You are on page 1of 2

Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik

Mula sa  Marcos 4:1-20


Muling nagturo si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At dahil nagkatipon sa paligid niya ang
napakaraming tao, siya’y sumakay at umupo sa isang bangkang nasa tubig. Nanatili naman ang
mga tao sa dalampasigan, at sila’y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga
talinghaga.

Ganito ang sinabi niya: “Makinig kayo! May isang magsasakang lumabas upang maghasik ng
binhi.

Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa daan. Dumating ang mga ibon at
tinuka ang mga iyon.

May mga binhi namang nalaglag sa batuhan. Bagama’t kaunti lamang ang lupa roon, agad
sumibol ang mga binhing iyon. Ngunit nang tumindi ang sikat ng araw, nalanta at natuyo ang
mga binhing tumubo, palibhasa’y hindi ito masyadong nag-ugat.

May mga binhi namang nalaglag sa may damuhang matinik; nang lumago ang mga damo,
sinakal nito ang mga binhing tumubo, kaya’t hindi nakapamunga ang mga binhi.

At may mga binhi namang nalaglag sa matabang lupa. Ang mga ito ay tumubo, lumago, at
namunga nang marami, may tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisandaan.”

Sinabi pa ni Jesus, “Makinig ang may pandinig.”

Aral:

 Ang binhing inihahasik ay ang Salita ng Diyos at ang mga binhi namang nalaglag sa
daan ay ang mga taong nakikinig sa Salita ng Diyos. Pagkarinig nila’y dumarating si Satanas
at inaalis ang salitang inihasik sa kanila. Kung sakaling mapakinggan mo ang Salita ng Diyos,
tumimo nawa ito sa iyong puso at magbunga sa iyong buhay. Huwag ka sanang magaya sa
binhing inihasik sa batuhan na pinakinggan at tinanggap nga ang napakinggan ngunit nang
dumaan sa iba’t ibang pagsubok ay hindi rin tumimo sa puso ang Salita ng Diyos. Nawa ito’y
mamunga sa iyong puso at buhay ng masagana.
Ang maling pagpapapasyang nagawa ko ay sa palagay ko ang hindi ko pagtanggap ng aking pagkakamali.
Minsan kapag ako ay nakagagawa ng pagkakamali, alam ko sa aking sarili na ako’y nagkamali ngunit
hindi ko lubusang kayang sabihin o aminin sa aking sarili na ako’y nagkamali. Ayaw kong tanggapin na
nagkamali ako bagkus ay mas pinaninindigan ko ang kung ano ang tingin ko’y tama. Hindi ko kyyang
aminin na ako’y may kasalanan bagkus ay tinitingnan ko rin na hindi lamang ako nagkamali kundi pati na
rin ang iba. Sa aking palagay ito ang mali kong ugali na nararapat kong itama. Kaya naman, napagtanto
ko na dapat ay matuto akong tumanggap ng aking pagkakamali at humingi ng patawad at
magpakumbaba dahil ako ang may mali. Imbis na ako ang magmataas at maghangad ng kapatawaran sa
iba

DAHIL HINDI SA LAHAT NG SITWASYON AY AKO ANG TAMA AT PURKET AKO ANG MAS NAKAAALAM SA
SOTWASYON O MAS MAY KAALAMAN AY IBIG SABIHIN NUN AKO NA ANG PALAGING TAMA AT ANG
LAHAT NG SUMASALUNGAT SA AKIN AY MALI. HALIMBAWA AY KAPAG PINAGSASABIHAN AKO NG
AKING MAGULANG NA MALI ANG GINAWA AT MAG-SORY AKO SA KAPATID KO DAHIL AKO ANG MAS
NAKATATANDA AY HINDI KO ITO GINAGAWA BAGKUS AY KINUKWESTYON KO ANG AKING SARILI KUNG
AKO BA TALAGA ANG MAY MALI, PERO SA HULI IPAGKAKAIT KO ITO AT SISINGHALAN SILA NA HINDI AKO
ANG NAGKAMALI KAYA’T MAS LUMALALIM PA ANG ALITAN O IHINDI PAGKAKAUNAWAAN SA ISANG
SITWASYON, SA TINGIN KO AY TULAD DIN ITO SA PAGIGING PRIDE O PAGMAMATAAS NG ISANG TAO,
DAHIL KUNG LAHAT AY HINDI MATUTUTONG UMAMIN SA KANILANG PAGKAKAMALI BAGKUS AY
NAGPAPATAASAN PA NG PRIDE IMBIS NA MAGPAKUMBABA NA LAMANG AT INTINDIHIN ANG
SITWASYON AY HINDI ITO ANG NANGYAYARI.

Noong una ay ang hindi ko pagtanggap ng aking pagkakamali ang siyang nagiging maling pasya ko sa
isang sitwasyon. Sapagkat minsan kapag ako ay nakagagawa ng pagkakamali bagamat alam ko sa aking
sarili na ako’y nagkamali hindi ko ito lubusang kayang sabihin o aminin sa aking sarili na ito’y
pagkakamali. Saka ayaw kong tanggapin na nagkamali ako bagkus ay mas pinaninindigan ko ang kung
ano ang tingin ko’y tama. Isa pa rito ay hindi ko kayang aminin na ako’y may kasalanan bagkus ay
tinitingnan ko rin na hindi lamang ang may mali sa sitwasyon kundi pati na rin ang iba. Halimbawa na
nga rito ay ang kapag pinagsasabihan ako ng aking magulang na mali ang aking ginawa at manghihingi
ako ng paumanhin sa kapatid ko dahil ako ang mas nakatatanda subalit hindi ko ito ginagawa bagkus ay
kinukwestyon ko ang aking sarili kung ako ba talaga ang may mali. Kaya naman sa aking palagay ito ang
mali kong ugali na nararapat kong itama. Kaya’t sa wakas ay napagtanto ko na dapat ay matuto akong
tumanggap ng aking pagkakamali at humingi ng tawad at magpakumbaba dahil ako ang may
pagkakamali. Imbis na ako ang magmataas at maghangad ng kapatawaran sa iba.

Sa aking palagay ang nararapat na taglayin ng isang huwarang kabataan ay disiplina at respeto. Kung
ikaw ay may respeto sa iyong sarili ay kaya mo ding irespeto ang iba. Disiplina, ito ay mahalagang gabay
sa lahat ng bagay lalong lalo na sa pag-aaral. Kung nasasanay moa ng iyong sarili na dumisiplina ang
lahat ng bagay ay aayun sa tama at iyong ninanais. Kung ninanais moa ng magkaroon ng malaking grado
o marka sa iyong pag-aaral, una pa lamang ay dapat marunong ka ng

You might also like