You are on page 1of 2

Paglalakbay sa Mundong Ibabaw: Ang kwento ng aking buhay

Ako nga pala si Mark Joshua R. Geronimo o mas kilala sa tawag na “MJ” o “shua” na laging
tinatawag sa akin ng aking mga kaibigan at pamilya. Ako nga po pala ay ipinanganak noong ika 17 ng
Agosto taong 2003 at kasalukuyang labing siyam na taong gulang at unti unting may nalalapit na kaarawan.
Ako ay nagpapasalamat sa maykapal dahil biniyayaan ako ng masaya at mabuting pamilya. Ang aking
pamilya ay binubuo lamang ng 4 na miyembro. Ako bilang bunso, Si Lorna R. Geronimo bilang aking
nanay, si Felino M. Geronimo naman na bilang aking tatay at ang aking mas nakatatandang kapatid na si
Joana R. Geronimo. Ang aming pamilya ay may malaking debosyon sa simbahang katoliko kaya sa
pagkapanganak sa akin ako ay isang katoliko. Ako nga pala ay ipinanganak sa Imus, Cavite at kasalukuyang
nakatira sa General Trias Cavite na lagpas dalawang dekada na. Upang buhayin ang aking Pamilya ang
aking mga magulang ay nagtatrabaho para maitaguyod kaming lahat ang aking nanay bilang empleyado ng
Goldilocks, aking tatay na Isang guwardiya na nagtataguyod ng seguridad ng isang bangko at ang aking ate
na nagtatrabaho sa Gobyerno. Eto ang kaunting impormasyon tungkol sa aking sarili

Bilang pagpapatuloy upang mas inyo akong mas makilala, Ako ay isang taong maraming
kakayahan, kaalaman at pangarap sa buhay sa katunayan nga niya ako ay nag-aral sa Mary cris complex
Elementary school isang pampublikong paaralan kung saan ako nag-aral mulang pre-school hanggang
primarya at aking naman itong ipinagpatuloy sa Fiat lux Academe upang tapusin ang aking sekondaryang
edukasyon o ang junior high school sa kasamaang palad ako ay lumipat sa Emilio Aguinaldo College Cavite
upang tapusin ito at ipagpatuloy ang Senior high school dahil sa karanasan ng pagtuturo sa EAC ay dito ko
narin ipinagpatuloy ang aking kolehiyo. Tulad nga ng aking unang sambitla sa paunang pangungusap nitong
basahin na ito na ako ay isang taong may mataas na pangarap kaya ako ay nag-aaral sa kursong Civil
engineering dahil ito ang aking pangarap at pasok ang aking mga kakayahan na tungkol dito at ako'y
nagsusumikap at nag-aaral ng mabuti. Bilang isang binatilyo ako ay may mga libangan na pumapatay ng
aking oras para at para makapaglibang. Noon mahilig ako mag bisikleta sa malalayong lugar lalo noong
pandemic mga lugar na di ko kayang puntahan dahil walang pamasahe ay pupuntahan ko dahil sa
pagbibisikleta at dahil dito mas natuto ako sa mga direksyon. Madalas na aking gawin ay maglaro ng mga
laro sa kompyuter kung saan ako ay mas nahumaling ng husto dahil noon ay bawal lumabas ng bahay kaya
ito ang aking laging pinagkakaabalahan. Madalas rin akong matulog dahil binubuhay at tinatanggal nito
ang aking masamang damdamin at isipan. Nakahiligan ko ding mag ehersisyo at magpunta lagi sa gym para
sa aking pangkalusugan at para mag pataas ng kumpyansa sa aking sarili at sa kabutihang palad ito ay may
magandang epekto sa akin. Mahilig din ako mag gagala at di ako sanay na laging nakatambay sa bahay
gusto ko nagiging makabuluhan o may napupuntahan ang aking mga oras na sinasayang dahil ako yung
tipo ng taong gusto laging matuto at maglakbay. At pinaka huli sa lahat mahilig ako mag kakakain ng mga
pagkain at mahilig rin ako magluto para mas makatipid at maganda naring marunong magluto para pag nag
asawa ay kaya kong busugin at ipaghanda ang aking kasintahan o pamilya

Ako bilang isang tao marami rin akong pinaniniwalaan sa buhay isa rito ang aking pinagkukunan
ng lakas upang di matakot magkamali ay ang katagang “Failure is another kind of success” na wag dapat
matakot magkamali na dahil dito tayo ay natutuyo at mas magiging mabuting tao. Madalang akong
maniwala sa mga multo dahil malakas ang aking pananampalataya sa maykapal at tanging diyos lamang
ang aking pinaniniwalaan. Gayon din sa mga pamahiin dahil ako ay naniniwala na diyos lamang ang may
kayang magtakda at magdikta ng mga mangyayari sa aking buhay at di dahil sa mga hula at phenomena
lamang. Bilang isang binatilyong handa laging matuto at magkamali naniniwala ako na ang pinakamagaling
at magiting na guro sa ating buhay ay ang karanasan dahil ito ang nagtuturo sa atin sa landas ng buhay kung
saan tayo ay matututo at magkaroon ng kamalayan sa ating sarili at sa mundong ating ginagalawan. Meron
akong personalidad na madalas binabangit ng mga taong nakapaligid sa akin isa narito ay ako raw ay
palakaibigan at ito naman ay di ko maitatangi dahil sa maikling oras na pakikipag halubilo at agad akong
nakakasabay sa kanila ngunit akin namang pinipili ang mga kaibigan na akong samahan o kakaibiganin.
Ako raw ay pawang masayahin batid nila na ako raw ay parang walang problema at tila bay laging nakangiti
kaya pansin agad nila kung ako'y may dinaramdam at dinala.Ako ay isang bukas na tao, laging handang
makinig at matuto at ako rin ay may malawak na pag intindi. Dahil nga sa katangian kong ito ay marami
akong naging kaibigan dahil madalas akong magbigay ng payo at madalas silang magsabi saakin ng
problemadahil alam nilang handa akong makinig at handa ko silang payuhan dahil nga naman ako ay may
bukas ng isip dala narin ito ng mga karanasang at mga pagkakamali na kung saan ako ay natuto at naging
mas mabuting tao.

Habang naglalakbay ako sa aking buhay ay tila ba pakiramdam ko ay marami na akong dinaanan
pero wala parin ako sa kalahati ng aking buhay. Nasa punto na ako ng aking buhay kung saan ay malayo
pa pero tanaw ko na ang dulo at ang huli ng aking buhay, kung saan imbis na mainip ay wari kong
pagmasdan at maaliw sa mga tanawin na aking dinadaanan habang akoy naglalakbay di ko batid na naririto
na pala ko na dati bay akoy mumunting musmos pa lamang. Maraming pagkatalo at panalong dumaan sa
aking buhay ngunit patuloy na lumalaban. Nasa punto na ko ng aking buhay na kung saan natuto na kong
makuntento sa mga ano ang kaya kong gawin at kung ano lamang ang meron ako. Unti unti ng nabubuksan
ang aking isip sa reyalidad ng buhay kung saan di na tulad ng dati nung ako ay musmos pa. Maraming
realisasyon ang nagpabago sa pagtanaw ko sa aking buhay Isa narin to ay ang magpasalamat sa mga
problemang dumating at imbis na magalit ay magpasalamat dahil kung hindi dahil dito di ako yung taong
nabubuhay ngayon. Natutunan ko rin na wag matakot maglakbay dahil ito ang bubuo sa ating pagkatao at
pagpapatatag upang maging matatag tayo upang harapin ang susunod na pagsubok. Natutunang pagsuko
at pagtigil ay di isang solusyon sa tuwing tayo ay napapagod sa paglaban sa agos ng buhay, Maaring naman
tayong mapagod pero ang pagsuko ay di solusyon para sa pagbibisikleta mapapagod maaring magpahinga
ngunit di titigil at mas patuloy na papadyak hanggang marating ang rurok ng aking buhay. Natutunan ko na
din na wag isipin negatibo ang opinyon ng ibang tao sa aatin. Matutong unawain at tanggapin ito dahil
maaring ito ay makakabuti sa atin. Sa kasalukuyan andito ako sa parte ng buhay ko kung saan unti unti
kong sinusulat ang kwento ng buhay ko kung saan maraming pagsubok at marami ring tagumpay at mas
patuloy na nagsusumikap at sulatin ng libro ng aking buhay

You might also like