You are on page 1of 4

ARALIN 1: KAHALAGAHAN NG BUHAY

AKDA NI: SIS. DIOSA ABDON

Layunin:
Matapos ang araling ito, inaasahang na iyong:
1. Malaman na ang buhay natin ay kaloob ng Diyos.
2. Mapangalagaan at mapahalagahan ang buhay ng tao na kaloob ng Diyos.
3. Magkaroon ng tamang pananaw upang umunlad ka bilang tao na
pinagkaloobn ng Diyos ng buhay.

Panimulang Gawain:

Pagsusuri ng Awitin

SINO AKO ( HIRAM SA DIYOS)

I. Hiram sa Diyos ang aking buhay


Ikaw at ako’y tanging handog lamang
Di ko ninais na ako’y isilang
Ngunit salamat dahil may buhay

II. Ligaya ko na ako’y isilang


Pagkat tao ay mayroong dangal
Sinong may pg-ibig, sinong nagmamahal?
Kundi ang tao, Diyos ang pinagmulan.

III. Kung di ako umibig


Kung di ko man bigyang- halaga
Ang buhay kong handog sa Diyos
Kung di ako nagmamahal, sino ako?
(Ulitin ang Verse III)

Pagproseso ng katanungan
1. Ayon sa awiting iyong sinuri ano ang natuklasan mo tungkol sa buhay
na iyong taglay?
2. Sino ang pinagmulan nito?
3. Ano ang ipindama ng Diyos sa taong pinahiram nya ng buhay?
4. Ikaw bilang tao na pinahiram o pinagkakalooban ng Diyos ng buhay,
ano ang magagawa mong tugon sa pagmamahal at pag-ibig ng Diyos?

Pagpapalawak ng Kaalaman:
Pundasyon:
Genesis 2:7
“ Pagkatapos, nilikha ng Diyos tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong at
nagkaroon ito ng buhay”.
Maliwanag na sinasabi sa bibliya na ang buhay ng tao ay kaloob ng Diyos mula sa
kanyang hininga.
Gaano kahalaga ang buhay ng tao?
Maraming kaloob o regalo sa atin ang DIyos. Ngunit sa lahat ng mga regalo o
kaloob ng Diyos sa atin, ang buhay ang pinakamahalaga o pinaka-espesyal. Sinasabing
ang tao ang may pinakamataas na antas ng buhay na nilikha ng DIyos, kumpara sa ibang
nilalang na may buhay tulad ng halaman at hayop. Bilang tao ay biniyayaan tayo ng
buhay at may taglay na talino at mataas na antas ng pag-iisip. Kaya marapat lamang na
pahalagahan, pasalamatan at pangalagaan natin ang buhay na bigay niya sa atin.
Maraming tao ang nagpapahalaga sa kanilang buhay at sa buhay ng ibang tao.
Ngunit sa mga nababasa natin sa diyaryo, naririnig sa radio at napapanood sa T.V., higit
na maraming tao ang hindi ang hindi nagpapahalaga sa buhay. Sa ating sariling
karanasan, mayroon tayong ginagawa na nagpapahalaga at kung minsan ay hindi
nagpapahalaga sa buhay natin at sa buhay ng ibang tao. Sa mga ginagawa nating hindi
pagpapahalaga sa buhay ipinagwawalang bahala natin ang kahalagahan ng buhay. Iniisip
natin na hindi naman tayo pumapatay ng tao o kaya’y hindi pa tayo namamatay, ano ang
ating ikababahala. Subalit ‘wag nating kalilimutan na ang buhay na taglay ng bawat isa sa
atin ay kaloob ng Diyos sa atin.

Panuto: Tingnan ang mga sumusunod na gawaing nakatala, isulat sa tapat ng mga gawain
ang tatlong maaring maging bunga sa ating buhay.

GAWAIN MAARING BUNGA


Pag-inom ng Alak

Paninigarilyo
Paggamit ng ipinagbabawal na gamot

Mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan

Paano natin pahahalagahan ang buhay na bigay ng Diyos?

Gawin natin ang mga gawaing mabubuti sa ating buhay, ito’y nagpapakita ng
pagpapahalaga/ pangangalaga sa buhay natin. Bilang pagpapahalaga sa buhay na kaloob
ng Diyos marapat lamang na habang tayo ay nabubuhay tumulong tayo sa mga taong
nangangailangan at gumawa tayo ng mabubuti sa ating kapwa, huwag nating sayangin
ang buhay na kaloob niya sa pamamagitan ng masasamang gawain. Sa ating
pagpapahalaga/ pangangalaga sa ating buhay ito ay pagsunod natin sa gusto ng ating
mapag mahal na Diyos ama at ganun din sa pagsunod sa kanyang ikalimang utos.
Pahalagahan/ alagaan mo ang iyong buhay at buhay ng iba. Hindi lamang huwag
pumatay ang itinuturo dito, gayon din kung paano magmahal. Ang labis na galit,
pagkamuhi, paghihiganti ay humahantong sa pakikipag-away hanggang sa pananakit sa
ating kapwa ay tanda ng kawalan ng pagmamahal. Tayo ay tagapangalaga ng buhay na
kaloob ng Diyos na dapat gumalang at mag-ingat sa ating buhay at sa buhay ng iba. Ang
gawaing pangalagaan/ pahalagahan ang buhay ay inihabilin ng Diyos sa atin subalit ang
Diyos ang ganap na may-ari ng ating buhay, kaya walang sinuman sa ating may
karapatang kitilin ang buhay natin at buhay ng iba.
Ngayong malaman mo na mahalaga ang buhay na kaloob sa atin ng Diyos gumawa ng
isang matalinong pagpapasya:

Pagsasabuhay:

Direksyon: Ilagay sa loob ng puso ang tatlo o higit pa na patunay na magagawa mo upang
mapaunlad ang buhay na kaloob sa iyo ng Diyos.
Mga Sanggunian

Bibliya , Gen: 2:7


KPK 820-821
KIK: 2288
KPK #1032

You might also like