You are on page 1of 20

ESPIRITWALIDAD AT

PANANAMPALATAYA
( GROUP 1 )
ESPIRITWALIDAD
Ay nagmula sa salitamg
espiritu. Ito ay may malawak na
kahulugan. Isa na dito ay ang
mismong katawan ng mga umiiral
na buhay sa langit, ang lugar ng
mga espiritu gaya ng mga anghel.
Tumutukoy din ang espiritu sa
di-nakikitang puwersa gaya ng
espiritu ng pakikipagtunggali sa
isang kompetisyon o di kaya
naman ay ang aktibong puwersa
ng Diyos na tinatawan ng Espiritu
Santo o Banal na Espiritu (Holy
Spirit sa English).
Sa ilang diksyunaryo, ang
salitang espirituwalidad ay literal
na nagpapaliwanag ng “pagiging
palaisip o pagkakaroon ng
debosyon sa relihiyosong mga
paniniwala” at “ang katangian o
kalagayan ng pagiging
espirituwal.”
Puwede mong gamitin ang mga
terminong gaya ng
“espirituwalidad,” “pagiging
espirituwal,” o “pagiging palaisip
sa espirituwal” bilang
magkakasingkahulugan.
Ito ay gaya ng isang katuturan:
Ang isang taong mahilig sa
palaro ay sinasabing palaisip sa
mga palaro. Kaya kapag ang isa
ay gumagawa ukol sa espirituwal
na mga bagay o sa kaniyang
pagsamba, siya ay palaisip sa
espirituwal.
Tinatawag ding espirituwal na
tao ang mga kumikilos ayon sa
mga katangian taglay ng aktibong
puwersa ng Diyos. Nagiging bahagi
ito ng panloob n pagkatao ng isa
anupat kumikilos ayon dito.
Napasusulong din ito yamang
laging may kahilingan at mga rutin
ukol sa pagsamba na dapat gawin
nag isa. Nakadepende lamang sa
isa ang kalagayan ng kaniyang
espirituwalidad.
Sa kabilang panig naman, ang
salitang pananampalaang
pananampalataya ay binigyang
katuturan ng Bibliya sa Hebreo 11:1
“Ang pananampalataya ay ang
mapananaligang paghihintay sa mga
bagay na inaasahan, ang malinaw na
pagtatanghal ng mga katunayan
bagaman hindi nakikita.”
PANANAMPALATAYA
Ang salitang “pananampalataya”
ay mula sa Griegong piʹstis, na
ang diwa ay kumpiyansa, tiwala,
matatag na paniniwala. Ang
salitang “mapananaligang
paghihintay” ay mula sa salitang
Griego na hy·poʹsta·sis.
Sa mga sinaunang dokumento
na pangnegosyo, nagsasabi ito ng
isang bagay na gumagarantiya ng
pagmamay-ari sa hinaharap gaya
ng sa titulo.
Ang salitang Griego na
eʹleg·khos na isinalin dito bilang
“malinaw na pagtatanghal,” ay
mga bagay na hindi nakikita
ngayon ngunit may mga
ebidensya. May mga pag-asa sa
hinaharap na malinaw sa kaniya
anupat totoong-totoo sa kaniya.
Gayundin, mayroong siyang
espirituwal na mga tao na hindi
nakikita ng pisikal na mga mata
dahil sa kaunawaan sa mga
ebidensiyang iyon.
Kaya ang pagtataglay ng
pananampalataya ay may kaakibat
na matibay na ebidensya at hindi
basta paniniwala lamang na
walang basehan. Naggaganyak din
ito ng pagkilos sa isa na
nagtataglay nito.
Dahil sa natitiyak niya ang
magaganap, nakahanda ang isip at
pagkilos niya ngayon pa lamang
upang mamuhay kaayon niyaon.
Nagsasalita na din siya na para bang
naroroon. Halimbawa nito ay ang
ilang mga mabuting balita sa
Apocalipsis gaya ng sa Apocalipsis
21:4 at Mateo 24:14.
Ang isa na nagiging bihasa sa
kaalaman o doktrina ay tumitibay
kapuwa ang kaniyang
espirituwalidad at ang bahagi nito,
ang kaniyang pananampalataya.
Kapuwa nagagamit ang dalawang
salitang ito sa iisang ideya.
Ang isa na may mahusay na
rutin ng pagkuha ng kaalaman ay
titiyak na tumpak ang kaniyang
unawa at hindi tumititigl sa
pagpapatibay nito. Sinumang may
mahinang espirituwalidad ay
masasabing mahina ang kaniyang
pananampalataya.
Kung hindi niya ginagawa ng
buong-puso ang pagsamba kundi
nagiging mekanikal na rutin
lamang, hindi nagiging ganap o
malago ang kaniyang
espirituwalidad anupat
nagkukulang siya sa
pananampalataya.
Bilang resulta, nagiging
makalaman siya at nakatuon ang
pansin sa mga bagay na nakikita at
hindi sa mga bagay na inaasahang
magaganap sa hinaharap.
Ang spiritwal na tinatawag ay
tumutukoy sa kaluluwa ng isang tao
na kung saan ito ay ang kabilang
buhay ng isang tao o ng isang
indibidwal. Ang pananampalataya
naman ay tumutukoy sa
pinaniniwalaan ng tao kahit di
nakikita tulad ng Diyos na
pinananampalatayanan natin.

You might also like