You are on page 1of 54

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

NOT
9
Filipino
Unang Markahan - Modyul 3
Mga Akdang Pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya
(Tula)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan : Modyul 3 – Tula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral

Manunulat: Cherry M. Cinco, Virginia M. Manzo,


Ritchie D. Echor, Janet B. Agustino

Mga Editor: Edarline E. Quiapo, Elizabeth T. Galit


Leanvic P. Durano, Levi M. Coronel

Tagaguhit at Tagalayout: Irish S. Habagat

Mga Tagapamahala
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Shambaeh A. Abantas-Usman, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, Chief ES, CID


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Rustico Y. Jerusalem, EdD, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
9
Filipino
Unang Markahan - Modyul 3
Mga Akdang Pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya
(Tula)

Ang materyal sa pagtuturo na ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga piling guro, punong guro, Education Program Supervisor sa
Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan
City sa iligan.city@deped.gov.ph o sa telefax: (063)221-6069.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 2
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Aralin 1 ……………………………… 3
Subukin ……………………………… 3
Balikan ……………………………… 5
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 9
Isagawa ……………………………… 9
Tayahin ……………………………… 11
Aralin 2 ……………………………… 13
Subukin ……………………………… 13
Balikan ……………………………… 15
Tuklasin ……………………………… 16
Suriin ……………………………… 17
Pagyamanin ……………………………… 18
Isaisip ……………………………… 19
Isagawa ……………………………… 20
Tayahin ……………………………… 21
Aralin 3 ……………………………… 23
Subukin ……………………………… 23
Balikan ……………………………… 25
Tuklasin ……………………………… 26
Suriin ……………………………… 27
Pagyamanin ……………………………… 29
Isaisip ……………………………… 30
Isagawa ……………………………… 31
Tayahin ……………………………… 32
Aralin 4 ……………………………… 34
Subukin ……………………………… 34
Balikan ……………………………… 36
Tuklasin ……………………………… 36
Suriin ……………………………… 37
Pagyamanin ……………………………… 39
Isaisip ……………………………… 41
Isagawa ……………………………… 41
Tayahin ……………………………… 42

Susi ng Pagwawasto ……………………………… 45


Sanggunian ……………………………… 49

iv
Modyul 3
Mga Akdang Pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya (Tula)
Pangkalahatang Ideya
Sinasabing ang mga bansang Asyano ay mayayaman sa mga akdang pampanitikan. Sa
modyul na ito ay ating matutunghayan ang aralin tungkol dito.
Kung ating babalikan, ano nga ba ang panitikan?
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao. Ito ay maaaring nasa anyong tuluyan o prosa.
Mayroong iba’t ibang uri ang panitikan. At ang maikling kuwento ang unang genre o anyo
ng panitikan na susuriin sa araling ito.
Ang araling tatalakayin sa modyul na ito ay lilinang sa kakayahan ng mga mag- aaral na
sumuri ng mga pangyayari batay sa kanilang nauunawaan mula sa napakinggang akda. Nang sa
ganoon, ang mga ito ay maiugnay sa kasalukuyang nagaganap sa lipunang Asyano.
Nilalayon ng modyul na ito na ang mga mag-aaral ay nakapagpamalas ng malawak na
kaalaman sa pagsuri hindi lamang ng mga akdang pamapanitikan kung hindi pati na rin sa mga
mahahalagang bagay na kanilang napakinggan na maaari nilang kapupulutan ng aral lalo na sa
pag-uugnay nito sa mga pangyayari sa lipunang kinabibilangan.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may apat (4) na aralin:
Aralin 1 - Pag-uugnay ng Sariling Damdamin sa Napakinggang Tula
Aralin 2 - Paglalahad ng Sariling Pananaw mula sa mga Tulang Asyano
Aralin 3 - Pagtukoy sa Magkakasingkahulugang Pahayag
Aralin 4 - Pagpapahalaga sa Rehiyong Asya

Alamin

Ano ang inaasahan mo?

Sa katapusan ng araling ito, inaasahan ang sumusunod:

1. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang.


(F9PN -Ie -41)
2. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano.
(F9PB -Ie -41)
3. Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang
taludturan. (F9PT -Ie -41)
4. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng rehiyong Asya. (F9PU -Ie -43)

1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Makinig at unawaing mabuti ang mga pangyayari.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan
Balikan ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong
natutunan sa nagdaang aralin na may koneksiyon
sa tatalakaying bagong aralin.

Tuklasin Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan


ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Aralin Pag-uugnay ng Sariling Damdamin sa
1 Napakinggang Tula

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa patlang.
Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay,
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.

____1. Mula sa saknong sa itaas, ano ang nais ipahiwatig nito?


a. kawalan ng pag-asa c. kawalan ng hanapbuhay
b. kawalan ng minamahal d. kawalan ng pera
____2. Ito ay tumutukoy sa mga pagpapahayag ng iba’t ibang nararamdaman ng tao
batay sa kanyang reaksyon sa paligid o sa sinasabi ng kausap na maaaring
ikinagulat, ikinagalit, ikinatuwa at iba pang mga damdaming bunga ng
reaksyon.
a. salita b. damdamin c. kaisipan d. hinuha
____3. Marami sa ating mga kabataan sa kasalukuyan ang nawalan nang pag-asa
sa buhay, ano kaya ang posibleng mangyayari sa kanila?
a. Mapapariwara ang kanilang buhay
b. Sasama sa kanilang barkada
c. Malulong sa masamang bisyo
d. Maglalaro ng DOTA araw-araw
____4. Habang namamasyal kayo kasama ang iyong magulang may nakita kang
batang lansangan, ano kaya ang mararamdaman mo?
a. Masaya ka dahil nakakita ka ng batang lansangan
b. Magugulat ka sapagkat unang kita mo pa lang sa kanila
c. Maiinis ka dahil mabaho sila at punit-punit ang damit
d. Maawa ka sa kanilang kalagayan sa buhay
_____5. Sa pagkawala bigla ng magulang ng bata sa tula na pinamagatang Eliheya
para kay Ram, sa inyong palagay paano kaya tinanggap ng bata ang
pangyayari?
a. Maiinis sapagkat wala ng mag-aalaga sa kanilang magkakapatid
b. Malulungkot sapagkat hindi inaasahan ang biglaang pagkawala ng magulang
c. Magsisisi sapagkat hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin sa kanila
d. Masisiyahan sapagkat wala ng sasaway sa kanila

3
Basahin ang saknong, sagutin ang mga tanong mula sa bilang 6 hanggang 8

At ako’y tumuloy…… pinto ng mabuksan,


Mata’y napapikit sa aking namasdan
Apat na kandila ang nangagbabantay
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay
Mukhang nakangiti at nang aking hagkan
Para pang sinasabi “Irog ko,Paalam!.

____6. Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay, ano ang damdaming nakapaloob sa


taludtod
a. pagdadalamhati b. paghihinagpis c. pagsisisi d. pagkagalit
____7. Kung ikaw ang nasa katayuan ng taong tinutukoy sa saknong sa itaas, ano
ang iyong mararamdaman sa pangyayari?
a. maging maligaya dahil pumanaw na ang aking asawa
b. malulungkot dahil lumisan ang minamahal sa buhay
c.matatakot dahil ako nalang mag-isa sa mundo
d. magagalit dahil hindi nagpaalam sa akin na mamamatay na siya.
_____8. Suriin ang pahayag na” Mukhang nakangiti at nang aking hagkan, para
pang sinasabi “Irog ko, Paalam!”, ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
a. Ipinapahiwatig nito ang payapang pagpanaw niya sapagkat hindi na siya
naghihirap sa buhay
b. Ipinapahiwatig nito ang malungkot na pamamaalam ng taong nagmamahal
sapagkat may hinanakit siya sa lalake
c.Ipinapahiwatig nito ang masayang pagpanaw at huwag ng malungkot ang
kanyang mahal.
d.Ipinapahiwatig nito ang biglaang pagpanaw ng mahal niya sa buhay

Basahin ang saknong, sagutin ang mga tanong mula sa bilang 9 hanggang 12

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing” Magbalik ka agad”
Ang sagot ko’y” Oo, hindi magluluwat”
Nakangiti akong luha’y nalaglag….
At ako’y umalis, tinunton ang landas
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak.
____9. Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak, mula sa taludtod na ito, alin ang
nagpapahayag ng kalungkutan?
a.ako’y umalis c. tinunton ang landas
b.nabiyak ang puso d.naiwan ang kabiyak
____10. Kung ikaw ang maybahay, ano ang iyong mararamdaman kapag umalis
ang
iyong kabiyak upang magtrabaho sa malayong lugar?
a. Magiging masaya kasi wala ng magdidikta sa gagawin mo
b. Manghihinayang dahil magkakalayo kayo sa isa’t isa.
c. Magagalit dahil aalis siya ng bahay at matagal pang babalik
4
d. Maiingit dahil trabaho ang kanyang inuna kaysa sa akin

5
____11. Sa inyong palagay bakit maraming mga Pilipino ang pinipiling magtrabaho
sa malayong lugar o sa ibang bansa?
a. Mas maraming oportunidad at mas malaki ang ibinibigay na sahod.
b. Gusto nilang makita ang magagandang lugar sa ibang bansa.
c. Gusto nilang lumayo sa kanilang pamilya upang makatayo sa kanilang
sariling paa.
d. Mas maganda ang buhay sa ibang bansa.
____12. Paano mo maipadama ang iyong pagmamahal sa iyong kabiyak na
nagtatrabaho sa malayong lugar?
a. Tatawagan mo siya araw-araw at kukumustahin ang kanyang kalagayan
b. Tatawagan mo lang siya kung may kailangan kang pera
c. Hahayaan mo na lang na siya ang tatawag sayo dahil marami kang
ginagawa
d. Tatawagan mo lang kung kailan mo gusto
_____13. Ang pagmamahalan ng mag-asawa ay nasusukat sa pamamagitan ng
a. kayamanan b. materyal na bagay c. pagtitiwala d. pagkakaisa
_____14. Sa taludtod na “ At ako’y lumakad, halos lakad takbo”, ano ang
ipinapahiwatig sa saknong na ito?
a. pagkainis b. pakayamot c. pagkagalit d. pananabik
_____15. Ano kaya sa palagay ninyo ang mangyayari sa lalaki matapos nailibing
ang kanyang asawa?
a. Maaalala niya ang masayang pagsasama
b. Magpapakatatag siya at harapin ang bagong buhay
c. Magkukulong sa loob ng kwarto at iiyak habang buhay
d. Magpapakasaya kasama ang mga kaibigan

BALIKAN

Alam ko marami kayong natutunan sa inyong napag-aral tungkol sa paggamit ng


pahayag na ginagamit sa pagbibigay opinyon, susubukan natin kung naalala pa ba
ninyo ang napag-aralan noong nakaraang aralin. Ilahad ang iyong opinyon mula sa
mga gabay na tanong na nasa ibaba, gamitin ang mga pahayag na ginagamit sa
pagpapahayag sa pagbibigay opinyon. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

Gabay na Tanong:
1. Paano natin malalabanan ang paglaganap ng Coronavirus sa ating lugar?
2. Ano kaya ang nararamdaman ng mga health care frontliners habang
naglilingkod sa bayan sa panahon ng pandemya?

6
TUKLASIN

Gawain 1: Emosyon Mo…. Ipahayag Mo


Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga damdaming isinasaad sa bawat
sitwasyong/pangyayaring ibinigay. Isulat sa loob ng kahon na
inilaan para sa iyong kasagutan.

pagkainis pagkagalit pagkalungkot

Sitwasyon/Pangyayari Emosyon o
Damdamin
1.Nanalo ng isang milyon sa lotto ang matanda.

2.Pinalo ng sinturon ang isang buwang gulang na sanggol.


3.Nakita niyang nasagasaan ng sasakyan ang kanyang ina
sa kalsada.
4.Hindi niya sinagot ang kanyang manliligaw na mahal
niya at nakita niya itong may nililigawan ng iba.

Gawain 2: Ang Nararamdaman Ko


Panuto: Isulat ang pangalan ng taong pinakamahalaga sa buhay mo sa ngayon. Ano ang
nararamdaman mo habang isinulat mo ang pangalan niya? Iguhit mo ang iyong
nararamdaman sa hugis puso gamit ang mga emoji.

Taong Mahalaga Nararamdaman

SURIIN

Alam Mo Ba
Ang damdamin ay tumutukoy sa mga pagpapahayag ng iba’t ibang nararamdaman ng
tao batay sa kanyang reaksyon sa paligid o sa sinasabi ng kausap na maaaring
ikinagulat, ikinagalit, ikinatuwa at iba pang mga damdaming bunga ng reaksyon.

Gawain 3: Paglinang sa Talasalitaan


Panuto: Upang higit mong maunawaan ang tula. Bigyang kahulugan ang ilang mga salitang
ginagamit ng may akda. Ayusin ang ginulong titik sa loob ng kahon upang mabuo ang
kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pahayag. Isulat sa patlang ang tamang
sagot.

_______1. Mamatay ako, siya’ynalulumbay


7
_______2. Ako’y umalis, tinuntunang landas
_______3. Ginapas ko na’t sa irog dadalhin
_______4. Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas

Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawain ang isang uri ng tula na pinamagatang
. Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus.

Ang Pagbabalik
ni Jose Corazon de Jesus

Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,


Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing,” Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag……
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,


At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain,
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,


Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila, ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko,” Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”

Nang kinabukasan magawak ang dilim


Araw’y namimintanang mata’y nagniningning
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.

At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,


Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak………
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!
8
At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao……….
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako”.

At ako’y tumulo…. pinto ng mabuksan,


Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukhang nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinasabi” Irog ko, paalam!”

Gawain 4: Pag-unawa sa Tulang Binasa


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan hinggil sa binasang tula.
1.Ano ang pinapaksa ng tula?
__________________________________________________________________
2. Bakit umalis ang lalaki gayong nasasaktan ang kanyang irog?
__________________________________________________________________
3. Paano isinasalaysay ng may-akda ang kanyang pagbabalik?
___________________________________________________________________
4. Kung susuriin ang taludtod sa tula na may salungguhit, anong damdamin ang
naramdaman ng lalaki habang papalapit siya sa kanilang bahay?
___________________________________________________________________
5. Nakaranas ka na bang mawalan ng mahal sa buhay? Paano mo ilarawan ang
iyong nararamdaman?
___________________________________________________________________
6. Bakit kailangan nating maglaan ng oras at panahon para sa ating mga mahal sa
buhay sa kabila ng maraming gawain at responsibilidad na nakaatang sa atin?
______________________________________________________________
7.Sa kasalukuyang panahon kanino mo maiuugnay ang mga pangyayari at
damdaming namamayani sa tula? Bakit?

PAGYAMANIN

Gawain 5: Pusuan Mo

Panuto: Isulat sa hugis puso ang kabuuang damdaming nangingibabaw sa tulang


binasa na pinamagatang “Ang Pagbabalik”.

9
Damdamin

Ang Pagbabalik

ISAISIP

Gawain 6: Iguguhit Ko
Panuto: Mula sa piling taludtod sa tula, piliin at ibigay ang angkop na damdamin,
iguhit sa patlang ang ginamit na emoji na nasa loob kahon.

_______1. Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;


_______2. “Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko, “Nalalaman nila na darating ako”.
_______3. At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
_______4. At ako’y umalis, tinunton ang landas, Nabiyak ang puso’t naiwan ang
kabiyak

ISAGAWA

Gawain 7: Isusulat Ko, Tula Ko

Panuto: Pumili ng isang paksa mula sa loob ng kahon. Bumuo ng tula na may
dalawang saknong at may tig-aapat na taludtod sa paksang napili na maaring
iuugnay sa sarili mong damdamin.

10
Pag-ibig sa Pamilya Edukasyon Ngayon
Pagkabigo Kalusugan
Kaibigan Kalagayan o Estado ng Bansa

Rubric sa Pagsulat ng Tula


Pamantayan 10-8 7-5 4-1
Sukat at Tugma Nasunod ang sukat May ilang sukat na Hindi pare-pareho ang
na ibinigay at may hindi sinunod at walang sukat at walang
tugmaan sa bawat tugmaan ang ibang tugmaang ginagamit
taludtod. saknong. sa tula.
Diwa Napakaayos ng Organisado ang Hindi nakatugon sa
pagkakahanay ng damdaming ginagamit paksa ng aralin ang
mga damdaming ngunit mababaw ang nagawang tula.
talagang angkop sa diwa.
paksa.
Talinghaga Lubusang gumamit ng Ilan lamang ang Walang nagamit na
mga talinghaga sa gingamit na talinghaga talinghaga sa tula.
pagsulat ng tula. sa tula.

Buod:
Sa kabuuan ng modyul na ito ay naglalayong magampanan nang buong
husay at mapalawak ang iyong kaalaman sa pag-unawa na naiuugnay ang sariling
damdamin sa damdaming inihahayag sa napakinggan/nabasang tula.
Upang maisasakatuparan ang layunin sa modyul, natutunghayan ang iba’t-ibang
gawain o kasanayang ibinahagi upang higit na mapalawak ang pag-unawa mo ng
mga kaalamang tinatalakay. Ginawang magkakaugnay ang mga gawain at
estratehiyang ginamit upang mas mapapaunlad mo pa ang mga paraan ng pag-
unawa sa akdang binasa at sa gagawing na pagsulat ng tula.
May kalakip na rubrik o pamantayan sa pagmamarka upang magiging gabay mo
sa isasagawang tula upang mahihikayat at matuto kang paunlarin ang iyong
kakayahan sa pagsulat ng tula.
Mula sa aming mga guro, inaasahan na maraming kaalaman na ang naiimbak
mula sa modyul na ito kaya’t muling maghanda sa susunod pang aralin na
tatalakayin.
11
TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin mo ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa patlang.
Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay,
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
_____1. Mula sa saknong sa itaas, ano ang nais ipahiwatig nito?
a. kawalan ng pag-asa c. kawalan ng hanapbuhay
b. kawalan ng minamahal d. kawalan ng pera
____2. Ito ay tumutukoy sa mga pagpapahayag ng iba’t ibang nararamdaman ng tao batay
sa kanyang reaksyon sa paligid o sa sinasabi ng kausap na maaaring ikinagulat,
ikinagalit, ikinatuwa at iba pang mga damdaming bunga ng reaksyon.
a. salita b. damdamin c. kaisipan d. Hinuha
____3. Marami sa ating mga kabataan sa kasalukuyan ang nawalan na ng pag-asa
sa buhay, ano kaya ang posibleng mangyayari sa kanila?
a. Mapapariwara ang kanilang buhay
b. Sasama sa kailang barkada
c. Malulong sa masamang bisyo
d. Maglalaro ng DOTA araw-araw
____4. Habang namamasyal kayo kasama ang iyong magulang may nakita kang batang
lansangan, ano kaya ang mararamdaman mo?
a. Masaya ka dahil nakakita ka ng batang lansangan
b. Magugulat ka sapagkat unang kita mo pa lang sa kanila
c. Maiinis ka dahil mabaho sila at punit-punit ang damit
d. Maaawa ka sa kanilang kalagayan sa buhay
_____5. Sa pagkawala bigla ng magulang ng bata sa tula na pinamagatang Eliheya
para kay Ram, sa inyong palagay paano kaya matanggap ng bata ang pangyayari?
a. Maiinis sapagkat wala ng mag-aalaga sa kanilang magkakapatid
b. Malulungkot sapagkat hindi inaasahan ang biglaang pagkawala ng magulang
c. Magsisisi sapagkat hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin sa kanila
d. Masisiyahan sapagkat wala ng sasaway sa kanila

Basahin ang saknong,sagutin ang mga tanong mula sa bilang 6 hanggang 8


At ako’y tumuloy…… pinto ng mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan
Apat na kandila ang nangagbabantay
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay
Mukha nakangiti at nang aking hagkan
Para pang sinasabi “Irog ko,Paalam!.

12
____6. Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay, ano ang damdaming nakapaloob sa taludtod
a. pagdadalamhati b. paghihinagpis c. pagsisisi d. pagkagalit

____7. Kung ikaw ang nasa katayuan ng taong tinutukoy sa saknong sa itaas, ano
ang iyong mararamdaman sa pangyayari?
a. maging maligaya dahil pumanaw na ang aking asawa
b. malulungkot dahil lumisan ang minamahal sa buhay
c. matatakot dahil ako nalang mag-isa sa mundo
d. magagalit dahil hindi nagpaalam sa akin na mamamatay na siya.
_____8. Suriin ang pahayag na” Mukhang nakangiti at nang aking hagkan, para
pang sinasabi “Irog ko, Paalam!.”, ano ang nais ipinahiwatig sa pahayag?
a. Ipinapahiwatig nito ang payapang pagpanaw niya sapagkat hindi na siya
naghihirap sa buhay
b. Ipinapahiwatig nito ang malungkot na pamamaalam ng taong nagmamahal
sapagkat may hinanakit siya sa lalake
c. Ipinapahiwatig nito ang masayang pagpanaw at huwag ng malungkot ang
kanyang mahal.
d. Ipinapahiwatig nito ang biglaang pagpanaw ng mahal niya sa buhay

Basahin ang saknong, sagutin ang mga tanong mula sa bilang 9 hanggang 12
Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas
Pasigaw ang sabing” Magbalik ka agad”
Ang sagot ko’y” Oo, hindi magluluwat”
Nakangiti akong luha’y nalaglag….
At ako’y umalis, tinunton ang landas
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak.

____9. Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak, mula sa taludtod na ito ,alin ang
nagpapahayag ng kalungkutan?
a. ako’y umalis c. tinunton ang landas
b. nabiyak ang puso d. naiwan ang kabiyak
____10. Kung ikaw ang may bahay, ano ang iyong mararamdaman kapag umalis
ang iyong kabiyak upang magtrabaho sa malayong lugar?
a. Magiging masaya kasi wala ng magdidikta sa gagawin mo
b. Manghihinayang dahil magkakalayo kayo sa isa’t isa.
c. Magagalit dahil aalis siya ng bahay at matagal pang babalik
d. Maiingit dahil trabaho ang kanyang inuna kaysa sa akin
____11. Sa inyong palagay bakit maraming mga Pilipino ang pinipiling magtrabaho
sa malayong lugar o sa ibang bansa?
a. Mas maraming oportunidad at mas malaki ang ibinibigay na sahod.
b. Gusto nilang makita ang magagandang lugar sa ibang bansa.
c. Gusto nilang lumayo sa kanilang pamilya upang makatayo sa kanilang
sariling paa.
d. Mas maganda ang buhay sa ibang bansa.
____12. Paano mo maipadama ang iyong pagmamahal sa iyong kabiyak na
nagtatrabaho sa malayong lugar?
_____13. Ang pagmamahalan ng mag-asawa ay masusukat sa pamamagitan ng.
a. kayamanan b. materyal na bagay c. pagtitiwala d. pagkakaisa

13
_____14. Sa taludtod na” At ako’y lumakad, halos lakad takbo”, ano ang
ipinapahiwatig sa saknong na ito?
a. pagkainis b. pakayamot c. paggalit d. pananabik
_____15. Ano kaya sa palagay mo ang mangyayari sa lalaki matapos nailibing ang
kanyang asawa?
a. Maalala niya ang masasayang pagsasama
b. Magpapakatatag siya at harapin ang bagong buhay
c. Magkukulong sa loob ng kwarto at iiyak habang buhay
d. Magpapakasaya kasama ang mga kaibigan

Aralin Paglalahad ng Sariling Pananaw mula


2 sa mga Tulang Asyano

SUBUKIN

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa aytem. Isulat ang titik o letra lamang ng
mapipiling sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga katutubo na may
katangi-tanging mga kaugalian, paniniwala at mga batas. Ano ang tawag sa
paraan ng pamumuhay ng bawat tao sa kani-kanilang mga pangkat?
a. kultura b. tradisyon c. nakasanayan d. gawain
2. Ano ang iyong mabubuong pananaw sa mensaheng nais ipaabot ng taludtod
na nasa ibaba?
Bukas, ang kulturang itinudla ng nakaran
at ineneregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan

a. Hindi magmaglalaho ang kultura


b. Maituturo ang kultura
c. Mapapanatili ang kultura at tuluyang gagamitin
d. Makakalimutan na ang kultura
_____3. Kung ikaw ang tatanungin, paano mo mapapanatili ang iyong
kinagisnang kultura?
a. Tuluyan na itong kalimutan
b. Ikakahiya mo ang iyong kultura
c. Gagamitin at ipagmalaki sa iba
d. Ikinuwento sa mga kaibigan
4.Batay sa tulang nasa ibaba alin sa mga pananaw ang naglalahad ng
kasaysayan?
Hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan
paghakbang na pinuhunan ng pawis, dugo, at luha.
Paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok, pangamba at panganib.”

a. Maraming mga namatay sa pakikibaka


b. Maraming mga pangyayari na nakakatakot
c. Maraming nangyari sa kasaysayan na napagtagumpayan
14
d. Maraming mga karanasan sa buhay
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng opinion?
a. Ang kultura ay isang paraan ng pamumuhay ng tao
b. Marahil ang kultura ay pwedeng matutunan at makakalimutan
c. Nabibilang sa kultura ang tradisyon, kaugalian at gawi
d. Ang kultura ay naipapamana sa bawat henerasyon
6. Ano ang mabubuo mong konklusyon sa mensaheng nais ipahatid ng taludtod
ng tula?
Bukas ang kulturang tinudla ng nakaraan at iniregalo ng kasalukuyan
ang bubuhayin ng kinabukasan at mananatiling repleksyon ng kabutihan.
a. Ang kabutihan ay hindi nawawala
b. Ang kulturang natutunan ay maisasalin pa sa susunod na henerasyon
c. Mananatiling repleksyon ang kabutihan ng kultura
d. Ireregalo ng kasalukuyan ang kultura sa kinabukasan
7. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng opinion mula sa mga
taludtod?
Anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon
a. Ang kultura ay pinayayabong nang hindi ibinabatay sa kasarian, edad o lahi.
b. Ang kultura ay pinayayabong nang may halong sigla at tuwa
c. Pwedeng ang kultura payabungin kahit anumang oras
d. Sa pagpapayabong ng kultura ay may kinakaharap na pagsubok at
paghamon
8.Sa mga taludtod na nasa bilang 7, ilarawan ang kahalagahan ng kultura?
a. Mas lalong pinayayabong ang kultura
b. Sa pagpapayabong ng kultura hindi basihan ang kulay, laki o kasarian
c. Ang kultura ay salamin ng isang bansa
9. Batay sa tulang “Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan” bumuo ng prediksyon sa maaring
mangyari sa mga kabataan.
a. Magiging responsible ang mga kabataan tungkol sa kultura
b. Maililipat at maituturo nila ang kulturang nalaman sa iba pang henerasyon
c. Makakalimutan nila ang kulturang natutunan
d. Ang kultura ang siya nagbubuklod para sa pagkakaisa ng bansa
10. Ano ang mabuo mong opinyon sa taludtod na
“Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,
Nang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan”,
a. Maaring mapahamak ka kapag mali ang landas na dadaanan mo
b. Magtatagumpay ang taong may landas na pupuntahan
c. Makakamit ng tao ang tagumpay kung gagawin niya nang tama
d. Tahakin ang landas kung saan mo gusto pumunta
___11. Anong pananaw ang iniwan ng may-akda sa kanyang mambabasa sa
taludtod na “Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggapin na ikaw’y tao
a. Ang persona sa tula ay may mabuting kalooban
b. Ang persona sa tula ay may mababang kalooban
c. Tanggap ang katotohanang siya ay walang magawa
d. Ang tao ay kailangan na maging mapagkumbaba

15
12. “Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili” Anong ang nais ipaabot
ng may akda sa pahayag na ito?
a. Ang pananaw na ang tao ay nabubuhay na walang pribilehiyo sa buhay
b. Ang pananaw na nakatakda ang lahat sa buhay ng tao
c. Sa buhay, may mga pagkakataon na kailangan mong tanggapin ang mga
pangyayayri na babago sa iyong buhay
d. Ang buhay ng tao ay sadyang mahirap
13. Ayon sa may-akda, ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay.
Anong pananaw ang iyong maiugnay sa kaisipang ito?
a. Ito ay naglalahad na malayo pa ang panahon ng kamatayan ng tao
b. Hintayin ng tao ang kanyang kamatayan
c. Mahaba pa ang paglakbay ng tao para sa kangyang pagyao.
d. Ang tao ay binibigyan ng sapat na panahon upang paghandaan ang kanyang
paglisan
d. Kultura ang nagpapabuklod sa isang bansa

14.-15. Palawakin ang pananaw o diwa ng tula sa pamamagitan ng pagbuo nito.


Piliin mula sa kahon sa ibaba ang akmang salita para sa iyong kasagutan.

Elihiya para kay Tatay

Ala-ala mo’y di makalimutan


Mga , at pagmamahal
Sa puso at isipan ko’y naikintal
Sana’y ikaw laging
Gabay sa aming pagtanda

Salitang Pagpipilian

wala pangaral
kasama bilin
kabutihan

BALIKAN

Ang pagpapahayag ng iyong sariling damdamin batay sa damdaming


nakapaloob sa tulang binasa ay nakatutulong sa iyo na mas maintindihan ang
damdaming nais ipaabot ng awtor ng tula. Bilang pagbabalik tanaw sa paksang
iyong napagdaan at natalakay sa nakaraang aralin sagutin ang Gawain 1 sa ibaba.

16
Gawain 1 Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang damdaming nangingibabaw mula sa
taludtod na nasa ibaba.

Apat na kandila ang nangagbabantay;


Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukhang nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinasabi” Irog ko, paalam

TUKLASIN

Handa ka na ba? Sa pagpasok ng bagong aralin na ito, tiyak na maaasahan


mong madagdagan na naman ang iyong kaalaman na magagamit mo sa pang-araw
araw na pamumuhay.

Gawain 2. Panuto: Sa larawang ipinakita, ilahad ang iyong sariling pananaw sa


puwang na inilaan sa ibaba ng larawan.

Alam Mo Ba?

Ang pananaw ay nangangahulugan ng opinyon ng isang tao tungkol sa isang


bagay, suliranin o pangyayari. Sa paglalahad ng iyong pananaw ay maaaring
gamitin ang mga sumusunod na ekspresyon tulad ng, sa aking sariling opinyon, sa
aking palagay, kung ako ang tatanungin o para sa akin. Ang pananaw ng bawat isa
ay nakadepende rin sa kulturang kanyang nakinagisnan.

17
Ang Kultura naman ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian
ng tao. Kabilang dito ang sining, wika, musika at panitikan. Kasama rin ang
paninirahan, pananamit, kaugalian, tradisyon, at mga mahahalagang moral ng isang
pangkat ng tao.

SURIIN

Gawain 3. Panuto: Basahin at unawain ang tulang pinamagatang “Kultura: Ang


Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan” ni Pat V.
Villafuerte. Pagkatapos basahin sagutin ang mga katanungan inilahad sa ibaba.
“Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan” ni Pat V. Villafuerte
NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,
isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
ang bawat paghakbang ay may mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.

hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan


paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,


binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
18
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at pinayaman ng makukulay na karanasan
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan


at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapansanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.
1. Ano ang paksa ng tula?
2. Sa iyong palagay, sino ang pangunahing tauhan sa tula?
3. Batay sa tulang binasa, paano inilarawan ang Kulturang Pilipino?
4. Sa iyong palagay, bakit kailangang pahalagahan ang ating kultura?
5. Magtala ng tatlong kulturang Pilipino na binanggit sa tula.

PAGYAMANIN

Gawain 4. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong: Isulat ito sa
kwaderno.
1. Ano ang pananaw na inilahad sa unang saknong?
___________________________________________________________
2. Ibigay ang pagbabagong naganap sa buhay ng pangunahing tauhan ayon
sa iyong sariling pananaw.
___________________________________________________________
3. Sa pangkalahatan, ano ang nais ipahatid ng may akda sa kanyang mga
mambabasa?
__________________________________________________________
4. Gamit ang cycle map ilahad ang kultura batay sa tatlong panahong
binanggit sa tula. Isulat ito sa kwaderno.

19
KULTURA

BUKAS NOON
NGAYON

ISAISIP

Ngayon ihanda ang sarili sa isa pang tula na iyong babasahin upang
makuhanan mo naman ng pananaw. Bigyang pansin ang bawat salita upang mas
maintindihan mo ang diwa.

Gawain 5. Panuto: Basahin ang bawat saknong na nasa ibaba mula sa bahagi ng
tula na pinamagatang “Elehiya para kay Ram” na isinulat ni Pat V. Villafuerte.
Pagkatapos mabasa sagutin ang mga katanungan

1. Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay


Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
2. Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikaw’y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
3. Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.
Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo

1. Ano ang pinapaksa ng tula at sino ang nagsasalita sa tula?


2. Anong damdamin ang nangingibabaw sa tulang binasa?
3. Sa iyong opinyon makatotohanan ba ang mga pangyayari na inilahad sa tula?
4. Sa iyong palagay bakit pinamagatang Elehiya para kay Ram ang tula?
5. Suriin ang mga taludtod sa tula na may salungguhit (Linya). Pagkatapos
isulat sa patlang na nasa ibaba ang iyong pananaw.

20
Pananaw 1
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Pananaw 2:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Pananaw 3:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

ISAGAWA

Gawain 6. Panuto: Batay sa tulang “Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng


Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan” at “ Elehiya para kay Ram” na isinulat
ni Pat V. Villafuerte, Ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang tulang
Asyano na iyong binasa gamit ang mga ekspresyong nagbibigay hudyat ng
pananaw.
20 15 10 5
Nangangailangan ng
Napakagaling Magaling Di-gaanong magaling
pagsasanay
Di-gaanong orihinal at Walang orihinlaidad at katangi-
Orihinal at natatangi ang Orihinal ang pamamaraan
natatangi ang pamamaraan tanging paraan ang ginamit sa
pamamaraan ng paglalahad ng ginawang paglalahad
ng paglalahad paglalahad
Naihayag at naipakita nang Naihayag nang wasto ang Naihayag at naipakita ang Hindi malinaw ang inihayag na
lubos ang sariling pananaw sa sariling pananaw sa sariling pananaw sa pananaw
ginawang paglalahad gamit ginawang paglalahad gamit ginawang paglalahad ngunit
ang mga ekspresyong ang mga ekspresyong may mga bahagi na nakalilito
nagpapahayag ng pananaw nagpapahayag ng pananaw
Napakaangkop ng Angkop ang isinagawang Di-gaanong konektado ang Hindi angkop
isinagawang paglalahad sa paglalahad sa tema isinagawang paglalahad sa
tema tema
Napakilinis at napakaayos ng Malinis at maayos ng Malinis ang isinagawang Hindi malinis at maayos
isinagawang paglalahad isinagawang paglalahad paglalahad ngunit may mga
bahagi na hindi maintindihan
at kulang sa kaayusan

“Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng


Kinabukasan” at Elehiya para kay Ram”

Pagkakatulad Pagkakaiba

21
Buod
Binigyang diin ng modyul na ito ang dalawang tula na kapwa isinulat ni Pat V.
Villafuerte. Ginawang lunsaran ang mga nasabing tula upang mailahad ang opinyon
o ang iyong pananaw sa mga akdang Asyano.
Ang dalawang tulang Asyano ay naglalahad ng mga totoong pangyayari sa
buhay. Ipinapakita rito na sa bawat pag-inog ng mundo kasama ang pagbabago.

Ang pananaw ay nangangahulugang opinyon ng isang tao tungkol sa isang


bagay, suliranin o pangyayari. Ang paglalahad ng iyong pananaw ay maaaring
gamitin ang mga sumusunod na ekspresyon tulad ng, sa aking sariling opinyon, sa
aking palagay, kung ako ang tatanungin o para sa akin. Ang pananaw ng bawat isa
ay nakabase rin sa kulturang kanyang kinagisnan.

Sinasabing karapatan ng bawat isa na maipahayag ang kanyang opinyon sa


mga bagay-bagay o pangyayari upang marinig din ang kanyang panig. Ngunit dapat
tandaan na sa pagpapahayag ng opinyon o pananaw dapat ito ay malinaw at may
pinagbabatayan.

TAYAHIN

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa aytem. Isulat ang titik o letra lamang ng
mapipiling sagot sa iyong kwaderno.

2. Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga katutubo na may
katangi-tanging mga kaugalian, paniniwala at mga batas. Ano ang tawag sa
paraan ng pamumuhay ng bawat tao sa kani-kanilang mga pangkat?
a. kultura b. tradisyon c. nakasanayan d. gawain
2. Ano ang iyong mabubuong pananaw sa mensaheng nais ipaabot ng taludtod
na nasa ibaba?
Bukas, ang kulturang itinudla ng nakaran
at ineneregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan

a. Hindi maglalaho ang kultura


b. Maituturo ang kultura
c. Mapapanatili ang kultura at tuluyang gagamitin
d. Makakalimutan na ang kultura
_____3. Kung ikaw ang tatanungin, paano mo mapapanatili ang iyong
kinagisnang kultura?
a. Tuluyan na itong kalimutan
b. Ikakahiya mo ang iyong kultura
c. Gagamitin at ipagmalaki sa iba
d. Ikinuwento sa mga kaibigan
4.Batay sa tulang nasa ibaba alin sa mga pananaw ang naglalahad ng
kasaysayan?

22
Hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan
paghakbang na pinuhunan ng pawis, dugo, at luha.
Paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok, pangamba at panganib.”

a. Maraming mga namatay sa pakikibaka


b. Maraming mga pangyayari na nakatatakot
c. Maraming nangyari sa kasaysayan na napagtagumpayan
d. Maraming mga karanasan sa buhay

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng opinyon?


a. Ang kultura ay isang paraan ng pamumuhay ng tao
b. Marahil ang kultura ay pwedeng matutunan at makakalimutan
c. Nabibilang sa kultura ang tradisyon, kaugalian at gawi
d. Ang kultura ay naipapamana sa bawat henerasyon
6. Ano ang mabubuo mong konklusyon sa mensaheng nais ipahatid ng taludtod ng
tula?

Bukas ang kulturang tinudla ng nakaraan at iniregalo ng kasalukuyan


ang bubuhayin ng kinabukasan at mananatiling repleksyon ng kabutihan.

a. Ang kabutihan ay hindi nawawala


b. Ang kulturang natutunan ay maisasalin pa sa susunod na henerasyon
c. Mananatiling repleksyon ang kabutihan ng kultura
d. Ireregalo ng kasalukuyan ang kultura sa kinabukasan
7. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng opinion mula sa mga taludtod?

Anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian


ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon

a. Ang kultura ay pinayayabong nang hindi ibinabatay sa kasarian, edad o lahi.


b. Ang kultura ay pinayayabong nang may halong sigla at tuwa
c. Pwedeng ang kultura payabungin kahit anumang oras
d. Sa pagpapayabong ng kultura ay may kinakaharap na pagsubok at paghamon
8.Sa mga taludtod na nasa bilang 7, ilarawan ang kahalagahan ng kultura?
a. Mas lalong pinayayabong ang kultura
b. Sa pagpapayabong ng kultura hindi basihan ang kulay, laki o kasarian
c. Ang kultura ay salamin ng isang bansa
9. Batay sa tulang “Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan” bumuo ng prediksyon sa maaring mangyari
sa mga kabataan.
a. Magiging responsible ang mga kabataan tungkol sa kultura
b. Maililipat at maituturo nila ang kulturang nalaman sa iba pang henerasyon
c. Makakalimutan nila ang kulturang natutunan
d. Ang kultura ang siya nagbubuklod para sa pagkakaisa ng bansa
11. Ano ang mabuo mong opinyon sa taludtod na
“Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,
Nang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan”,
a. Maaring mapahamak ka kapag mali ang landas na dadaanan mo
b. Magtatagumpay ang taong may landas na pupuntahan
c. Makakamit ng tao ang tagumpay kung gagawin niya nang tama
d. ahakin ang landas kung saan mo gusto pumunta
___11. Anong pananaw ang iniwan ng may-akda sa kanyang mambabasa sa
taludtod na “Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggapin na ikaw’y tao

23
a. Ang persona sa tula ay may mabuting kalooban
b. Ang persona sa tula ay may mababang kalooban
c. Tanggap ang katotohanang siya ay walang magawa
d. Ang tao ay kailangan na maging mapagkumbaba
12. “Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili” Anong ang nais ipaabot
ng may akda sa pahayag na ito?
a. Ang pananaw na ang tao ay nabubuhay na walang pribilehiyo sa buhay
b. Ang pananaw na nakatakda ang lahat sa buhay ng tao
c. Sa buhay, may mga pagkakataon na kailangan mong tanggapin ang mga
pangyayayri na babago sa iyong buhay
d. Ang buhay ng tao ay sadyang mahirap
13. Ayon sa may-akda, ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay.
Anong pananaw ang iyong maiugnay sa kaisipang ito?
a. Ito ay naglalahad na malayo pa ang panahon ng kamatayan ng tao
b. Hintayin ng tao ang kanyang kamatayan
c. Mahaba pa ang paglakbay ng tao para sa kangyang pagyao.
d. Ang tao ay binibigyan ng sapat na panahon upang paghandaan ang kanyang
paglisan
e. Kultura ang nagpapabuklod sa isang bansa

14.-15. Palawakin ang pananaw o diwa ng tula sa pamamagitan ng pagbuo nito.


Piliin mula sa kahon sa ibaba ang akmang salita para sa iyong kasagutan.

Elihiya para kay Tatay

Ala-ala mo’y di makalimutan


Mga , at pagmamahal
Sa puso at isipan ko’y naikintal
Sana’y ikaw laging
Gabay sa aming pagtanda

Salitang Pagpipilian

wala pangaral
kasama bilin
kabutihan

Aralin Pagtutukoy at Pagpapaliwanag ng mga


3 Magkasingkahulugang Pahayag

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na hinihingi sa bawat aytem at isulat ito
sa iyong kwaderno.
SUBUKIN

24
1. Ang mga salitang umiiyak, lumuluha, tumatangis ay pawang pare-pareho ang
ibig sabihin. Ang mga salitang ito ay tinatawag na ano?
a. magkasalungat c. matatalinghaga
b. magkasingkahulugan d. magkakaugnay
2. Naghihinagpis at naghihingalo ang buong pamilya sa pagpanaw ng Ina ng
tahanan. Ano ang damdaming nangingibabaw sa pangungusap batay sa mga
salitang nakahalang?
a. kagalakan c. katuwaan
b. kalumbayan d. karuwagan

Para sa blg. 3-4. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita na


nakadiin sa pangungusap.

3. Matibay ang kanyang paninindigan sa buhay.


a. malakas b. mahusay c. matatag d. mabuti
4. Ang mga anak ay handang magbuwis ng buhay para sa kanilang mga
magulang na nagbigay at nagbuhos ng pagmamahal para sa kanila.
a. naglahad b. naghandog c. nagsaboy d. nagtapon
Para sa blg. 5-8. Basahin at suriin ang saknong sa ibaba. Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan batay dito.
Hindi magkamayaw ang sigawan sa madla
Lahat ay nagnanais mapakinggan ang ngawa
Pagkat inaalala ang buhay na mawawala
Kung sakaling hindi maiparinig ang hinihinging awa.
Samantala ang lider na nasa kanyang lungga
Puro pangako sa kaawa-awang madla
Nasaan na nga ba ang sinumpaang gawa
Ngayo’y nagpapakasasa sa kanyang mamahaling kasa.
5. Sino-sino ang mga karakter sa tulang binasa?
a. guro at mag-aaral c. negosyante at manggagawa
b. magulang at anak d. pamahalaan at mamamayan
6. Ano ang larawang mababakas sa unang saknong ng tula batay sa mga salita
at pariralang ginamit dito?
a. nagkakaroon ng kasiyahan c. may burol
b. may nagaganap na rally d. nagpupulong ang mga tao
7. Sa ikalawang saknong, alin ang dalawang salita ang maaaring ituring na
magkasingkahulugan?
a. gawa at lungga c. pangako at sinumpaan
b. lungga at kasa d. b at c
8. Anong tono ang mababakas sa tula?
a. pagkaawa b. pagkutya c. pagmamalaki d. pagkainis
Para sa blg. 9-12. Piliin ang titik ng tamang sagot.
9. Sa pangungusap na Napakaraming bagyo ang dumating sa amin ngayong
2020, ano ang kasingkahulugan ng salitang bagyo?
a. biyaya b. unos c. sigwa d. problema
10. Tukuyin ang pinakaangkop na kasingkahulugan ng salitang marupok sa
pangungusap na Marupok ang dinding ng bahay namin.
a. mahina b. matamlay c. matatakutin d. madaling masira
11. Bakit mahalalagang malaman ang magkakasaingkahulugang mga salita sa
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan?
a. Mas madaling maintindihan ang nais mong ipahiwaig sa iba
b. Mas magiging madali ang komunikasyon sa pagitan ng bawat indibidwal
c. Mas naipaliliwanang nang higit pa ang mga nais iparating sa kausap
25
d. Lahat ng nabanggit

12. Ang mga sumusunod na mga salita ay magkakasingkahulugan maliban sa


isa. Alin dito?
a. dalisay, malinis, maputi c. pulubi, maralita, dukha
b. mabilis, makupal, mabagal d. kaunti, sala, kulang

Para sa blg. 13-15. Punan ng tamang pang-uri ang mga sumusunod na patlang
upang makompleto ang pangungusap. Piliin ang tamang kasingkahulugan ng
salitang nasa parirala.

13. Si Nanay ang pinakamahalagang (pamana) _____________ na inihandog sa


akin ng Diyos.
a. biyaya b. kayamanan c. bagay d. habilin
14. Hindi ko (mawari) ____________ kung ano ba ang dapat na aking
maramdaman habang pinakikinggan ang mga habilin ni Ina.
a. malaman b. masilayan c. makuha d. maintindihan
15. Ang mga anak ang siyang dapat na (mag-alaga) ____________ sa kanilang
mga magulang lalo na at ang mga ito ay tumatanda na.
a. magbantay b. mag-a c. tumingin d. magpabaya

BALIKAN

Gawain 1. Panuto. Maglahad o magbigay ng sariling opinyon o pananaw tungkol


sa nabasang tula mula sa natapos nang aralin sa pamamagitan ng pagsagot
sa ASSaKaPaBa pattern na mga katanungan sa kabilang pahina. Punan
lamang ang mga katanungan na kayang sagutan o may mailalahad na ideya.

PAHAYAG NG ESTUDYANTE

Ano?

Sino?

SAan?

KAilan?

PAano?

BAkit?

26
TUKLASIN

Handa ka na ba? Sa pagtahak sa bagong aralin na ito, tiyak na


maraming kaalaman ang iyong mahihinuha na makapagpapapukaw sa iyong
damdamin tungkol sa mga aral sa buhay.
Alin nga ba? Lahat tayo ay may mga kahilingang makapagpapasaya
sa atin na gusto nating mabigyan ng katuparan ng ating mga magulang. Kung
ikaw ay bibigyan ng pagkakataong humiling sa iyong mga magulang ng isang
kahilingan, ano ito? halimbawa: magandang buhay, magarang kotse,
mamahaling alahas, malawak na lupain, malaking halaga ng salapi at iba pa.
Ano ang iyong pipiliin at bakit?

Gawain 2.
Panuto. Gamit ang grapikong larawan sa ibaba, ilahad ang limang (5)
kahilingang gusto mong hilingin sa iyong magulang kung sakaling mabigyan
ka ng pagkakataon. Pagkatapos ay ilahad kung bakit ito ang mga nais mong
hingin sa kanila.
Mga Kahilingan
Ito ang aking mga gusto dahil
Ang gusto ko ay _____________________________
_____________________ _____________________________
_____________________
Ang gusto ko ay _____________________________
_____________________ _____________________________
_____________________
_____________________________
Ang gusto ko ay
_____________________ _____________________________
_____________________ _____________________________
Ang gusto ko ay _____________________________
_____________________
_____________________________
_____________________
_____________________________
Ang gusto ko ay
_____________________ _____________________________
_____________________

Gawain 3.

Panuto. Makikita sa ibaba ang isang IRF Sheet. Punan mo ang unang hanay ng
iyong sagot sa tanong na, Anong uri ng pamana ang pinakamagandang hilingin
sa iyong mga magulang? Pagkatapos masagutan ang unang kahon ay sagutan
ang pangalawa at pangatlong kahon.

27
Unang Tugon (Initial)

Pagbabago sa Tugon (Revised)

Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

Masasalamin sa iyong mga naging tugon sa dalawang sinundang gawain


ang iyong lubos na pinahahalagahan sa iyong buhay.
Ngayon, ating linangin ang iba pang saloobin na taglay mo na makaaapekto
sa pagpili ng mga bagay na iyong pahahalagahan sa pamamagitan ng susunod na
bahagi.

SURIIN

Basahin at unawain ang tulang “Ang Pamana” ni Jose Corazon de Jesus


na nasa ibaba. Habang nagbabasa ay ilista ang mga salita o parirala mula sa tula na
magkakapareho ang kahulugan. Isulat ito sa kuwaderno.

Ang Pamana
ni Jose Corazon de Jesus
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
28
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawa-awang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin


at huwag nang Makita pang ika’y nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

Gawain 4.
Panuto. Matapos mabasa ang tula, sagutin ang nakahandang katanungan sa
ibaba.

1. Sino ang persona at ang kanyang kinakausap sa tula?


______________________________________________________________

2. Ilarawan ang ina ng may-akda? Gamitin ang mga magkakasingkahulugang


salita na matatagpuan sa tulang binasa.
______________________________________________________________

3. Paano ipinakita ng anak ang kanyang pagpapahalaga sa kaniyang ina?


Tatanggapin mo ba ang pamana ng iyong ina habang nabubuhay pa siya?
______________________________________________________________

4. Anong mensahe ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa?


______________________________________________________________

5. Ano ang naging epekto sayo ng tula? At bakit?


______________________________________________________________

Gawain 5.
Panuto. Muling balikan ang IRF Sheet na sinagutan mo sa mga unang bahagi ng
modyul na ito. Alin sa mga naging kasagutan mo sa unang bahagi ang
nangangailangan ng pagbabago? Bakit kailangan mong palitan ang mga ito?
Punan mo ang ikalawang hanay ng iyong binagong sagot sa tanong na:

29
Anong uri ng pamana ang pinakamagandang hilingin sa iyong mga
magulang?

Unang Tugon (Initial)

Pagbabago sa Tugon (Revised)

Dahilan/Mga Dahilan:
Pinal na Tugon batay sa Natutuhan (Final)

PAGYAMANIN

Talakayin Mo
Gawain 6. Pansinin ang maikling tula sa ibaba. Basahin ito at unawain.
Pagkatapos ay punan ang talahanayan sa ibaba nito.
Masaya Doon sa Amin
Masaya sa amin, maligayang tunay
Doon ay tahimik, payapa ang buhay
Sagana sa yamang dagat, marami ang gulay
Ang lasa’y masasarap, lahat malinamnam.
Sa lungsod ay ayoko dahil lubhang maingay
Hindi tulad doon sa amin na payapang tunay
Marumi ang hangin na hindi dalisay
Di tulad doon sa amin na aking pinagmulan.
Magkasing-
Gamitin sa
kahulugang salita o Pagpapakahulugan
Pangungusap
parirala

Pagkatapos ng gawain ay tatalakayin ang kahalagahan at kabuluhan


ng pagsusuri at pagtalakay sa magkakaparehong salita na ginamit sa
anumang uri ng akdang pampanitikan partikular na ang tula.

30
ISAISIP

Gawain 7.
Panuto. Bumuo ng isang makabuluhang liham na naglalaman ng mga kahilingan mo
sa iyong mga magulang at kung gaano ito kahalaga para sayo. Gawing
masining at gumamit ng mga magkakasingkahulugang mga salita. Nasa ibaba
ang pamantayan sa paggawa upang maging gabay sa iyong gawain.
20 15 10 5
Napakahusay Mahusay Di-gaanong Mahusay Nangangailangan ng
Pagsasanay
Nagamit nang Nagamit nang mahusay Di-gaanong nagamit ang Hindi nagamit ang
napakahusay ang ang gramatika ng wikang gramatika ng wikang gramatika at walang
gramatika ng wikang Filipino partikular ang mga Filipino at kulang ang mga magkakasingkahulugang
Filipino partikular ang mga salitang salitang salita
salitang magkakasingkahulugan magkakasingkahulugan
magkakasingkahulugan.
Napakaayos at Maayos at angkop ang Di-gaanong maayos at Walang kaayusan at
napakaangkop ng nilalaman ng liham sa angkop ang nilalaman ng kaangkupan ang liham
nilalaman ng liham sa hinihinging paksa liham sa hinihinging paksa
hinihinging paksa

Napakasining at lubos Masining at nakapupukaw Di-gaanong masining at Napakasining at lubos


nakapupukaw ng ng damdamin ang kulang sa damdamin ang nakapupukaw ng
damdamin ang nilalaman nilalaman ng liham nilalaman ng liham damdamin ang nilalaman
ng liham ng liham
Naipakita nang lubos ang Naipakita nang may Di-gaanong naipakita ang Walang kalinisan at
kalinisan at pagkakaugnay- kawastuhan ang kalinisan kalinisan at may pagkakaugnay-ugnay ang
ugnay ng mga kaisipan at at pagkakaugnay-ugnay kakulangan sa mga kaisipan at bahagi ng
bahagi ng liham ng mga kaisipan at bahagi pagkakaugnay-ugnay ng liham
ng liham mga kaisipan at bahagi ng
liham

Liham

Gawain 8.

Gumawa ng maikling tula na may apat na saknong na may tig-aapat na taludtod.


Iugnay ang bubuuing tula sa liham na inialay mo sa iyong mga magulang. Tiyaking
ang tula may nakapaloob na mga salitang magkakasingkahulugan. Gawin itong
masining at lagyan ng sariling pamagat. Isulat ito sa iyong kwaderno. Sundin ang
krayteriya sa pagsusulat ng iyong tula.

31
Pamantayan sa Pagsulat ng Tula

Nangangailangan ng
Napakagaling Magaling Katamtaman
pagsasanay
20 15 `10 5
Napakamakahulugan ng Makahulugan ang kabuuan ng Bahagyang makabuluhan ang Mababaw at literal ang
kabuuan ng tula tula. kabuuan ng tula. kabuuan ng tula.

Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng 1-2 na Wala ni isang


simbolismo/pahiwatig na simbolismo/pahiwatig na simbolismo na nakalilito sa pagtatangkang ginawa
nakapagpapaisip sa mga bahagyang nakapagpapaisip mga mambabasa. Ang mga upang makagamit ng
mambabasa. Piling-pili sa mga mambabasa. May salita ay di gaanong pili. simbolismo.
ang mga salita at ilang mga salita at pariralang
pariralang ginamit. ginamit.
Gumamit ng napakahusay May mga sukat at tugma May pagtatangkang gumamit Walang sukat at tugma
at angkop na sukat at ngunit may bahagyang ng sukat at tugma ngunit halos kung may naisulat man.
tugma inkonsistensi. inconsistent lahat.
Napakahusay ang Mahusay ang pagkakagamit May pagtatangkang gumamit Walang ginamit na mga
pagkakagamit ng mga ng mga salitang ng mga salitang salitang
salitang magkakasingka-hulugan magkakasingkahulugan magkakasingkahulugan
magkakasingkahulugan

Pamagat ng Tula

Ibuod Mo
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng mga saknong, taludtod,
sukat, at tugma. Ito rin ay ginagamitan ng matatalinghaga at piling-piling mga salita
na nagmula sa pinakakaibuturan ng puso ng isang manunulat. Sinasabing ang tula
ay isang masining na anyo ng panitikan na ginagamit kadalasan kung gusto nating
ihayag ang nilalaman ng ating mga damdamin. Sa tulang “Ang Pamana” ni Jose
Corazon de Jesus, masasalamin ang tunay na pagpapahalaga ng isang anak sa
kanyang mga magulang lalo ang kanyang ina. Ipinakikita rito na walang alinmang
mana ang makapapantay sa presensya ng magulang.
Mahalaga rin ang kakayahan sa pagbubuo ng pangungusap na kung saan
kakikitaan ng dalawa o higit pang salita na magkakasingkahulugan. Sa pagsulat ng
tula, o ano pang akdang pampanitikan, mahalaga na gumamit tayo ng mga
magkakasingkahulugang salita upang mas lalong maiintindihan ang nais ipahiwatig
ng isinusulat o binabasang tula.

32
TAYAHIN

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na hinihingi sa bawat aytem at isulat ito sa
kwaderno.

1. Ang mga salitang umiiyak, lumuluha, tumatangis ay pawang pare-pareho ang ibig
sabihin. Ang mga salitang ito ay tinatawag na ano?
a. magkasalungat c. matatalinghaga
b. magkasingkahulugan d. magkakaugnay
2. Naghihinagpis at naghihinalo ang buong pamilya sa pagpanaw ng Ina ng tahanan.
Ano ang damdaming nangingibabaw sa pangungusap batay sa mga salitang
nakapahalang?
c. kagalagakan c. katuwaan
d. kalumbayan d. karuwagan
Para sa blg. 3-4. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita na
nakadiin sa pangungusap.
3. Matibay ang kanyang paninindigan sa buhay.
a. malakas b. mahusay c. matatag d. mabuti
4. Ang mga anak ay handang magbuwis ng buhay para sa kanilang mga magulang
na nagbigay at nagbuhos ng pagmamahal para sa kanila.
a. naglahad b. naghandog c. nagsaboy d. nagtapon
Para sa katanungan 5-8
Basahin at suriin ang mga saknong sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan batay dito.
Hindi magkamayaw ang sigawan sa madla
Lahat ay nagnanais mapakinggan ang ngawa
Pagkat inaalala ang buhay na mawawala
Kung sakaling hindi maiparinig ang hinihinging awa.
Samantala ang lider na nasa kanyang lungga
Puro pangako sa kaawa-awang madla
Nasaan na nga ba ang sinumpaang gawa
Ngayo’y nagpapakasasa sa kanyang mamahaling kasa.

5. Sino-sino ang mga karakter sa tulang binasa?


a. guro at mag-aaral c. negosyante at manggagawa
b. magulang at anak d. pamahalaan at mamamayan
6. Ano ang larawang mababakas sa unang saknong ng tula batay sa mga salita at
pariralang ginamit dito?
a. nagkakaroon ng kasiyahan c. may burol
b. may nagaganap na rally d. nagpupulong ang mga tao
7.Sa ikalawang sakong, alin ang dalawang salita ang maaaring ituring na
magkasingkahulugan?
a. gawa at lungga c. pangako at sinumpaan
b. lungga at kasa d. b at c
8. Anong tono ang mababakas sa tula?
a. pagkaawa b. pagkutya c. pagmamalaki d. pagkainis

33
Para sa blg. 9-12. Piliin ang titik ng tamang sagot.

9. Sa pangungusap na Napakaraming bagyo ang dumating sa amin ngayong 2020,


ano ang kasingkahulugan ng salitang bagyo?
a. biyaya b. unos c. sigwa d. problema
10. Tukuyin ang pinakaangkop na kasingkahulugan ng salitang marupok sa
pangungusap na Marupok ang dinding ng bahay namin.
a. mahina b. matamlay c. matatakutin d. madaling masira
11. Bakit mahalalagang malaman ang magkakasaingkahulugang mga salita
sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan?
a. Mas madaling maintindihan ang nais mong ipahiwaig sa iba
b. Mas magiging madali ang komunikasyon sa pagitan ng bawat indibidwal
c. Mas maipililiwanang nang higit pa ang mga nais iparating sa kausap
d. Lahat ng nabanggit
12. Ang mga sumusunod na mga salita ay magkakasingkahulugan maliban sa isa.
Alin dito?
a. dalisay, malinis, maputi c. pulubi, maralita, dukha
b. mabilis, makupal, mabagal d. kaunti, sala, kulang

Para sa blg. 13-15. Punan ng tamang pang-uri ang mga sumusunod na patlang
upang
makompleto ang pangungusap. Piliin ang tamang kasingkahulugan ng salitang nasa
parirala.

13. Si Nanay ang pinakamahalagang (pamana) _____________ na inihadog sa akin


ng Diyos.
a. biyaya b. kayamanan c. bagay d. habilin
14. Hindi ko (mawari) ____________ kung ano ba ang dapat na aking maramdaman
habang pinakikinggan ang mga habilin ni Ina.
a. malaman b. masilayan c. makuha d. maintindihan
15. Ang mga anak ang siyang dapat na (mag-alaga) ____________ sa kanilang mga
magulang lalo na at ang mga ito ay tumatanda na.
a. magbantay b. mag-aruga c. tumingin d. magpabaya

34
Aralin
4 Pagpapahalaga sa Rehiyong Asya

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat
SUBUKIN
lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______ 1. Anong anyo ng panitikan ang may sukat at tugma?


a. pabula b. tanaga c. tula d. maikling kwento
________2. Alin sa mga elemento ng tula ang sadyang paglayo sa paggamit ng mga
karaniwang salita upang maging kaakit-akit ang tula?
a. tugma b. larawang-diwa c. sukat d. talinghaga
________3. Sa tingin mo, mahalaga ba ang tugma sa pagbuo ng tula?
a. Oo, mahalaga dahil kailangan ng mga salita sa tula
b. Oo, mahalaga dahil napalulutang nito ang ganda ng tula
c. Hindi dahil nagpapahirap ito sa kahulugan
d. Hindi dahil may mga salitang walang tugma
________4. Ano ang tawag sa bawat linya o hanay ng mga salita sa isang tula?
a. sukat b. taludtod c. tugma d. saknong
________5. Ito ay ang mahalagang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng
ng pantig sa bawat taludtod?
a. saknong b. tugma c. taludtod d. sukat
________6. Mula sa taludtod na,

mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy


ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
ang bawat paghakbang ay may mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.
halaw sa Kultura: Ang Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan
Ilang sukat ang bumubuo sa ikatlong taludtod ng tula?
a. wawaluhin
b. lalabing-animin
c. lalabindalawahin
d. lalabingwaluhin
_______7. Anong anyo ng tula ang saknong na nasa bilang 6?
a. may sukat na walang tugma
b. walang sukat na may tugma
c. tradisyunal na tula
d. malayang taludturan
_______8. Bilang isang kabataan, anong hakbang ang maaari mong gawin upang
maipakita na may pagpapahalaga ka bilang isang mamamayan?
a. Gagayahin ko ang ibang kabataan na walang pakialam.
b. Susundin ko ang natututunan ko sa aking mga magulang.
c. Ipagmamalaki ko kung anumang lahi at kultura na meron ako.
d. Tatangkilin ko ang mga produkto ng ibang bansa.
35
_______9. Palawakin ang diwa ng tula sa pamamagitan ng pagbuo ng taludtod.
Piliin ang angkop na salita upang mabuo ang saknong ng tula.

Kultura
Panahon ko may mabago
Ngunit hindi ako
Mahal ko ang lahing kinagisnan
Halina’t ipagbunyi ang kulturang alay ng mga ______________.

a.salinlahi b. Asyano c. ninuno d. Pilipino

_______10. Kung walang pagmamalasakit at pagmamahal ang kabataan sa


bayan, anong katangian ang ipinakita nila?
a. pagkawalang-galang c. pagiging pasaway
b. pagkamakabayan d. pagdisiplina sa sarili
_______11. Anong mabubuong positibong katangian ng isang mabuting
mamamayan?
a. Pagpupursige sa pagkamit ng pangarap
b. Pagpapahalaga sa pinagmulan ng kultura
c. Paggalang sa mga ninuno
d. Ang kabutihan ay makikita sa gawa
_______12. Bilang isang Pilipino, nararapat bang panatilihin ang kulturang
nakagisnan?
a. Oo, dahil ito ang ating kinagisnan na sumasalamin ng ating nakaraan.
b. Oo, dahil ito ang magsisilbing tatak ng mga kabataan sa hinaharap.
c. Hindi, dahil iba namang henerasyon ang nabubuhay sa ngayon.
d. Hindi, dahil naging sagabal ito sa pag-unlad sa ating bansa.
_______13. Sa iyong sariling opinyon, paano mo mapapahalagahan ang pagiging
mamamayang Asyano?
a. maglakbay sa mga bansang nais kong marating sa hinaharap
b. pagpapahalaga sa kultura bilang isang mamamayangPilipino
c. ayaw magtrabaho sa mga karatig bansa dahil iba ang kanilang
kultura
d. makiisa sa mga adhikain ng mga bansa sa Asya at sa buong mundo
_______14. Magbigay ng hinuha sa mga kabataang hindi naturuan ng tamang
pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano?
a. nagpapahalaga sa kultura ng ibang lahi
b. nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga isyu sa Asya
c. kawalan ng paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga bansa sa Asya
d. sumasang-ayon sa mga adhikain ng mga rebeldeng grupo
_______15. Sa iyong palagay, bakit kailangang pahalagahan ang pagiging
mamamayan sa Asya?
a. Upang pahalagahan ka rin ng ibang lahi
b. Upang sasabay din ang iyong bansa sa kanilang pag-unlad
c. Upang malapitan ka sa panahon ng pangangailangan
d. Upang maipakita na kabahagi ka sa kabuuan

36
BALIKAN

Sa nakaraang modyul, natutunan mo ang tungkol sa “Tula”. Gamit ang


Graphic Organizer magbigay ka ng tumpak na salita ukol sa pakahulugan mo sa
salitang tula.

TULA

TUKLASIN

PAGKILALA SA SARILI

Ngayon subukin mong gumawa ng sariling tulang tulad nito. Simulan mo ito
sa sarili bago tatahak sa mas malawak na pananaw tulad ng pagganap sa mga
tungkulin at responsibilidad bilang isang indibiduwal na bahagi ng lipunan, ng bayan
at ng isang kontinente.
.
Panuto: Buuin mo ang tula sa ibaba na may kaugnayan sa paglalarawan sa
sarili. Dugtungan mo ito ng mga salitang ibinigay sa bawat taludtod. At bigyan mo
rin ng sariling pamagat ang tulang iyong mabubuo.

37
________________________________________

Ako ay ____________________________,
Ako ay hindi ____________________________.

Magaling ako sa ____________________________,


Hindi ako magaling sa ____________________________.

Nakasanayan ko noon ang ____________________________,


Pero ngayon ako ay ____________________________.

Gusto ko ang ____________________________,


Hindi ko gusto ang ____________________________.

Marami akong alam sa ____________________________,


Wala akong alam sa ____________________________.

Ginagalang ko ang ____________________________,


Nababastusan ako sa ____________________________.

Naniniwala ako sa ____________________________,


Hindi ako naniniwala sa ____________________________.

SURIIN

PAGSULAT NG TULA

Ang pagsusulat ng tula ay ang sining ng pagsasama-sama ng mga piling


salita na maaaring may tugma o wala, may sukat o wala, may talinghaga at may
kaisipan. Ang mabisang pagkakasulat ng tula ay nakikita ng mga mata ang imaheng
nais ipabatid. Nauunawaan ng isipan ang kaalaman at mensaheng nais ipaabot.
Higit sa lahat tumutukoy sa damdamin ang emosyong nakapaloob sa tula.

38
Bilang isang makata mahalaga na magkaroon ng mayamang imahinasyon,
sensitibong pandama at matayog na kaisipan.

Kung pagsama-samahin ang mabisang pagkakasulat at ang mga katangiang


taglay ng isang makata tiyak na makabubuo ng tulang may larawang diwa,
gumigising ng damdamin at kamalayan at pinapagalaw ang guni-guni ng mga
mambabasa.

May dalawang anyo ng tula: ang tradisyunal na tula at malayang taludturan.


Ang tradisyunal na tula sa ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng
sukat at tugma sa bawat taludtod, o mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay
piling-pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin.

Ang malayang taludturan ito ay tulang hindi sumusunod sa bilang ng pantig,


walang sukat at tugma o sintunog. Ngunit dapat manatili ang kariktan nito at ito ay
dapat gumamit ng mga matatalinhagang pahayag.

Gawain 1

Panuto: Gamitin natin ngayon ang inyong mga pandama upang makabuo ng
mga larawan o imahe sa pagsulat ng isang saknong ng tula. Tandaan mo sa pagbuo
ng taludtod ang pagkonsidera sa natatanging katangiang angkin ng mga gawi at
katangian ng mga Piilipino.

Matutong Magmasid

Nakikita
Mga naapektuhan ng COVID19
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Naaamoy

Mga kanal na puno ng basura

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

39
Nalalasahan

Palapa

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Naririnig

Sigaw ng mga nag-aaklas

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Nararamdaman

May lagnat
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PAGYAMANIN

Narito ang iyong pagkakataon na maipahahayag ang iyong saloobin sa


pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga mamamayang Asyano gamit ang tulang
nagtataglay ng katangian ng pagiging maikli ngunit siksik sa mga imahen.

Gawain 2

Panuto: Gumawa ng makabagong tula tulad ng Hugot Line, Spoken Poetry o


makabagong salawikain na pumapaksa sa pagpapahalaga sa kultura at katangian
40
ng mga mamamayang Asyano. Isulat ito sa iyong kwaderno gamit sa loob ng kahon
na nasa ibaba.
ASYANO AKO

Pamagat

Gawain 3

Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong natutunan sa mga naunawang


gawain sa kasanayan sa pagsulat ng tulang nagpapahalaga sa mamamayang
Asyano sa pamamagitan ng isang concept mapping?

ISULAT MO, IKONEK KO

KATANGIAN
NG MAMAYANG
ASYANO NA
PAHALAGAHAN

41
ISAISIP

Tandaan na ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga bagay, lugar,


pangyayari na naging bahagi ng ating buhay ay maaaring maipahayag sa iba’t
ibang paraan. Ang pagpapahalagang pinagtutuunan ng pokus ng modyul na ito
ay ang pagpapahalaga ng isang kabataang Pilipino sa bilang mamamayan sa
rehiyon ng Asya. Ang pagpapahalagang ito ay ipinahahayag sa paraang
pagsusulat ng taludtod ng tula. Dito masusukat ang kakayahan at kaalaman ng
mo kung gaano ka kamalikhain sa pagbuo ng mga taludtod ng tula ayon sa lawak
at lalim ng iyong nalalaman.

ISAGAWA

Gawain 4

Panuto: Gamiting gabay ang mga simulang titik sa bawat taludtod upang
makabuo ka ng isang malayang taludturan na tula na binubuo ng tatlong saknong.
Ang bawat saknong ay may apat na taludtod na napapakita sa pagpapahalaga ng
pagiging mamamayan ng rehiyong Asya. Bigyan ng angkop na pamagat ang tulang
mabubuo.
ACROSTIC

______________
Pamagat
I-
S-
A-

A-
K-
O-
N-
G-

A-
S-
Y-
A-
N-
O-

42
Pamantayan sa Pagmamarka:
Malinaw na mensahe 15
Imahe at Matalinghagang Pagpapahayag 10
Kariktan 10

TAYAHIN

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Anong anyo ng panitikan ang may sukat at tugma?


a. pabula b. tanaga c. tula d. maikling kwento

_____2. Alin sa mga elemento ng tula ang sadyang paglayo sa paggamit ng mga
karaniwang salita upang maging kaakit-akit ang tula?
a. tugma b. larawang-diwa c. sukat d. talinghaga

_____3. Sa tingin mo, mahalaga ba ang tugma sa pagbuo ng tula?


a. Oo, mahalaga dahil kailangan ng mga salita sa tula
b. Oo, mahalaga dahil napalulutang nito ang ganda ng tula
c. Hindi dahil nagpapahirap ito sa kahulugan
d. Hindi dahil may mga salitang walang tugma

_____4. Ano ang tawag sa bawat linya o hanay ng mga salita sa isang tula?
a. sukat b. taludtod c. tugma d. saknong

_____5. Ito ay ang mahalagang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng


ng pantig sa bawat taludtod?
a. saknong b. tugma c. taludtod d. sukat

_____6. Mula sa taludtod na,


mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
ang bawat paghakbang ay may mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.

43
halaw sa Kultura: Ang Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan

Ilang sukat ang bumubuo sa ikatlong taludtod ng tula?

a. wawaluhin
b. lalabing-animin
c. lalabindalawahin
d. lalabingwaluhin

_____7. Anong anyo ng tula ang saknong na nasa bilang 6?


a. may sukat na walang tugma
b. walang sukat na may tugma
c. tradisyunal na tula
d. malayang taludturan

_____8. Bilang isang kabataan, anong hakbang ang maaari mong gawin upang
maipakita na may pagpapahalaga ka bilang isang mamamayan?
a. Gagayahin ko ang ibang kabataan na walang pakialam.
b. Susundin ko ang natututunan ko sa aking mga magulang.
c. Ipagmamalaki ko kung anumang lahi at kultura na meron ako.
d. Tatangkilin ko ang mga produkto ng ibang bansa.

_____9. Palawakin ang diwa ng tula sa pamamagitan ng pagbuo ng taludtod.


Piliin ang angkop na salita upang mabuo ang saknong ng tula.

Kultura
Panahon ko may mabago
Ngunit hindi ako
Mahal ko ang lahing kinagisnan
Halina’t ipagbunyi ang kulturang alay ng mga ______________.
a. salinlahi b. Asyano c. ninuno d. Pilipino

_____10. Kung walang pagmamalasakit at pagmamahal ang kabataan sa


bayan, anong katangian ang ipinakita nila?
a. pagkawalang-galang b. pagiging pasaway
c. pagkamakabayan d. pagdisiplina sa sarili

_____11. Anong mabubuong positibong katangian ng isang mabuting


mamamayan?
a. Pagpupursige sa pagkamit ng pangarap
b. Pagpapahalaga sa pinagmulan ng kultura
c. Paggalang sa mga ninuno
d. Ang kabutihan ay makikita sa gawa

44
_____12. Bilang isang Pilipino, nararapat bang panatilihin ang kulturang nakagisnan?
a. Oo, dahil ito ang ating kinagisnan na sumasalamin ng ating nakaraan.
b. Oo, dahil ito ang magsisilbing tatak ng mga kabataan sa hinaharap.
c. Hindi, dahil iba namang henerasyon ang nabubuhay sa ngayon.
d. Hindi, dahil naging sagabal ito sa pag-unlad sa ating bansa.

_____13. Sa iyong sariling opinyon, paano mo mapapahalagahan ang pagiging


mamamayang Asyano?
a. maglakbay sa mga bansang nais ko
b. pagpapahalaga sa kultura bilang isang Pilipino
c. ayaw magtrabaho sa mga karatig bansa dahil iba ang kanilang kultura
d. makiisa sa mga adhikain ng mga bansa sa Asya

_____14. Magbigay ng hinuha sa mga kabataang hindi naturuan ng tamang


pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano?
a. nagpapahalaga sa kultura ng ibang lahi
b. nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga isyu sa Asya
c.kawalan ng paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga bansa sa Asya
d. sumasang-ayon sa mga adhikain ng mga rebeldeng grupo

_____15. Sa iyong palagay, bakit kailangang pahalagahan ang pagiging


mamamayan sa Asya?
a. Upang pahalagahan ka rin ng ibang lahi
b. Upang sasabay din ang iyong bansa sa kanilang pag-unlad
c. Upang malapitan ka sa panahon ng pangangailangan
d.Upang maipakita na kabahagi ka sa kabuuan

45
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1
Subukin:
1.a 9.b
2.b 10.b
3.d 11.a
4.d 12.a
5.c 13.c
6.a 14.d
7.b 15. b
8.c
Gawain 1:
1.pagkasaya
2.pagkagalit
3.pagkabigla
4.pagsisisi
5.pagkalungkot
Gawain 2:
Nasa guro na ang pagpapasya kung tama

Gawain 3:
1.nalulungkot
2.tumungo
3.inaani
4.makadaan
Gawain 4:
Nasa guro na ang pagpapasya kung tama
Gawain 5:
1.kalungkutan
2.pagdadalamhati

Gawain 6:
1.

2.

3.

4.

46
Gawain 7: Nasa guro na ang pagpapasya kung tama

Aralin 2

Susi ng Pagwawasto sa Panimulang Pagsusulit

1. C 9. B
2. C 10. C
3. C 11. D.
4. C 12. B.
5. B 13. D.
6. B 14. A.
7. C 15. D
8. A

Gawain 1
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 2
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 3
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 4
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 5
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 6
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 7
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 8
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Susi ng Pagwawasto sa Pangwakas na Pagsusulit

1. C 14. A
2. C 15. D.
3. C
4. C
5. B
6. B
7. C
8. A
9. B
47
10. C
11. D.
12. B.
13. D.
Aralin 3
Gawain 1. Sa pagwawasto ng guro

Gawain 2. Sa pagwawasto ng guro

Gawain 3. Sa pagwawasto ng guro

Gawain 4. Sa pagwawasto ng guro

Gawain 5. Sa pagwawasto ng guro

Gawain 6. Sa pagwawasto ng guro

Gawain 7. Sa pagwawasto ng guro

Gawain 8. Sa pagwawasto ng guro

Tayahin.

1. b 11. d
2. d 12. b
3. c 13. b
4. b 14. d
5. d 15. b
6. b
7. d
8. b
9. d
10. d

48
Aralin 4
Subukin/ Tayahin
1. C
2. B
3. D
4. D
5. B
6. C
7. B
8. C
9. D
10. A
11. D
12. A
13. D
14. C
15. B

Gawain 1: Nasa pagpapasya ng guro ang kasagutan


Gawain 2: Nasa pagpapasya ng guro ang kasagutan
Gawain 3: Nasa pagpapasya ng guro ang kasagutan
Gawain 4: Nasa pagpapasya ng guro ang kasagutan

49
Mga Sanggunian

DepEd-IMCS. Panitikang Asyano 9: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig City:


Vibal Group, Inc., 2014

Filipino 10: Panitikang Pandaigdig. Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc., 2015

Garcia, Florante C., Evelyn P. Naval, at Rosie R. Villaruel. Pintig ng Lahing Pilipino.
927 Quezon Avenue, Quezon City: SIBS Publishing House, 2016

Marasigan, Emily at Mary Grace.Del RosarioPinagyamang Pluma.927 Quezon


Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

Mosqueda, Cleotilde D.R., Glenda Romero at Dr. Concepcion U. san Antonio.


Hamaka II: Duyan ng Karunungan Manila: Innovative Educational Materials,
Inc., 2002

Internet
http://www.youtube.com/watch?v=OaCSnbdtg3c
http://markjan-markjan.blogspot.com/2009/03/ang-pamana-ni-jose-corazon-de-
jesus.html

https://lrmds.deped.gov.ph/create/category/69

https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.
Pdf

50

You might also like