatawag na pangngalang pamuno. 

Halimbawa: Ang Kuwebang Tabon, ang tirahan ng mga sinaunang tao sa Palawan, ay
dinadayo ng mga turista. 

Pansinin: Ang salitang tirahan ay bahagi ng paksa ng pangungusap at tinutukoy


ang simuno. Ang Kuwebang Tabon at tirahan ay iisa lamang. 
4.Kaganapang Pansimuno — Kung iisa lamang ang simuno at isa pang pangngalang
parte ng panaguri, ang pangngalang ito ay tinatawag na kaganapang pansimuno.

Halimbawa: Ang Kuwebang Tabon ay tirahan ng mga sinaunang tao sa Palawan. 

Pansinin: Ang mga salitang Kuwebang Tabon na makikita natin sa simuno at


salitang tirahan na makikita natin sa panaguri ay iisa lamang. 

5.Layon ng pandiwa ( Tuwirang Layon) — Ang pangngalang tumatanggap ng kilos ay


siyang layon ng pandiwa. 

Halimbawa: Gumawa ng hakbang ang mga mamamayan upang mapanatili ang kalinisan sa
paligid ng lawa.

Pansinin: Ang pangngalang hakbang ang siyang tumatanggap ng kilos


ng   salitang gumawa. 

6.Layon ng Pang-ukol — Ang pangngalan na  kasunod ng pang-ukol ay ang layon ng pang-


ukol. Kinukumpleto nito ang kahulugan ng pang-ukol. 

Halimbawa: Tungkol sa Palawan ang aklat na ito. 

Ang Panghalip.

Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang salitang pamalit o panghalili sa


ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o sa kasunod na
pangungusap. Isa rin ito sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech.
.
Uri ng Panghalip:

1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun) ipinapalit sa ngalan ng tao lamang. Mula ito


sa salitang “tao”, kaya’t nagpapahiwatig na “para sa tao” o “pangtao”. Ito ay kilala rin sa
Ingles bilang personal pronoun. Panghalili ito sa ngalan ng tao at ila sa mga salitang
halimbawa ng panghalip panao ay ang ako (me), ko, akin (mine), amin, kami (we),
kayo, atin, inyo, kita, kata, mo (you), siya (he/she), kanila (theirs), at kanya (hers/his).

Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya,
kanya

A. Taong Nagsasalita
Halimbawa (Isahan: ako, ko, akin)
 Bigay ko ang hawak mong laruan.
 Akin na yang unan.
 Ako ang may-ari ng kotseng pula sa labas.
 Mag-iipon ako ng pera para may maipambayad sa kuryente sa makalawa.
 Sa akin mo isauli ang damit na hiniram niya.
 Bukas ko pupuntahan si Mori.
 Ako ay may lobo.
 Sa palengke ko binili ang isda.
 Kunin mo na ang lahat sa akin.
 Nagsaing muna ako ng kanin bago umalis.
Halimbawa (Dalawahan: kita, kata)
 Kita nang kumain sa karinderya. (Kumain tayong dalawa sa karinderya.)
 Kata nang magbasa sa silid-aklatan.(Magbasa tayong dalawa sa silid-aklatan.)
 Kita nang sumayaw sa saliw ng “Sige, Ikembot”. (Sumayaw tayong dalawa sa
saliw ng “Sige, Ikembot”.)
 Kata nang umawit ng “Magtanim ay di biro”. (Umawit tayong dalawa ng
“Magtanim ay di biro”.)
 Kita nang mag-ehersisyo sa may plasa. (Mag-ehersisyo tayong dalawa sa may
plasa.)
 Kata nang matulog sa bahay ni Lola Penchang. (Matulog tayong dalawa sa
bahay ni Lola Penchang.)
 Kita nang maglakad sa ulan. (Maglakad tayong dalawa sa ulan.)
 Kata nang maglaba sa ilog. (Maglaba tayong dalawa sa ilog.)
 Kita nang lumangoy sa dagat ng Palawan. (Lumangoy tayong dalawa sa dagat
ng Palawan.)
 Kata nang pumunta sa Tagaytay. (Pumunta tayong dalawa sa Tagaytay.)
Halimbawa (Maramihan: tayo, kami, natin, namin, atin, amin)
 Tayo nang pumunta sa bukid.
 Doon tayo sa ilog maligo at maglaro.
 Sumama kami kay Tatay Berting para mangahoy.
 Kami ay kakain sa Mang-inasal.
 Bakit pa natin hihintayin ang bukas kung pwede namang ngayon na pumunta
sa baryo?
 Bisitahin natin si Apo Lakay.
 Sa atin matutulog ang pinsan mong si Jerry.
 Atin ang puting pusa.
 Sa amin na kayo maghapunan.
 Amin ang bukid na natatanaw mo.
B. Taong Kausap

Halimbawa: (Isahan: Ikaw, ka)


 Ikaw ang nais kong makasama habang buhay.
 Ikaw na lang ang pumunta sa kanila.
 Kay Tiya Pusit ka lumapit kung ikaw ay walang pera.
 Paano kung ikaw pala ang ibig niya?
 Ikaw ba’y naghapunan na?
 Saan ka ba galing kagabi?
 Pumunta ka sa simbahan.
 Bakit ka ganyan?
 Kumain ka ng prutas para mabilis kang lumakas.
 Kailan ka pinababalik ng iyong guro?
Halimbawa: (Dalawahan: kita, kata)
 Magkikita kita sa harapan ng bangko.
 Maghuhulog kata ng pera sa Cebuana Padala.
 Saan kata makabibili ng rosas na asul?
 Maghahapunan kita sa pinakamahal na restawran.
 Magtatabi kata ng pambili ng sasakyan.
 Magsasayaw kita sa paaralan.
 Mamamangka kata sa ilog Pasig.
 Magbabantay kita kay Lola Tasing.
 Maglalaba kata kina Donya Juana.
 Magluluto kita ng masarap na tinola.
Halimbawa: (Maramihan: kayo, inyo, ninyo)
 Kayo ang kapatid ni Iska.
 Bakit kayo nag-aaway?
Doon kayo mamasko sa bahay ni Kapitan.
 Saan kayo galing?
 Sa inyo na ang pusang ito.
 Inyo nang dalhin ang isang sakong bigas kay Kapitan Tiyago.
 Maghahapunan kami sa inyo bukas.
 Pakainin ninyo ang pulubi sa labas.
 Tawagin ninyo akong Petra.
 Sa makalawa ninyo balikan ang mga prutas na ito.
C. Taong Pinag-uusapan:

Halimbawa: (Isahan: siya, niya, kanya)


 Sinamahan siya ni Ginang Reyes.
 Bukas siya babalik dito.
 Siya ang may-ari ng bisekletang gamit mo.
 Kailan daw siya dadating?
 Binigyan niya ako ng isang dosenang bulaklak.
 Ang kaibigan niya ay si Joana.
 Saan niya dadalhin ang mga aklat mo?
 Sa kanya ko ibig manitrahan.
 Kanya ang lobong ito.
 Ibibigay ko ang mga laruan sa kanya.
Halimbawa: (Dalawahan: kita, kata)
 Ayaw nila kata sa atin dahil maingay daw tayo. (Ayaw nila sa ating dalawad
ahil maingay daw tayo.)
 Kita ay pinayagan nilang magpunta sa Baguio.
 Bakit nila kata pilit na pinaghihiwalay?
Halimbawa: (Maramihan: sila, kanila, nila)
 Sumama sila sa misyon.
 Sila ay manggagaling pa sa malayong lugar.
 Naglakad sila papuntang Nuvali.
 Saan sila pupunta?
 Kanila pala ang paaralang iyon.
 Ang kanilang bahay ay malapit sa simbahan.
 Madalas kong makita ang kanilang kotse.
 Sasamahan nila tayong mamalengke.
 Isasabay nila ako pag-uwi.
 Ngayon nila ibibigay ang mga donasyong bigas.

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) Kilala ito sa wikang Ingles


na demonstrative pronoun. Ito ay inihahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na
kinalalagyan ng pangngalan. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na pamatlig ang mga
salitang ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, ganito, ganyan, ganoon, dito, diyan, doon,
narito, nariyan, at naroon.
malapit sa nagsasalita:  ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
malapit sa kinakausap: iyan, niya, ayan, hayan, diyan
malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon
A. Malapit sa Nagsasalita

Halimbawa: ito/ire, heto, dito


 Ang bag na ito ay bigay ni nanay sa akin.
 Ire ba ang hinahanap mong damit?
 Ito ang bagay sa iyong sapatos.
 Heto ang matagal mo nang hinihingi sa akin.
 Sa Lunes mo na ito kunin.
 Ibibigay ko ire kay bunso.
 Dito siya huling nakita.
 Dalhan mo ako dito ng mga gulay.
 Bakit dito mo inilagay ang hinihingi ko?
 Ang lapis na ito ay dalhin mo sa kanya.

B. Malapit sa Kausap

Halimbawa: iyan, hayan/ayan, diyan


 Iyan ang suklay ko.
 Ang laruang iyan ay ibibigay ko kay Lucy.
 Saan ba iyan mabibili?
 Galing pa iyan sa Europa.
 Ayan na si Kaka.
 Hayan lang pala ang matagal ko nang hinahanap.
 Ayan na ang nanay ni Berta.
 Diyan ko kukunin ang isang sakong patuka.
 Ang batang ito ay diyan nakatira.
 Sayang lang ang binili mo diyang mais.
C. Malayo sa Nag-uusap

Halimbawa: iyon, hayun/ayun, doon


 Bahay iyon nila Mang Kepweng.
 Iyon ang aming paaralan.
 Pakiabot mo iyon sa akin.
 Hindi ko iyon pinagbibili.
 Ayun ang hinahanap kong alahas.
 Hayun ang magnanakaw!
 Doon nakatira si Pamela.
 Si Henry ay doon nagpunta.
 Bakit doon mo inilagay ang gitara?
 Ang aso ay doon nagpunta.

3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) Ang panghalip pananong ay


inihahalili sa pangngalan sa paraang patanong. Maari itong isahan o maramihan. Ito ay
kilalang interrogative pronoun sa wikang Ingles. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na
pananong o patanong ay ang mga salitang ano (what), anu-ano, sino (who), sino-sino,
nino, alin, at alin-alin.

Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin

 Sino ang ama ni Jose Rizal?


 Kanino itong payong?
 Ano ang pangalan mo?
 Alin sa mga ito ang susuotin mo mamaya sa party?
 Ilan lahat ang natirang tupa?
 Anu-ano ang mga pinamili mo sa bayan?
 Sinu-sino ang kasama ni Marta kanina?
 Alin-alin ang mahalaga sa iyo?
 Ano ang miryenda mamaya?
 Sino ang kasama ni Inday sa mall?
4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun) Ang panghalip panaklaw o Indefinite
Pronoun sa wikang Ingles ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o
kalahatan ng kinatawang pangngalan. Mula ito sa salitang saklaw na may pahiwatig
na pangsaklaw o pangsakop. Ilan sa mga halimbawa nito ang lahat, madla, sinuman,
alinman, anuman, pawang, saanman, ilan.

Halimbawa:  lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

 Kunin mo ang lahat ng iyong maibigan.


 Masyado nang masama ang madla kaya mabuti pang maubos na sila.
 Sinuman sa inyo ay maaring kumain sa piging mamayang gabi.
 Alinman ang iyong maibigan ay ibibigay ko sa iyo.
 Anuman ang iyong pangarap ay susuportahan ko.
 Pawang kasinungalingan ang lumalabas sa kanyang bibig.
 Isa tayo sa naambunan ng grasya.
 Bawat isa ay may karapatang maging masaya.
 Ang lahat ng ito ay magagawa mo rin.
 Pawang kabutihan ang iginaganti niya.

Panghalip na Pamanggit: Kilala ito sa tawag na Relative Pronoun sa wikang Ingles. Ang
panghalip pamanggit ay mula sa salitang banggit na may
pakahulugang pambanggit o pangsabi. Ito ay kataga o parirala ng tagapag-ugnay ng dalawang
kaisipan o pananalita. Ilan sa mga halimbawa nito ang daw, raw, umano, diumano, ani, sa
ganang akin/iyo.

Halimbawa:  
 Siya daw ang kumuha sa lapis ni Minda.
 Saan raw pupunta ang mag-ina ni Lando?
 Ang pumatay diumano ay isang lalaking may hawak ng kutsilyo na tumalon mula sa
bakod ng kapitbahay.
 Kung sa ganang akin lang, ibibigay ko na sa iyo itong isang sakong pataba.
 Kay Mayor umano galing ang utos.
 Ang bola daw pagmamay-ari ni Boyet.
 Ayaw daw niyang pumunta doon.
 Masyado raw maangas ang pinsan niya.
 Ang pulis diumano ang nagturo ng mga sasabihin niya sa korte.
 Mahal na raw ang mga bilihin ngayon.

5. Panghalip Patulad

Ang panghalip patulad ay ang inihalili sa itinutulad na bagay. Nagpapakilala rin ito ng
pagkakawangis ng dalawang bagay.

Halimbawa:

 Ganito ang dapat mong gawin.


 Ganire umiyak si Bea Alonzo.
 Ganyan dapat ang gawin mong proyekto.
 Ganoon ang tamang pag-akyat sa puno ng niyog.
 Ganito ang paghiwa sa patatas.
 Ganire ang pagtatahi sa butas mong puruntong.
 Ganyan ang tamang paglalampaso sa sahig.
 Ganoon din ang nais kong bilhing kotse.
 Ganito kami sa Makati.
 Ganyan kumanta ng may emosyon.
Gamit ng Pandiwa:

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad ng kilos, aksyon o galaw ng


isang tao, bagay o hayop. Ang mga salitang pandiwa ang siyang nagbibigay buhay sa loob ng
isang pangungusap.
Ang mga salitang pandiwa ay binubuo ng salitang ugat na kalaunan ay dinudugtungan
ng isa o higit pa na bilang ng mga panlapi. Maaaring ito ay hunlapi, o mga panlaping nasa
hulihan ng salitang ugat, gitlapi o mga panlaping nasa gitna ng salitang ugat o kaya ay unlapi,
mga salitang nasa unahan ng salitang ugat.
Nag-iiba ang antas, uri, kahulugan at kaganapan, tinig at layon ng mga pandiwa ayon
na rin sa mga panlapi na ginagamit at idinudugtong dito. Ang mga panlaping ginagamit sa mga
pandiwa ay tinatawag na makadiwang panlapi. Dahil sa paggamit ng mga makadiwang panlapi
nagkakaroon rin ng bagong diwa ang mga payak na salitang pandiwa.
Ang mga pandiwa ay mayroon ring iba’t-ibang uri ng gamit. Bukod sa pagsasaad at
paglalarawan nito ng mga kilos o aksyon, ito rin ay nagpapahayag ng mga karanasan at mga
pangyayari na puwede nating mailarawan gamit ang mga salitang pandiwa.

1. Pandiwa bilang aksyon

Mayroong aksiyon ang pandiwa kung may elemento ng pangunahing tagaganap, tagagawa o
tinatawag na aktor ng isang kilos o galaw. Ang simuno o ang paksa ng pangungusap ang
pangunahing tagaganap o tagagawa. Nabubuo ang mga pandiwang bilang aksyon sa
paggamit ng mga panlaping, um, mag, ma-, mang-, maki-, at mag-an. Ang aktor ng ng
pandiwa ay maaaring tao, bagay o hayop.

Halimbawa
-Tumahan ang sanggol sa pag-iiyak nang dumating ang kanyang nanay. (Ang pandiwa ay
tumahan at ang aktor o tagaganap ay ang sanggol.)

-Kahit na masungit ang panahon ay naglakbay pa rin ang mga mandaragat. (Ang pandiwa ay
naglakbay at ang aktor o tagaganap ay mga mandaragat.)

2. Pandiwa bilang karanasan

Ang mga pandiwang ginagamit dito ay nagpapahayag o naglalarawan ng damdamin,


saloobin o kaya ay ng emosyon ng isang tao o hayop. Ang mga salitang ito ang nagsisilbing
pandiwa ng isang pangungusap.

Halimbawa

-Nagalak ang mga mag-aaral sa lahat ng antas dahil sa pagsususpende ng klase bungsod ng
transport strike noong nakaraang Lunes at Martes. (Ang karanasang pandiwa na ginamit ay
nagalak, at ang aktor o tagaganapa ay ang mga mag-aaral.)

-Ang aming alaga na si Junior ay naglalambing sa akin dahil gusto niyang lumabas ng bahay.
(Ang karanasang pandiwa na ginamit ay naglalambing, at ang tagaganap ay ang aso na
si Junior.)
Pandiwa bilang pangyayari

Natutukoy ang isang pandiwa ayon sa resulta ng isang pangyayari o kaganapan na


nakapaloob sa isang pangungusap. Sinasalamin at inilalarawan ng mga pandiwang ito na sa
bawat aksiyon na nangyayari ay may kaakibat na reaksyon na maaaring mangyayari.

Halimbawa
-Dahil sa malakas na hagupit ng bagyong Yolanda sa Leyte, marami sa nga tao dito ay
napilitan ng lumikas sa ibang lugar. (Ang pandiwa na ginamit ay lumikas at ang
pangyayari ay hagupit.)

Tumawid ang ale sa maling tawiran kaya siya ay nahagip ng mabilis na sasakyan. (Ang
pandiwa na ginamit ay tumawid at ang pangyayari ay nahagip.)

Gamit ng Pang-uri at Pang-abay

Ang Pang-uri: Ang mga pang-uri o adjectives sa Ingles ay salitang nagbibigay turing o
naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri o katangian ng tao,
bagay, hayop, pook, o pangyayari.

Gamit ng Pang-uri:

1.Bilang Panuring ng Pangngalan: Binibigyang paglalarawan sa pangungusap ang


simuno o paksa nito.
Halimbawa:
1. Masaya ang mga bata habang naglalaro ng taguan.
2. Ang matandang lalaki ay nagtitinda ng balot.
3. Mataas ang puno ng mangga na inakyat ko.

2. Bilang Panuring sa Panghalip: Ang mga salitang ipinampalit sa pangngalan o mga


panghalip ang binibigyang paglalarawan sa loob ng
pangungusap.
Halimbawa:
1. Maganda siya sa lahat ng mga kandidata sa Bb.
2. Mabait ako sa taong mabait din sa akin.

3. Pang-uring Pangngalan: Ang paksa o simunong pinag-uusapan ay siyang pang-uring


ginamit sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Hinahangaan ang mga matatalino.
2. Kapuri-puri ang mga masisipag.
3.
Mga Uri ng Pang-uri:

1.Pang-uring Panlarawan: Ito ay nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o


panghalip. Nagsasaad ito ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa, o hugis.

Mga Halimbawa ng Pang-uring Panlarawan sa Pangungusap


 Malaki ang katawan ni Arnold.
 Itim ang kulay ng buhok ni Pinky.
 Ang dagat ay malawak.
 Malinis ang ilog sa Bicol.
 Ang tambakan ng basura ay mabaho.

2. Pang-uring Pantangi: Sinasabi ng pang-uring pantangi ang tiyak na pangngalan. Binubuo


ito ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi.
Ang pangngalang pantangi na nagsisimula sa malaking titik ay naglalarawan o tumutukoy sa
uri ng pangngalang pambalana.

Mga Halimbawa ng Pang-uring Pantangi sa Pangungusap


 Niyakap na natin ang wikang Ingles.
 Ipagmalaki natin ang kulturang Pilipino.
 Ang pagkaing Bikolano ay dapat matikman mo.
 May kaibigan akong lalaking Amerikano.
 Bumili ka ng sukang Ilocos.

3. Pang-uring Pamilang: Nagsasabi ito ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunod-


sunod ng pangngalan o panghalip. Mayroon itong anim (6) na uri ang pang-uring
pamilang: ang patakaran, panunuran, pamahagi, pahalaga, palansak, at patakda.

Mga uri ng Pang-uring Pamilang:

1.Patakaran o Kardinal: Ito ang mga likas na bilang na pinagbabatayan ng pagbibilang.


Nagsasaad ito ng aktuwal na bilang ng tao o bagay.

Mga Halimbawa ng Pang-uring Pamilang sa Pangungusap (Patakaran)


 Isa ang pinya sa lamesa.
 Walo ang aso ni Rudy.
 Labing isa ang pumasok ngayon.
 May apat na lalaking sumusunod kay Adelle.
 Ang bola ko ay dalawampu.

2.Panunuran o Ordinal: Nagsasaad ito ng pagkakasunod-sunod ng pangngalan o


posisyon ng tao o bagay. Sinasabi din nito kung pang-ilan ang tao o bagay
sa pangungusap.

Mga Halimbawa ng Pang-uring Pamilang sa Pangungusap (Panunuran)


 Si Raymond ang pangatlo sa pila.
 Ang Pilipinas ang una sa may pinakamagandang dagat sa Asya.
 Ako sana ang ikalawa sa klase kung hindi ako lumiban at nagkasakit.
 Si Browni ang ika-apat kong aso.
 Mula dito ay panglima ang bahay namin.

3.Pahalaga: Pera ang tinutukoy dito. Nagsasaad ito ng halaga ng bagay o anumang
binili o bibilhin.

Mga Halimbawa ng Pang-uring Pamilang sa Pangungusap (Pahalaga)


 Pabili po ng sampung pisong kendi.
 Nakatanggap ako ng sampung libong pisong bonus ngayong pasko.
 Kumita ako ng walong daang piso ngayong araw.
 Mayroon akong isang libong piso.
 Nay, pahingi po ng limang piso.

4. Pamahagi: Ginagamiti ito sa pagbabahagi o pagbubuklod ng ilang hati sa kabuuan


Kung minsan ay ginagamitan ito ng unlaping tig- para sa pantay na
pamamahagi o kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o natanggap ay
pare-pareho. Mayroong anyong bahagimbilang o hating-bilang din ang
pamahaging pamilang. Maaaring gamitin ang mga salitang bahagdan,
persentahe, o porsiyento.

Mga Halimbawa ng Pang-uring Pamilang sa Pangungusap (Pamahagi)


 Kumuha kayo ng tig-dalawang tinapay ng kapatid mo.
 Kalahating kilo ang bilhin mong bigas.
 Nakakuha ako ng sampung porsentong bawas sa bag na binili ko.
 Nakakuha ng tig-isang bahay sa Bulacan sina Sussy at Susan.
 May tig-limang tsokolate kayo ni Pam galing kay Mimi.

4. Palansak: Tinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay na
pinagsama-sama. Ito’y grupo o maramihan at inuulit ang unang salita nito
o kaya ay nilalagyan ng panlaping han/an.

Mga Halimbawa ng Pang-uring Pamilang sa Pangungusap (Palansak)


 Dosehan ang laman ng van.
 Sampu-sampu lang ang tumpok ng kamatis.
 Kaunting siksik pa po dahil animan ‘yan.
 Dose-dosena kung mangitlog ang pato ni Kiko.
 Isa-isa lang ang kuha ng lumpia.

6. Patakda o Tiyak na Bilang: Nagsasaad ito ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang


bilang na ito ay hindi na madadagdagan o mababawasan pa.Ang pag-uulit
sa unang pantig ng salitang bilang ang palatandaan nito.

Mga Halimbawa ng Pang-uring Pamilang sa Pangungusap (Patakda)


 Iisa lang ang ating lahi at lipi.
 Dadalawa ang dala kong panyo.
 Tatatlo ang binili kong itlog.
 Aapat ang kasama sa piknik.
 Lilima ang pupunta sa pulong.

Gamit ng Pang-abay:

PANG-ABAY – Sa paksang ito, ating aalamin at tuklasin ang mga iba’t ibang gamit ng pang-
abay, Unahin muna nating alamin kung ano ito.
Ito ay isang bahagi ng pananalita na gaya ng pang-uri na naglalarawan ng pangngalan.
Pero ang magkaiba sa kanilang dalawa ay ang pang-abay ay naglalarawan ng kapwa pang-
abay, pandiwa at pang-uri.

Mga Uri ng Pang-abay:

Pamanahon – nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa kung kailan naganap.


Pamaraan – nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng pandiwa
Panlunan – tumutukoy sa pook kung saan naganap ang kilos o pangyayari
Pang-agam -nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol sa isang bagay o kilos
Panang-ayon – nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay o pangyayari.
Pananggi – nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa, ginagawa, o gagawin pa
lamang.
Pamitagan – nagpapakita ng paggalang.
Pampanukat – nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang ng isang tao o bagay
Panulad – nagsasaad ng pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao, bagay,
pook, o pangyayari.

Gamit ng Pang-abay:
Gaya nga sinasabi sa itaas, ito ay ginagamit bilang panglarawan ng tatlong bahagi ng
pananalita.

Pandiwa
Mabilis tumakbo ang kabayo..
Umalis sina Karen at Geneva kanina pero nakabalik na rin sila.
Ngayon lang ako bumalik mula sa Japan.

Pang-Uri
Talagang mabait ang mag-asawang sina Mang Ben at Aling Pilar.
Sadyang masigla ang pananaw sa buhay ng lola niya
Tunay na masungit si Stanley sa kanyang mga kaklase.

Kapwa Pang-Abay
Tunay na mabilis umunlad ang negosyo ni Phoebe.
Lalong sumasarap ang mga niluto ng asawa ko.
Si Carlos ay sadyang masipag kumain.
Pansinin: Ang mayroong mga salungguhit na mga salita ay ang mga pang-abay.

4. Mabilis tumakbo ang kabayo. (Mabilis ay ang pang-abay na pamaraan,


naglalarawan sa tumakbo kung saan ang tumakbo ay isang pandiwa.)

5. Talagang mabait ang mag-asawang sina Mang Ben at Aling Pilar. ( Talaga ay


pang-abay na panang-ayon, na naglalarawan sa pang-uring mabait)

6. Tunay na mabilis umunlad ang negosyo ni Phoebe. ( Tunay ay isang pang-


abay na inilalarawan ang isa pang -ang-abay n amabilis )
Mga Pang-ugnay

Pang-angkop: Ito ay isa sa walong mga bahagi ng pananalita na mga katagang


nagdudugtong sa magkakasunud-sunod na salita sa isang pangungusap para magiging
magaan o madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang ginagamit para pag-ugnayin ang mga
panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing.

Mayroong tatlong pang-angkop: na, ng o -ng at g.

NA
Ito ay nagdudugtong ng dalawang salita na kung saan nagtatapos sa katinig ang nauunang
salita maliban sa letrang n. Para sulatin ito, dapat ihiwalay ito sa salitang pinag-uugnay

Halimbawa:
 Ang banal na kaulatan
 Ang malinis na hangin
 Ang matalim na espada
 Ang maitim na dyaket
 Ang sikat na artista
 Ang kristal na baso
 Ang makinis na mukha ni Loisa
 Ang mahusay na manunulat
 Ang matigas na bato
 Ang matinik na cactus

NG
Ito naman ay isinulat na dinugtungan sa mga salitang nagtatapos sa patinig na mga letrang a,
e, i, o, at u.

Halimbawa:
 Ang masaganang halaman
 Ang malaking mga ugat ng puno
 Ang basang mga nilabadang damit
 Ang kotseng pula
 Ang berdeng sapatos
 Ang dalawang mata
 Ang mabagyong panahon
 Ang maruming damit
 Ang buong istorya ni Jonathan.
 Ang salaring tulisan
NG
Ay ginagamit parin na pandugtong sa magkakasunod na salita na kung saan nagtatapos sa
katinig na n ngunit kinakaltas na ito kaya hindi ang pang-angkop na g ang ginagamit.

Halimbawa:
 luntian ng halaman – luntiang halaman
 usapan ng inutil – usapang inutil
 malinis na kasuotan – kasuotang malinis

G
Ito naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa katinig na n dinurogtungan

Halimbawa:
 Kainang nasa kalye
 Tulisang kriminal
 Pikong mapang-api
Pang-ukol: Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa,
panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay maaari ring
magturo ng lugar o layon.

Mga Halimbawa ng Pang-Ukol


Ilan sa mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito na kadalasan ay ginagamit sa
pangungusap ay ang ng, sa, ni o nina, para sa, at ayon sa. Narito ang gamit ng bawat isa at
mga halimbawa:

Ng – Ito ay nagbibigay ugnayan sa pagitan ng isang kabuuan at isang bahagi.


Anak ng bayan ang turing sa Bise Alkalde simula pa noong bata pa lamang siya
.
Sa – Nagpapahayag ng pag-uukol ng isang bagay sa isang pang bagay.
Kamay sa baywang na humarap ang ina ng batang nagsumbong ng pamamalo mula sa guro.

Ni o Nina – Ito ay nagpapahayag ng pagmamay-ari ng isang bagay.


Ang telepono ni Juan ay naiwan sa loob ng sasakyan.

Para sa – Ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan.


Para sa mga bata sa kalye ang mga biniling pagkain ni Juanito.

Ayon sa – Ito ay nagpapahayag ng pinanggalingan o basehan ng isang bagay.


Ayon sa ama ni Manuel, maaga siyang umalis ng kanilang bahay at hindi na nakabalik noong
tanghali.

Ilan pang mga halimbawa ay: hinggil sa, alinsunod sa, sang-ayon kay/sa, ayon kina,
para kay, ayon kay at iba pa.

Ang pangatnig o conjunction sa wikang Ingles ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga
salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan
ng isang pahayag.
Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan ng pangungusap. Ang pangatnig ay
maaari ring magbukod, manalungat, maglinaw, manubali, magbigay halintulad, magbigay
sanhi, at magbigay ng pagtatapos sa isang kaisipan o pangungusap.

Mga Halimbawa ng Pangatnig


 Ang aking nanay at tatay ay mahal ko.
 Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni ate.
 Ano ba ang mas masarap, lumpia o pritong manok?
 Gusto kong bumait pero di ko magawa.
 Bibigyan kita ng lobo kung bibigyan mo rin ako ng laruan.
 Pag-usapan natin ang bukas habang tayo’y namamasyal.
 Magtanim ka ng puno upang di bumaha.
 Magdala ka ng pala saka walis.
 Pupunta ka lang kina Myla kapag kasama ako.
 Kinagigiliwan ng lahat si Aira dahil masayahin siyang dalaga.

Mga Uri ng Pangatnig


1.Pangatnig na Panlinaw: Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang
banggit. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung kaya, kung gayon, o kaya.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panlinaw sa Pangungusap:

 Nag-usap na kami sa baranggay kung kaya ang ang kasong ito ay tapos na.


 Umamin na si Mando kaya makakalaya na ang napagbintangang si Rico.
 Ang prinsipal ay umuwi na, kung gayon ay maaari na rin tayong umuwi.
 Nagpaalam na si Ambo sa mga magulang ni Selya kung kaya silang dalawa ay
magpapakasal na.
 Ginawa ko na sa paaralan ang aking takdang aralin kaya pag-uwi sa bahay ay
maglalaro na lang ako.

2. Pangatnig na Panubali: Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari itong gamitan ng


mga salitang kung, sakali, disin sana, kapag, o pag.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panubali sa Pangungusap

 Gawin mo na agad ang sinabi ni itay kung ayaw mong mapalo.


 Sakaling hindi ako makapunta bukas, sabihin mo na lang sa akin ang mapag-uusapan
sa pulong.
 Tinanggap mo na sana ang alok niyang trabaho, disin sana‘y may maiipon ka bago
mag-pasko.
 Hindi naman mahirap ang buhay kung marunong ka lang dumiskarte.
 Kapag sumama si Judy ay sasama na rin ako.

3.Pangatnig na Paninsay: Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng


pangungusap ang pangalawang bahagi nito. Maaari itong gamitan ng mga
salitang ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, o kahit.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Paninsay sa Pangungusap

 Nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay pinagalitan ako ni Nanay.


 Yumaman si Arriane kahit galing siya sa hirap.
 Nakakuha ako ng mataas na marka sa pagsusulit bagaman hindi ako nakapag-review.
 Magarbo ang handaan ngunit baon naman sa utang.
 Nakapag-asawa siya ng mayaman kahit siya ay mahirap lamang.

4. Pangatnig na Pamukod: Ginagamit ito upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa o ilang
bagay o kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang o, ni, maging, at man.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pamukod sa Pangungusap

 Ni tumawag ni mangumusta ay di man lang nya ginawa.


 Ako man ay ayaw rin sa liderato niya.
 Mahal kita maging sino ka man.
 Ako ba o siya ang pipiliin mong makapareha sa sayaw?
 Mapa-luma o bagong empleyado ay ayaw sumali sa Christmas party presentation.

5.Pangatnig na Pananhi: Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o katwiran para sa


pagkaganap ng kilos. Maaari itong gamitan ng mga salitang dahil sa, sanhi sa, sapagkat,
o mangyari.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pananhi sa Pangungusap

 Nagkasira-sira ang bahay ni Ka Pilo dahil sa bagyo.


 Sanhi sa pabago-bagong panahon kaya siya nagkasakit.
 Marumi sa Pilipinas sapagkat ang ibang Pinoy ay walang disiplina.
 Walang kuryente dahil sa pagkasira ng poste sa tapat ng bahay.
 Bumagsak ka sapagkat hindi ka nag-aaral ng mabuti.

6.Pangatnig na Panapos: Ito ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Maaari


itong gamitan ng mga salitang sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, o sa bagay na ito.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panapos sa Pangungusap

 Sa wakas ay makakauwi na rin tayo.


 Sa di-kawasa, ang klase ngayong araw ay tapos na.
 Sa bagay na ito, hayaan nating ang Diyos ang magpasya.
 Sa lahat ng ito, ang mabuti’y maging handa anumang oras.
 Sa wakas, tapos na ang pulong.

Pangatnig na Panimbang:Ito ay ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon o


kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang at, saka, pati, kaya, o anupa’t.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panimbang sa Pangungusap

 Ikaw at ako ay mahilig kumain.


 Pati tindahan ng matanda ay kanyang ninakawan.
 Singkamas at saka talong ang mga paborito kong gulay.
 Anupa’t sa lakas ng hangin ay halos tangayin ang aming bubungan.
 Pati ang aso ay kanyang inampon.

Pangatnig na Pamanggit:Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw ng iba. Maaari


itong gamitan ng mga salitang daw, raw, sa ganang akin/iyo, o di umano.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pamanggit sa Pangungusap

 Ako raw ang dahilan ng kanyang pagbagsak.


 Sa ganang akin, ikaw ang pinakagwapo sa lahat.
 Si Jessica di umano ang unang bumato sa puno ng bayabas.
 Maaasahan daw ang mga mag-aaral sa Baitang 8.
 Sumama ka na raw sabi ni Ginang Perez.

V-Buod ng Mahahalagang Dapat Tandaan.


Ang parirala ay ang lipon ng mga salita na walang simuno o panaguri, walang buong diwa at
ginagamit lamang na bahagi ng pangungusap.

Ang sugnay ay ang kalipunan ng mga salita na may simuno at panguri na naglalahad ng
isang buong diwa o di-buong diwa.
 Sugnay na makapag-iisa o independent clause
Ang malayang sugnay ay maaring maglahad ng isang buong diwa.

 Sugnay na di makapag-iisa o dependent clause.


Ang sugnay na ito ay mayroong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang
diwan a ipinahahayag. Kailangan nito ang sugnay na makapag-iisa upang
mabuo ang diwan a nais ipahiwatig.
Pangngalan ay ngalan ng tao bagay hayop, lugar, pangyayari. Ang pangngalan ay ginagamit
bilang simuno o paksa sa pangungusap, pantawag at pamuno.

Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang salitang pamalit o panghalili sa ngalan o


pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o sa kasunod na pangungusap. Isa rin
ito sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad ng kilos, aksyon o galaw ng isang


tao, bagay o hayop. Ang mga salitang pandiwa ang siyang nagbibigay buhay sa loob ng isang
pangungusap.
Ang mga salitang pandiwa ay binubuo ng salitang ugat na kalaunan ay dinudugtungan
ng isa o higit pa na bilang ng mga panlapi. Maaaring ito ay hunlapi, o mga panlaping nasa
hulihan ng salitang ugat, gitlapi o mga panlaping nasa gitna ng salitang ugat o kaya ay unlapi,
mga salitang nasa unahan ng salitang ugat.
Nag-iiba ang antas, uri, kahulugan at kaganapan, tinig at layon ng mga pandiwa ayon
na rin sa mga panlapi na ginagamit at idinudugtong dito. Ang mga panlaping ginagamit sa mga
pandiwa ay tinatawag na makadiwang panlapi. Dahil sa paggamit ng mga makadiwang panlapi
nagkakaroon rin ng bagong diwa ang mga payak na salitang pandiwa.
Ang mga pandiwa ay mayroon ring iba’t-ibang uri ng gamit. Bukod sa pagsasaad at
paglalarawan nito ng mga kilos o aksyon, ito rin ay nagpapahayag ng mga karanasan at mga
pangyayari na puwede nating mailarawan gamit ang mga salitang pandiwa.
Ang Pang-uri: Ang mga pang-uri o adjectives sa Ingles ay salitang nagbibigay turing o
naglalarawan sa isang pangngalan o panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri o katangian ng tao,
bagay, hayop, pook, o pangyayari.

PANG-ABAY – Sa paksang ito, ating aalamin at tuklasin ang mga iba’t ibang gamit ng pang-
abay, Unahin muna nating alamin kung ano ito.
Ito ay isang bahagi ng pananalita na gaya ng pang-uri na naglalarawan ng pangngalan.
Pero ang magkaiba sa kanilang dalawa ay ang pang-abay ay naglalarawan ng kapwa pang-
abay, pandiwa at pang-uri.

Pang-angkop: Ito ay isa sa walong mga bahagi ng pananalita na mga katagang


nagdudugtong sa magkakasunud-sunod na salita sa isang pangungusap para magiging
magaan o madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang ginagamit para pag-ugnayin ang mga
panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing.

Pang-ukol: Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa,


panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay maaari ring
magturo ng lugar o layon.

Ang pangatnig o conjunction sa wikang Ingles ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga
salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan
ng isang pahayag.
Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan ng pangungusap. Ang pangatnig ay
maaari ring magbukod, manalungat, maglinaw, manubali, magbigay halintulad, magbigay
sanhi, at magbigay ng pagtatapos sa isang kaisipan o pangungusap.

VI-PAGTATAYA

A)Panuto: Tukuyin kung ang sugnay ay makapag-iisa o di-makapag-iisa. Isulat ang MK


kung makapag-iisa at DMK sa di -makapaig-iisa.

____ 1. Ang ating mga tahana ay linisan.

____ 2. Si itay ay nagpunta sa doctor.

____ 3. Upang di pamugaran ng lamok

____ 4. Nang sila ay dumating

____ 5. Ako ay kakain ng gulay.

____ 6. Kung sakal ikaw yon.

____ 7. Nagluluto ako ng ulam.

____ 8. Ang takdang aralin.

____ 9. Habang nagsusulat siya.

____10. Ang nanay na masipag.

B)Panuto: Isulat kung pang-uri o pang-abay ang gamit ng salitang nakalinya sa bawat
pangungusap.

_____________ 1. Masarap magluto ng ulam ang kanyang Lolo Pelo.

_____________ 2. Magaganda ang mga tanawin sa Lungsod ng Baguio.

_____________ 3. Mabilis na tumakbo ang magnanakaw dahil Nakita s’ya ng mga tao.

_____________ 4. Ang prutas na Durian ay masarap subalit may hindi kaaya-ayang amoy

_____________ 5. Sumigaw nang malakas ang babae dahil sa takot.


_____________ 6. Biglang bumalikwas ang naalimpongatang lasing.

_____________ 7. Ang kanyang buhok ay kulot na kulot tulad ng kanyang Lola.

_____________ 8. Malansa ang naaamoy ko kanina pang umaga.

_____________ 9. Isang daang kaing ng manga ang kanilang pinagbili kahapon.

_____________ 10. Sa makalawa ang alis ko patungong Bukidnon.

C)Panuto: Piliin ang salitang pupuno sa diwa ng bawat pangungusap.

1.Marangya ang pamumuhay ng pamilya Cruz noon ngunit ng ____ sa ibang lugar nagging
mahirap ang ____ buhay.

( nila, sina, sila, kanya, kanila/ng, kami, kanya )

2.Hating gabi na noon, ____ na natutulog ang buong mag-anak ng may ____ na iyak silang
narinig mula sa labas nga bahay. ______ bumaba ng hagdan si Aling Maring upang ____ ang
iyak na kanilang narinig.

( taimtim, mahimbing, nakakabinging, malakas,mahina, dahan-dahan, pabalikwas, tingnan,


kunin )

3.Napakalakas ng hangin parang may bagyo. Isa isang ____ ang mga sanga ng punong
kahoy sa ______ ng aming bahay. Natakot ____ noon dahil wala ang ____ mga magulang
nong panahong iyon.

( nagtakasan, naglaglagan, bobong, ibabaw, likod, ako, sila, kami, kanilang, ating, aming)

D) Ibigay ang tinutukoy ng bawat pangungusap sa ibaba.

1. Mga salitang panghalili sa pangngalan ng tao lamang.

2. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

3. Ang mga salitang ito ay naglalarawan sa pangngalan at mga panghalip.

4. Ito ay ginagamit na pang-ugnay sa dalawang salita na ang isa ay naglalarawan at ang

isan naman ay inilalarawan.

5.Tumutukoy sa mga salitang nagpapakita ng kilos o galaw.

VII-SUSI SA PAGWAWASTO:
Guro ang magwawasto sa lahat ng gawain at pagtataya sa modyul na
ito.
VIII- Inaasahang Gagawain sa susunod na Modyul

Manaliksik tungkol sa palaugnayang Filipino


IX-Pansariling Pagtataya

Hindi ko naunawaan Kailangan ko ang Tama lang ang Naunawaan kung


ang mga paksa sa gabay sa pag- pagkakaunawa ko sa Mabuti at natuto ako
unawa sa ibang nilalaman ng sa mga paksa at
modyul
paksa sa modyul modyul. nilalaman ng modyul

Ang modyul ay Ang modyul ay Ang modyul ay Ang modyul ay


malinaw,
hindi akma sa mayroon pang malinaw
komprehensibo at
pangangailang kailangang subalit kulang ang talakay ay
pagkatuto rebisyon sa ilang mga kaaya-aya sa mag-
detalye aaral.

X- Sanggunian:
https://homeworks-edsci.blogspot.com/2012/08/parirala-sugnay-at-mga-uri-nito.html
https://noypi.com.ph/pangatnig/
https://philnews.ph/2019/10/09/pang-ukol-ano-ang-pang-ukol-mga-halimbawa-nito/
https://philnews.ph/2019/07/24/pang-angkop-kahulugan-halimbawa/
https://philnews.ph/2020/01/10/pang-abay-ano-ang-mga-ibat-ibang-gamit-nito/
https://noypi.com.ph/pang-uri/
https://takdangaralin.ph/ano-ang-pandiwa-kahulugan-halimbawa-uri/

---- END -----

You might also like