You are on page 1of 21

Pangngalan at mga Uri nito

Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari

Uring Pansemantika ng Pangngalan

1) Pantangi – pangngalang tumutukoy sa tangi o particular na tao, hayop, bagay, pook,


o pangyayari
Halimbawa:
Baguio, Boracay, Bohol, Tagyatay

2) Pambalana – pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan


Ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
Halimbawa:
Lungsod, baybayin, pook, bayan

Mga Uri ng Panghalip at Halimbawa

Ano ang Panghalip?

Ang panghalip ay salitang pamalit sa pangngalan.

Mga Uri ng Panghalip


1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita,
kata, mo, siya, kanila, siya, kanya
2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)\malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito,
ganire malapit sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan
malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon

3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)


Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)
Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawingAng pang-abay ay nagbibigay-turing
sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Mayroon iba’t ibang uri ang pang-abay.

MGA URI NG PANG-ABAY

A. Pang-abay na pamanahon
Ang pang-abay na ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos ng isang
pandiwa sa pangungusap. Ang mga pang-abay na ito ay may pananda, walang pananda, o
nagsasaad ng dalas.
Halimbawa
A.1. May pananda
1. Hanggang kailan ka magtitiis sa panankit ng ngipin mo?
2. Naging masigagsig sa pag-aaral si Alexandra mula nang binigyan siya
ng cellphone
3 Nakaugalian na ng pamilya ni Nira na magpakain tuwing kaarawan ng kaniyang
ama.
A.2.Walang pananda
1. Ipalalabas mamaya sa telebisyon ang panayam kay Artemio.
2. Ang kaarawan ni Marcelo ay ipinagdiwang kahapon sa kanilang tahanan.
3. Manonood kami bukas ng pelikula ni Vice Ganda sa SM City.
A.3. Nagsasaad ng dalas
1. Tuwing nobyembre lumuluwas ng Manila si Arci.
2. Araw-araw kung mamili sa palengke si Aling Pacita.
3. Nakasanayan na ni Louie na uminom ng isang basong tubig tuwing pagkagising
sa umaga.

B. Pang-abay na panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook ng pinangyarihan o pangyayarihan
ng kilos sa pandiwa. Ang mga pariralang sa at ka yang kadalasang ginagamit sa uri ng
pang-abay na ito. Ang sa ay ginagamit kapag kasunod ang pangngalang pambalana o
panghalip at kay o kina naman kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan
ng tao.
Halimbawa
1. Maraming masasarap na pagkain ang puwedeng mapagpilian sa turo-turo sa bayan.
2. Inutusan ko si Liza na bumili ng bulaklak para sa kaarawan ng nanay.
3. Nakapunta na si Cristina sa lugar ni Apo Whang Od.

C. Pang-abay na pamaraan
Ang pang-abay na ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap
ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Ang mga panandang nang, na at ng ang
kadalasang ginagamit sa pagtukoy ng naturang uri ng pang-abay.
Halimbawa
1. Maliwanag magsalita an gaming propesor.
2. Napakabagal ng usad ng mga sasakyan sa Edsa.
3. Dahan-dahang sinusuklay ng nana yang buhok ni Elsa.

D. Pang-abay na pang-agam
Ang pang-abay na ito ay nagpapahiwatig ng di-katiyakan sa pagganap ng kilos ng
pandiwa.
Halimbawa:
1. Siguro nga nagbago na si Baron.
2. Magbabakasakali lang naman ako baka pwede mo akong mapahiram ng pera.
3. Tila uulan ngayon.

E. Pang-abay na panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon ng nagsasalita sa
pangungusap.
Halimbawa:
1. Tunay ngang masarap ang mangga sa Guimaras.
2. Oo, asahan mo na darating ako sa pinag-usapan nating oras at lugar.
3. Talaga ngang iba ang napupundar kung may kamag-anak ka sa abroad.

F. Pang-abay na pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagsalungat ng nagsasalita sa
pangungusap.
Halimbawa:
1. Huwag mong ipagsasabi kahit kanino ang iyong narinig.
2. Kaunti pa rin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo kahit na may hindi kanais-nais na
larawan sa pakete ng sigarilyo.
3. Hindi pa naghihilom ang sugat ng nakaraan.

G. Pang-abay na panggaano o pampanukat


Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng timbang o sukat ng bagay na pinag-uusapan sa
pangungusap. Kadalasan nitong sinasagot ang tanong na gaano o magkano
Halimbawa:
1. Bumaba ang timbang ni Alyssa ng 5 kilo.
2. Inabot ng limang oras ang byahe ko bago ako nakarating sa bahay.

H. Pang-abay na pamitagan
Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng paggalang.
Halimbawa
1. Kailan po darating ang tatay?
2. Opo, maghuhugas na ng pinggan.
3. Sa kanan ho makikita ang palikuran ng mga babae.
Sanggunian: Dullo, E. et.al. 2015. “Komunikasyon 5 : batayan at sanayang aklats sa
Filipino.”

Ano ang Pandiwa, Aspekto ng Pandiwa, Uri, at Halimbawa ng Pandiwa


Ano ang Pandiwa?

Ang pandiwa o verb sa wikang Ingles ay isang salita o lipon ng mga salita na
nagsasaad ng kilos o galaw, pangyayari, o katayuan. Isa ito sa mga Bahagi ng
Pananalita o Parts of Speech na nagbibigay buhay rin sa isang pangungusap.

Uri ng Pandiwa

Ang pandiwa ay may dalawang uri; ang Palipat at Katawanin.


1. Palipat

Ang uri ng pandiwang ito ay nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap sa kilos


upang mabuo ang kaisipang nais nitong ipahayag. Ang tuwirang layon ay karaniwang
kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng “ng”, “ng mga”, “sa”, “sa mga”, “kay”, o
“kina”.

Halimbawa:

 Nagsabit ng parol sa harap ng kanyang bahay si Ginang Chavez.


 Bumili ng gulay kay Aling Ising si Ana.
 Si Mang Berto ay lumilok ng palayok.
 Sinuotan ng damit ni Bea ang kanyang manika.
 Nagpadala ng mga pagkain sa mga raliyista ang ina ni Toto.
 Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Ginoong Bautista.
 Nagsampay ng damit si Clara.
 Nagpadala ng bigas at de lata ang Pangulo para sa mga nasalanta ng bagyo.
 Papunta kina Mang Victor ang nangongolekta ng buwis.
 Si Sheena ay magaling sumayaw ng hip hop.
2. Katawanin

Hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap ng kilos dahil ito ay ganap
o buo na ang diwang ipinahahayag at nakatatayo na itong mag- isa.

Halimbawa:

 Nabuhay si Mary.
 Sina Elpie at Jhen ay ikinasal.
 Lumilindol!
 Natuwa ang magulang sa mataas na marka ng kanyang bunso.
 Kumakain sa plasa ang mga kabataan.
 Ang magkakapatid ay nagdarasal ng sabay-sabay.
 Binura ni Magda ang nakasulat sa pader.
 Si Alona ay aawit sa Tawag ng Tanghalan.
 Nagkukwentuhan ang mag-asawa sa loob ng bahay.
 Inaantok si Lea.
Mga Aspekto ng Pandiwa

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nangyari, nangyayari, o


ipagpapatuloy ang kilos. May limang (5) aspekto ito; ang Naganap o Perpektibo,
Pangkasalukuyan o Imperpektibo, Naganap na o Kontemplatibo, Tahasan, at Balintiyak.
1. Naganap o Perpektibo

Ito ay nagsasabi na natapos na ang sinimulang kilos. Kung minsan, ang panlaping
“nag” ay karaniwang idinirugtong sa unahan ng pandiwang ginagamit sa pangungusap.

Halimbawa:

 Nagpaalam si Itay bago siya umalis.


 Katatapos ko lang kumain ng bigalang dumating ang Tiyo Alberto.
 Nagpirito ng manok si Pam.
 Kahapon kinasal si Aljon at Ana.
 Nagluto si Hana ng umagahan bago pumasok sa paaralan.
 Nagtanong ang guro kung sinong may lapis.
 Dumating kahapon ang balikbayang si Eunice.
 Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
 Naghugas ng kamay si Rosa bago kumain.
 Naglinis ng bahay ang kasambahay ni Perla.
2. Pangkasalukuyan o Imperpektibo

Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Karaniwan


itong ginagamitan ng mga salitang “habang”, “kasalukuyan”, at “ngayon” o kaya naman
ay dinurugtungan ng panlaping “nag” ang unahan ng pandiwang ginamit sa
pangungusap.

Halimbawa:

 Sinamantala kong maglinis ng sasakyan habang malakas ang ulan.


 Naglalaba si Inday.
 Habang si Mama ay nagluluto, ako naman ay naghahanda na sa hapag.
 Naglilinis ng kuko si Nita.
 Iluluto ko ang pansit dahil kaarawan ngayon ni Inay.
 Ngayon ang kuhanan ng aming kard.
 Nagbabasa ng libro si Marie nang biglang dumating si Joshua.
 Araw-araw ay pumupunta ako sa bukid at nagbubungkal ng lupa.
 Nagmimisa ang pari ngunit ang ilan ay inaantok pa.
 Kasalukuyan akong nakikinig sa radyo.
3. Naganap na o Kontemplatibo

Ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa nasisimulan, naisasagawa o nangyari. Plano pa


lamang itong gawin o aspektong magaganap pa lamang. Ilan sa mga halimbawa ng
salitang ginagamit bago ang pandiwang ito ay ang “bukas”, “sa susunod”, “sa
makalawa”, “balang araw”, “pagdating ng panahon” at marami pang iba.
Halimbawa:

 Balang araw, uunlad din ako.


 Gusto kong pumunta sa Paris sa susunod na taon.
 Bukas ko na kakainin ang prutas na bigay mo.
 Pagdating ng panahon ay pakakasal ako sa’yo.
 Plano kong manirahan sa Amerika kung mabibigyan lamang ng pagkakataon.
 Sa makalawa na yata ang dating niya.
 Bukas luluhod ang mga tala.
 Sa susunod na araw ay simula na ng pasukan.
 Ayoko namang umalis bukas nang hindi ka kasama.
 Pupunta ako sa inyo kung hindi uulan.
4. Tahasan

Sa aspektong ito ang pandiwa ang gumaganap na simuno sa isang pangungusap.

Halimbawa:

 Sinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere.


 Nagluto si Badet ng kanilang tanghalian.
 Umawit si Sarah Geronimo kanina sa ASAP.
 Pumili si Nene ng damit para sa paligsahan.
 Pumunta si Inday sa palengke para bumili ng gulay.
 Namitas ng bulaklak si Amanda sa bakuran.
 Tumakbo ang bata ngunit hindi naman maabutan.
 Sumayaw ang kanilang grupo sa pyesta.
 Tumugtog siya ng gitara.
 Kumain sila sa karinderya.
5. Balintiyak

Ang aspektong ito ng pandiwa ay kasalungat ng sa tahasang aspekto. Ang simuno ay


hindi gumaganap ng kilos o galaw bagkus ang taga-ganap ng kilos ay ang nasa hulihan
ng pandiwa.

Halimbawa:

 Ang magandang balita sa telebisyon ay iniulat ni Mike Enriquez.


 Mabilis kong natapos ang trabaho ko.
 Ang pagtatayo ng gusali ay pinasinayahan ni Mayor.
 Masarap ang nilutong ulam ni Linda.
 Ibinato ni Baldo ang bola kay Jimbo.
 Sa bahay ni Kristel nag-praktis sumayaw si Elsa.
Iba pang mga Halimbawa ng Pandiwa

1. Tumakbo

Halimbawa: Nagpapaunahang tumakbo ang magkakabigan.


2. Kumain

Halimbawa: Kung alam ko lang na tapos na kayong kumain ay hindi na sana ako
sumunod pa.
3. Gagawa

Halimbawa: Bukas na ako gagawa ng takdang aralin.


4. Maglalakbay

Halimbawa: Kailan tayo maglalakbay sa bundok ng Sagada?


5. Iinom

Halimbawa: Iinom ako ng sariwang tubig sa bukal.


6. Pumunta

Halimbawa: Sa makalawa na tayo pumunta ng mall.


7. Kumanta

Halimbawa: Ayoko pa sanang kumanta ngunit mapilit ka.


8. Magkita

Halimbawa: Sa susunod na taon na tayo magkita.


9. Naglakad

Halimbawa: Naglakad pauwi si Carlo.


10. Mag-igib

Halimbawa: Doon tayo mag-igib ng tubig.

11. Isinusulat

Halimbawa: Isinusulat ni Bella ang kanyang pangalan sa papel.


12. Magtanim

Halimbawa: Ang magtanim ay hindi biro.


13. Maligo

Halimbawa: Masarap sanang maligo sa ilog kaya lang ay naulan.


14. Pumunta

Halimbawa: Sa ibang araw na lang tayo pumunta kina Alvin.


15. Gawin

Halimbawa: Ngayon mo na gawin ang takdang aralin.


16. Nagluluto

Halimbawa: Nagluluto ng masarap na ulam si Nanay.


17. Magsimba

Halimbawa: Tayo na’t magsimba sa Antipolo.


18. Nag-aaral

Halimbawa: Nag-aaral ng mabuti si Pilo upang makapasa siya sa pagsusulit.


19. Maabot

Halimbawa: Maabot ko rin ang aking pangarap.


20. Sumayaw

Halimbawa: Sumayaw ng walang humpay ang kasama ni Anjie.


21. Naglalakad, makasalubong

Halimbawa: Naglalakad ako ng makasalubong si Pedro.


22. Humingi

Halimbawa: Humingi ako ng baon kay Tatay.


23. Kumakanta, sumasayaw

Halimbawa: Kumakanta siya habang sumasayaw.


24. Inagaw

Halimbawa: Inagaw ni Nathali and kendi ni Lily.


25. Umarte

Halimbawa: Si Diego ay magaling umarte.


26. Umiyak

Halimbawa: Malakas palang umiyak si Silvia.


27. Titigil

Halimbawa: Kung di ka pa natauhan ay di ka pa titigil sa iyong kahibangan.


28. Maglakad

Halimbawa: Bakit ba ang bilis mong maglakad?


29. Naghihintay

Halimbawa: Naghihintay na sa atin si Nancy.


30. Magbibigay

Halimbawa: Bukas pa magbibigay ng bigas si kapitan.


PANG-UKOL
- bahagi ng pananalita na ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak: sa, sa
ilalim, patungo sa, bago
- o pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap: ng, para sa
- morpema na nauuna sa mga pangkat na salitang pangngalan at panghalip na
nagdudulot ng kaganapan at pagbabago sa parirala
- kapag ginagamit sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng
paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pa
HALiMBAWA:
1. Ng — nagbigay ng ugnayan sa pagitan ng isang bahagi at ng isang kabuuan.
"Ang pangulo "ng" Pilipinas"

2. Sa — inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay.


"Pusa sa mesa"

3. Ni/nina — nagmamarka ng pagmamay-ari o nagmamarka ng pansariling pangalan.


"Bahay ni lola", "Napulot nina Gaston at Lefou"

4. Ayon sa — ginagamit upang iukol ang mga pananalitang tinuran ng isang may
kapangyarihan o isang sanggunian.
"Ayon sa datos ng United Nation'

5. Para sa — ginagamit upang ipahiwatig ang gamit ng isang bagay.


"Regalo para sa guro"
Ang Pangatnig ay salitang nag-uugnay ng dalawang ideya o salita sa isang
pangungusap. Maaring sa magkapareho o magkatimbang na yunit o sa hindi
magkatimbang na yunit. (Hal. o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi, ngunit, subalit,
datapwat, bagamat, pero, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, sana)

Mga Halimbawang Pangungusap may kinalaman sa Pangatnig:


1)Mamimili siya ng mga tinapay "at" keso. (Magkatimbang na Yunit)
2)Hindi ko ito magagwa "kung" hindi "dahil" sa iyo. (Di-magkatimbang na Yunit)
3)Pumili ka ng isa, Pula "o" Asul? (Magkatimbang na Yunit)
4)Inutusan siya "ngunit" hindi niya sinunod. (Di-magkatimbang na Yunit)
5)Ang damit ay makukuha "ni" Maria.
Mga uri ng tayutay at mga halimbawa nito

A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING

1. Simili o Pagtutulad (Simile) – nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang


bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para, parang,
para ng, anaki’y, animo, kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga
kauring kataga.
Halimbawa: Tila porselana ang kutis ng magkapatid na Velasquez.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na


ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga
pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Hindi na rin ito
ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.
Halimbawa: Siya ang nagsisisilbing bangaw sa ating lipunan.

3. Alusyon - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya


at iba pang aspekto ng buhay ng tao.
Halimbawa:
Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang isang salita o grupo ng mga salita


ay pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais
ipahayag.
Halimbawa: Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.

5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto kaisipan, upang sakupin o


tukuyin ang kabuuan.
Halimbawa:
1. Si Andres Bonifacio ay nagbuwis ng buhay para sa bayan.
B. PAGLALARAWAN
1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi
ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba
pang katangian, kalagayan o katayuan. Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon
Halimbawa: Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang
makamtan.

2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para


bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at
kaharap gayong wala naman.
Halimbawa: O tukso! Layuan mo ako!

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) – isang paglalabas o papahayag ng


matinding damdamin
Halimbawa: Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!

4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o


pangyayari.
Halimbawa: Malayo ma’y malapit pa rin.

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang


nagsasalungatan upang lalong mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Halimbawa: Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo.

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN
1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito upang bigyang-
buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na
walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng
pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
Halimbawa: Hinalikan ako ng malamig na hangin.
D. PAGSASATUNOG
1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga salitang
kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa: Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin,
ay bulong ng kalikasan.

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang patinig o katinig


ng mga kakalapit na mga salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas
ng tula.
Halimbawa: Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang masayang-
masaya.

3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang
aspekto ng akda.
Halimbawa: Ito nga! Ito nga! Itong-ito nga.
Idyoma
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ayhindi
komposisyunal sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahuluganang mga kanya-
kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigaykahulugan at pagpapakita ng
kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Halimbawa
1. butas ang bulsa - walang pera - Palagi na lang butas ang bulsa mo dahilpalagi kang
nagsusugal.
2. ilaw ng tahanan - ina - Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sapagluluto.
3. alog na ang baba - matanda na - Kayo ay alog na ang baba paramagbuhat ng
mabigat.
4. alimuom - baho - Ang alimuom naman po ninyo.
5. bahag ang buntot - duwag - Bakit ba bahag ang buntot mo?
6. ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) - tandaan - Ikurus mo na sanoo mo,
akong bahala sa iyo.
7. bukas ang palad - matulungin -Napakabukas-palad mo.
8. kapilas ng buhay - asawa - Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.
9. nagbibilang ng poste - walang trabaho - Bakit ba siya nagbibilang ngposte?
10. basag ang pula - luko-luko- Napaka basag ng pula mo.
11. ibaon sa hukay - kalimutan - Huwag mo akong ibaon sa hukay.
12. taingang kawali - nagbibingi-bingihan
13. buwayang lubog - taksil sa kapwa
14. pagpaging alimasag - walang laman
15. tagong bayawak - madaling makita sa pangungubli
16. pantay na ang mga paa - patay na
17. mapurol ang utak - mahina sa larangan ng pag-iisip o mabagal mag-isip
18. maitim ang budhi – tuso
19. balat-sibuyas - mabilis masaktan
20. pusong bakal - di marunong magpatawad
21. putok sa buho - anak sa labas
22. may bulsa sa balat – kuripot
23. balat-kalabaw – matigas
*'Kapag may tyaga, may nilaga' ay
nangangahulugang na ang kasipagan, pagtitiis at pagtitiyaga ay may ginhawang
kapalit.

*'Kung may itinanim, may aanihin' ay


nangangahulugang kapag sa oras na nangailangan
ang isang tao ay di mahihirapan sa paghahagilap dahil siniguradong may
ipon at imbak.

*'Daig ng masipag ang matalino' ay


nangangahulugang kahit pataas ang pinagaralan kung hindi ka gumawa ng paraan
para magamit ito ay wala ring pakinabang.

*' Pagkahabahaba man ng prusisyon,


sa simbahan parin ang tuloy.' ay nangangahulugang kung ipinagtadhana ang
dalawang tao ay sila parin ang magkakatuluyan kahit matagalan.

*'Kapag maikli ang kumot, matutong


mamaluktot' ay nangangahulugang sa oras ng kasalatan at kagipitan ay marapat na
magtipid at maghinayhinay sa paggastos.

*'Ang taong gipit, sa patalim


kumakapit' ito ay tumutukoy sa mga taong mahihina ang loob na sa oras ng
kagipitan ay ang tanging pagpipilian ay amg paggawa ng kriminalidad magkapera
lamang.

*'Kapag binato ka ng bato, batuhin


mo ng tinapay' ay nangangahulugang sa kabila ng hindi magandang ginawa ng
kapwa ay kabaitan
parin dapat ang isukli at hindi nararapat ang pagganti.

*'Ang pili nang pili, natatama sa


bungi' sa usaping pag-ibig kapag mapaghanap ng perpektong kabiyak ay lalong
napupunta sa hindi inaasahan at sa taong wala ang nais na katangian.

*'Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang


gawa'. ay nangangahulugang lahat ng dinarasal sa Poong Maykapal ay hindi agad
nangyayari, kailangang kumilos upang matupad.

*'Kung hindi ukol ay di bubukol'


ay nangangahulugang kung hindi tala para sa iyo ang isang bagay ay hindi
magbubunga.
SALAWIKAIN (PROVERB)

Ang mga salawikain ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at kultura ng mga
Pilipino.

Ito ay maaari ring tawaging mga pilosopiya sa Pilipinas o mga katutubong karunungan.

Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas kaaya-ayang pakinggan.


Halimbawa:

1. Kung ano ang puno siya ang bunga.


(Kung saan nanggaling - magulang, lipunan, o kinalakihan - ay sasalamin sa ugali ng
tao.)
2. Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
(Kung kakaunti ang pinagkukunang yaman, matutong magtipid)

3. Ang taong gipit sa patalim kumakapit.


(Gumagawa ang tao ng hindi niya gusto para lamang kumita.)

4. Kung anong itinanim, siyang aanihin.


(Ang mga ginagawa, mabuti man o masama, ay may kaukulang resulta.)

5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.(Hindi sapat ang panalangin lang dahil
dapat ay kumikilos o isinasabuhay rin ang pananampalataya.)
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kasabihan at ang kahulugan nito:

- Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit


------- Lahat ay gagawin ng taong nangangailangan ng pera kahit masama, nakakasakit
man sa iba o labag sa kanyang mga paniniwala.

-Kahit saang gubat ay maroong ahas


---------- Bawat sulok o lugar ay mayroong mga traydor, mga tipong mabubuti sa harapn
ngunit sinasaksak ka sa likuran

-Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin


---------- Kung gumawa ka ng kabutihan ay gagawan ka rin ng kabutihan ng iyong kapwa
ganundin kapag masama ang iyong ginawa sa kapwa.

-Kung ano ang puno siya rin ang bunga


______ Kadalasan itong tumutukoy sa mga mag-ama o mag-ina, kung ano raw uri ng
tao ang tatay o nanay ay ganoon din ang kanilang maging anak.

-Kung hindi ukol, hindi bubukol


---------- Kung hindi para ang isang tao o bagay kahit anong gawin mo ay hindi ito
mapupunta sa iyo.

-Magkulang ka na sa iyong mga magulang huwag lang sa inyong biyenan


---------- Sinasabing mas mapagpatawad ang mga magulang sa mga anak kaya
magkamali ka na sa magulang wag lang sa biyenan sapagkat mas mahigpit pa ang
mga biyenan kaysa magulang

- May tainga ang lupa may pakpak ang balita


---------- Mag-ingat sa lahat ng bibitawang salita dahil maraming mga nakikinig at
nagbabalita ng tsismis sa kung saan saan lang.
-Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa
--------- Basta't magsisikap ka lang at maging matiyaga siguradong pagpapalain ka ng
Diyos sa lahat ng iyong ginagawa

-Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ng tuloy


-------Kahit anong unos pa ang danasin ng mga magkasintahan kapag itutulot ng Diyos ,
sa kasalan din mauuwi ang matagal na samahan

-Kung sino pa ang pumutak, siya ang nanganak


------Kadalasann kung sino pa itong maingay at maraming sinasabi, sila pa itong mali at
dapat pagsabihan.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/130192#readmore

You might also like