You are on page 1of 14

10 EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
QUARTER 3 – MODULE 4
WEEK 7 & 8
PAGMAMAHAL SA BAYAN
(PATRIYOTISMO)

1
Modyul 4: Pagmamahal sa Bayan (Patriyotismo)
Unang Bahagi
Sa nakaraang modyul, binigyang diin ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan o
Patriyotismo. Doon ay natutunan mo kung saan nagmula ang salitang patriyotismo at ang
kahulugan nito. Natukoy din kung gaano kahalaga ang pagmamahal sa bayan sapagkat
dito nakasalalay ang kahihinatnan ng isang lipunan o bansa.

Sa baiting 9 ay natutunan mo kung ano ang lipunan, layunin, at mga element nito. Ang
lipunan ay binubuo ng mga indibidwal na may iisang tunguhin o mithiin. Ito ay ang
mapabuti ang lahat ng kabahagi ng lipunan, ang kabutihang panlahat. Ito ay possible kung
ang mga elementong bumubuo rito ay naisasakatuparan: ang paggalang sa pagkatao ng
tao, ang tawag ng katarungan, at ang kapayapaan. Magiging maunlad at maayos ang
lipunan kung isasabuhay ang mga birtud na itinataguyod nito (Character Building ni David
Isaacs).

Sa modyul na ito ay palalawigin natin ang ating pang-unawa at kaisipan ukol sa


pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pag-isa-isa ng mga angkop na kilos upang
maipamalas ang pagmamahal sa ating bayan.

Inaasahang sa papamagitan ng modyul na ito ay malilinang sa atin ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
 Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal
sa bayan. (“Hindi ka global citizen kung hindi ka mamamayan.”) EsP10PB-IIIe-11.3
 Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo)EsP10PB-IIIe-11.4

Mga Pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan

1. Pagpapahalaga sa buhay. Ang pagpapahalaga sa buhay ay sang moral na obligasyon


sa Diyos ng bawat isa dahil ang buhay ay mula sa Kaniya kaya’t walang sinuman ang
maaaring bumawi o kumuha nito kundi Siya. Kasama sa pagpapahalagang ito ang
pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at isipan. Mahalagang gawin ang makakaya
upang maprotektahan ang buhay bilang pagkilala sa dignidad ng tao.
2. Katotohanan. Hindi kailanman matataaran ang integridad at hindi mapagkunwari,
tumatanggi sa anumang bagay na di ayon sa katotohanan, kasama rito ang walang kapaguran
at matiyagang paghahanap ng lahat ng uri ng kaalaman. Ang integridad ay pinangangalagaan
sa lahat ng oras at pagkakataon.
3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Ang pagpapakita ng malasakit sa
kapuwa ay sa pamamagitan ng pagtulong na walang hinihintay na kapalit. Kung wala ako at
mayroon ka, hati tayo o puwedeng ikaw muna at sa susunod ako naman. Kasama sa
responsibilidad ng isang indibidwal ang tulungan at ipadama sa iba na sila ay bahagi ng ating
pagkatao bilang kapuwa tao.
4. Pananampalataya. Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos, na ang lahat ay
makakaya at possible.
5. Paggalang. Ang paggalang bilang element na bumubuo sa kabutihang panlahat,
2
naipakikita kapag ang Karapatan ng isang mamamayan ay hindi natatapakan at naisasabuhay
ayon sa tamang gamit nito at napapangalagaan ang dignidad niya bilang tao.
6. Katarungan. Sinisigurado na ang paggalang sa Karapatan ng bawat isa ay
naisasabuhay, naibibigay sa isang tao kung ano ang para sa kaniya at para sa iba, hindi
nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.
7. Kapayapaan. Ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan
ng kaguluhan. May kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang
katarungan. Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat.
8. Kaayusan. Ang pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti
ang ugnayan sa kapuwa. Ang pagiging disiplinado sa lahat ng pagkakataon.
9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi. Ang pangingibabaw ng papel ng pamilya bilang
pangunahing institusyon ng lipunan na siyang tutugon sa pag-unlad na inaasam sa ikabubuti
ng lahat. Binibigyang-halaga rito ang kasal bilang pundasyon ng pamilya at kumikilos upang
mapangalagaan ang pisikal, moral, ispiritwal, at panlipunang pag-ulad ng bawat miyembro nito
lalong-lalo na ang mga bata. Kasama na rito ang pagtuturo sa mga bata ng kultura,
paniniwalang kinagisnan na kailangan ipagpatuloy na isabuhay at ang paggalang sa
pagkakakilalanlan ng bansa.
10. Kasipagan. Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng Gawain nang
buong husay at may pagmamahal. Ginagamit ang talent at kahusayan sa pamamaraang
nakatutulong sa kapuwa nang buong kagalakan.
11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang pagsasabuhay ng responsibilidad
bilang tagapangalaga ng kalikasan at ng mga bagay na nilikha ng Diyos laban sa anumang uri
ng pang-aabuso o pagkawasak.
12. Pagkakaisa. Ang pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-isa ang naisin at
saloobin para sa iisang layunin. Ang kaisipang “ikaw, ako, sila, tayo ay magkakasama sa pag-
unlad bilang isa” ay tanda ng pagigig mabuting mamamayan.
13. Kabayanihan. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang magagawa ko para sa bayan at
sa kapuwa ko?
14. Kalayaan. Ang pagiging Malaya na gumawa ng Mabuti, mga katanggap-tanggap na
kilos na ayon sa batas na ipinapatupad bilang pagsasabuhay ng tungkulin ng isang taong may
dignidad.
15. Pagsunod sa batas. Ang pagkilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng
mga ipinasang batas na mangangalaga sa karapatan ng bawat mamamayan. Isa ito sa mga
pangunahing susi sa pag-unlad ng bansa bilang pagsasabuhay ng makataong lipunan.
16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat. Ang sama-samang pagkilos upang mahikayat
ng lahat na lumahok sa mga pagkakataong kinakailangan para sa ikabubuti hindi lamang ng
sarili, pamilya kundi ng lahat.

Talahanayan ng mga pagpapahalagang batay sa pitong dimensiyon ng tao


3
Dimensiyon ng Tao Mga Pagpapahalaga na nagpapakilala ng pagmamahal
sa bayan mula sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas

1. Pangkatawan Pagpapahalaga sa buhay

2. Pangkaisipan Katotohanan

3. Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa

4. Ispiritwal Pananampalataya

5. Panlipunan Paggalang, Katarungan, Kapayapaan, Kaayusan, at


Pagkalinga sa pamilya at salinlahi

6. Pang-ekonomiya Kasipagan, Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran

7. Pampolitikal Pagkakaisa, Kabayanihan, Kalayaan, at Pagsunod sa


Batas

8. Lahat ng dimensiyon Pagsulong ng kabutihang panlahat

Ikalawang Bahagi
Gawain I. A Mga Pagpapahalaga sa Bayan:
Panuto: Sa ibaba ay makikita ang mga sumusunod na pagpapahalagang nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan. Suriin at pumili ng isa o higit pa sa mga pagpapahalagang ito ang
taglay ng mga taong iyong ini-idolo at kinikilala bilang isang mabuting mamamayan ng ating
bansa. Isulat ang mga sagot sa table na makikita sa ibaba.( 20puntos)

Mga pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan mula sa 1987 konstitusyon


ng Pilipinas.
Pagpapahalaga sa buhay Katotohanan Pagmamahal at pagmamalasakit sa
kapuwa

Pananampalataya Paggalang Katarungan

Kapayapaan Pagkakaisa Pagkalinga sa pamilya at salinlahi

Kasipagan Kabayanihan Pangangalaga sa kalikasan at


kapaligiran

Kalayaan Pagsunod sa batas Pagsusulong ng kabutihang panlahat

Pangalan ng mga taong Mga pagmamahalaga Sa anong sitwasyon mo nakita


nakaimpluwensya sa iyo na na kanilang taglay na ang mga pagpapahalagang ito
taglayin ang mga siyang nagpapakita ng sa kanila
pagpapahalagang nagpapakita kanilang pagmamahal
ng pagmamahal sa bayan. sa bayan na taglay nila

4
1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Gawain I.B.
Panuto: Basahing mabuti ang mga kilos o gawi na nagpapamalas ng pagiging Makabayan,
pagkatapos ay suriing maige ang sarili kung ito ba ay nagagawa o madalang. Sa kabilang column
ay ilagay ang 3 star ( ) kung madalas itong nagagawa, 2 star ( ) naman kung ito ay
madalang mong gawin at 1 star ( ) naman kung hindi nagagawa base sa pagsusuri mo sa iyong
sarili. Ilagay ang dahilan sa pangatlong kolum. Isang punto (1 punto) kapag nalagyan ng star at
naipaliwanag ang mga dahilan ng paglagay ng star.
(10 puntos)

Kilos o gawi na nagpapamalas ng pagiging Bilang ng star na Dahilan ng iyong paggawa/di


Makabayan nagsasabi kung paggawa sa mga kilos o gawi ng
gaano mo ito pagiging Makabayan ayon sa

5
kadalas gawin star na iyong inilagay.

1. Nag-aaral ng Mabuti upang mapayaman ang


sariling kaisipan

2. Pagpila ng maayos at may disiplina.

3. Pag-Awit ng Pambansang Awit(Lupang


Hinirang) ng buong puso,may paggalang at
dignidad.

4. Pagiging totoo at tapat sa mga gawain at hindi


nangongopya o nagpapakopya.

5. Pagiging responsible sa sa paggamit sa mga


pinagkukunang yamang likas gaya ng pagtitipid
sa tubig, pagtatanim ng mga puno at hindi
pagtatapon ng basura sa kung saan-saan
lamang.

6. Pagtangkilik sa mga gawang atin at sariling


atin.

7. Masusing pagpili ng karapat-dapat at tamang


pinuno

8. Maayos na pakitungo sa kapwa.

9. Paggalang sa mga nakakatanda at paggamit ng


po at opo kapag kinakausap sa personal man o
sa social media apps.

10. Taimtim na Pagdarasal para sa ikabubuti ng


Kapwa at ng ating Bansa

Gawain II. A: Transformational Look


Panuto: Gumuhit ng isang mag-aaral/avatar sa loob ng kahon (maaari din na ginupit-gupit na
larawan para makagawa ng collage) na naglalarawan sa iyo bilang isang mag-aaral na may
pagmamahal sa bayan, maaaring kulayan at lagyan ng mga palamuti nang naaayon sa iyong
kagustuhan. Punan ng naaayon na tugon ang bawat arrow sa labas ng kahon. ( 20 puntos)

Mga napiling Mga hakbang na


Pagpapahalaga na gagawin upang
makamit ang mga
indikasyon ng indikasyon na napili
pagmamahal sa
bayan
Sa loob ng box na ito iguguhit
ang iyong sarili/avatar bilang
isang mag-aaral na may
Halimbawa:
Halimbawa: malasakit at pagmamahal sa Araw-araw akong maglilinis ng

Kasipagan bayan. bakuran, maging sa paaralan

6
Gawain II.B. Ako si Makabayan, ang huling avatar!
Panuto: Gamit ang avatar na iyong nilikha sa Gawain I-A, ipaliwanag sa hindi babang sampung
pangungusap kung bakit ang kabuuang anyo ng iyong avatar ay siyang kumakatawan sa
iyong pagiging makabayan at pagmamahal sa bayan.(10 Puntos)

Gawain III.A: Kapag may katwiran, Ipagdasal mo!


Panuto: Gumawa ng isang panalangin. Tukuyin kung aling parte ng iyong panalangin ang
nagpapakita ng iyong pagmamahal sa bayan (patriyotismo) at ibahagi kung ano ang katwiran
ng iyong ipinalangin

Ang iyong katuwid na


Bahagi ng panalangin na pangangatwiran kung bakit mo
Kabuuang panalangin nagpapakita ng inihayag sa iyong panalangin at
pagmamahal sa bayan paano itong nagpapakita ng iyong
pagmamahal sa bayan.

7
Gawain III.C Ang iyong Idolo
Panuto: Gumupit ng larawan ng iyong idolong tao na kinakakitaan mo ng mataas na antas ng
pagmamahal sa bayan at idikit sa gitna ng star. Sa limang tusok ng star ay isulat ang
mga katangian ng iyong iniidolong tao na nagpapakita ng patriyotismo. Maaaring ang
iyong idolo ay isang sikat na tao o kaya naman ay isang simpleng mamamayan ng
inyong barangay o bayan.

Gawain III.C Ikaw ang kanilang Idolo


Panuto: Gumupit ng iyong larawan at idikit ito sa gitna ng star. Sa limang tusok ng star ay
isulat ang mga katangian nagpapakita ng iyong pagmamahal sa bayan na nais mong
ipamana sa mas nakababata sa iyo.

8
Susi sa Pagwawasto
Pamantayan sa Paggawa
Kategorya (15) (12) (10) Puntos

Nilalaman Nakumpleto ang May kulang na 1 May 3 o higit pa


mga kailangang o 2 na detalye na kulang sa
(15) detalye nang may mga detalyeng
kahusayan kailangan

(10) (8) (7)

Kabuuang Kahanga-hanga Maayos ang Nagpakita ng


Output ang pagkakasulat, pagkakasulat pagtupad sa
malinis at maayos gawain.
(10) ang ipinasa.

Kabuuang Iskor

(25)

Sanggunian

A. Inilimbag ng Pamahalaan
Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang
Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon.Pasig City
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10


QUARTER 3, WEEK 3 & 4

MELC:

9
 Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal
sa bayan. (“Hindi ka global citizen kung hindi ka mamamayan.”) EsP10PB-IIIe-11.3
 Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo)EsP10PB-IIIe-11.4

Pangalan:____________________________________ Petsa:_____________________
Baitang at Seksiyon:________________________ Iskor:_____________________

Gawain I.A. Hanapan ng Pagkakakilanlan


Panuto:Hanap salita: Maghanap ng sampung salitang nakalagay sa ibaba. Bilugan ang
salitang iyong mahahanap sa word box. Ang mga salitang ito ay maaaring nakasulat ng
pahalang, pababa o pa-slanting/patagilid.
Pagpapahalaga Katotohanan Pagmamahal

Pananampalataya Paggalang Pagmamalasakit

Katarungan Pamilya Kasipagan

Kalikasan Pagkakaisa Bayanihan

Gawain II Pagtapat-tapatin: Pagatapat-tapatin ang mga magkakaugnay na pangungusap o


salita mula sa hanay A sa hanay B sa pamamagitan ng paglagay ng letra ng iyong sagot sa
patlang bago ang mga numero sa hanay A suriing maigi ang sagot bago isulat sa patlang.
Note: maaaring dalawa o higit pa ang sagot sa bawat numero.

Hanay A Hanay B

Dimensiyon ng tao Mga Pagpapahalaga na Nagpapakita ng Pagmamahal sa


Bayan sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas

______1. Pangkatawan a. Katotohanan


______2. Pangkaisipan b. Pananampalataya
______3. Moral c. Katarungan

10
______4. Ispiritwal d. Kapayapaan
______5. Pang-ekonomiya e. Kaayusan
______6. Lahat ng f. Pagpapahalaga ng buhay
dimension g. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi
h. Kasipagan
i. Pagkakaisa
j. Paggalang
k. Pagsusulong ng kabutihang panlahat
l. Kabayahinan
m. Kalayaan
n. Pagsunod sa batas
o. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa

Gawain III : GRAPHIC ORGANIZER


I. Panuto: sipiin ang graphic organizer sa inyong papel at punan ng mga sagot na hinihiling
ng bawat bahagi nito. Pagkatapos gawin ay bigyan ng maikling pagpapaliwanag ang iyong
ginawang graphic organizer na hindi bababa sa dalawang talata. ( 4 na puntos)
sa ating bansa
iyong nakikita
suliraning
Mga

solusyon/tugon
Mga naiisip na
solusyon/tugon
ating bansa

Mga naiisip na

ating bansa
nakikita sa

Kasabihang
nakikita sa
suliraning

suliraning
solusyon/tugon
Mga naiisip na

iyong
iyong

iyong
Mga

Mga

pinanghahawa
kan ukol sa
pagmamahal
sa bayan. (hal.
Ang
kapakanan ng
Mga naiisip naay
kumunidad
PERFORMANCE TASK : Sa kanilang balintataw!
solusyon/tugon
ating
resposibilidad)
Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa mga mas nakatatanda sa iyo sa inyong pamilya.
Mga
Tanungin sila kung papaano nila ipinapakita ang kanilang pagmamahal sa ating bayan noong
suliraning
panahon na sila ay mga estudyante pa lamang.
iyong Isulat ang iyong mga datus na makakalap sa
nakikita
sa ating bansa
talaan sa ibaba, pagkatapos ay icheck kung alin sa kanilang mga nabanggit ang nakikita mong
ginagawa pa rin ngayon ng mga kabataan na kagaya mo.
Pangalan at edad ng Kaano-ano Mga gawaing nagpapakita ng Lagyan ng
Kinapanayam mo ang kanilang pagmamahal sa bayan tsek ( ) kung
iyong noong sila ay mga estudyante pa ang kanilang
kinapanyam lamang nabanggit ay
nagagawa pa

11
rin sa
ngayon.

1.

2.

3.

4.

5.

1.

2.

3.

4.

5.

1.

2.

3.

4.

5.

Susi sa Pagwawasto
Pamantayan sa Paggawa
Kategorya (15) (12) (10) Puntos

Nilalaman Nakumpleto ang May kulang na 1 o May 3 o higit pa


mga kailangang 2 na detalye na kulang sa
(15) detalye nang may mga detalyeng
kahusayan kailangan

(10) (8) (7)

Kabuuang Kahanga-hanga Maayos ang Nagpakita ng


Output ang pagkakasulat, pagkakasulat pagtupad sa
malinis at maayos gawain.
(10) ang ipinasa.

Kabuuang Iskor

12
(25)

SUSI SA PAGWAWASTO:

Hanapan ng Pagkakakilanlan

Matching Type

1. F
2. A
3. O
4. B
5. H
6. K

Rubric para sa “Ambag sa Lipunan” Gamit ang Graphic Organizer

13
Kraytirya 6 points 5 points 3-4 points 1-2 points

Organisasyon May koneksyon May May Walang


at Nilalaman ang mga koneksyon koneksyon koneksyon
solusyon naisip ang solusyon ang solusyon ang mga
sa kasabihang at kasabihang na naisip sa isinulat na
pinaniniwalaan naisip ngunit suliraning kasabihan
at sa mga walang naitala ngunit solusyon at
suliraning kinalaman sa walang maging ang
naitala naitalang kinalaman sa naitalang
suliranin naisip na suliranin.
kasabihan

14

You might also like