You are on page 1of 9

10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
QUARTER 4 – MODULE 5

Paninindigan Tungkol sa
Pangangalaga ng Sarili Laban
sa Pang-aabusong Sekswal
Tungo sa Maayos na Pagtingin
sa Sarili at Pagtataguyod ng
Dignidad ng Tao

1
Modyul 5: Paninindigan Tungkol sa Pangangalaga ng Sarili
Laban sa Pang-aabusong Seksuwal Tungo sa Maayos na Pagtingin sa
Sarili at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Unang Bahagi
Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng
bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang kahalagahan ng
paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin ng sekswalidad. Ang saklaw ng araling
napapaloob sa modyul na ito ay gagabay sa iyo upang magkaroon ng malinaw na posisyon sa
mga isyu ng kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad.

Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa:
15.3 Napangangatwiranan na: Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa
kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa
mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad ng tao.
(EsP10PI-IVb-13.3)
15.4 Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at seksuwalidad. (EsP10PI-IVb-13.4)

Sa nakaraang modyul, natukoy mo at nasuri ang iba’t ibang isyu tungkol sa


sekswalidad ng tao. Nalaman mo rin ang iba’t ibang sanhi at bunga sa mga taong sangkot sa
mga isyung ito. Nalaman mo na ang mga isyung sekswal na mga ito ay hindi nararapat gawin
lalo na ng kabataang tulad mo.

Mga katotohanang sinasalungat ng mga isyu tungkol sa sekswalidad:


1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sariling kaganapan, at ang pagtungo sa
kaganapang ito ay malaya at may kamalayan.
2. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa at katawan na kumikilos na magkatugma tungo sa
isang telos o layunin.
3. Upang marating ang kaniyang telos o layunin, kailangang gamitin ng tao ang kaniyang isip
at
kilos-loob na siyang magpapasiya kung ang kilos at pamamaraan ay mabuti o masama.

Kahalagahan ng Sekswalidad
Ang sekswalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa
sa atin sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya namang dahilan
kung bakit nilalang tayo ng Diyos. Ang paggamit sa mga kakayahang sekswal kabilang na ang
katawan bilang ekspresyon ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong gawin sa
tamang panahon. Ang mga sekswal na pakultad o kakayahan ng tao ay tumutukoy sa
dalawang layuning maaari lamang gawin ng isang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal. Ito
ay tumutugon sa layuning magkaroon ng anak ( procreative) at mapag-isa (unitive). Anumang

2
layuning taliwas sa dalawang nabanggit ay magdadala sa atin sa katotohanang mali ang ating
kilos sa paggamit ng ating sekswalidad. Halimbawa na rito ay ang pakikipagtalik kahit hindi pa
kasal, prostitusyon, pornograpiya, at pang-aabusong sekswal. Ang mga isyung ito ay
humaharap sa maling paggamit ng ating sekswalidad na nauuwi sa kawalan ng paggalang sa
dignidad ng tao.

Mga katangian ng isang malinaw na posisyon o pagpapasiya tungkol sa isyung pansekswal:


1. Nararapat na isang mabuting kilos 3. Sumusunod o naaayon sa batas
2. May mataas na pagpapahalaga 4. Paggalang sa sarili at sa iba pa

Mga halimbawa ng mga posisyon o pagpapasiyang dapat gawin ng mga kabataan tungkol sa
mga isyu sa sekswalidad:
1. Premarital Sex - Hanggang wala ako sa wastong gulang at hindi pa nakakasal ay wala
akong karapatang makipagtalik sa aking partner.
2. Pornograpiya- Dahil sa pornograpiya, maaaring mag-iba ang asal ng ibang tao. Ang
pornograpiya ay hindi sining. Kailangan nating irespeto ang ating katawan na kawangis ng
sa ati’y Lumalang.
3. Pang-aabusong Seksuwal- Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng mag-
asawa na naglalayong maipadama ang pagmamahal at magkaroon ng anak upang bumuo
ng pamilya. Ito ang esensya ng sekswalidad.
4. Prostitusyon- Mapagsamantala ang prostitusyon at naaabuso nito ang kaloob na handog ng
Diyos na sekswalidad sa pamamagitan ng maling pagdanas ng kaligayahang layunin ng
pakikipagtalik.

Ikalawang Bahagi
Gawain I-A
Panuto: Gumawa ng talaan ng mga isyu tungkol sa sekswalidad. Bigyang katwiran o dahilan
ang bawat isyu ayon sa magkasalungat na pananaw ng mga taong gumagawa at di-
gumagawa ng mga ito.

Pananaw ng mga Taong Pananaw ng mga Taong


Isyu Tungkol sa Sekswalidad
Gumagawa Nito Hindi Gumagawa Nito

1. Premarital Sex

2. Pornograpiya

3
3. Prostitusyon

4. Pang-aabusong sekswal

Gawain I-B
Panuto: Sa katatapos na gawain, sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa inyong
sagutang papel.
1. Sa palagay mo, naging makatuwiran ba ang magkasalungat na pananaw hinggil sa
mga isyu tungkol sa sekswalidad? Pangatwiranan.

2. Bilang isang kabataan, aling pananaw ang higit na dapat nangingibabaw sa iyo?
Bakit?

3. Bakit kailangan mo ng malawak na pang-unawa sa mga isyung may kinalaman sa


sekswalidad?

Gawain II
Panuto: Sa sagutang papel, kopyahin ang nasimulang pahayag sa ibaba at sagutin ang

4
mahalagang tanong na: Bakit mahalagang magkaroon ng malinaw na posisyon sa mga isyung
kawalan ng paggalang sa sekswalidad?
Mahalagang magkaroon ng malinaw na posisyon o paninindigan sa mga isyu ng
kawalan ng paggalang sa sekswalidad ng tao sapagkat
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain III
Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung anong isyu ng sekswalidad ang inilalarawan ng bawat
situwasyon sa ibaba. Pagkatapos, pangatuwiranan ang nararapat mong gawin sakaling
maharap ka sa mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Premarital Sex Pornograpiya Prostitusyon Pang-aabusong
seksuwal

_______1. Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga sa iyo ang pag-aaral dahil naniniwala
kang ito ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan. Nagtutulong-tulong ang iyong pamilya upang
makapagtapos ka ng pag-aaral. Mayroon ka ring kasintahan na mahal na mahal mo. Isang araw
nagyaya siyang pumasok kayo sa hotel upang mapatunayan ang pagmamahal na iyon. Sabi
niya, iiwanan ka niya at magpapakamatay siya kung hindi mo siya pagbibigyan.
Ano ang iyong gagawin? ________________________________________________________

_______ 2. Ikaw ay 15 taong gulang at miyembro ng mahirap na pamilya. Wala ka nang interes
na mag-aral mula nang paulit-ulit kang pagsamantalahan ng iyong amain. Nakilala mo ang isang
bagong kaibigan at niyaya ka niyang mamuhay sa lansangan at magbenta ng aliw.
Ano ang iyong gagawin? _________________________________________________________

_______ 3. Maysakit ang nanay mo at di siya makapagtrabaho. Wala kayong pambili ng gamot
at pagkain. Nagugutom na ang maliliit mong mga kapatid. Nakita ng kapitbahay ninyong lalaki
ang inyong sitwasyon. Inalok ka niya na makipagtalik sa kaniya kapalit ng perang pambili ng
gamot at pagkain.
Ano ang iyong gagawin? ________________________________________________________

________4. Isang araw, umuwi ang nanay mo na may kasamang lalaki. Ipinakilala niya ito sa
inyong magkakapatid bilang kaniyang kasintahan. Sa bahay na rin ninyo na tumira ang lalaki.
Mahal na mahal niya ito at sinusunod lahat ang gusto nito. Binilinan kayo ng inyong ina na
sumunod at paglingkuran ang kaniyang kasintahan. Isang gabing wala ang inyong ina, pumasok
ang kasintahan ng inyong ina sa iyong kuwarto at hinipuan ka sa maseselang bahagi ng iyong

5
katawan. Sinabi niyang huwag kang magsusumbong dahil kapag ginawa mo iyon, papatayin niya
ang inyong ina.
Ano ang iyong gagawin? _________________________________________________________

________ 5. Isang araw hiniling ng iyong kapitbahay na taga-Maynila na kunan ka ng litrato na


nakahubad. Sinabi rin niya sa iyo na maaari niya itong ipakita sa isang kompanya para kunin ka
sa pagmomodelo at hindi ka lang sisikat bagkus kikita ka ng malaking pera.
Ano ang iyong gagawin? _________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto
Gawain I-A (Malayang Pagsagot)
Isyu Tungkol sa Pananaw ng mga Taong Pananaw ng mga Taong
Sekswalidad Gumagawa Nito Hindi Gumagawa Nito

1. Premarital Sex -maaaring sukatan ng pag- - labag ito sa tunay na


ibig, eksperimento, layunin ng sekswalidad at
malayang pagsagot kawalan ng paggalang sa
minamahal, malayang
pagsagot

2. Pornograpiya -para may libangan at -nakapagpapababa ng


kasiyahan, malayang sariling pagkatao, malayang
pagsagot pagsagot

3. Prostitusyon - solusyon sa kahirapan, -mahalaga ang reputasyon at


malayang pagsagot kalusugan, malayang
pagsagot

4. Pang-aabusong sekswal - paraan ng paghihiganti, -sagrado ang buhay,


kapusukan, malayang mahalaga ang paggalang,
pagsagot malayang pagsagot

Gawain I-B (Malayang Pagsagot)

6
Gawain II
Mahalagang magkaroon ng malinaw na posisyon sa mga isyu ng kawalan ng paggalang sa
sekswalidad ng tao sapagkat ang tamang kaalaman sa mga isyung ito ay makatutulong sa
pagkakaroon ng mataas na pagpapahalaga at paggalang sa pagkatao natin at sa tunay na
layunin nito. (malayang pagsagot)

Gawain III
1. Premarital Sex (malayang pagsagot)
2. Pang-aabusong sekswal, Prostitusyon (malayang pagsagot)
3. Prostitusyon (malayang pagsagot)
4. Pang-aabusong sekswal (malayang pagsagot)
5. Pornograpiya (malayang pagsagot)

Sanggunian
A. Inilimbag ng Pamahalaan
Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang
Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon.Pasig City

Republic of the Philippines


Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10


QUARTER 4, WEEK 5

MELC: Napangangatwiranan na: Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa


kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa
mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad ng tao.
K to 12 BEC CG: EsP10PI-IVb-15.3
MELC: Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng paggalang
sa dignidad at sekswalidad. K to 12 BEC CG: EsP10PI-IVb-15.4

Pangalan:_______________________________________ Petsa:____________________
Baitang at Seksyon: ______________________________ Iskor:_____________________
Gawain A.1
Panuto: Piliin ang naaangkop na isyung sekswalidad sa mga sumusunod na posisyon o pag-
papasiyang dapat gawin ng isang kabataan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang
sagot
Pagpipilian: A. Prostitusyon C. Premarital Sex
B. Pornograpiya D. Pang-aabusong Sekswal

7
1. Ang isyung ito ay hindi sining. Kailangan nating irespeto ang ating katawan na kawangis ng
sa ati’y lumalang.
2. Hanggang wala ako sa wastong gulang at hindi pa nakakasal ay wala akong karapatang
makipagtalik sa aking partner.
3. Dahil sa isyung ito, maaaring mag-iba ang asal ng ibang tao at nakapagpapababa ito ng
pagkatao.
4. Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong
maipadama ang pagmamahal at magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya. Ito ang
esensya ng sekswalidad.
5. Mapagsamantala ang isyung ito at naaabuso nito ang kaloob na handog ng Diyos na
sekswalidad sa pamamagitan ng maling pagdanas ng kaligayahang layunin ng
pakikipagtalik.

Gawain A.2
Panuto: Piliin ang naaangkop na salita upang mabuo ang konseptong nakapaloob sa
katotohanang sinasalungat ng mga isyu tungkol sa sekswalidad. Isulat sa sagutang papel ang
letra ng tamang sagot.
6. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa at katawan na kumikilos na magkatugma tungo sa
isang telos o _____.
A. kaganapan B. layunin C. paraan D. kabutihan

7. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sariling kaganapan, at ang pagtungo sa
kaganapang ito ay malaya at may _____.
A. katuturan B. katatagan C. kamalayan D. kaalaman
8. Upang marating ang isang layunin, kailangang gamitin ng tao ang kaniyang isip at _____
na siyang magpapasiya kung ang kilos at pamamaraan ay mabuti o masama.
A. kilos-loob B. kaluluwa C. puso D. damdamin

Gawain A.3
Panuto: Sagutin ang bawat tanong sa pamamagitan ng pagdugtong sa mga nasimulang
pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
9. Ang pangsekswal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa anong mga
layunin?
Ito ay tumutugon sa layuning magkaroon ng ________________________________
10. Bakit kailangan mo ng malawak na pang-unawa sa mga isyung may kinalaman sa
sekswalidad?
Mahalaga ang malawak na pang-unawa sa mga isyung may kinalaman sa
sekswalidad sapagkat __________________________________________________

Gawain B Performace Task (25 Puntos)


Panuto: Para sa karagdagang kaalaman at magabayan ka sa wastong paglinang ng iyong
sekswalidad, magsaliksik at isulat ang maaaring Sanhi bakit nangyayari ito sa isang tao at ang
Bunga nito dulot ng mga pangyayari. Sundan ang pormat, isulat ito sa sagutang papel.
Pamagat: Sekswaliksik
8
Paglabag sa Sekswalidad Sanhi Bunga Pansariling Posisyon

1. pre-marital sex

2. pornograpiya

3.pang-aabusong
seksuwal

4. pagkasadlak sa

prostitusyon

Pamantayan sa Paggawa (Pagsasaliksik at Pagsulat ng Sanhi at Bunga)


Kategorya (15) (12) (10)
Nilalaman Nakumpleto ang mga May kulang na 1 May 3 o higit pa na
(15) kailangang detalye nang o 2 na detalye kulang sa mga
may kahusayan detalyeng kailangan
(10) (8) (7)
Kabuuang Kahanga-hanga ang Maayos ang Nagpakita ng pagtupad
Output pagkakasulat, malinis at pagkakasulat sa gawain.
(10) maayos ang ipinasa.
Kabuuang Iskor
(25)

You might also like