LATORRE 3C1 OBRA MAESTRANG TULA (MAY SUKAT AT TUGMA)
Nang kayo’y dumating, buhay ko’y nagbago
Higit na makulay kapag nar’yan kayo Higit na nahubog aking pagkatao Kayo’y kaibigang walang kapareho.
Mga kaibiga’y tila ‘sang kapatid
Sila’y karamay ko t’wing may dinidibdib Kapag lumuluha kayo ang kalapit Lumayo man ako kayo’y nakamasid.
Kayo ay bahagi nitong aking mundo
Kayo ay may puwang dito sa puso ko ‘Di ko makakaya kung lalayo kayo ‘Pagkat nasanay nang kasama ko’y kayo.
Tayo’y punong-puno ng kaligayahan
Pagsasama nati’y ‘di mapapantayan Karamay ko kayo sa kahit na saan Ating alaala’y ating kayamanan.
Estado sa buhay ay walang anuman
Bawat isa sa’tin, may pagkakilanlan Bawat isa sa’tin, may pagtutulungan Abot hanggang langit tamis ng samahan. RICA U. ALQUISOLA BB. JONAH M. LATORRE 3C1 TULANG PASALAYSAY
Mula pagkabata ika’y laging kasama,
Saan ka man magpunta’y lagi mo akong akay. Higit pa sa sarili mong anak kung ako’y iyong ituring. Panatag ang loob kong kailanmay hindi mo ako bibitawan. Nagdaan ang maraming taon at ako’y Kapiling mo pa rin hanggang ngayon, Subalit hindi ka na katulad ng dati na Maliksi, malakas at nakapaglalayas. Tila niyayakap ka parati ngayon Ng iyong higaan at madalas ka lang Sa iyong tahanan. Hindi na tayo tulad ng dati na nakakagala Kung saan-saan bagkus tayo’y masaya Namang nagpapalitan ng magandang kwento Sa apat na sulok ng iyong tahanan. Malungkot mang isipin na darating ang Araw na ako’y iyong iiwan ngunit Asahan mong hinding-hindi rin kita Bibitawan. Ako’y iyong magiging tungkod Mahal kong LOLA. RICA U. ALQUISOLA BB. JONAH M. LATORRE 3C1 OBRA MAESTRANG TULA (MALAYANG TALUDTURAN)
Naghihinagpis ang lupang tigang na tigang
Himihiling sa langit na sila’y diligan O langit! Ika’y lumuha at pawiin Ang aming pagkauhaw. Kay tagal nang walang maani Ng mga taong naglulupa. Kay tagal nang dinaranas ang tagtuyot. Kay tagal nang nagbubungkal sa Tigang na lupa. Hindi inaasahan bagsik ng haring araw Kaya nama’y kayraming Nauhaw, nagutom at naghirap. Darating pa ba ang araw Na kami’y makakabangon? Darating pa ba ang luhang Inaasam-asam ng tigang na lupa. Darating pa ba? Darating pa nga ba? RICA U. ALQUISOLA BB. JONAH M. LATORRE 3C1
Sa pag-aaral namin ng asignaturang PANULAANG FILIPINO, marami akong
natutunan at natuklasan. Noong una, ang tula para sa aki’y walang halaga dahil siguro wala akong hilig magsulat at magbasa ng mga tula ngunit sa tulong ng aming mabait na guro’y pautay-utay kong nalaman ang kahalagahan ng tula sa buhay ko bilang magiging guro sa hinaharap. Nalaman kong maari rin pa lang maging daan ang tula na mailabas ang mga nalalaman at nararamdaman ko. Maari pa lang mas maging malikhain ang pagpapahayag ng mga ideya ko. Sa pautay-utay na proseso, unti-unti ring pumasok ang mga aral na dala ng asignaturang ito. Oo, tunay ngang mahirap para sa mga nagsisimula pa lang na katulad ko ang pagsulat ng tula subalit ‘pag nalampasan naman iyo’y makikita mo naman ang halaga ng ginagawa mo lalo na kung kasama mo sa pagkatuto ang iyong kamag-aaral na tumulong at walang sawang umintindi sa‘yo. Nalaman ko kung paano bumuo ng isang tula at humanap ng inspirasyon upang makabuo ng tula. Kailanma’y hindi ko inakala na makakalikha ako ng sarili kong obra, kaya labis na kagalakan at papuri sa aking sa sarili ang naramdaman ko kahit hindi gano’ng kaganda’y mahalaga ay ako ang gumawa. Masasabi kong naging kumpleto ang buong summer class ko dahil alam kong dadala-dalahin ko ang mga natutunan sa pagsulat ng tula hanggang sa aking pagtuturo sa hinaharap. Alam kong magagamit ko bilang isang instrumento ang mga natutuhan ko sa pagsulat ng tula sa marami pang bagay. Alam ko ring hindi pa sapat ang araw na iginugol ko sa pagkatuto ng pagsulat ng magandang tula pero ito naman ang naging punadasyon upang tumuklas pa at mag-aral pa ako ng mga ukol dito nang sa gano’y mapagyaman ko pa ang mga kaalaman ko.
Ang Karunungang Bayan Ay Isang Sangay NG Panitikan Kung Saan Nagigigng Daan Upang Maipahayag Ang Mga Kaisipan Na Nakapapabilang Sa Bawat Kultura NG Isang Tribo